Mga Tauhan at Buod NG El Filibusterismo
Mga Tauhan at Buod NG El Filibusterismo
Mga Tauhan at Buod NG El Filibusterismo
Buod
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang
sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong
taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng
Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng
Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang
mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng
karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa
kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto.
Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga
prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari:
Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na
ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga
pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay
ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na
kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang
tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na
tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang
nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng
kumbento.
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay
nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan.
Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang
malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang
tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng
kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong
taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na
mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng
isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.