RESEARCH PDF

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10 SA PAGLALA NG

KORUPSYON SA LIPUNAN

KABANATA 1

MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ay ang ugat ng lahat ng kasamaan. Hindi

lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay nagunguna sa larangan ng korapsyon.

Ito ay karaniwang

tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa

posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad

bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Ito ay isang

sistemang pagnanakaw ng indibidwal na nasa posisyon ng pera ng kinasasakupan niya para sa

sariling kapakanan. Ang korupsyon ay laganap sa buhay ng tao.Nakikita ito sa gobyerno,sa

kapulisan,at maging sasistema ng hustisya na may roon angisang bansa .Mapapansin natin na

ang korupsyon ay likas na sa tao,lalo na kung ikaw ay uhaw na uhaw sa mga luho o kaya sa mga

magagandang bagay sa mundo.

Ayon nga sa isang pahayagan sa BATAYANGPILIPINAS, ang Korapsyon o Pagnanakaw sa

pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang

sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa mga

ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa ang

kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at

pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa

trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan.


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10 SA PAGLALA NG
KORUPSYON SA LIPUNAN

Sa likod ng KORAPSYON may KAHIRAPANG magaganap sa ating nasyon. Namumuhay

tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay.

Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng

kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno.

Ninanakaw nila ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang

Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam

natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng

sunod sunod na pagtaas ng bilihin. Ang Korapsyon sa bansa ay katulad ng

isang cancer na pilit ginagamot ngunit hindi malunasan. Isa sa mga napapanahong problema ng

ating bansa at maging sa ibang bansa rin ay ang patuloy na isyu ng korapsyon o katiwalian.

Hanggang hindi mababago ang sistema ng ating pamahalaan ay habang buhay nating pasanin sa

ating mga balikat ang epekto ng korupsyon sa ating bansa.

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

lumalalang korapsyon sa ating lipunan . Layunin rin ng pananalksik na ito na mamulat ang mga

mag-aaral sa krimen na ito at maipabatid din sa mga nasa posisyon ang katiwaliang nagaganap

sa sistema ng gobyerno.
PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10 SA PAGLALA NG
KORUPSYON SA LIPUNAN

Ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ay ang ugat ng lahat ng kasamaan. Hindi lingid sa ating kaalaman na
ang ating bansa ay nagunguna sa larangan ng korapsyon.

Walang sektor sa ating lipunan ang hindi nasasangkot sa mga anomalaya tungkol sa pera at iba pang hindi kanais-
nais na mga gawain.

Marami ang pinagkakakitaan ang ating pamahalaan. Sa larangan ng turismo, sa medikal na pagpapaganda, sa mga
natural na yaman at maging sa pakikipagkalakarang pang-labas, malaki ang naiaambag ng mga ito sa kabang-bayan
ng ating babnsa.

Ang mga buwis na lamang ay sapat na sana para makatugon sa pangangailangan ng ating mga kapos- palad na mga
kababayan, ngunit sa pagiging gahaman ng mga ilan ay nauuwi ito sa kanilang pansariling kapakanan lamang.

Kung ating susuriin hindi kahirapan ang ating pangunahing suliranin sa ating lipunan. Ang ugat nito ang siyang
dahilan, at ito ay ang korapsyon. Malawak at malala ang suliraning korapsyon.

Naging parte na ito ng sistema ng lahat ng sektor ng ating gobyerno. Mayroong mga matitino sa ating pamahalaan,
ngunit paglabas nila sa burukrasya ay mga bubot na rin sila. Malakas at sadyang mahirap labanan ang tukso dulot ng
malaking halaga ng salapi.

Masyadong maluwag ang ating batas kapag korapsyon na ang pinag-uusapan. Bakit? Kasi ang gumagawa ng batas
tungkol dito ay sila din mismo ang mga pangunahing gumagawa ng katiwalian.
halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa korapsyonSa aking pananaw ay wala ng solusyon ang korapsyon,
bagkus ito ay lalong lumalala. Mayroong kinikilingan ang ating batas. Kapag ordinaryong tao ang sangkot, mabilis
itong umusad, ngunit kapag maimpluwensiyang tao ang sangkot, nauuwi lamang ito sa pagdismiss ng mga kaso sa
kinalaunan.

Hannggang hindi mababago ang sistema ng ating pamahalaan ay habang buhay nating pasanin sa ating mga balikat
ang epekto ng korupsyon sa ating bansa.
PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10 SA PAGLALA NG
KORUPSYON SA LIPUNAN

You might also like