LP Justice

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Southern Christian College

United Church of Christ in the Philippines


College of Teacher Education
Midsayap, Cotabato

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7


Petsa: January 23, 2018 Oras: 10:15 -11:15
Taon at Pangkat: Grade 7- Justice
KONSEPTO: Ang Dinastiyang Sung at Yuan ay ilan lamang sa mga dinastiyang
namuno sa Tsina noong sinaunang panahon.
I. LAYUNIN: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. napapangalanan ang mga namuno sa panahon ng Dinastiyang Sung at Yuan;
b. naiisa-isa ang mga naiambag ng Dinastiyang Sung at Yuan; at
c. napapahalagahan ang mga ambag ng Dinastiyang Sung at Yuan sa
pamamagitan ng isang dula-dulaan.
II. PAKSANG ARALIN
a. Paksa: Dinastiyang Sung at Yuan
b. Sanggunian: Soriano, Celia D. et.al., KAYAMANAN:Araling Asyano, REX
Publishing House 2017, Pahina 215-217
c. Kagamitan: Laptop, Projector
III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda
 Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating Ama naming makapangyarihan…Amen
panalangin

 Pagbati
Magandang umaga! Ako nga pala si Magandang umaga din po Sir
Roland Christopher Z. Alindao, ang Ikinagagalak po naming kayong
magiging guro ninyo sa umagang ito. makilala

 Pagtatala ng lumiban
May mga lumiban ba sa araw na ito? Wala po Sir

Magaling
B. Pagbabalik-aral
Bago natin talakayin ang ating bagong Dinastiyang Sui at Tang po Sir
aralin, ano ang inyong nakaraang leksyon?

May mga katanungan pa ba kayo? Wala na po Sir

Panuto: Buuin ang mga nawawalang letra


upang maibigay ang hinihingi ng
pangungusap.

1. Siya ang nagtatag ng Dinastiyang


Tang. L_ Y_A_ Li Yuan
2. Ito ay batayan sa pagtanggap ng
opisyal sa pamahalaan.
C_V_L S_RV_CE Civil Service
3. Ito ay mga katulong na naninilbihan
sa kaharian ng emperador. E_N_CH Eunuch
4. Ang pinakamahalagang ipinagawa ni
Yang Ti. GR_N_ CA_ _L Grand Canal
5. Isa sa mga ilog na nagdudugtong sa
Grand Canal.
Y_NG_ _E RI_ _R Yangtze River

Magaling!

C. Pagganyak

Panuto: Ipapangkat ko kayo sa dalawang


grupo at pipili ng mga kumakatawan sa
bawat grupo. Magkakaroon tayo ng
pagbabaybay.

Halimbawa: D-I-N-A-S-T-I-Y-A

1. K-U-B-L-A-I-K-H-A-N
2. M-A-R-C-O-P-O-LO
3. K-A-M-I-K-A-Z-E (magbabaybay)
4. K-H-I-T-A-N
5. M-O-N-G-O-L
D. Presentasyon ng Aralin

E. Pagtatalakay

Ang Dinastiyang Sung

 Ang Dinastiyang Sung ay itinatag ni


Sung Tai-tsu.
 Hindi na nakuhang bawiin ng mga
Sung ang mga lupaing nasakop ng
mga dayuhan noong panahong
humina ang kapangyarihan ng Tang.
 Ito ay naging matatag,
makapangyarihan at masagana.

 Ang mga panahon ng Tang at Sung


ay kinakitaan ng malaking
pagsulong.

Pakibasa
Naging masagana ang agrikultura at
lumago ang pondong pananalapi ng
China.
Ngunit kasabay ng pag-unlad, dumoble
naman ang mga tao sa kalakhang
imperyo

Para matugunan ang Green Sprout Act po Sir


pangangailangan ng malaking
populasyon, ano ang pinag-utos ni
Sung Tai-tsu na ipatupad?

Magaling

Ano itong Green Sprout Act? Sa batas na ito ang mga magbubukid
ay pinautang ng pamahalaan ng butil
na maaring bayaran matapos ang
Magaling anihan.

 Ang sumunod na emperador ng


Sung ay nakapag-angkat ng ibang
uri ng butil ng bigas mula sa
Vietnam.

Pakibasa Ang paraan ng pagsasaka at pag-aani


ng butil ay maayos na itinuro ng mga
Salamat opisyal ng pamahalaan sa buong
imperyo.

 Ang Silk Road na dating


binabantayan ng mga hukbo ng
kaharian ng Tang ay hindi na nabawi
ng mga Sung mula sa mga Juchen o
barbarong Manchu na sumalakay at
nag tatag ng kanilang imperyo sa
hilagang bahagi ng Tsina.
 Noong 900 BCE ang Dinastiyang
Sung ay ginambala ng mga Khitan.

Sino itong mga Khitan? Ito po ay isang pangkat ng mga Mongol


Sir.
Magaling

 Kapalit ng taunang suhol na buwis


ang pangkat ng mga Khitan ay
nangako sa emperador na hindi na
muling mangambala.

Mga naiambag ng Dinastiyang Sung

 Bank Notes
 Civil Service Examination
 Nag tatag ng pinaka unang
permanenteng Hukbong Pandagat
ng Tsina
 Pinaka unang gumamit ng Compass
sa Navigasyon
 Movable type printing

Dinastiyang Yuan (Ang Tsina sa ilalim


ng mga Mongol)

Ano ang Mongol? Isang pangkat ng mga nomad na


namamalagi sa hilagang Tsina.
Magaling

Sino ang pinuno ng mga Monggol? Si Temujin o kilala bilang Genghis


Khan po Sir.
Magaling

 Isa sa pinakamagaling na
mananakop ng daidig
 Siya rin ang nagtatag ng Imperyong
Mongol.

Sino ang pumalit kay Genghis Khan? Ang kanyang apo na si Kublai Khan po
Sir
Magaling

 Siya ay kilala bilang “the Great


Khan”
 Siya ang namuno sa sarili niyang
khanate na sumasakop sa Mongolia,
Korea, Tibet at Hilagang China.

Pakibasa Nakuha lamang sakupin ni Kublai Khan


ang kabuuang Tsina noong taong 1279
at itinatag ang Dinastiyang Yuan.
Ang panahon ng Dinastiyang Yuan ay
Salamat naging mahalaga sa kasaysayan ng
Tsina.

Sino si Marco Polo? Pinakatanyag na Europeong bumisita


sa Tsina.
Magaling

 Siya ay kinuha ni Kublai Khan bilang


katiwalang kawani sa kanyang korte
at emisaryo ng emperador sa mga
lungsod ng imperyo.
 Sa kanyang paglalakbay pabalik ng
Venice, si Marco Polo ay nabihag ng
mga pirata at ibinilanggo.
 Si Rusticiano, siya ang nagsulat at
naglabas ng aklat ng mga kuwento
ni Marco Polo.

Pakibasa Sa pangalawang pagkakataon na


sinubukan ni Kublai Khan na sakupin
Salamat ang Japan, ang plotang ipinadala niya
ay binuo ng 150,000 mandirigmang
Mongol, Tsino at Koreano.
 Kamikaze o divine wind, ang hangin
na pinaniniwalaan nilang nagligtas
sa kanila laban sa mga Mongol.

 Si Kublai Khan ay namatay noong


1294

Pakibasa Mga naiambag ng Dinastiyang Yuan

 Napag-isa ang Bansang Tsina


matapos ang 300 daaang taon
 Pinaka unang gumamit ng papel
bilang pera
 Naging tanyag ang mga Nobela
at Drama sa Panahon ng Yuan
 Landscape Painting
 Mas napadali ang pag gamit ng
Movable Type Printing
 Pagka imbento ng Teapot na
gawa sa porcelana
 At pagka diskubri sa mga paraan
Salamat ng pang gagamot sa may mga
sakit

F. Paglalapat

Aktibidad:
Dula-dulaan: Ipapangkat ko kayo sa
limang grupo at pipili kayo ng inyong
magiging lider.

Group 1: Paggamit ng Compass


Group 2: Pagka diskubri sa mga paraan ng
pang gagamot
Group 3: Paggamit ng papel na pera
Group 4: Paggamit ng Teapot
Group 5: Pagtatag ng hukbong dagat
Rubrics:
Nilalaman 10
Organisasyon 5
Kooperasyon 5
Pagkamalikhain __5__
25
IV. EBALWASYON
Panuto:Tama o Mali: Sa isang kalahating (½) papel, isulat ang tama kung ang salitang
may linya ay tama, kung ito ay mali isulat ang tamang sagot.

1. Si Li Yuan ang nagtatag ng Dinistiyang Yuan.


2. Ang Green Sprout aypinatupad ni Sung Tai-tsu
3. Naging masagana ang agrikultura at lumago ang pondong pananalapi ng tsina
sa panahon ng Tang at Sung.
4. Noong taong 800 BCE ang Dinastiyang Sung ay ginambala ng mga Khitan.
5. Sa Dinastiyang Sung ay dumoble ang bilang ng tao sa kalakhang imperyo.
6. Ang mga Mongol ay pangkat ng mga nomad na namamalagi sa timog ng Tsina.
7. Si Kublai Khan ay tinaguriang The Great Khan.
8. Si Kublai Khan ay namatay noong 1294
9. Ang Compass ay ginagamit sa navigasyon..
10. 18 taong nag lingkod si Marco Polo bilang katiwalang kawani sa korte ni Kublai
Khan.

V. TAKDANG ARALIN
Basahin ang tungkol sa Dinastiyang Ming at isulat sa isat kalahating papel ang mga
mahahalagang pangyayari na naganap dito.

Sanggunian: Soriano, Celia D. et.al.,KAYAMANAN, Araling Asyano, REX Publishing


House 2017, Pahina 215-217

Iniwasto ni: Inihanda ni:

Katherine B. Buscato Roland Christopher Z. Alindao

You might also like