6a Buhayin Ang Kabundukan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating

kapaligiran. Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga

pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na nakalulunas

ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil

ng erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong

watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig.

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating

lugar na pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti

nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami

na ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t

ibang pook.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment

and Natural Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa

pag-aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay

nabigyan ng solusyon. Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno

kapalit ng mga pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng

DENR. Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang

panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga

kabundukan.
BILANG NG SALITA: 204
MGA TANONG:

1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng

tao?

a. Bato b. ginto c. lupa d. punungkahoy

2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?

a. pagsunog ng puno b. pagtanim ng puno

c. pagputol ng puno d. pagparami ng puno

3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga

puno?

a. Naliligaw sila sa gubat. b. Wala silang matitirahan.

c. Nakakain sila ng ibang hayop. d. Madali silang nahuhuli ng tao.

4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal)

a. Erosyon b. kalamidad c. reforestation d. watershed

5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol

ng mga puno ng kagubatan?

a. Mapagbigay b. masipag c. sakim d. tamad

6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?

a. maiiwasan ang tagtuyot b. maiiwasan ang pagbaha

c. maiiwasan ang pag-ulan d. maiiwasan ang pagbagyo

7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang Kabundukan:”

a. Magtanim ng Mga Puno

b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon

c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman

d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak

8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha

sa kapatagan?

a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.

b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.


c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.

d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.

Antas: 6
Part A

Kabuuang oras ng pagbasa ___ minuto Rate ng Pagbasa ____ salita/minuto

Sagot sa mga tanong: Marka_____ %=______ Comprehension Level_______________

1. _____ 5. _____
2. _____ 6. _____
3. _____ 7. _____
4. _____ 8. _____

Part B

Word Reading (Pagbasa)

Seleksyon: Parol sa may Bintana Level: 4 Set: B


206

You might also like