DLP Suliranin

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Masusing Banghay-Aralin sa

Araling Panlipunan 10
Mga Konteporaryung Isyu

I. Mga Layunin

Sa loob ng 60-minuto ang mga mag-aaral ay :


1. Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas;
2. Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapiligiran; at
3. Nabibigyang halaga ang kalikasan sa pamamagitan ng paglalahad ng
mabuting dulot nito sa lipunan.

II. Nilalaman
Paksa: Aralin 1: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran

III. Kagamitang Pampagkatuto

Sanggunian:
 Modyul ng Mag-aaral ( Araling Panlipunan 10 Kontemporaryong Isyu)
AP10IPE-Ib-3 Pahina 51 – 85
 Paghahanda sa Kalamidad (Philippines Non- Formal Education Projects).
2001.pp. 42-47
Iba pang Kagamitan: PowerPoint Presentation, larawan,video

IV. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain
i. Pagbati
ii. Panalangin
iii. Pagaayos ng Silid
iv. Pagtala ng Liban
v. Pagbabalik Aral
Panuto:Ang mga mag-aaral ay susubuking tukuyin ang mga likas
na yaman gamit ang sumusunod na larawan.


b. Pagganyak

Gawain: “Pag-awit”

Panuto: Ang mga mag-aaral ay sabay sabay na aawit ng “Para sa ating kalikasan”

Pamprosesong mga Tanong:


1. Sa iyong palagay, may kinalaman baa ng ating inawit sa ating leksyon na tatalakayin
ngayon?
2. Bakit may mga pagkakataon na malaki ang pinsalang dulot ng mga kalamidad sa
buhay at ari-arian?
3. Paano magiging handa ang isang lugar sa pagharap sa mga kalamidad?

C. Paglalahad/ Pagtatalakay

1. Pagpapanood ng maiksing video ukol sa mga suliranin ng kapaligiran sa


Pilipinas.
2. Pagtalakay sa kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran sa Pilipinas
3. Pagtalakay sa mga epekto ng suliraning pangkapaligiran
d. Paglalahat
Ang guro ay maglalahat ng ilang katanungan para sa paglalahat ng paksa.

Pamprosesong Tanong:
1. Ang suliraning pangkapaligiran ba na ating nararanasan ay may kaugnayan sa
isa’t isa? Patunayan.
2. Ano ang kalagayan ng kapaligiran ng Pilipinas?
3. Ano ang iba’t- ibang epekto ng mga suliraning ito sa iba’t-ibang aspeto ng buhay
ng tao?
e. Paglalapat

Gawain: Ms. Q & A style

Panuto: Ang mga piling mag-aaral ay bubunot ng tanong sa inihandang kahon ng


guro. Ang mag-aaral ay bibigyan lamang ng 45 - segundo upang sagutin ito.

1. Sa paglala ng suliraning pangkalikasan, Sino ang may mas pagkukulang?


Mamayan o Gobyerno
2. Kung ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan na makakatulong sa kalikasan.
Ano ito at Bakit?
3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makausap ang Presidente anong proyekto
ang nais mong ilahad sa kanya? Ano ito at Bakit?

f. Pagtataya

Gawain : Paggawa ng maiksing sanaysay

Panuto: Sa isang buong papel saguting ang katanungan ito: Bilang isang mag-aaral, ano
ang maitutulong mo upang maibsan ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran?

Rubric sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos

Kawastuhan ng ideya sa paksa 10

Organisado ang paglalahad ng ideya 5

May sapat na katibayang iniharap sa 5


pangangatwiran

Kabubuan 20
V. Takdang-Aralin
Gawain : Sa aking komunidad
Panuto : Magsaliksik ng programa para sa solid waste management na
ipinatutupad sa inyong paaralan o barangay. Gumawa ng presentation tungkol
dito
Rubric para sa presentation
Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nilalaman Makatotohanan ang nilalaman ng


presentasyon. Gumamit ng mga
larawan, datos, at iba pang
sanggunian upang suportahan ang 10
impormasyong binanggit sa
presentasyon.

Pagsusuri Naipahayag ang mga dahilan ng mga


kinahaharap na pagsubok o
pagtatagumpay ng programa at 10
nakapagbigay ng mungkahi upang
magpatuloy ang mga ito.
Pagkamalikhain Gumamit ng malikhaing paraan sa 5
paglalahad ng programa.
Kabuuan 25

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano-ano ang mga balakid na kinaharap o kinahaharap ng programa na inyong
inilahad?
2. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa mga programa para
sa solid waste management?
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa
solid waste?

Inihanda ni:

Pangalan: Leodones, Jamaica M.

You might also like