Sec. Robredo Dies in Plane Crash
Sec. Robredo Dies in Plane Crash
Sec. Robredo Dies in Plane Crash
Isang pribadong Cessna plane na kinalululanan ni Department of Interior and Local Government (DILG)
Sec. Jesse Robredo ang nag-crash sa dagat ng Masbate kahapon, ayon sa Malacañang.
Sa isang text message kinumpirma ni presidential spokesman Edwin Lacierda na lulan ng bumagsak na
eroplano si Robredo at patuloy umano ang isinasagawang search and rescue operation sa pinagbagsakan ng
naturang 4-seater plane.
Samantala, sa natanggap na report ng palasyo mula kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)
head william Hotchkiss, isang aide ni Robredo ang nakaligtas sa plane crash at ito ang siyang humingi ng
tulong sa mga opisyal ng Masbate. "May report na may eroplanong nag-takeoff from Mactan to Naga, nagreport
ng emergency malápit sa Masbate, the CAAP alerted the local airport manager and local Coast Guard on the
incident" pahayag ni Hotchkiss kung saan nawalan umano ng kontak sa eroplano na bumagsak may 150 metro
mula sa Masbate airport.
Base naman sa inisyal na ulat mula kay Masbate City Vice Governor Vince Revil, bumagsak ang Cessna
172 plane na kinalululanan ni Robredo, may 150 metro ang layo sa Masbate Airport matapos makapag-
emergency call ang piloto nito na kinakailangan nilang mag-emergency landing sa Masbate Airport subalit
hindi na ito umabot doon at bumagsak na sa dagat. "Nag-emergency call that they are going to have an
emergency landing sa Masbate City Airport about 5:00 P.M pero nag-crash ang plane about 150 meters away
from the airport. Nag-crash sa dagat," pahayag ni Revil.
Nabatid na galíng ng Cebu ang naturang private plane kung saan dumalo sa isang political meeting at pauwi
sana sa kanyang pamilya sa Naga City, Camarines Sur kung saan siya dating mayor nang maganap ang
trahedya.
Umalis sa Mactan airport ang Cessna plane ng grupo ni Robredo, isa ring kolumnista ng pahayagang ito,
dakong alas-tres ng hapon.
Napag-alaman pa kay Vice Gov. Revil na isa na sa mga aide ni Robredo ang na-rescue at ito ang nagturo ng
eksaktong pinagbagsakan ng Cessna plane.
Sa ulat naman ni Communications Sec. Ricky Carandang, sa testimonya ng aide ng kalihim na si Capt. Jun
Abrazado, nasa himpapawid na umano silá nang magkaaberya ang eroplano dahilan upang humingi ng
clearance ang kanilang piloto ng emergency.