Ibalon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

IBALON

Ang Ibalon ay matandang pangalan ng Bikol.


Ibalon is an old name for the Bicol region of the
Philippines.

Noong 1895, si Prayle Jose Castaño ay may kinaibigang


lagalag na mang-aawit na si Cadungdung. Sa kanya
narinig ng pare ang epikong Ibalon. Itinala at isinalin ng
pare sa Kastila ang isinalaysay sa kanya ni Cadungdung.

Ang epiko ay nababahagi sa trilohiya. Inilalarawan dito


ang kabayanihan nina Baltog, Handiong at Bantong.

Buod ng Ibalon

Si Baltog, isang bantog na mandirigma, ay mula sa


Batavara at naparaan sa Bikol. Napamahal sa kanya ang
Bikol dahil sa maganda nitong tanawin. Lumipas ang mga
taon at siya ay naging hari ng Ibalondia. Siya ay
napamahal sa mga tao roon dahil sa siya’y maunawain,
matapang at makatarungan.

Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang


dambuhalang baboy-ramo na pumuksa sa ani ng
mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal. Si
Baltog, ang bayaning katulad ni Beowulf, ay siyang
pumatay sa higanteng baboy-ramo. Nagbalik na muli sa
Ibalondia ang katahimikan.
Nang tumanda si Baltog, sumipot naman sa Ibalondia ang
mga higanteng kalabaw, mga pating na lumilipad
at buwayang ganggabangka. Si Handiong na naparaan
doon ang sumagip sa kahambal-hambal na katayuan ng
kaharian. Pinagpapatay niya sa tulong ng kanyang mga
kawal ang mga damulag.

May isang kaaway na hindi mapasuko ni Handiong. Ito’y


si Oriol na minsa’y ulupong at minsa’y nakabibighaning
binibining nais manlinglang. Siya’y hindi nagtagumpay kay
Handiong. Hindi niya madaya ang bayani kaya kanyang
tinulungan ito upang lipulin ang mga salimaw, ang mga
malignong mapanligalig. Si Oriol ay naniniwala sa
kasabihang “Kung hindi talunin, makiisa sa layunin.”

Ang kilabot na si Rabot ay dumating sa Ibalondia. Kung


kanyang maibigan, ang mga tao’y kanyang nagagawang
pawang bato. Sapagkat na si Handiong, ang humalili sa
kanya na bagong tagapagligtas ay si Bantong.

Ang dambuhala ay napatay ng makapangyarihang espada


ng bagong manunubos. Dahil sa labanan, ang lupa ay
yumanig at umalon ang karagatan. Nang matapos ang
malagim na sagupaan, namalas na may maliliit na pulo sa
dagat sa kalapit ng Ibalondia. Nagbago ng landas ang Ilog
Inarinan. Ang bundok ng Bato ay lumubog at ito’y naging
lawa. Namalas sa gitna ng mga sira-sirang paligid ang
isang umuusok na bulkan. Iyan ang Bulkan ng
Mayon ngayon.
Ang buod ng Kwentong Bidasari. Ito ay mula sa Kamindanawan,
isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang
magtagal ang buhay ng tao, Ito ay pinapaalagan at
pinapaingatan sa isang isda,hayop,halaman, o punong kahoy.

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa ibong garuda,


isang dambuhalang ibon na kumakain ng tao. Tuwing
dumarating ito nababalot ng takot ang mga tao sa kaharian ng
Kembayat sila ay dagling nagtatakbuhan at nagtatago sa yungib.

Isang araw na pagdating ng garudo ang lahat


nagsipagtakbuhan kabilang na dito ang Sultan at Sultana ng
Kembayat. Ngunit ang Nagdadalantaong Sultana ay
napahiwalay sa kanyang asawa. Siya ay napunta sa tabi ng ilog
kung saan naisilang nya ang kanyang sanggol. Dahil sa laki ng
takot at pagkalito ang sanggol na ito ay kanyang naiwan.

Na napulot naman ni Diyuhara, isang mangagalakal mula sa


kabilang kaharian. Kanyang inuwi at dagling pinagyaman ang
sanggol.
Itinuring niya itong anak at binigyan ng pangalang Bidasari,
lumaking isang napakagandang dilag.

Samantalang sa kaharian ng Idrapura. Ang Sultan dito ay


dalawang taon pa lamang nakakasal sa asawang si Lila
Sari,isang mapanigbuhuin Sultana. Kaya madalas ay tatanungin
nya abg sultan kung siya ay mahal nito na sinasagot nama ni
Sultan Mongindra na “Mahal na mahal ka sa akin”.

Walang pagkasiya ang Sultana minsan namn ay tinanong niya


ang asawa “Hindi mo kaya ako makalimutan kung may makita
ka ng higit na maganda sa akin?”. Na tinutugon naman ng
Sultan “Kung higit na maganda pa sayo, ngunit ikaw ang
pinakamaganda sa lahat.”

Nag-alala ang Sultana na baka mayroong higit na maganda pa


sa kanya kung kaya’t inutusang nya ang kanyang mga
matatapat na kabig upang saliksikin ang hanapin kung mayroon
pang babaeng higit na maganda kaysa sa Sultana.
At ito nga ay si Bidasari na kanyang inanyayahan sa palasyo
upang gawing dama ngunit ito lihim na kinulong at pinarusahan
ni Lila Sari.

Hindi na natiis ni Bidasari ang pagpaparusa sa kanya kung


kaya’t sinabi nya dito na kunin ang isdang ginto sa halamanan
ng kanyang ama. Sa araw ikukuwintas ito ni Lila Sari at sa gabi
naman ay ibabalik sa tubig at hindi maglalaon ay mamatay si
Bidasari. Pumayag ang Sultana kinuha nya ang isdang ginto at
pina uwi na si Bidasari.

Nang isuot nga ng Sultana ang kwintas ng gintong isda sa araw


nga ay nakaburol si Bidasari at muling nabubuhay sa gabi.

Dahil sa pag aalala ni Diyuhara na baka tuluyang patayin si


Bidasari ito ay nagpagawa ng palasyo sa gubat kung saan nya
itinira ang kanyang anak.

Isang araw si Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat doon nya


nakita ang isang magandang palasyo ngunit ito ay nakapinid.
Pinilit nya itong buksan at pinasok ang mga silid. Doon nakita
niya ang isang magandang babae na natutulog, si Bidasari.
Ngunit ito ay hindi nya magising. Umuwi ang Sultan na hindi
nakakausap si Bidasari kung kaya’t kinabukasan ay bumaliksiya
at naghintay hanggang gabi. Nang gabi ngang iyon ay nabuhay
si Bidasari. Dito nalaman nya ang ginawa ng Sultana. Nagalit
ang si Sultan Mongindra kay Lila Sari ito ay kanyang iniwan sa
palasyo at pinakasalan si Bidasari.

Samantala, ang mga tunay na magulang ni Bidasari ay tahimik


ng naninirahan sa Kembayat. Nagkaroon pa sila uli ng supling at
ito ay si Sinapati, na kamukhang kamukha ni Bidasari.

Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara nakita


nito si Sinapati kanya itong kinaibigan. Ibinalita nya din dito na
ito ay may kamukha. Kaya dagling tinanong ni Sinapati ang
kanyang mga magulang kung siya ba ay mayroong nawalay na
kapatid. Kung kaya’t pinasama ng ama ang anak na si Sinapati
sa Indrapura.

Nang magkita ang magkaptid ay kapwa sila nagulat sapagkat


sila ay magkamukhang magkamukha. Natunton na ang
nawawalang prinsesa ng Kembayat. At ito’y nalaman ng sultan
ng Indrapura ang kanya palang pinakasalan ay isang palang
prinsesa.

You might also like