Bahagi NG Pangungusap

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Mercado, Marichar Mae C.

Montecalvo, Honey Jane

BA-Filipino 2-A

I. Paksa

Bahagi ng Pangungusap

II. Layunin

A. Matukoy ang dalawang bahagi ng pangungusap at ang mga uri.


B. Makagawa ng mahusay at tamang pangungusap gamit ang dalawang bahagi ng
pangungusap at mga uri nito.
C. Napapahalagahan ang bawat bahagi sa pagbuo ng pangungusap.

III. Introduksyon

Ang papel na ito ay tungkol sa bahagi ng pangungusap. Kung babalikan ng tanaw kung ano
ang pangungusap, ito ay tumutukoy sa kalipunan ng mga pangungusap na nagsasaad ng isang
kaisipan o buong diwa. Ang bahagi ng pangungusap ay makikita sa pangungusap na predikatibo.
Kung babalikang-tanaw, ang predikatibong pangungusap ay may paksa at panaguri. Ito ay ang
paksa o tinatawag ding simuno at ang panaguri. Ang paksa o simuno ay kadalasang makikita sa
unahang bahagi ng pangungusap, habang ang panaguri naman ay kadalasang makikita sa
kasunod na bahagi ng paksa, ngunit gaya ng paksa, maaari rin itong makita sa unahang bahagi
bago ang paksa.

Ang papel na ito ay naglalaman ng patungkol sa paksa at ng panaguri at ang mga uri nito.
Binibigyang diin dito sa kung paano naging paksa at panaguri ang mga naturang uri. Bawat uri
ng paksa ay may binabayan ulang ito ay matawag na paksang pangngalan, paksang panghalip,
paksang pang-uri, paksang pang-abay, paksang pandiwa, o di kaya'y paksang pawatas. Kagaya ng
paksa o tinatawag ding simuno, ganoon din ang kasunod na bahagi ng pangungusap, ito ay ang
panaguri. Mayroon din itong iba't ibang uri, ito ay ang panaguring pangngalan, panaguring
panghalip, panaguring pang-uri, panaguring pandiwa, panaguring pang-abay at ang panaguring
pawatas. Ang mga nasabing uri ng paksa at ng panaguri ay mas mailalarawan sa pagpapatuloy
na pagbabasa ng papel na ito.

IV. Pagtatalakay
Bahagi ng Pangungusap

1. Paksa

Ang paksa ay ang bahaging pinatutuunan ng pansin sa pangungusap. Tulad ng panaguri, mauuri
natin ang mga paksa ayon sa kung anong bahagi ng pananalita ang ginagamit para rito.

Mga Uri ng Paksa

A. Paksang Pangngalan

Ito ay isang uri ng paksa na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,hayop at pook.

Halimbawa:

 Si Mang Kanor ay isang mapagbigay na tao.


Ang sinalungguhitan sa pangungusap ay isang halimbawa ng paksang pangngalan dahil
ito ang sentro o ang pinag-uusapan sa pangungusap at ito ay isang pangngalan dahil ito
ay nagsasaad ng pangalan ng isang tao.

B. Paksang Panghalip

Ito ay isang uri ng paksa na gumagamit ng mga salita o katagang panghalili sa pangngalan.

Halimbawa:

 Kami ay mga kasapi ng isang organisasyon.


Ang salitang "kami" na syang sinalungguhitan sa pangungusap ay ang halimbawa ng
paksang panghalip dahil ang salitang "kami" ay humahalili sa pangngalan at ang syang
pinag-uusapan sa pangungusap.

C. Paksang Pandiwa

Ito ay isang uri ng paksa na nagsasaad ng kilos o galaw.

Halimbawa:

 Ang nagpapagal ay pinagpapala ng Diyos.


Ang sinalungguhitan sa halimbawang pangungusap ay ang "ang nagpapagal" na isang
halimbawa ng paksang pandiwa dahil ang sentro o ang pinag-uusapan sa pangungusap
ay ang nagsasaad ng kilos.

D. Paksang Pang-uri

Ito ay isang uri ng paksa na nagsasaad ng katangian o uri ng tao,hayop, bagay, lunan at iba pa.
Halimbawa:

 Ang mabait na anak ay tinutungan ng Diyos.


Ang sinalungguhitan sa pangungusap sa itaas ay ang halimbawa ng paksang pang-uri. Ito
ang pinag-uusapan sa pangungusap at ito ay pang-uri dahil ito ay naglalarawan sa
pangngalan.

E. Paksang Pang-abay

Ito ay isang uri ng paksa na naglalarawan sa pandiwa o kapwa pang-abay.

Halimbawa:

 Hinahangaan ko ang mahusay na lumangoy.


Ang sinalungguhitan sa pangungusap ay halimbawa ng paksang pang-abay kung saan
ang salitang "mahusay" ay ang siyang nagbibigay-turing sa pandiwang "lumangoy" at ito
ang pinag-uusapan sa pangungusap kung kaya ito ang paksa.

F. Paksang Pawatas

Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pandiwa kung saan hindi pa ito nababanghay o nalalagyan ng
mga panlapi.

Halimbawa:

 Kinalilibangan ko ang magbasa.


Ang salitang sinalungguhitan sa pangungusap sa itaas ay isang halimbawa ng paksang
pawatas na siyang pinag-uusapan at hindi pa nababanghay sa pangungusap.

2. Panaguri

Ito ang bahagi ng pangungusap na kumakatawan sa impormasyon at kaisipang sinasabi at


iniuugnay sa paksa. Ito ay nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay ang
bahagi ng pangungusap na nagsasaad ng detalye tungkol sa simuno. Hindi ito nagsisimula sa
malaking titik at maaari itong higit pa sa isang salita.

Mga Uri ng Panaguri

A. Panaguring Pangngalan

Ang pangngalang ginagamit sa panaguri ay nagpapakilala kung sino o ano ang simuno. Ito ay
may dalawang uri: (a) tiyak, kapag ang ginagamit na panaguri ay pantangi at (b) di-tiyak kapag
ang ginagamit na panaguri ay pambalana, maliban kung may kasamang panghalip na pamatlig.

Halimbawa:
 Tinawag ni Dr. Mendez si Eula. (tiyak)
Sa halimbawang ito, ang sinalungguhitan ay ang "ni Dr. Mendez". Ang "ni Dr. Mendez" ay
ginamit bilang isang tiyak na panaguring pangalan. Tiyak ito dahil ito ay tumutukoy sa
tiyak na pangalan ng tao at ito ay panaguri sapagkat ito ang nagsilbing detalye sa
paksang pinag-uusapan.
 Umawit si Sara ng kundiman. (di-tiyak)
Sa halimbawang ito, ang sinalungguhitan ay ang "ng kundiman". Ang "ng kundiman" ay
ginamit bilang isang di-tiyak na panaguring pangalan. Di-tiyak ito dahil ito ay tumutukoy
sa di-tiyak na bagay at ito ay panaguri sapagkat ito ang nagsilbing detalye o
kumakatawan sa impormasyon na iniuugnay sa paksang pinag-uusapan.

B. Panaguring Panghalip

Ang panghalip ay ginagamit ding panaguri. Ito ay humahalili sa pangngalan. Ang ginagamit na
panaguring panghalip ay maaaring (a) panghalip na panao, at (b) panghalip na pamatlig.

Halimbawa:

 Siya ang kasama mo. (panao)


Sa halimbawang ito, ang salitang sinalungguhitan ay ang "siya". Ito ay isang panaong
panaguring panghalip na syang humahalili sa pangngalan na kumakatawan sa tao. Ito ay
panaguri sapagkat ito ang nagbigay kaalaman o impormasyon tungkol sa paksang pinag-
uusapan.
 Ito ang bahay nina Jamby. (pamatlig)
Sa halimbawang ito, ang salitang sinalungguhitan ay ang "ito". Ito ay pamatlig na
panaguring halip sapagkat ang salitang "ito" ay humahalili sa pangngalan na isang bagay.
Ang salita ring ito ay panaguri sapagkat ito ang nagsisilbing detalye sa paksang pinag-
uusapan.

C. Panaguring Pang-uri

Ang pang-uri sa gayong gamit ay nagsasaad, hindi ng kilos ng simuno, kundi ng uri nito. Ang
panaguring pang-uri ay maaaring (a) isang salita o (b) isang parirala.

Halimbawa:

 Masipag si Christian. (isang salita)


Sa halimbawang ito, ang salitang sinalungguhitan ay isang salita lamang, ito ay ang
salitang "masipag". Ang salitang masipag dito ay ang salitang naglalarawan o ang salitang
nagbibigay-turing sa pangngan na "si Christian". At ito ay ang panaguri sa pangungusap
sapagkat ito ang kumakatawan sa paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
 Nakakabagot naman ang boses mo. (isang parirala)
Sa halimbawang ito, ang sinalungguhitan ay isang parirala, ang "nakakabagot naman".
Ang pariralang ito ay isang halimbawa ng panaguring pang-uri. Ang pariralang
sinalungguhitan ay ang siyang nagbibigay-turing at kumakatawan sa impormasyon sa
paksang pinag-uusapan.

D. Panaguring Pandiwa

Karaniwan sa panaguri ng pangungusap ay pandiwa. Ito ang nangyayari sapagka’t ang pandiwa
ay siyang nagpapahayag ng kilos at gawain ng isang simuno. Sa mga panaguring pandiwa,
maaaring ito ay (a) pandiwang may komplemento o layon at (b) pandiwang di-komplemento o
layon. Nauuri ang pandiwa sa sumusunod: (1) pandiwang katawanin kung hindi nilalagyan ng
tuwirang layon, (2) pandiwang palipat kung laging may kasamang layon na hindi maaaring alisin
ang tuwirang layon, at (3) pandiwang di-sapilitang palipat na maaaring mayroon o walang
kasamang tuwirang layon.

Halimbawa:

 Nagluluto ang kuya. (katawanin)


Isang halimbawa ito ng panguring pandiwa sapagkat ang salitang sinalungguhitan ay ang
kumakatawan o impormasyon tungkol sa paksang pinag-uusapan at katawanin dahil
wala itong tuwirang layon.
 Naglilinis ng bahay si Ivan. (palipat)
Ang sinalungguhitan sa pangungusap ay isang halimbawa ng panaguring pandiwa
sapagkat ito ang kumakatawan sa paksang pinag-uusapan sa pangungusap at ito ay isang
halimbawa ng palipat dahil ito ay may layon na "ang bahay".
 Kumain siya. (di-sapilitang palipat)
Ito ay isang di-sapilitang palipat na halimbawa ng panaguring pandiwa dahil ito ang
kumakatawan sa paksang pinag-uusapan sa pangungusap at wala itong layong nakakabit
kung kaya ito ay isang halimbawa ng di-sapilitang palipat na maaaring mayroon o walang
kasamang layon.

E. Panaguring Pang-abay

Nagiging panaguri ang pang-abay.

Halimbawa:

 Kanina pa umalis si Joyce.


Ang pariralang sinalungguhitan ay isang panaguring pang-abay. Ang salitang "kanina pa"
ay siyang nagbibigay-turing sa pandiwang "umalis" kung kaya ito ay nagiging pang-abay.
At ang pariralang sinalungguhitan ay isang panaguri na nagbibigay ng impormasyon
tungkol sa paksa.
 Sa Ifugao pumunta ang mga bisita.
Ang sinalungguhitan sa pangungusap ay isang halimbawa ng panaguring pang-abay dahil
ang sinalungguhitan ay siyang nagbibigay-turing sa pandiwang "pumunta" at panaguri
ito dahil ito ay nagsisilbing impormasyon sa paksang pinag-uusapan.

F. Panaguring Pawatas

Ang anyong pawatas ng pandiwa ay ginagamit din bilang panaguri ng pangungusap.

Halimbawa:

 Umawit ang kinalilibangan ni Michelle.


Sa halimbawang ito ay isang halimbawa ng panaguring pawatas kung saan ang salitang
pandiwa ay hindi na nababanghay at panaguri dahil ito ay ang impormasyon ng paksang
pinag-uusapan sa pangungusap.

V. Repleksyon

Sa papel na ito, nagsilbi itong dagdag kaalaman para sa atin. Ang pagkatuto natin dito sa bahagi
ng pangungusap ay mahalaga sapagkat hindi lang ito dagdag kaalaman para sa atin, kundi ito ay
isa rin hakbang o paraan sa ating pagkakikilanlan bilang isang Pilipino. Ang pagkatuto rin natin
dito ay hakbang din para sa pagkatuto natin sa sariling wika na mayroon tayo.

Ang mga diskursong tinalakay sa papel na ito ay tumutugon na ang bawat pangungusap ay may
ibat ibang uri ng paksa. Sa mga nasabing uri ng paksa nakakatulong ito na mas madali mong
malalaman kung ano ang naging sentro o pokus ng isang pangungusap. Napapadali nito kung
paano mas mabilis ang pagtukoy ng isang simuno sa pangungusap. Sa bawat bahagi ng
pananalita na naging kabilang sa mga uri ng paksa ay may ginagampanan sa isang pangungusap.

Sa ikalawang bahagi na mayroon ang pangungusap ay ang panaguri na mayroon ding iba't ibang
uri. Bawat uri ay may kanya-kanyang ginagampanan at pagpapakahulugan sa bawat
pangungusap. At gaya rin sa paksa, may ginagampanan din ang bahagi ng pananalita sa
pagtukoy kung anong uri ng panaguri mayroon ang isang pangungusap.

Sa itinalakay ng papel na ito, marami tayong maraming mahihinuhang aral na ang bahagi ng
pangungusap ay hindi lamang ang dalawang simpleng paksa at panaguri lamang, ito ay may
iba't ibang rin na kailangang matukoy nang sa gayon ay malaman natin ang gamit o sa kung
paano ito gamitin sa paggawa ng pangungusap. Mapapansin din na ang bahagi ng pangungusap
ay bahagi rin ng uri ng pangungusap na predikatibo at makikita rin sa ayos ng pangungusap, ang
di-karaniwang ayos at karaniwang ayos.

VI. Sanggunian
Llyodi B. (2011) Mga Uri ng Paksa. Retrieved from https://www.myph.com.ph/2011/10/mga-uri-
ng-paksa-updated.html#.XcC96ugzbcs. Retrieved on November 3, 2019.

Del Valle, L. (2014). Uri ng Paksa. Retrieved from


https://www.slideshare.net/LEONILADELVALLE/uri-ng-paksa. Retrieved on November 3, 2019.

Acosta, N. Mga Bahagi ng Pangungusap. Retrieved from


https://www.academia.edu/31658272/Mga_Bahagi_ng_Pangungusap. Retrieved on November
4, 2019.

Uri ng Panaguri. Retrieved from https://magsanaysafilipino.wordpress.com/2015/07/11/uri-ng-


panaguri/. Retrieved on November 4, 2019.

Tanawan, D., Lartec, J. & Nacin, A. Istruktura ng Wikang Filipino, 156-159.

Pagsasanay

Pangalan: ____________________ Seksyon/Taon:__________ Marka:_________

A. Salungguhitan ng isang beses ang paksa o simuno sa pangungusap at dalawang beses ang
panaguri.

1. Nagpagawa ng magandang bahay si Jerome para sa kanyang asawa.

2. Gumulong ang gulong nang mabilis.


3. Umiyak ang bata nang ito'y madapa.

4. Ang kagandahan ay biyaya ng Maykapal.

5. Guminhawa ang buhay nina Mang Kanor nang nakapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga
anak.

B. Tukuyin kung anong uri ng paksa ang mga salita o pariralang may salungguhit.

1. Si Keen ay isang mapagmahal na tao.

2. Mas lamang ang may alam.

3. Ang pagsisikap ay may kapalit na ginhawa.

4. Siya ang nanalo sa isinagawang singing contest.

5. Si Gracele ay magaling maglaro ng chess.

C. Tukuyin kung anong uri ng panaguri ang mga salita o pariralang may salungguhit.

1. Kahapon pa umalis si Dianne.

2. Kanya ang bag na ito.

3. Masisipag ang mga anak nina Aling Nina at Mang Tomas.

4. Umuwi ng maaga si Kris sa bahay.

5. Ninakaw ng lalaki ang manok kagabi.

Mga Sagot:

A.

1. Nagpagawa ng magandang bahay si Jerome para sa kanyang asawa.

2. Gumulong ang gulong nang mabilis.

3. Umiyak ang bata nang ito'y madapa.

4. Ang kagandahan ay biyaya ng Maykapal.


5. Guminhawa ang buhay nina Mang Kanor nang nakapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga
anak.

B.

1. Paksang Pangngalan

2. Paksang Pang-uri

3. Paksang Pandiwa

4. Paksang Panghalip

5. Paksang Pangngalan

C.

1. Panaguring Pang-abay

2. Panaguring Panghalip

3. Panaguring Pang-uri

4. Panaguring Pang-abay

5. Panaguring Pangngalan

You might also like