Pananaliksik

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

https://www.scribd.

com/doc/251720111/Korapsyon-Pananaliksik-Sa-Filipino

Senior High SchoolFilipino 5 points

Epekto at sanhi nang korupsiyon

Ask for details Follow Report by Junelyngan12 09.07.2017

Answers

jamesfuertes12 Ambitious

Malaki ang perwisyo ng korapsyon sa buhay ng mga mamamayan. Ito ay ilan sa mga epekto ng korapsyon
sa bayan:

Pagkukulang ng mga serbisyo para sa mamamayan.

Kakulangan ng katarungan

Pagbaba ng pag-asa ng pagkakaroon ng trabaho

Pagbaba dumi ng paligid

Pagdami ng polusyon

Kawalan ng tiwala sa pamahalaan

Pagbagsak sa kalakalan ng bansa

Ang Korapsyon o Pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing
dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit:
Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa
ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at
pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa trabaho at
pangingibang bansa ng ating mga kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon.

Ang salitang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang mga sambayanang Pilipino. Napakasakit man isipin na
dahil sa kagagawan ng mga taong ating pinagkatiwalaan ay siyang magiging dahilan ng paghihirap at
pagkagutom ng karamihan sa lahat. Hindi kaila sa atin na kapag naririnig ang salitang pulitika at
gobyerno pumapasok at pumapasok parin ang salitang korapsyon. Ito ay wala sa malaking sistema kundi
matatagpuan sa indibidwal na tao. Bawat isa sa atin ay may kakayahan para magkaroon ng korapsyon.
Ang simpleng pangongopya, pagbibigay ng lagay upang mas mapabilis ang transaksyon, pagnanakaw ay
ilan lamang na porma ng korapsyon. Karamihan sa mga ospital ay kulang ng nurs, doctor, gamot, mga
makabagong teknolohiya o kagamitan, mababa ang kalidad ng edukasyon, marami ang mga taong
walang trabaho at nangingibang-bansa upang hanapin ang kanilang kapalaran. Ilan lamang ang mga yan
sa mga epekto ng korapsyon sa ating buhay at higit sa lahat sa ating bansa

KABANATA I Ang Suliranin Introduksiyon Isa sa mga pinakamalaking sakit ng ating bansa at maging sa
ibang bansa rin ay ang patuloy na isyu ng korapsyon o katiwalian. Ang korapsyon ay nakaukit na sa loob
ng ating sistema, at naisasagawa sa pang-ekonomiya at panlipunang mga kadahilanan na may pansariling
interes at isang baluktot na kahulugan ng katapatan sa mga kaibigan at kamag-anak. Ngunit masasabi ba
talaga nating isa na nga ba itong parte ng ating kultura? Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o
pangungurakot ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang tumutukoy sa
pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o
isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa
hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay
tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.
Ang korapsyon ay laganap na sa buhay ng mga tao. Nakikita ito sa gobyerno, sa kapulisan, at maging sa
sistema ng hustisya na mayroon ang isang bansa. Sa mga kaso ng pork barrel, mga massacre na
nangyayari at nababalita sa bansa, bakit nga ba walang naidadala sa kulungan? May iilan ngang hindi
naibabalita, at may ilan namang naidadala naman sa awa at pangungutya lamang. Makikita rin ang
korapsyon sa pang-aabuso sa kapangyarihan, pakikipagsabwatan, pandaraya sa halalan, pagnanakaw ng
kabang yaman ng bansa, panunuhol at pagtanggap ng suhol, pagtangkilik o Padrino, at pangingikil.
Mapapansin natin na ang korapsyon ay likas sa tao, lalo na kung ikaw ay uhaw na uhaw sa mga luho o
kaya sa mga magagandang bagay sa mundo. Sa tingin ko hindi lang kasalanan ng opisyal na maging
gahaman nang makuha ang gustong posisyon sa pamahalaan. Mayroon malaking kontribusyon ang taong
bayan; ang taong bayan ay may kapangyarihang bumoto at pumili ng taong tama para sa posisyon kaso
ang nangyayari nagpapabili sila o kaya yung iba walang tamang kaalaman sa pagboto lalo na ang mga
mahihirap. Naiintindihan naman natin na masarap tumanggap ng pera pero dapat natin tandaan na yung
pera na natanggap mo ay galing sa buwis ng mga taxpayer. Makikitang ang kahirapan ang isa sa mga
dahilan ng korapsyon. Sabi nga ng

kasabihang, “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.”, napipilitang magnakaw ang

mga tao. Ngunit masasabi rin nating, paano naman ang mga mayayaman na patuloy pa ring
nagnanakaw? Sadyang hindi nga makuntento ang tao sa kung anong mayroon sila.

Hindi nga natin itinatakwil ang korapsyon, sapagkat binabati pa natin ito, pinapaimbabaw, at
hinahayaang magpatuloy sa bansa at maging sa sarili. Makikita ito

sa ‘pakikisama’ ng bawat Pili

pino at pamilya, kaibigan, at iilan sapagkat nakikinabang

ang lahat kung hindi isusumbong o

isusuko sa may taas. At dito rin makikita ang ‘utang na loob’ sa mga nagawa ng kapwa sa atin na wari ay
isang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Minsan nama’y sadyang b

ahag ang buntot ng mga Pilipino, takot sa mga maaaring mangyari, at baka maging mapanganib pa ang
buhay kung magsumbong man. Ang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-
dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito
rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at
makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa
kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging
dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan. Ang mga nabanggit ay
ilan lamang sa epekto ng korapsyon
.

Ito ang napakasamang epekto ng korapsyon, oo nga masaya ang mga taong mayaman at may kaya pero
lugmok sa kahirapan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Pilipinas dahil hindi nila basta maiwan o
mahiwalay sa kanilang pamilya. Ganito ba habang buhay Pilipinas naghihirap dahil sa korapsyon? At
napansin naman natin na maraming Pilipino na pinipili na maging OFW upang maibigay at masuportahan
ang kanilang pamilya kahit man ito ay mahirap. Ano nga ba ang ugat ng korapsyon? Isa sa mga ginagawa
natin upang mapayapa an gating konsyensya ay ang pag-iisip na,

“maliit na bagay lang naman, hindi naman ito makakasakit.”; “ginagawa rin naman ng lahat ito eh.”;
“nasa sistema na rin naman, makikinabang na lang rin ako.”. Mga ganitong pag

-iisip ay nakakapag-udyok ng korapsyon, kasakiman, at pagkamakasarili. Itong mga pag-iisip ang


naggaganyak sa atin na tahakin ang daan kung saan madaling gawin ang isang bagay at kapaki-
pakinabang. Isa sa maaaring dahilan kung bakit bulag tayo

You might also like