BALAGTASAN

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

BALAGTASAN ...

ALING WIKA ANG DAPAT NA MAS PAHALAGAHAN AT GAMITIN SA PAARALAN:


WIKANG FILIPINO O WIKANG ENGLISH?
ni Joel Costa Malabanan

Lakandiwa: Magandang hapon po ang aming pagbati


Okasyon pong ito’y sadyang natatangi
Isang balagtasang kakaibang uri
Dito sa Perpetual, ngayo’y mangyayari

It will be the first time in our history


Two people will debate with rhymes and poetry
And the main objective, for each of us to see
The power of language and its hidden beauty

Kung kaya ang paksa na pag-uusapan


Ay matagal na ring pinagtatalunan
Aling wika ba ang dapat pahalagahan
Ang wikang hiram ba o ang kinagisnan?

I ‘m Jonathan Calda, designated as judge


I’m tasked to supervise, and later to decide
And since, I wish not to prolong your agony
Listen and contemplate, debate through poetry!

Makata 1: Azl Cedric Lopez, ang aking pangalan


Tagapagtanggol po ng wikang kinagisnan
Sa debate ako’y walang aatrasan
Knocked out ang sinumang sa aki’y lalaban

Makata 2: I am Reggie Ucang, a third year student


My crusade is to prove that English is the best
No one can stop me, nor intimidate me
Anytime, anywhere, I am always ready!

Makata 1: Bayaan n’yong ako na ang siyang mauna


Ang tanong ko sa ‘yo’y Pilipino ka ba?
Sayang ang tulad mong matalino sana
Subalit sa malas, ay utak banyaga

Sapagkat kung ika’y isang Pilipino


Di sana, kung gayon, ika’y kakampi ko
Hindi tulad ngayong dala mong anino
Ay asal at diwang maka-Amerikano!
Makata 2: By heart and by thoughts, I’m a Filipino
And I love this country just like the way you do
But nationalism, is not language alone
We should be practical, for our life to go on

As we enter the stage of globalization


English will be our tool for communication
We need not study, our own native language
Schools should choose English, in the search for
knowledge!

Makata 1: Isang kahibangan ang iyong tinuran


Mismong wika natin ay kalilimutan?
Kung lahat ng Pinoy ang utak ay ganyan
Mas lalong kawawa itong ating bayan!

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Dapat na igisa sa kanyang mantika
Kung Pilipino ka sa isip at gawa
Patunayan mo rin maging sa salita!

Makata 2: In Chemistry, Physics, Bilogy and Math


Filipino language is surely not enough
For comprehension and to avoid confusion
English will only be the only solution!

Modern technologies are printed in English


Translations will take time for us to accomplish
And if in deed, you’d like this country to prosper
Educators should try to teach English better!

Makata 1: Sa Matematika at kahit sa Agham


Terminolohiya’y maaring tumbasan
Lahat nang salita’y pwedeng matapatan
Kung pagsisikapang ngayo’y masimulan

Itong Komisyon sa Wikang Filipino


Dapat magsimula nitong pagbabago
Pwedeng mag-imbento ng mga salita
Gagamitin hanggang makasanayan na!

Makata 2: Your idea is good, but it may not be sound


And to tell you frankly, I find it so absurd
Ask an Ilonggo, or a Cebuano
They do not understand, “Wikang Filipino”
We can’t rely on the Filipino language
Confusing dialects is our disadvantage
For practicality and to achieve unity
English langage should be our first priority!

Makata 1: Wikang Filipino ang tanging pag-asa


Upang tayong lahat ngayo’y magkaisa
Makamtan ng bansa, tunay na paglaya
At di sa dayuha’y palaging umasa

Nagkawatak-watak tayong Pilipino


English ang ginamit at siyang instrumento
Ang diwang kolonyal, tanim ng dayuhan
Inaani natin ngayo’y kahirapan!

Makata 2: If our people were poor, then blame the government


For they have done nothing for our improvement
But the English language, cannot be the culprit
In fact, it is a must, people should master it

Our avenue to progress is the English language


Unlike other Asians, it is our advantage
Fluency in English of our migrant workers
Is fully appreciated by foreign employers!

Makata 1: Baluktot na naman ang iyong katwiran


Na magpaalipin sa mga dayuhan
Sa tono ng iyong pangungusap ngayon
Nais mong matulad kay Flor Contemplacion

Aanhin ang English kung ika’y alipin


Sa araw-araw ay may among susundin
Pagka-Pilipino’y wag mong pababain
Lahing kayumanggi ay iangat natin!

Makata 2: I am not downgrading the race where I belong


You can’t just understand what I’ve said all along
No country will move on with the tide of progress
Mastery of English should really be stressed!

Makata 1: E di tulad natin ay ang asong ulol


Nais ay ngumiyaw sa halip na tumahol
Huwag nating payagang lalo pang masakal
Nitong kinagisnang isipang kolonyal!
Makata 2: Of course I’m not a dog, also, I am not a cat
A false analogy, is what you’re driving at

Makata 1: Bakit mapapalso, gayong tama naman


Abnormal ang ating naging kalagayan!

Makata 2: Everything is normal, and the problem is you


You’re trying to deviate from the real issue!

Lakandiwa: Hintay, saglit lamang, aking puputulin


Lagbalab ng apoy nitong paksa natin
Ngayon silang dalawa ay pagpapalitin
Si Azl naman ang ating pag-Inglesin

But then the two of them will carry the same stand
Reggie will still try to support her demand
The irony of all, is that they will argue
Using the language that they intend to outdo.

Pakinggan nga muna, natin si Reggie


Kahit Tagalog na, sa English pa rin siya
How about giving her, another loud applause
As she tries to unfold, the main part of our show!

Makata 2: Di naman kolonyal ang maging praktikal


Bagkos ay pag-iawas sa pagiging hangal
English ay kailangan ng kahit sinuman
Katotohanan iyang di kayang tanggihan

Ang English ay isang wikang universal


Siyang sandigan ng mga pag-aaral
Walang bansang kayang umunlad mag-isa
Kung sa wikang English ay hindi aasa!

Makata 1: I dare to disagree, that is a fallacy


For those who would listen, please hear now my plea
The Japanese proved to us with its economy
Using their own language, achieved prosperity

And then we have China, Thailand and Malaysia


Using their native tongue, they dominate Asia
We Filipinos, should appreciate our own
To liberate our souls from any subversion!
Makata 2: Kasinungalingan ang iyong tinuran
Nang dahil sa US, umunlad ang Japan
Kahit gamit nila ang sariling wika
Sila’y tinulungan din ng Amerika

At kahit ang China’y ‘wag mong ipagyabang


Komunismo’y kanilang tinatalikuran
Mga Intsik ngayon ay nais mag-Ingles
At kapitalismo ang siyang ninanais!

Makata 1: Capitalism is the root cause of evil


Countries are exploited even against their will
And the English language that I am using now
Discriminates people who do not know how

Fluency in English is not a measurement


Of person’s intellect or country’s achievement
For us, Filipinos, it is a manifest
Of how we glorify colonial interest

I accept that we need to learn more of English


But we should be master of our own language first
Cause there is no reason, for our race to exist
Kung ang wika natin nama’y maaalis!

Makata 2: Aminin na kasi, na sadyang talunan


Ang lahat sa mundo, English ang kailangan
Kahit sa internet, sining at musika
Sa English ay walang higit pang dakila

But then I must admit, we need not to forget


Yes, we should also use, the language we know best
Kung ang Wikang English ay pag-aaralan
Wikang Filipino ay huwag kaligtaan!

Lakandiwa: Narinig n’yo naman ang huling tinuran


Wikang Filipino’y huwag kalilimutan
Itaguyod lagi ang sariling atin
Pag-ibig sa bayan, laging paniagin

Thus, we should be master of our language first


At the same time we try to learn more of English
And perhaps in the end, our country will prosper
Through unity and hard work, our life will be better
At sa hapong ito ay napatunayan
Na ang wika’y sadyang makapangyarihan
Kapwa, Perpetualite, aming kahilingan
Na kami pong tatlo ay mapalakpakan!

Linggo ng Wika
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

[[Imahen:Filipinolanguagemonth.png.jpg|200px|thumb|Poster ng Komisyon sa Wikang Filipino


para sa Linggo ng Wika]]

Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas.
Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika. Sa bawat
taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga
sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga
paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang
pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.

Mga nilalaman
 1 Kahalagahan ng Wika
 2 Kasaysayan
 3 Selebrasyon
 4 Sanggunian
 5 Pagkilala

Kahalagahan ng Wika
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa
ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng
isang tao.

Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang
nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi
ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na
siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay
batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.

Kasaysayan
Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmeña ng Proklamasyon Blg.
35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng
Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa
pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13
hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay
bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng
Wikang Pambansa". Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika,
naging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.

Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang
Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon.

Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika,
idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang
Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997.

Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas.


Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa.

Selebrasyon
Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at kolehiyo sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa paggawa ng tula, pagbigkas
ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit
ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga
patimpalak sa pagsusulat ng slogan, paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba’t
ibang munisipalidad.

Facebook logo
Email or Phone Password
+63916366

Keep me logged in Forgot your password?


Sign Up
English (US) · Privacy · Terms · Cookies ·
More
Facebook © 2014

News Feed
Caloocan National Science and Technology High School

August 20, 2012 ·

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Malayo-Polinesyo
• angkang kinabibilangan ng mga wikang Indonesian (Tagalog, Visayan, Ilocano, Pampango,
Samar-Leyte, Bicol at iba pa sa Pilipinas) at Malay
• sumunod ang laki sa wikang sakop ng angkang Indo-European (pinakamalaki) na
kinabibilangan ng Espanyol at Ingles

Saligang Batas ng Biak na Bato


• ang wikang opisyal ng Katipunan ay Tagalog na naging midyum sa mga pahatid-sulat at
dokumento ng kilusan

Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIII, Seksyon 3


• “Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang komong wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika. Hanggat hindi ipinag-utos ng batas, mananatili ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na
wika.”

Batas Komonwelt Blg. 184


• naglalayong bumuo ng samahang pangwikang (Surian ng Wikang Pambansa o SWP) tutupad
sa hinihingi ng konstitusyon, ang naging unang pinuno nito ay si Jaime C. De Veyra

Batas Komonwelt Blg.333


• nagpatibay sa pagkakaroon ng SWP

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134


• matapos ang sampung buwang pag-aaral, ipinalabas ng SWP ang resolusyong nagsasabing
Tagalog ang lubos na nakatugon sa ginawa nilang pag-aaral, ang Tagalog ay batayan ng wikang
pambansa

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263


• nabuong ganap ni Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Tagalog) ang talatinigang may pamagat
na “A Tagalog-English Dictionary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”

Kautusang Pangkagawaran Blg.1


• iniutos ng kalihim ng Pampublikong Instruksyon, Jorge Bocobo na ituro sa lahat ng paaralan
ang pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941

Order Militar Blg. 13


• ibinaba noong panahon ng pananakop ng Hapon, ginawang opisyal na mga wika ng Pilipinas
ang wikang Hapon at Tagalog
Batas ng Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 4, 1946)
• Ang wikang pambansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay maging isa nang wikang
opisyal ng Pilipinas.

Proklama Blg. 12 (Marso 26, 1954)


• Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika, simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2 na kanya ring
kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.

Proklama Blg. 186 ( Set. 23, 1955)


• Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang susog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon
ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng
Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, "Ama ng Wikang
Pambansa“.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959)


• Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero, ipinatupad ang pagtawag sa
wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinawag ng Batas Komonwelt Blg.
570.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (Nob. 14, 1962)


• Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag
na o may salin sa wikang Pilipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Okt. 24, 1967)


• Ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay
nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1968)


• Ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino,
kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa
tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Nilagdaan ito ni
Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas.

Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksyon 3


• Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na
adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. Hanggat hindi
nagpapatibay ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino ang siyang wikang opisyal

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10, 1974)


• Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga
paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-75. Ang patakarang ito ay nag-uutos ng
magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na
asignatura sa primarya, intermedya at sekundarya.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
• “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.”

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7


• "Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon
ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang
panturo roon.“

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 8


• “Ang Konstitusyon ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.”

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 9


• “Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa ng binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika.”

Kautusang Pangkagawaran Blg.52, (1987)


• Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Bilinggwal nang ganito…”Ang patakarang
Bilinggwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa,
sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat
ng antas.”

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero, 1987)


• Nilagdaan ng Pangulong Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na
pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991)


• Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng
Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP.

Proklamasyon Blg. 1041 (1997)


• Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni
Pangulong Ramos.

Kagawaran ng Edukasyon- Ordinansa Blg. 74 (2009)


• Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya o Multilingual Language Education
(MLE). (Nauna rito, may inilahad nang bersyon ang ikalabing-apat na Kongreso ng Mababang
Kapulungan na House Bill No. 3719- An Act Establishing a Multi-Lingual Education and
Literacy Program and for other Purposes sa pamamagitan ni Hon. Magtanggol T. Gunigundo.)
Wikang Filipino
• Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992) na sinusugan ng Resolusyon Blg.
1-96 (Agosto,1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang depinisyon ng Filipino ay…

“…ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas- bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng mga paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong
wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga
nagsasalita nito na may iba’t ibang salitang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at
iskolarling pagpapahayag.”
• Sa panayam na ibinigay ni Komisyuner Ricardo Ma. Duran Nolasco ( ng KWF, 2007) sa
Mariano Marcos State University, aniya ang kasalukuyang Filipino ay dating wika ng
Katagalugan na naging wikang pambansa bunga ng kombinasyon ng mga pangyayaring
historikal, ekonomikal at sosyopolitikal kayat naging pambansang lingua franca ng
magkakaibang etnolinggwistikong grupo sa bansa.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 81


• nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino, kasabay ng tuwirang
pagtukoy ng Konstitusyon ng 1987 sa wikang pambansa

Alpabetong Filipino (1987)


• Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawag-Ingles maliban sa ñ (enye) na tawag-
Kastila (ey, bi, si, di, i, ef, dzi, eyts, ay, dzey, key, el, em, en, enye, endzi, o, pi, kyu, ar, es, ti, yu,
vi, dobol yu, eks, way, zi).
Kautusang Pangkagawaran blg. 45, s. 2001 (2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling
ng Wikang Filipino)
• may 28 letra pa rin sa 2001 alfabeto, walang idinagdag, walang ibinawas at gumaganap bilang
pagpapatuloy ng 1987 Patnubay…. Ang binago ay mga tuntunin sa paggamit ng walong dagdag
na letra na pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang pormal na ipinasok sa alpabeto ng
1976.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006


• pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino. Itinagubilin pa ang pansamantalang paggamit at pagsangguni sa
1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling habang ang KWF ay nagsasagawa ng mga konsultasyon

Mayo, 2008
• ipinalabas ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa, nakabatay ito
sa 1987 Patnubay…, tinapos na ang pagkalito sa maluwag na paggamit ng 2001 Revisyon….

You might also like