Sa Sarili Nagsisimula Ang Pagbabago
Sa Sarili Nagsisimula Ang Pagbabago
Sa Sarili Nagsisimula Ang Pagbabago
Ibang iba na talaga ang takbo ng panahon ngayon. Tama nga talaga siguro ang
kasabihan na pagbabago lamang ang permanenting bagay sa ating mundo. Pero bakit
ganun? Bakit ang mga tao mismo ay hindi kayang magbago para sa kabutihan. Hindi ko
naman nilalahat pero matagal pa raw talaga ang sinasabi nilang mga proseso.
Pero bakit nga ba sa tuwing malapit ng matapos ang taon ay gumagawa sila ng
mga resolusyon ngunit hindi naman ito nasusunod? Tinatambak lamang sa ising silid o
sa kanilang mga kaisipan na para sa kanilang pagbabago ngunit hindi pa nga lampas
isang minuto ay parang kinalimutan na ang mga ito. Nagawa lang ba ang mga ito dahil
sumasabay sa uso? Kaya’t sa huli hanggang sabi sabi lang naman pala ang kaya. Ilang
taon ka na ba gumagawa ng new year’s resolution? Nagbabago ka ba o ang resolusyon
mo ang nagbago dahil ito ay pa iba-iba na?
Bakit nga ba sa tuwing may gagawing kabutihan ang isang tao ay pinapatanong
pa kung bakit niya ginawa ang kagandahang-asal na iyon? Bakit ka pa nagtatanong?
Dahil ba naalala mo noong ikaw ay hinatulan ng kamaliang hindi mo naman ginawa ngunit
wala ka namang ibang magawa upang ipagtanggol ang sarili mo dahil pinaglalaban nila
na ikaw pa rin ang may sala? Nagbibigay sila ng mga ebidensiya na hindi mo naman
alam kung saan na naman nila ito nakuha.
Bakit nga ba sa tuwing mayroong mga grupo o aktibibdad na gagawin ay hindi
nawawala ang isang kompetisyon? Hindi naman ito katulad ng tawag ng tanghalan na
kailangan ng pangmalakasang tinig upang manalo dahil sa sobrang lakas ng iyong boses
hindi na maririnig ang mga opinyon ng ibang tao. At kung sino naman ang malakas sa
punong hurado at sa mga tao kahit hindi naman kagalingan ay siya pa rin ang mananaig
kahit labag sa puso ng mga makikinig kasi ang batayan ay hindi binabago.
Pwede ba na kooperasyon na lamang ang pairalin upang mas mapadali ang mga
ginagawa? Hindi yung palaging gusto mong mauna pagkatapos sila ay nasa likuran mo
pa kaya’t minsan ikaw ay naiinis sa paghihintay o natutuwa dahil ikaw yung nakakaangat.
Diba nga may kasabihan na, “ang hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan
ay hindi rin makakarating sa kanyang paroroonan”, kaya huwag mong balewalain ang
mga taong na sa iyong mga likuran dahil kung wala sila hindi mo naman mararanasan na
maging una. Uso rin naman kasing magbago.
Pero bakit na ba tayo nahihirapang magbago para sa kabutihan? Natatakot lang
ba tayo o hindi lang talaga natin ito gusto? Natatakot ba tayo na kapag nagbago ang
takbo ng ating mga isip ay malalamangan o mahihigitan tayo ng ibang tao? O hindi kaya
nasanay nalang tayo sa kinalakihang kaugalian na kung anong meron tayo o sa ating
kapaligiran?
Ikaw ba, ganyan ba ang na sa isip mo? Takot kang magbago para sa kabutihan
dahil sa impluwensiya ng ibang tao o hindi kaya ikaw ang nag-iimpluwensiya sa iyong
kapwa?
Sa mga nasabi ko may realisasyon ka ba? Gusto mo bang magbago para sa
kabutihan upang sumabay sa pagbabago ng panahon o gusto mo lang manatili kung ano
at sino ka ngayon?
NLDY
STEM 12
Gusto mo ba ng huwad na pagbabago?
Ibang iba na talaga ang takbo ng panahon ngayon. Tama nga talaga siguro ang kasabihan
na pagbabago lamang ang permanenting bagay sa ating mundo. Pero bakit ganun? Bakit ang mga
tao mismo ay hindi kayang magbago para sa kabutihan. Hindi ko naman nilalahat pero matagal pa
raw talaga ang sinasabi nilang mga proseso.
Pero bakit nga ba sa tuwing malapit ng matapos ang taon ay gumagawa sila ng mga
resolusyon ngunit hindi naman ito nasusunod? Tinatambak lamang sa ising silid o sa kanilang mga
kaisipan na para sa kanilang pagbabago ngunit hindi pa nga lampas isang minuto ay parang
kinalimutan na ang mga ito. Nagawa lang ba ang mga ito dahil sumasabay sa uso? Kaya’t sa huli
hanggang sabi sabi lang naman pala ang kaya. Ilang taon ka na ba gumagawa ng new year’s
resolution? Nagbabago ka ba o ang resolusyon mo ang nagbago dahil ito ay pa iba-iba na?
Bakit nga ba sa tuwing may gagawing kabutihan ang isang tao ay pinapatanong pa kung
bakit niya ginawa ang kagandahang-asal na iyon? Bakit ka pa nagtatanong? Dahil ba naalala mo
noong ikaw ay hinatulan ng kamaliang hindi mo naman ginawa ngunit wala ka namang ibang
magawa upang ipagtanggol ang sarili mo dahil pinaglalaban nila na ikaw pa rin ang may sala?
Nagbibigay sila ng mga ebidensiya na hindi mo naman alam kung saan na naman nila ito nakuha.
Bakit nga ba sa tuwing mayroong mga grupo o aktibibdad na gagawin ay hindi nawawala
ang isang kompetisyon? Hindi naman ito katulad ng tawag ng tanghalan na kailangan ng
pangmalakasang tinig upang manalo dahil sa sobrang lakas ng iyong boses hindi na maririnig ang
mga opinyon ng ibang tao. At kung sino naman ang malakas sa punong hurado at sa mga tao kahit
hindi naman kagalingan ay siya pa rin ang mananaig kahit labag sa puso ng mga makikinig kasi
ang batayan ay hindi binabago.
Pwede ba na kooperasyon na lamang ang pairalin upang mas mapadali ang mga ginagawa?
Hindi yung palaging gusto mong mauna pagkatapos sila ay nasa likuran mo pa kaya’t minsan ikaw
ay naiinis sa paghihintay o natutuwa dahil ikaw yung nakakaangat. Diba nga may kasabihan na,
“ang hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi rin makakarating sa kanyang
paroroonan”, kaya huwag mong balewalain ang mga taong na sa iyong mga likuran dahil kung
wala sila hindi mo naman mararanasan na maging una. Uso rin naman kasing magbago.
Pero bakit na ba tayo nahihirapang magbago para sa kabutihan? Natatakot lang ba tayo o
hindi lang talaga natin ito gusto? Natatakot ba tayo na kapag nagbago ang takbo ng ating mga isip
ay malalamangan o mahihigitan tayo ng ibang tao? O hindi kaya nasanay nalang tayo sa
kinalakihang kaugalian na kung anong meron tayo o sa ating kapaligiran?
Ikaw ba, ganyan ba ang na sa isip mo? Takot kang magbago para sa kabutihan dahil sa
impluwensiya ng ibang tao o hindi kaya ikaw ang nag-iimpluwensiya sa iyong kapwa?
Sa mga nasabi ko may realisasyon ka ba? Gusto mo bang magbago para sa kabutihan upang
sumabay sa pagbabago ng panahon o gusto mo lang manatili kung ano at sino ka ngayon?