Grade 4 COT Filipino Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
CINENSE INTEGRATED SCHOOL
BRGY. CINENSE, TALUGTUG, NUEVA ECIJA 3118

Mala-Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino IV


Isinanib sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Grade Level: IV Date:______________________


Learning Area: FILIPINO
Quarter: 4TH
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media,


B. Pamantayan sa Pagganap:

Napaghahambing ang iba’t ibang patalatas na napanood


C. Pamantayan sa Pagkatuto:

Nagagamit sa pagpapakilala ng produkto ang uri ng pangungusap


II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Nasasagot ang mga Tanong sa Napanood na Patalastas.


Nagagamit sa Pagpapakilala ng ibang Produkto ang Uri ng
Pangungusap.
Integrasyon:Paggawa ng patalastas gamit ang magagalang na salita
Kagamitan: PPT, mga larawan, chart, box

Sanggunian: MELC p.215, CG p.79

III. PAMAMARAAN
A. Engagement
1. Balik Aral

Mga Uri ng Pangungusap


1. Pasalaysay o Paturol
2. Patanong
3. Pautos
4. Padamdam

Magbigay ng mga halimbawa

Bumuo ng dalawang (2) pangkat.


Address: Brgy. Cinense, Talugtug, Nueva Ecija 3118
Cellphone No.: 0936 114 6535
Email: [email protected]
Facebook Page: https://www.facebook.com/CISTalugtugNE
Gamitin ang mga larawan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng pangungusap. Gawin ito sa pisara

Pangkat 1 Pangkat 2

2.
Pagganyak

Ang tindahan ni aling Puring!


Bumuo ng 3 pangkat
Kumuha ng isang produkto sa loob ng tindahan ni aling Puring at gumawa ng pakulo kung paano
ito ibebenta.

B. Explore

Panonood:
Panoorin ang mga di malilimutang patalastas sa telebisyong Pilipino.
Mga Pamantayan sa Panonood:
Maupo ng maayos at Tahimik
Unawain ang pinapanood upang masagot ang mga susunod na katanungan
Mga Tanong:
Ano sa tingin nyo ang inyong pinanood?
Anong produkto ang nakita ninyo sa inyong napanood?
Naakit ba o nakumbinsi ba kayong bumili ng produktong ito?
Base sa inyong napanood, tungkol saan kaya ang ating tatalakayin sa araw na ito?

C. Explain

Ang Patalastas o pag-aanunsiyo ay isang uri ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa


pagmemerkado o pagmamarket at ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga manunuod,
mga mambabasa o mga tagapakinig na tangkilikin ang produktong ipinakikilala. Sa
pamamagitan ng patalastas, mas maraming tao ang makakakita ng iyong produkto at kung
maganda ang pagkagawa nito, mas maaakit ang mga tao na bilhin ito. Ito rin ay ginagamit upang
makapagbigay ng kaalaman o impormasyon sa mas epektibong paraan na papansinin ng mga tao.
Mga Uri ng Patalastas
1. PASALITA- o sa pamamagitan ng bibig
2. NAKALIMBAG NA PATALASTAS-
3. NAPAPANOOD SA TELEBISYON AT NAPAPAKINGGAN SA RADYO-
4. PATALASTAS SA SOCIAL MEDIA

Mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng patalastas:


1. Alamin kung sino ang target na bibili o tatangkilik sa produkto o serbisyo
2. Alamin ang pangangailangan na maaaring tugunan ng product
3. Suriin kung ano ang katangian ng produkto ang dapat bigyan ng kahalagahan o diin.
4. Maging malikhain sa paggawa ng patalastas

D. Elaborate
1. Panlinang na Gawain

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang patalastas ng DOH o Department of Health. Sagutin ang katanungan
tungkol dito.

Para labanan ang banta ng COVID - 19 sa ating bansa mahalaga ang kooperasyon ng bawat
isa. Ang pananatili sa loob ng bahay ang pinaka simple para hindi kumalat ang virus. Kunwari
ikaw ang tuldok na ito malusog ka at malakas, lumabas ka ng bahay. Ang hindi mo alam, may
nakasalamuha ka na ng may COVID - 19. Tandaan, mahirap malaman kung sino ang may virus
pero madali itong maipasa sa iba. Pwedeng naipasa na pala ang virus sa inyo. Noong umubo
siya o bumahing o baka nahawa ka dahil humawak kayo sa parehong bagay na kontaminado.
Ngayon ay mayroon ka na ring COVID - 19. Isa ka ng carrier na makakahawa sa iba. Dahil
ilang araw pa bago lumitaw ang sintomas ng ubo, sipon, hirap sa paghinga at lagnat, pagdating
mo sa bahay maari mong mahawaan ang iyong pamilya. Ang mga bata, matanda at may
kasalukuyang karamdaman ay mahina ang panlaban sa COVID - 19. Kaya laging tandaan:
Kumain ng masustansiyang pagkain, maging malinis sa pangangatawan, ugaliin ang
paghuhugas ng kamay, at magsuot ng face mask at faceshield.

1. Tungkol saan ang patalastas?


2. Ano ang layunin ng DOH o Department of Health sa kanilang patalastas?

3. Ayon sa DOH, anong ang simpleng paraan para hindi kumalat ang virus?
4. Ano ang maaring mangyari kapag malimit kang lumabas ng bahay?
5. Paano naipapasa ang virus?
6. Anu - ano ang mga sintomas ng pagkakaroon ng COVID - 19?
7. Madali bang malaman kung sino ang may virus?
8. Sinu - sino ang mga mga mahina ang panlaban sa COVID - 19?
9. Anu - ano ang mga nabanggit sa patalastas na dapat nating gawin upang
maiwasan ang pagkakaroon ng CoOVID - 19?
10. Magbigay ng ibang pang paraan para makaiwas o hindi mahawaan ng
virus.

2. Paglalapat

Differentiated Activities
Bumuo ng apat (4) na pangkat at gawin ang mga sumusunod na pangkatang gawain
Panuto: Sumulat ng dalawang pangungusap sa pagpapakilala sa bawat produkto.

Pangkat 1: Sabon
1,______________________________________________________
2.______________________________________________________
Pangkat 2: Gatas
1________________________________________________________
2.________________________________________________________
Pangkat 3: Tinapay
1. _____________________________________________________

2. _____________________________________________________

Pangkat 4: Toothpaste
1. _______________________________________________________
2.________________________________________________________

3. Paglalahat

Natatandaan pa ba ninyo ang napag-aralan natin?


Ano nga ulit ang patalastas?
Ano-ano ang uri ng patalastas?
Ano-ano ang mga dapat tandan sa paggawa ng patalastas

E. Evaluation
Panuto: Pag-aralan ang patalastas sa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito

1. Tungkol saan patalastas?


______________________________________________________________________
2. Ano ang dapat gawin sa mga basurang nabubulok at di-nabubulok?

______________________________________________________________________
3. Saan dapat ilagay ang mga basurang nabubulok?

______________________________________________________________________
4. Ano ang dapat gawin sa mga gamit na pwede pa?

_______________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, ano ang mabuting maidudulot ng wastong pagtatapon ng

basura?
______________________________________________________________________
IV. TAKDANG ARALIN

Panuto: Pumili ng isang produkto at gumawa ng patalastas tungkol dito.


Rubriks sa Pagpupuntos
1. Nakakahikayat at kaagad na nakakuha ng atensyon ang ads. 4 3 2 1
2. Maikli ngunit malinaw ang pagkakalahad ng mensahe. 4 3 2 1
3. Mahusay, praktikal at kaakit-akit ang adbertisment. 4 3 2 1
4. Matapat nitong nailahad ang mga benipisyo ng ads. 4 3 2 1
5. Sa kabuuan, mahusay na nakapaglahad ng impormasyon. 4 3 2 1

4- napakahusay 3 -mahusay 2- katamtaman 1-nangangailangan ng pagsasanay

Inihanda ni:
AISIELYN A. SAMSON
Teacher I
Noted:
ELIZABETH F. CINCO
School Principal IV

You might also like