Aralin 1 - Ang Linggwistika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

FIL 209: Panimulang Lingguwistika

Aralin 1
ANG LINGGUWISTIKA

Mga Tagapag-ulat:

ERIC V. ARTICULO RENALYN M. BALUYA KYLE ERNIE RAYO


SHEILA MAE SUECONG ERJELOU BASA DAVERYL KIM
ARAZA
LOUDAN MOLINA

GURO:

Ma’am Wendellene
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Propesor
INTRODUKSYON

Tayo ay nabubuhay sa mundo na gumagamit ng wika. Nakikipag-


usap tayo sa ating mga magulang kapatid, kapitbahay, kaibigan,
kaklase, guro, katunggali, at maging sa ating mga kaaway. Kapag
tayo ay nasa loob ng sasaleyan, kinakausap tayo ng inspektor,
kinakausap natin ang drayber, kinakausap natin maging ang iba
pang pasahero. Sa halos lahat ng pagkakataon ay bahagi ng ating
pang-araw-araw na buhay ang magbuka ng bibig o magsalita. Kahit
sa ating pagtulog ay nagsasalita at nakikipag-usap tayo sa ating
mga panaginip. Nagsasalita rin tayo kahit walang sumasagot.
Nakikipag-usap at nakikipagtunggali tayo sa mga tauhan ng ating
mga paboritong teleseryeng Pinoy. Sa mga Korean Drama serye na
walang kahirap-hirap hanapin sa Vio at Netflix. Tayo ay
nakikipag-usap sa ating mga alagang hayop at maging sa ating mga
halaman.

Ang pagtataglay ng tao ng wika ay siyang mahalagang batayan


na ikinaiiba niya sa hayop. Upang maunawaan ang wika bilang
batayan ng ating kaibahan sa mga hayop, kailangang maunawaan ang
kalikasan ng wika na bumubuo sa ating pagiging tao

Batay sa pilosopiyang inilahad sa mga mito at sa iba't ibang


relihiyon sa buong mundo, ang wika ay ang pinagkukuhanan ng buhay
at kapangyarihan ng tao. Para sa mga Aprikano (Fromkin, 2010),
ang isang kasisilang pa lamang na sanggol na tinatawag na kintu,
ay isang "bagay," at hindi pa muntu, o tao. Hangga't hindi siya
natututo ng isang wika, hindi siya kikilalanin bilang isang tao,
Batay sa tradisyong ito, tayong lahat ay magiging tau sapagkat
tayong lahat ay may kakayahang matuto kahit isang wika. Ngunit
ano nga ba ang pagkakatuto ng wika? Ano ang pag-aaral ng wika? At
ano ang kahalagahan nito sa paglilinang at pagtuturo ng wikang
Filipino?

LAYUNIN

• Naibibigay ang kahulugan at kahalagahan ng Lingguwistika


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

• Natutukoy ang kaibibahan ng Lingguwista at Lingguwistika

• Naipapaliwanag ang kasaysayan ng Lingguwistika sa daigdig at


sa Pilipinas

• Naipapabatid ang Lingguwistika sa paglinang sa wikang


Filipino

MGA NILALAMAN

• 1.1 KAHULUGAN NG LINGGUWISTIKA

• 1.2 KASAYSAYAN NG LINGGUWISTIKA

• 1.3 KASAYSAYAN NG LINGGUWISTIKA SA PILIPINAS

• 1.4 ANG LINGGUWISTIKA SA PAGLINANG SA WIKANG FILIPINO

ANO ANG LINGGUWISTIKA?

Ang Lingguwistika

• ay ang akademikong larang hinggil sa maagham na paraan ng


pag-aaral ng wika. Hinimay-himay ang wika, sinusuri at
inoobserbahan. Pagkatapos ay kinaklasipika at gumagawa ng
mga alituntuning bunga ng kanilang isinagawang pag-aaral May
mga lingguwistang isa-isang sinusuri ang wika; ang iba naman
ay dalubhasa sa mga pangkalahatang kaalaman tungkol sa wika.

• Ang lingguwistika ay ang pag-aaral sa wika ng tao at


tinatawag na isang dalubwika (o lingAng larang ng
lingguwistika (Warwick, 2020) ay nakatuon sa mga teorya ng
estrukturang pangwika, baryasyon at gamit, ang paglalarawan
at dokumentasyon ng mga kontemporaryong wika at ang
implikasyon ng mga teoryang pangwika upang makaunawa sa isip
at utak, sa kulturang pantao, kilos panlipunan, at pagtuturo
at pagkatuto sa wika.

• Ang isang taong nagsasagawa ng maagham na paraan ng pag-


aaral ng wika ay tinatawag na lingguwista. Ang isang
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

lingguwista ay dalubhasa sa wika ngunit hindi laging


nangangahulugang marami siyang alam na wika. Maaaring
matatawag na lingguwista ang isang tao kahit isa, dalawa, o
tatlong wika lamang ang kaniyang alam. Iba ang lingguwista
sa tinatawag na polyglot.

• Ayon kay Consuelo J. Paz ang linggwistika ay sayantipik na


pag-aaral ng wika ng mga tao.

• Ayon naman sa aklat na Ang Wika, Linggwistika at


Komunikasyon sa Aspeto ng Pakikinig at Pagsasalita, pinag-
aaralan at sinusuri sa linggwistika ang istruktura,
katangian, pag-unlad at iba pang bagay na may kaugnay sa
isang wika at ang relasyon nito sa iba pang wika.

• Ang ama ng Linggwistikang Filipino ay si Dr. Cecilio Lopez

POLYGOT -Ang isang taong maraming nalalamang wika ay tinatawag na


POLYGOT.

Nabanggit na ang lingguwistika ay ang maagham na paraan ng


pag-aaral sa wika. Ano naman ang ibig sabihin ng maagham na
paraan? Sinasabing isang kamalian na bigyang-katuturan ang
lingguwistika bilang kalipunan ng mga teorya at mga prinsipyo
tungkol sa wika. Ang maagham na paraan (Santiago,1997) ay
nagdaraan sa hindi kukulangin sa limang proseso, tulad ng
sumusunod:

1. PROSESO NG PAGMAMASID
Ang pagtitipon ng obhektibo at walang kinikilingang mga datos at
ang mga obserbsyong hindi nakukulayan ng emosyon ay pinakaunang
hakbang ng karaniwang isinasagawa sa isang lingguwistika.

2. PROSESO NG PAGTATANONG
Ang paglalahad ng suliranin o ng tanong ay maaaring
kasabay , kasunod o una sa proseso ng pagmamasid. Ngunit ang
isang linggwista ay hindi basta nagtatanong. Ang gawaing ito ay
isang prosesong maagham.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

3. PROSESO NG PAGKLASIPIKA
Laging tinatangka ng isang linggwista na maisaayos ang bunga
ng kanyang pananaliksik o pagsusuri sa isang sistematikong
paraan.

4. PROSESO NG PAGLALAHAT
Ang pagtitipon o pagkolekta ng mga datos at ang pagklasipika
sa mga ito ay kailangang humantong sa paglalahat, pagbubuo ng mga
hipotesis, ng mga teorya at prinsipyo, ng mga tuntunin o batas.
Dapat humantong sa pagbuo ng nasabing mga abstraksyon ayon sa
nagging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at pagsusuring
isinagawa sa mga datos.

5. PROSESO NG PAGRIBESA
Ang anumang paglalahat, hipotesis, teorya at prinsipyo, mga
tuntunin o mga batas na nabuo ng isang lingguwistika ay
kailangang patuloy na mapailalim sa pagsubok upang marebisa kung
kinakailangan. Maituturing na isang maagham na gawi ng isang
linggwista ang magbago ng paniniwala kung kailangan kaysa patuloy
na ipakipaglaban ang kanyang nabuong paglalahat, halimbawa, laban
sa mga pumupuna rito.

KAHALAGAHAN NG LINGGUWISTIKA SA MGA GURO NG WIKA

1. Pagbibigay Importansiya sa mga Aklat-Pambalarila.


Hindi madaling sumulat ng isang aklat, nangangailangan
ito ng masusing paglikom ng mga datos upang makabuo nito. Sa
tulong ng mga linggwistika, nagkakaroon ng source book o mga
hanguang aklat ang mga guro na maaring magamit sa pagtuturo.

 BALARILA NG WIKANG PAMBANSA NI LOPE K. SANTOS


 A MANUAL OF THE PHIL. NATIONAL LANGUAGE NI CECILIO LOPEZ
 TAGALOG TEXT NI LEONARDO BLOOMFIELD
 TAGALOG REFERENCES GRAMMAR NINA SCHACHTER AT OTANES
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

 BINAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYANG NF WIKANG FILIPINO 2013 NG


KWF
 EDPITAF ( EDUCATIONAL DEVELOPMENT PROJECTS IMPLEMENTING
TASK FORCE)
2. Paglutas sa Suliranin Ukol sa Balarila ng Wika
Hindi lingid sa ating mga kaalaman ang problemang
kinakaharap natin tungkol sa wika na tiyak na malaki ang
pakinabang na maidudulot ng mga lingguwista sa mga guro.

3. Pagpapaunlad ng Wika. May dalawang principal na paraan sa


pagpapaunlad ng wika.
A. Literatura o Panitikan
B. Gramatika o Balarila

KASAYSAYAN NG LINGGUWISTIKA SA DAIGDIG

Tradisyong Babylon (Babylonian Tradition)

- Ang pinakaunang tekstong-naisulat sa cuneiform sa


tabletang luwad (clay tablet) ay mahigit Sa pang-araw-araw na
gamit, ang wikang Sumerian ay napalitan ng wikang Akkadian (Afro-
asiatic). Subalit, nanatili namang prestihiyoso ang wikang
Sumerian at patuloy na ginagamit sa mga kontekstong panrelihiyon
at legal. Dahil dito, ito ay itinuturo bilang wikang banyaga
(foreign language) gamit ang mga nakalimbag na sulatin.

Sa katimugang bahagi ng Mesopotamia (ngayon ay bahagi ng


Iraq, Kuwait, Syria, Turkey at Iran) na tumagal nang halos 2,500
taon. Ang linggwistikong teksto mula sa sinaunang tradisyon ay
mga listahan ng mga Pangngalan sa Sumerian (isang nabubukod
tanging wika), wikang panrelihiyon at mga tekstong legal.

Sa pang-araw-araw na gamit, ang wikang Sumerian ay napalitan


ng wikang Akkadian (Afro-asiatic). Subalit, nanatili namang
prestihiyoso ang wikang Sumerian at patuloy na ginagamit sa mga
kontekstong panrelihiyon at legal. Dahil dito, ito ay itinuturo
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

bilang wikang banyaga (foreign language) gamit ang mga nakalimbag


na sulatin.

Tradisyong Hindu (Hindu Tradition)

Ang tradisyong Hindu sa linggwistika ay nagsimulang lumakas


noong unang milenyo buhat ng pagbabagong naganap sa Sanskrit
(Indo-European, India), ang banal na wika ng mga tekstong
panrelihiyon. Ang mga sinaunang Indyano ay nangailangan ng tamang
sagot at paliwanag sa mga tekstong Vedic. Ang ritual ay
nangangailangan ng tamang berbal na pagtatanghal sa mga tekstong
panrelihiyon, at ang balarilang tradisyon ay sumipot upang maging
tuntunin sa sinaunang wika. Ang mga mambabalarilang Hindu ay
kinikilala bilang kauna-unahang pangkat sa larangan ng
Linggwistika. Ang pinakakilalang mambabalarila sa tradisyong ito
ay si Pānini, na nagsulat ng pormal na deskripsyon ng wikang
Sanskrit sa kanyang Astādhyāyī. Ang balarila ni Pānini ay
kinapapalooban ng ponetiko at morpolohiya.

Pagkaraan ng ilang siglo, ang organisasyon ng mga tunog sa


bawat yunit ay mas naging malinaw at ang mga katinig na may impit
ay naging maayos. Ang pagbabagong ito ay nagbunga ng isang
sistematikong alpabeto, ang Brāhmī. Ang tradisyong Hindu sa
linggwistika ay malayong malampasan ng anumang nagawa sa Europa
sa mahabang panahon. Ang mga pagsusuring isinagawa ng mga
mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pag-aaral sa ibang
wika sa Europa.

Linggwistikang Griyego (Greek Linguistic)

- Nilinang ng mga griyego ang alpabeto batay sa dating gamit


ng mga Phoenicians. Nagdagdag sila ng tanda para sa mga patinig
at sa ibang katinig upang matugunan ang linggwistikang
pagbabagong kinakailangan upang mapaliwanag ang mga epiko ni
Homer. Ang mga mahahalagang ambag ng linggwistikang griyego ay
ang pinagmulan ng wika, sistematikong bahagi ng pananalita,
relasyon sa pagitan ng wika at isipan, at ang relasyon sa pagitan
ng dalawang aspeto ng tanda sa salita – iconicity (ang anyo at
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

kahulugan ay konektado sa kalikasan) o arbitrary (purong


kumbensyon).

Tradisyong Romano (Roman Tradition)

- Ang pangunahing kapakinabangan ng Tradisyon Romano ay sa


morpolohiya, kasama ang mga bahagi ng pananalita at anyo ng
pangngalan at pandiwa. Sa ikaapat na siglo, sinulat ni Aelius
Donatus ang balarilang Latin, ang Ars 23aging na nagbigay
kahulugan sa tekstong pampaaralan noong Panahon ng Kalagitnaang
Siglo (Middle Ages). Ang mas maliit na bersyon nito, ang Ars
Minor ay tumalakay naman 23agging23g bahagi ng pananalita, na
23agging kaunaunahang librong nailimbag noong ika-15 siglo.

Tradisyong Tsina (China Tradition)

- Katulad ng tradisyong Hindu, ang pilolohiyang Tsina (Xiaoxue o


paunang pagaaral) ay nagsimula upang maunawaan ang klasiko sa
Dinastiyang Han. Ang Xiaoxue ay nahahati sa tatlong bahagi, ang
Xungu (exegesis) o pag-iintindi ng teksto, ang Wenzi (analysis) o
pagsusuri at Yinyun (study of sounds) o ang pag-aaral ng tunog.

Dalawa sa pinakaunang nagawa sa panahon ng Dinastiyang Han


ay ang Fangyan, ang unang gawang Tsino hinggil sa dayalekto at
Shiming, na nakatalaga sa pinagmulan ng salita. Ang pag-aaral ng
ponolohiya sa Tsina ay nagmula sa impluwensiya ng tradisyong
Hindu, matapos maging tanyag ang Budismo sa Tsina.

Tradisyong Arabe at Ebreo (Arabic and Hebrew Tradition)

- Ang tradisyong Griyego ay nagbungad na malaking


impluwensiya sa Tradisyong Arabe, na nakatuon sa morpolohiya. Ang
tradisyong ito ay kilala sa eksaktong deskripyon ng mga ponetiko.
Pinaniniwalaang nagsimula ito noong ika-7 siglo sa pamamagitan ng
gawa ni Abū alAswad ad-Du alī (c. 607-688). Sinasabing ang
tradisyong Arabe ay nakaimpluwensya sa tradisyon Ebreo na
nagsimula bandang ika-9 na siglo. Gumawa si Saadya ben Joseph al-
Fayyūmī (882-942) ng unang balarila at diksyunaryong Hebrew
(Afroasiatic, Israel). Mas nakilala ang balarilang Ebreo noong
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

ika-13 siglo dahil sa gawa ni David Qimhi (c. 1160-1235), na


nakaimpluwensiya ng malaki sa linggwistikang Europa

PANAHON NG KALAGITNAANG SIGLO SA EUROPA:

- Hindi gaanong umunlad ang pilolohiya sa kalagitnaang siglo


sapagkat ang napagtuunang-pansin ng mga pala-aral ay kung
papaanong mapapanatili ang Latin bilang wika ng simbahan.
Pedagohikong balarila sa Latin ang lumabas para sa mga hindi taal
na Latin. Subalit, unti-unting nagkaroon ng interest ang mga
iskolar sa wikang bernakular at lumitaw rin ang paraan ng
pagsulat nito. Noong 1000, isang abbot sa Britanya ang nagsulat
ng balarilang Latin para sa mga batang Anglo-Saxon. Nailimbag din
ang deskriptibong balarila sa mga wikang bernakular.

MODERNONG LINGGWISTIKA

- Nagsimula ang modernong linggwistika sa pagtatapos ng ika-


19 na siglo kung saan ay nagkaroon ng ibang tuon mula sa
historikal na pagbabago ng wika patungo sa wikang may sariling
sistemang istruktural. Nagkaroon ng mga pananaliksik sa
pinagmulan ng wika na humantong sa pagkakapangkat-pangkat ng mga
ito ayon sa pinagmulang angkan. Lumitaw rin ang iba’t ibang
disiplina sa linggwistika. Noong ika-18 siglo, sinuri nina James
Burnett at Lord Monboddo ang napakaraming wika at hinuha ang mga
lohikal na element ng pag-uswag ng wika ng tao. Ang kanyang
pagiisip ay napagitnaan ng naunang konsepto ng ebolusyong
bayolohikal.

Sa The Sanskrit Language (1786), iminungkahi ni Sir William


Jones na ang Sanskrit and Persian ay may hawig sa mga wikang
Klasikong Griyego, Latin, Gothic at Celtic. Mula sa ideyang ito,
sumibol ang mga disiplinang komparatibong linggwistika
(comparative linguistic) at historikal na linggwistika
(historical linguistic), na naglalayong makita ang pinaka-ugat ng
wika at mabakas ang pag-uswag nito. Lumitaw rin sa Historikal na
Linggwistika ang semantiko at ilang anyo ng pragmatiko.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Iba't Ibang Disiplina ng Lingguwistika

1. Historikal (Historical Linguistics)


Hinuturing na kauna-unahang disiplina sa lingguwistika
na naglalaying magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay
nagmula sa iba't ibang angkan Ang ganitong simulain ay
pinatutunayan sa pamamagitan ng pag-alam sa pagkakatulad-
tulad at pagkakaiba-iba ng iba't ibang wika. Ang isang
pinakaraniwang paraan ay ang pag-alam sa mga salitang
magkaka- ugat (cognates) sa mga wika. Sa payak na
pakahulugan, ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami ng
mga salitang magkakaugat, bukod sa malaking pagkahawig sa
palatumugan, palabunan, at palaugnayan, ay pinapangkat sa
isang angkan.

2. Estruktural (Structural Linguistics)


Ang lingguwistikang historikal ay sinundan ng
lingguwistikang estruktural (structural linguistics) na
nagbibigay-diin naman sa pagsusuri sa distribusyon ng mga
ponema at morpema sa isang salita o pangungusap Iba't ibang
mahahalagang pag-aaral ang isinagawa sa mga diyalekto sa
Asya, Australya at sa Amerika sa ilalim ng disiplinang ito
ngunit sa pagsusuri sa balangkas ng mga pangungusap sa iba't
ibang wika ay nangailangan ang mga dalubwika ng mga
simbolong pamponetika at pamponemika upang kumatawan sa
iba't ibang tunog. Noong 1870 ay lumitaw ang IPA
(International Phonetic Alphabet) na gumagamit nang hindi
kukulangin sa 400 simbolo. Ang gayong mga simbolo ay naging
suliranin hindi lamang sa mga dalubwika kundi gayundin sa
bumabasa ng bunga ng kanilang pananaliksik.

3. Logical Syntax
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Noon lumitaw ang logical syntax na pinabuti at


pinayaman ni Zellig Harris na hindi nagtagal at nakilala sa
tawag na "transformational" o "generative grammar. Ang
psycho-linguistics o lingguwistikang sikolohikal ay
sinasabing bunga o resulta ng gramatika heneratibo
(generative grammar) upang lalong matugunan ang
pangangailangan sa larangan ng sikolohiya. Si Harris ang
kinikilalang transitional figure" mula sa estruktural tungo
sa lingguwistikang heneratibo. Hindi nagtagal ay lumitaw na
rin ang isa pang modelong tulad ng anthropological
linguistics na pinangunahan Boas Sapir, Whorf, Malinowski,
Kroeber, at Trager, ang Tagmemic model ni Kenneth Pike na
nagbibigay-diin sa pagkakaugnayan ng anyo (form) at ng gamit
(fonction). Ang isang anyo at gamit sa disiplinang tagmemiko
ay itinuturing na isang yunit na may sariling lugar o "slot"
sa isang wika."

Ang isang yunit ay may iba't ibang antas: antas ng


ponema (phoneme level), antas ng morpema (morpheme level),
antas ng salita (word level), antas ng parirala (phrase
level), antas ng sugnay (clause level), antas ng pangungusap
(sentence level), at antas ng talakay (discourse level). 4.
Phrase-Structure Transformational Generative Model Ang
tagmemiko ay sinundan ng Phrase-Structure Transformational
Generative Model na masasabing nag-ugat sa logical syntax.
Dito ay namukod-tangi naman ang pangalang Noam Chomsky. Ang
disiplinang ito ay may pagkakahawig sa lingguwistikang
sikolohiko - ang pagtarok sa sinasabi at 'di-sinasabi ng
nagsasalita sa kaniyang sariling wika.

4. Generative Semantics
Ang modelong transformational generative ay sinundan ng
modelong Generative Semantics. Kung ang una ay nagbibigay-
diin sa anyo (form), ang huli naman ay sa kahulugan
(meaning). Dito'y nakilala ang mga pangalang Lakoft,
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Fillmore, McCawley, Chafe, at iba pa. Sa Pilipinas,


masasabing ang estruktural na modelo ang pinakapalasak pa
rin. Bukambibig na rin ang modelong transformational-
generative ni Chomsky at ng kaniyang mga kasamang tulad nina
Jakobs at Rosenbaum ngunit waring ang modelong ito'y hindi
makapasok sa larangan ng pagtuturo ng wika sa mga paaralan.
Ang modelong generative-semantics ay nagsisimula nang
pumalit sa modelong transformational-generative, gayundin
ang modelong Case for Case ni Fillmore. Panahon lamang ang
makapagsasabi kung aling modelo ang sa dakong huli ay
totohanang papalit sa modelong estruktural.

KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA PILIPINAS

I. Panahon ng Kastila
Ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas:
➢ Ayon kay Scheerer (1918), ay isinasagawa ng mga
misyunerong Kastila na karamihan ay mga paring Heswita
at Dominikano sa layuning mapabilis ang pagpapalaganap
ng Kristyanismo sa dakong ito ng daigdig. Ang
itinuturing na pinakadahilan kung bakit napabilis ang
pag-aaral sa mga wikang katutubo noong panahon ng
Kastila ay ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na
Orden noong 1594.
➢ Ang kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at
Jesuitas
➢ Ibinigay din sa mga Augustinian ang Ilocos at
Pampanga.
➢ Ang Intsik at mga lalawigan ng Panggasinan at
Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican.
➢ Ang mga Franciscan naman ang pinangasiwa sa
kabikulan. Ang katagalugan ay nahati sa apat na Orden.
Dahil dito ay nagkaroon ng sigla ang pagaaral sa mga
katutubong wika na humantong sa paglimbag ng mga
gramatika at diksyunaryo. Hindi kukulangin sa
dalawampu’t apat na aklat, ayon kay Phelan, ang
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

nalimbag tungkol sa wikang Tagalog. Samantalang lima


lamang sa mga wikang Bisaya.
❖ Nagsimula noong ika-16 na daantaon at natapos noong
ika-19 na daantaon.
❖ Layunin nila na mapabilis ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa kapuluan.
❖ Noong Pebrero 13, 1965 dumating sa Cebu ang anim na
paring Augustinian kasama ni Adelantado Miguel Lopez de
Legazpi upang maisagawa ang pagpapalaganap ng
relihiyong Romano Katoliko.

II. Panahon ng Amerikano


Ayon kay Constantino,sa mga pangunahing
lainggwistika noong panahong ito ay nagsisipanguna ang
mga sumusunod:
❖ Leonard Bloomfield (Amerikano)

❖ Frank R. Blake (Amerikano)

❖ Cecilio Lopez (Pilipino)

❖ Carlos Everett Conant (Amerikano) - Disiplinang


Historikal
❖ Otto Scheerer (Aleman) – Disiplinang Historikal

❖ Morice Vanoberbergh (Misyunerong Belhikano)

❖ H. Costenoble (Aleman) - Disiplinang Historikal

❖ Nagsimula noong ika-19 na daantaon at natapos noong


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
❖ Layunin nila ay maihasik sa sambayanang Pilipino ang
ideolohiyang demokratiko.
❖ Tatlong makaagham na gramatika ng tagalong na
sinulat nina Bloomfield (1917), Blake (1925), at Lopez
(1941).

Ang kontribusyon ni Conant


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

➢ The RGH Law in Philippine Language (1910) at The Pepet Law in


the Philippine Languages (1912). o Ito ang mga pinakakilalang
pananliksik niya na tumatalakay sa nagaganap na pagbabago sa mga
tunog ng iba’t-ibang wika sa kapuluan. o May walumpung wika sa
Pilipinas (hindi kasali ang mga dyalekto) RGH Law ni Conant

❖ Ang angkan ng wikang Malayo-Polinesyo na pangalawang


pinakamalaking angkan sa buong daigdig ay lumaganap sa mga
kapuluan sa Pasikpiko at sa gawing kanluran ng Madagascas.

❖ Ang mga wika sa Pilipinas (maliban sa Chavacona, Zamboanga at


Ermita) ay sinasabing nagmula sa wikang Indonesyo.

❖ Halimbawa: o Tunog ng isang Malayo-Polinesyo ay ang *R. Ang


Proto-Malayo-Polinesyo *R (PMP *R) ay maaaring nananatiling r sa
ibang wika; at maaaring sa ibang wika naman ay naging g, h, o

kaya ay y. ✓ Ang ganitong phenomenon ay waing isang batas na


nagaganap sa mga wikang Malayo-Polensyo. Dito nahango ang naging
kilalang RGH LAW ni Conant.

Pepet Law

Ang mahabang pagtatalakay ni Conant sa Pepet Law. Kinuha


niya ang kanyang datos sa tatlumpu’t apat na wika sa Pilipinas at
higit na sampung wikang Austronesian.

Ang ebulusyon ng patinig na pepet (Proto-Austronesian) ay


tinunton ni Conant sa pitong uri ng kaligiran:

1. AP-class ❖ Mga salita na may Ə sa unang patinig na


dadalawahing patinig na salita at ang ikalawang patinig ay pepet,
hal. atƏp.

2. PA-class ❖ Mga salitang may pepet sa unahang pantig at sa


ikalawang pantig, hal. bƏgas.

3. IP-class ❖ Mga salitang may I sa unang patinig at pepet sa


ikalawang patinig, hal. ngipƏn
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

4. PI-class ❖ Halimbawa: bƏli

5. UP-class ❖ Halimbawa: pusƏd

6. PU-class ❖ Halimbawa: pƏnu

7. PP-class ❖ Halimbawa: lƏbƏng

1. Blake
Nakasulat si Blake ng hindinkukulangin sa dalawampu’t
pitong artikulo tungkol sa iba’tibang wika sa Pilipinas.
Halimbawa ng isinulat:
❖ Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Bisaya

❖ Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Bisaya at


Tagalog 12
❖ Ang mga hiram na Tagalog sa Sanscrino

Ang pinakamahalagang kontribusyon niya ay ang kanyang aklat


tungko sa “Gramatika ng Tagalog”.
• Sa kanyang paraan ng paglalahad ay malinaw na makikita
ang impluwensya ng mga mahuhusay na mambabarilang Kastila,
tulad ni Totanes.
• Sa pagsusuri ni Blake sa Tagalog at iba pang wika sa
Pilipinas ay labis na niyang napag-ukalan ng pansin ang
tatlong magkaunay na mga yunit sa grammatika: verb, voice at
case. Sinasabi niya na bilang alituntuning pangkalahatan
masasabing ang lahat ng salita sa Tagalog ay maaaring gawing
pandiwa.

2. Bloomfield
Ang kalahatang aklat niya na may pamagat na “language
noon1933 na kinapapalooban ng mga mahahalagang pag-aaral sa
gramitikang Tagalog at kaalinsabay na paglaganap ng
linggwistikang Bloomfieldian pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Higit na maagham ang pagsusuri ni Bloomfield sa gramatikang


Tagalog kaysa kay Blake. Ang pagsusuri niy ay nahahati sa tatlo
sa Tagalog:

• Bahagi I – kinapapalooban ng mga salitang Tagalog na nasusulat


sa transkripsyong pamponemika, kasunod ang katumbas sa Ingles.

• Bahagi II – kinapapalooban ng kanyang pagsusuri sa Tagalog na


hinati niya sa Phonetics, syntax, at Morphology.

• Bahagi III – katatagpuan ng talaan ng mga pormasyon at ng


glossary

3) Lopez

- Siya ang kauna-unahang linggwistikang Pilipino

- Ama ng Linggwistikang Pilipino

- Lumabas ang isang festschrift na may pamagat na Parangal kay


Lopez noong 1975 na handog ng Linguistic Society of the
Philippines.

Manwal na nauukol sa gramatika ng wikang Pambansa (1941)

➢ Ito ang pinalimbag niya na pinakamahalagang ambag sa larangan


ng linggwistikang Pilipino.

➢ Ang manwal na ito ay isang maagham na pagattalakay sa


gramatika ng Tagalog na angkop gamit ng mga guro sa pagtuturo ng
wikang Pambansa.

➢ Nahati ito sa apat na bahagi: o Isa sa Ponetika o Dalawa sa


Morpolohiya o Isa sa Sintaksis Ang mga sumusunod ay ilan sa
kanyang mga isinulat:

➢ Origins of the Philippine Language 1967

➢ Contributions to comparative Philippine Syntax 1065


Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

➢ Some new morphemes in Philippine Languages 1970

➢ The Spanish Overlay in Tagalog 1965

➢ Paghahambing sa mga Wika sa Pilipinas 1972

➢ A Comparative Philippines Word-list

III. Panahon ng Kalayaan:


❖ Nagsimula noong 1946 pagkatapos makamit ng Pilipinas
ang kanyang kalayaan.
❖ Tatlong salik o pangyayari na nakaimpluwensiya sa
pag-unlad ng linggwistika sa Pilipinas matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
1. Ang pagkakatatag ng Summer Institute of
Linguistics noong 1953.
2. Ang paggamit ng makalinggwistikang pamamaraan
sa pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino na lumikha ng
pagnanais na suriin ang mga wika sa kapuluaan.
3. At ang huli, ang gradwal na pagdami ng mga
Linggwistang Pilipino.
❖ Ang Pilipinas ay nagsilbing laboratoryo ng mga
linggwistang dayuhan na karamihan ay Amerikano. Sa mga
panahong ito masasabi na ang pag-aaral ng wika ay
nauuri sa tatlo: Pag-aaral na nauukol sa klasipikasyon
ng wika sa Pilipinas; Pagsusuring historikal; at ang
huli ay Pagsusuring Palarawan.

Summer Institute of Linguistics

➢ Ang pinakamalaki at pinakamalaganap na sanay sa Pilipinas.

➢ Higit na pinag-uukulan ng pansin ang mga wikangdi gaano


malaganap.

➢ Isinasalin sa mga wikang ito ng nasabing pangkat ang Bibliya


at iba pang mga babasahing panrelihiyon.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Overt Relation Markers in Maranao ni McKaughan

➢ Nagbibigay konklusyon na isa sa nga katangian ng Maranao (at


iba pang wika sa angkan na Malayo Polinesyo) ay to: o Ang
binabanghay na pandiwa ay nagsasaad hindi lamang ng panahon, uri
ng kilos, at iniisip na sikolohikal na nagsasalita kundi pati
narin ng relasyong gramatikal ng pandiwa at ng paksa ng
pangungusap; na ang relasyong gramatikal ng actor, layon, du-
tuwirang layon, at gamit ay nakikilala sa Maranao sa pamamagitan
ng katagang o, sa, at ko.

Departamento ng mga Wikang Oryental at Linggwistika sa


Unibersidad ng Pilipinas

➢ Ang pangkat na ito ay maituturing pinakamatanda sa lahat ng


pangkat.

➢ Naisasagawa agn paghahambing na pagsusuri sa iba’t-ibang wika


sa kapuluan.

➢ Ayon kay Constantino ay hindi kukulangin sa 2000 pangungusap


na naglalarawan ng hulwarang morposintaktikal at mahigit 4000
salitang-ugat ang natitipon na mula sa 300 na mga wika at wikang
sinusuri ang nakalap ng pangkat na ito.

➢ Ang manuskripto at tapes ay iniingatan sa Archives of


Philippine Languages and Dialects.

Language Study Center ng PNC

➢ Nagsasagawa ng mga pagsusuring-wika sa makalinggwistikang


pamamaraan upang iangkop sa pagtuturo ng wika.

Ang Lingguwistika sa Paglinang sa Wikang Filipino

1. PAGPAPLANO AT PAGGAWA NG PATAKARANG PANGWIKA


Upang mapaunlad ang wikang Filipino bilang isa sa mga
tatak at kasangkapan bilang isang malayang lahi, kailangan
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

alam natin kung paano mapapanatili ang ingles bilang tulay


natin sa pagdukal ng karunungan at pakikipag-ugnayang
pandaigdig.

2. PAGHAHANDA NG KAGAMITANG PANTURO


Ang kakulangan sa mga kagamitang panturo sa mga
asignaturang ituturo sa Filipino ay higit na naramdaman nang
pinatupad ang patakarang Balingguwalismo ng sistema ng
edukasyon. Bunga ng pangangallangan, binuo ang isang pangkat
ng Kagawaran ng Edukasyon na siyang inatasang maghanda ng
mga kailangang aklat at iba pang kagamitang panturo-ang
EDPITAF-Educational Development Projects Implementing Task
Force. Ang mga Direktor ng PNC-EDPITAF ay sina Dr. Bonifacio
P. Sibayan at Dr. Fe T. Otaries na kapuwa mga kilalang
lingguwista. Dito'y malinaw na makikita ang papel na
ginagampanan ng lingguwistika sa pagpapaunlad ng Filipino sa
pamamagitan ng paghahanda ng mga kagamitang panturo.

3. PAGKAKAROON NG GURO NG KAALAMAN AT MALAWAK NA PANANAW SA


KALIKASAN NG WIKA
Kapag malawak ang pananaw ng isang guro sa wika, kung
ang lahat na salik ay patas, magiging higit siyang mabuting
guro kaysa iba na walang ganitong pananaw. Ang kaniyang
pagtuturo ay magkakaroon ng lalim o'depth' dahil may malalim
siyang pagkaunawa sa kalikasan at kakanyahan ng wika. Ang
kaalaman sa lingguwistika ay nakatutulong sa isang guro sa
pagtukoy sa mga layunin sa pagkatuto, sa pag-alam sa mga
paraan o pamaraan ng pagtuturo, sa pagtaya sa kawastuhan ng
isang pagbabago sa pagtuturo ng wika, sa pag-aayos ng mga
dapat ituro sa wika at iba pa. Sa gayon, ang isang gurong
may malawak na kaalaman sa lingguwistika at sa mga teknik ng
pagtuturo ay higit na magiging matagumpay sa kaniyang gawain
bilang guro.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

PAGSUSULIT:
I. PAGKILALA: IBIGAY ANG HINIHINGING KASAGUTAN.

1. Sya ang tinaguriang Ama ng Lingguwistikang Pilipino.


2. Tawag sa wikang ginagamit ng mga tao upang makipag-ugnayan.
3. Tawag sa maagham na paraan ng pag-aaral sa wika.
4. Tawag sa taong may nalalaman sa maraming wika.
5. Sila ang mga taong dalubhasa sa pag-aaral ng wika.

II. TAMA O MALI. Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay
wasto at Mali naman kung ito ay hindi wasto.

6. Ayon kay Conant, ang lingguwistika ay nagdaan sa hindi


kukulangin sa limang proseso.
7. Ang pagbibigay importansya sa mga aklat-pambalarila ay isa
sa mga proseso ng lingguwistika.
8. Sa panahon ng kastila, ang mga sundalo ang nagsilbing
lingguwista upang mapag-aralan ang ating mga katutubong
wika.
9. Ang lingguwistika ay isang masining na paraan ng pag-aaral
ng wika.
10. Ang kasaysayan ng Lingguwistika sa Pilipinas ay
nahahati sa limang panahon.
III. ENUMERASYON
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

11-13. MAGBIGAY NG TATLONG KALIGIRAN NG PEPET LAW


14-15. DALAWANG PRINCIPAL NA PARAAN SA PAGPAPAUNLAD NG
WIKA
16-18. MAGBIGAY NG 3 TRADISYON NA NAKAPALOOB SA
KASAYSAYAN NG LINGGUWISTIKA SA DAIGDIG
19-20. MAGBIGAY NG 2 PROSEO SA PAG-AARAL NG LINGGUWISTIKA
IV. ESSAY

21-25. GAANO KAHALAGA ANG LINGGUWISTIKA?


26-30. ANO ANG NAGIGING KONTRIBUSYON NG LINGGUWISTIKA SA
MGA GURO?

MGA SAGOT:
1. DR. CECILIO LOPEZ
2. LENGGUWAHE
3. LINGGUWISTIKA
4. POLYGLOT
5. DALUBWIKA/ LINGGUWISTA
6. MALI
7. MALI
8. MALI
9. MALI
10MALI

11-13.

 AP-CLASS
 IP-CLASS
 PA-CLASS

14-15.

 PANNITIKAN
 BALARILA
16-18.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

 TRADISYONG BABYLON
 TRADISYONG HINDU
 TRADISYONG GRIYEGO
19-20.

 PROSESONG PAGMAMASID
 PROSESONG PAGTATANONG

You might also like