Cot-Detailed Lesson Plan in Filipino 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO 4

July 18, 2019


9:35-10:25

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa
Pangnilalaman pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa pagganap Nakasasali sa mga usapan at talakayan,
pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at
kuwento

C. Mga Kasanayan sa F4WG -If - j - 3


Pagkatuto Nagagamit ang iba’t - ibang uri ng panghalip sa
Isulat ang code ng bawat usapan at pagsasabi ng tungkol sa sariling
kasanayan
karanasan. (panao)

II. NILALAMAN Paggamit ng iba’t - ibang uri ng panghalip sa


usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan
(Panghalip na Panao)

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian Curriculum Guide (Filipino)
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang 58
Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk 18-19, 26-28
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Kwento, istrip ng kartolina, kahon, music player,
Panturo bola, projector, Laptop Computer, power point,
manila paper, pentel pen, video

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang Pag-awit
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin Pagtetsek ng takdang aralin

Pagbabaybay
a. panaginip
b. hinihingal
c. sitsirya
d. masustansiya
e. nutrisyon

Paghahawan ng Balakid
Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita
sa Hanay A.

A B
___1. computer games A. kinagigiliwang gawin
___2. brown out B. nagpapalakas
___3. exercise C. larong sa computer
nilalaro
___4. nagpapatibay D. walang suplay ng
kuryente
___5. mahilig E. pagpapalakas ng
katawan
F. kamalian

B. Paghahabi sa layunin ng Sino sa inyo ang may karanasang hindi


aralin malilimutan na may kaugnayan sa di pagkain ng
masusustansiyang pagkain tulad ng prutas at
gulay?

C. Pag-uugnay ng mga Narito ang isang video ng usapan ng magkapatid


halimbawa sa bagong aralin na hindi mahilig kumain ng prutas at gulay. Pero
bago yan, sagutin muna ninyo ito.
ANNA (KWL)
Alam Na Nais Nalaman na
malaman

Pakikinig/Panonood sa usapan sa video

D. Pagtatalakay ng bagong Itanong:


konsepto at pagalalahad ng Ano ang pamagat ng napanood na usapan sa
bagong kasanayan #1 video?
Sino sino ang mga pangunahing tauhan dito?
Ano ang masamang karanasan ng magkapatid?
Sa inyong palagay, bakit sila nanaginip ng hindi
maganda?
Bakit kaya sila nanaginip?
Sa kanilang panaginip, sino ang nagligtas sa
kanila?
Numeracy Skill
Ilan ang mga gulay na kanilang nakausap sa
panaginip?
Isulat sa pisara ang bilang.
Nagbago ba sila sa bandang huli? Patunayan.
Ano ang posibleng mangyari kung di kakain ng
gulay?
*Anong aral ang napulot ninyo sa usapan?
*Ang pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad
ng prutas at gulay nakabubuti sa ating kalusugan.
Pinalalakas nito ang ating katawan maging ang
isipan at inilalayo tayo sa sakit.

Narito ang ilang mga pangungusap mula sa


usapan hinggil sa karanasan ng dalawang bata.
a. Ayaw ko ng ampalaya at iba pang gulay.
b. Susan, ang galing mo kaninang maglaro ng
computer games.
c. Hindi kita abutan Susan. Nanghihina na ako.
d. Ililigtas namin kayo.

Itanong:
Ano ano ang mga salitang may salungguhit?
Kailan ginagamit ang ko? Mo? Kita? Kayo?
Ilan ang tinutukoy sa una at ikalawang
pangungusap?
Sa ikatlong pangungusap?
Sa ikaapat na pangungusap?
Saan ang mga ito ginamit?
Ano ang tawag sa mga ito?
Anong uri ng panghalip ang mga ito?

Ang panghalip na panao ay ginagamit na panghalili


sa ngalan ng tao.
Maraming uri ang panghalip:
panao, pamatlig, pananong, paari, panggaano at
panunuran.
Sa ngayon, uunahin natin ang mga panghalip na
panao.

E. Pagtalakay ng bagong Gawin Natin


konsepto at paglalahad ng
bagong kanayan #2 Pangkatin ang klase sa apat ayon sa kanilang mga
kaalaman.
Pangkat I
Isadula ang nagustuhang bahagi ng usapan na
napanood.
Pangkat II
Kumatha ng isang awitin o tula na ginagamit ang
mga panghalip na panao.
Pangkat III
Sumulat ng tatlong pangungusap na ginagamit ang
panghalip na panao.
Pangkat IV
Iguhit ang mga gulay na nakita sa usapan/video.

F. Paglinang sa Kabihasnan Gawin Ninyo


(Tungo sa Formative Laro: “Pasa de Bola”
Assessment) Sa saliw ng musika ay ipapasa ang bola sa
buong klase. Pagtigil ng musika,bubuuin ng batang
may hawak ng bola ang usapan ng tamang
panghalip panao na nasa slide.

G. Paglalapat ng aralin sa ICT Integration


pang-araw- araw na buhay Gamitin ang mouse ng computer at i-hyperlink
ang inyong sagot.
Punan ng wastong panghalip na panao ang
bawat puwang sa pamamagitan ng pagclick sa
tamang sagot.
1. Dito_____ na maupo para magkatabi tayo
ka mo
2. Kinain _____ ba ang mga dala kong prutas?
ka mo

3. Binasa _____ nang sabay ang kwento sa aklat


ko sa Filipino.
namin kami

4. Natuwa sa amin si G. Rodriguez dahil


nagtulungan _____.
amin kami
5. Salamat sa lahat ng tulong ______.

ninyo ako

H. Paglalahat ng Aralin Itanong:


Ano ang panghalip na panao?
Saan ginagamit ang mga ito?

I. Pagtataya ng Aralin A. Panuto: Punan ng angkop na panghalip na


panao ang bawat pangungusap. Isulat ang titik.
1. Handa _____ na bang tulungan kami sa
paglilinis?
A. ka B. Niya
C. Mo D. Nila
2. Sa atin ang West Philippine Sea. Protektahan
_____ ito.
A. natin B. sila
C. niya D. nila
3. “Hindi istupido ang Diyos _____”,ang pahayag
ng pangulo.
A. ko B. atin
C. kanila D. sila

B. Panuto: Piliin ang angkop na panghalip sa loob


ng panaklong.upang mabuo ang pangungusap.
4. Ang ating mga magulang ang nagbigay sa
(atin, amin, niya) ng buhay. Marapat na
sila’y pasalamatan.
5. Mag-aaral (niya, akong, mo)
mabuti para makamit ko ang tagumpay.
.

J. Karagdagang Gawain para Pumili ng 5 panghalip na panao. Gamitin ang mga


sa takdang- aralin at ito sa sarili mong pangungusap.
remediation

Inihanda ni:

LEODEGARIO C. RODRIGUEZ
Guro III

Pinansin:

GUILLERMA M. RODRIGUEZ
Punongguro I

You might also like