Alamat NG Bubuyog Noong Unang Panahon
Alamat NG Bubuyog Noong Unang Panahon
Alamat NG Bubuyog Noong Unang Panahon
burol. Bagamat luma na at sira-sira ang kanyang dampa, marami pa rin ang naakit dumaan at pumasyal
sa kanyang paligid. Dahil marahil ito sa maganda at mababangong bulaklak na inaalagaan niya. Marami
ang nagsasabing ang matandang ay siyang ring magandang diwata sa hatinggabi na nagdidilig at
nagtatanim ng mas magagandang bulaklak para sa kinabukasan. Minsan nabubulahaw ang matanda sa
kanyang pagtulog. “ Ano kayang ingay na iyon ang bulong niya sa sarili. Sumilip siya sa bintana at nakita
niyang may pitong kabataan na pumilas sa kanyang magagandang bulaklak. “ Maaari ninyong pitasin ang
mga bulaklak ngunit maaari bang huwag baliin o bubunutin ang mag puno nito.” Pakiusap ng matanda. “
Huwag kang makialam matandang hukluban! Bubunutin naming lahat an gaming magustuhan upang
mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtwanan ang mag kabataan. “ Mga lapastangan! Hindi na
kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. Mula ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi
pinapansin ng mag kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at
naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay
naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mag bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz,
Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz 1. Pangyayari: Marami pa rin ang naaakit dumaan at mamasyal sa paligid ng
kanyang bahay:
Si Raha Matuwid ay bantog na mandirigma. Siya'y iginagalang ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang
kaharian ay pinamumuhayan ng mabubuting mamamayan. Doo'y walang masamang-loob sapagkat
kamatayan ang parusa sa paglabag sa batas. Ang balangay ng Laguna sa ilalim ni Raha Matuwid ay
masaya at matiwasay.
"Opo."
"Ano?"
"Kamatayan po."
Noon ding oras na iyon ay pinakain ng lansones ang salarin. Ang lansones ay lason. Sinumang pakainin
nito ay karakaraka'y namamatay. Ganyan kung magparusa ang hari. Si Raha Matuwid ay ayaw
magparusa sa pamamagitan ng pagpalo, pagbitin, pagpapaaraw, paglakad sa nagbabagang uling ng
apoy, at paglulublob sa tubig.
Sa Kaharian ay may mag-asawang palaaway. Ang lalaki ay napakalupit. Kahit ang babae ay walang sala
siya'y laging ginugulpi.
Hindi namakatagal ang babae sa hirap. Siya'y nanalangin, "Diyos ko, patawarin mo po ako. Kikitlin ko po
ang sariling buhay!"
Nagkaroon ng mahiwagang liwanag sa loob ng bahay. Nagtaka ang lasenggong asawa. Siya ay nakarinig
ng pangungusap.
"Macario, ikaw ay lubhang malupit. Ikaw ay nagsusugal at umiinom. Ikaw ay tamad. Kung hindi ka
magbabagong asal, ikaw ay mamamatay!"
Natakot si Macario.
Hindi narinig ni Angela ang mahiwagang tinig na iyon. Marahil iyo'y hindi dapat iparinig sa kanya.
Sapagka't nais niyang wakasan ang lahat, kanyang kinain ang lansones na kanyang tangan.
Nang sandaling yaon si Macario wari'y natigilan. Nakita niyang kinain ng kanyang asawa ang lansones
subali't hindi man lamang niya pinagbawalan ito. Ang babae'y hindi namatay. Bagkus pa ngang naging
maganda kaysa rati.
"Nang nagdaang linggo si Angela ay nakaisip magpatiwakal. Kinain niya ang isang buwig ng lansones.
Matapos kainin ang lasong bungangkahoy siya'y bumata at naging maganda sa halip na mamatay!"
"Marami po sa aming looban. Ang amin pong punong kahoy ay hitik sa bunga!"
Noon di'y ipinag-utos ng hari na manguha ang mga kawal. Upang matiyak kung ano ang mangyayari sa
kakain, pinagbibigyan niya ang mga bilanggong hinatulan ng kamatayan. Ang mga bilanggo ay kumain
subali't hindi namatay. Sabi nila'y ang bungangkahoy ay masarap. Tumikim din ang Raha. Napag-alaman
niyang ito'y matamis.
Mula noon ang lansones ay kinain nang mga tao. Tunay, ang buto ay mapait! Mapait upang ipaalala ang
naging buhay ni Angela sa ilalim ng kalupitan ng asawa. Ganyan ang buhay, magkahalo ang pait at tamis.
Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/noong-lason-pa-ang-lansones/