Position Paper
Position Paper
Position Paper
ditto ang mga asignatura na dating nasa kolehiyo ay inilipat sa senior high school. Nang dahil dito,
umusbong ang balitang may kaugnayan sa pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo. Inilabas ng Ched
ang isang memorandum na nagsasabing tatanggalin ang pag-aaral sa asignaturang Filipino at Panitikan sa
kolehiyo. Ano nga ba ang importansya ng pag-aaral ng Filipino? Hindi pa ba sapat ang pinag-aralan natin
simula elementarya hanggang high school? Ilan lamang ito sa mga katanungang tumutugon sa
pagpapatangal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Hindi ko lubusang maisip kung bakit kailangan tanggalin ang Filipino sa kolehiyo sapagkat ang
pag-aaral nito ay sumisimbolo ng ating patuloy na pagsasanay sa ating sariling wika. Sa ganitong diwa, ang
aking suporta ay umaangkla sa paglaban para sa ating wika. Una, ang pag-alis ng asignaturang Filipino ay
nangangahulugang din ng pagkawala ng trabaho ng mga guro na nagtururo ng Filipino sa kolehiyo. Ayon
sa statistikang inilabas ng isang propesor sa Unibersidad ng De La Salle, mahigit kumulang 10,000 full-
time at 20,000 part-time na mga propesor ang mawawalan ng trabaho o mababawasan ng kita. Pangalawa,
malaki ang pangangailangan na maisulong ang malalim na kaalaman sa ating wika sapagkat kung
mapapansin natin halos nasakop na ng wikang Ingles ang sistemang edukasyon ng Pilipinas dahil na rin sa
kolonisasyon ng mga Amerikano. Dapat bigyang diin na mahalagang ambag ang Wikang Filipino sa
komunikasyon at pagkakaintindi ng bawat isa. Sinabi ni Prof. David Michael Sn Juan sa kanyang pahayag
na mahalagang ambag ang asignaturang Filipino, kultura at identidad ng Piipinas sa edukasyong
sosyokultural. Pangatlo, Filipino ang ating wika at ito’y ginagamit natin sa pangaraw-araw na
pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan sa isa’t isa. Ang paglaganap ditto ay napakaimportante sapagkat
ito’y pamana satin ng mga ninunong pinagtanggol ang ating bansa laban sa mga dayuhan.
Para sa aking pangwakas, nais kong ipabatid na ang importansya ng pag-aaral ng asignaturang
Filipino ay nagpapahiwatig ng ating malamin na pagkatuto hindi laman sa ating wika, kundi pati na rin sa
ating bansang pinaglilingkuran.