Pagsulat - Katuturan, Kahalagahan, Layunin, at Uri Nito

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Journal Entry

Mayroon talagang pagkakaiba ang kolehiyo sa hayskul. Sa hayskul, ang mga sanaysay, kuwento o nobelang
ipinapabasa ng mga guro sa mga estudyante ay pare-pareho lamang. Madalas ang paksa ng mga ito ay base
sa realidad. Ngayon lamang ako nakapagbasa ng isang nobela tulad ng Hari Manawari. Mayroong “intertext” na
ginagamit sa kuwento na minsan lamang matatagpuan sa ibang mga libro.
Si German Gervacio, ang may-akda ng Hari Manawari, ay lumabas sa karaniwang konsepto ng pagsusulat ng
isang nobela. Alam nating lahat na nakakapagkuha ng atensyon ang mga nobelang kakaiba. Dahil dito, madalas
pinag-iisipang mabuti ng mga manunulat kung papaano nila gagawing kaakit-akit ang kanilang mga kuwento.
Dahil marami ring naniniwala na ang pagiging katangi-tangi (unique) ay ang pundasyon ng isang “bestseller” na
nobela, hindi kumukuha ng mga ideya galing sa ibang mga kuwento ang mga manunulat upang makabuo ng
sariling libro. Sa puntong ito naiiba si German Gervacio. Katangi-tangi ang Hari Manawari, hindi dahil sa
kakaibang banghay nito, kundi dahil sa pagsasama-sama ni Gervacio ng iba’t ibang kuwento upang makabuo
ng isang bagong nobela.
Totoong ang mga librong tulad ng Harry Potter at Hunger Games ay naging sikat dahil sa kakaibang banghay
nito, ngunit hindi palaging nakabase sa bagong ideya ang pagiging orihinal. Mahalaga ring lumingon sa
nakaraan. Pwedeng gamitin ang mga lumang ideya at hubugin ito upang makabuo ng bagong kuwentong
maihahandog sa mga mambabasa.
Isa pang halimbawa ng nobelang pinabasa sa akin sa kolehiyo na maihahalintulad ko sa Hari Manawari ay
ang The Revolution According to Raymundo Mata ni Gina Apostol. Ito ay pinabasa sa akin ng propesor ko sa
Literature 13. Kakaiba ang nobelang ito dahil sa “twist” na ginawa ng may-akda sa kasaysayan. Bago kong
basahin ang libro, ang akala ko ay tungkol lamang ito sa Philippine Revolution ngunit hindi pala. The Revolution
According to Raymundo Mata ay hindi isang “history book” kundi isang “historical novel”. May pagkakaiba ang
dalawang konseptong ito. “History books” ang ginagamit sa asignaturang Araling Panlipunan sa hayskul. Ito ay
hindi katha samantalang ang “historical novel” naman ay isang katha.
Ang kasaysayan ng Pilipinas ay nabanggit din sa The Revolution According to Raymundo Mata ngunit hindi
lahat ng mga impormasyon sa nobelang ito ay batay sa mga “history books”. Ang mga mambabasa ng nobelang
ito ay nabibigyan ng mga kakaibang pananaw o perspektibo tungo sa mga bayani at kasaysayan ng Pilipinas.
Halimbawa, imbis na ilarawan si Emilio Aguinaldo bilang isang magiting at kahanga-hangang tao, sa nobela,
siya ay mayabang at lagi na lamang nagrereklamo.
Ang tagpuan ng The Revolution According to Raymundo Mata ay base sa kasaysayan ngunit masasabing
kakaiba pa rin ito dahil sa iba’t ibang pananaw o perspektibong naihahandog nito. Muli, gaya ng Hari
Manawari, ang nobelang ito ay naging tagumpay, hindi dahil sa kakaibang banghay, kundi dahil sa paglingon
sa nakaraan at sa paghubog nito.
Eddie Garcia, 90, pumanaw na
MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay ang beteranong aktor na si Eddie Garcia, Huwebes,
ayon sa medical bulletin ng Makati Medical Center.

Namatay si Garcia ganap na 4:55 p.m. ngayong araw habang naka-comatose. Siya'y 90-anyos.
Nagtamo ng severe cervical fracture, o bali sa leeg, ang aktor buhat ng aksidente sa taping ng GMA-
7 show na "Rosang Agimat."

"We join the entire Filipino community in praying for the soul of Mr. Garcia and his dearly beloved
family and friends. We extend our deepest condolences to the Garcia Family," sabi ni Dr. Artemio
Cabrera Salvador, division head ng patient relations department - quality management division.

(Sinasamahan namin ang lahat ng Pilipino sa pananalangin para sa kaluluwa ni G. Garcia at kanyang
pamilya't kaibigan. Ipinaaabot namin ang aming pinakamalalim na pakikiramay sa pamilya Garcia.)

Matatandaang sinabi ng pamilya na hindi nila tatanggalin ang life support ng aktor, ngunit inilagay sa
"do not resuscitate" status. — James Relativo at may mga ulat mula sa

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/showbiz/2019/06/20/1928099/eddie-


garcia-90-pumanaw-na#8uDtmFL8YvuuP1OG.99
EDITORYAL - Dengue at leptospirosis ang kalaban ngayon

TAG-ULAN na. At sa ganitong panahon, nananalasa ang dalawang mapanganib at nakamamatay na


sakit – ang dengue at leptospirosis. Pero maiiwasan ang mga ito kung mapapanatili ng mamamayan
ang kalinisan sa loob ng bahay at kapaligiran. Kalinisan ang tanging susi para mapigilan ang dengue
at leptospirosis.

Ayon sa Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, nasa 70,000 kaso
ng dengue ang naitala at maaaring dumami pa ngayong nagsisimula na ang tag-ulan. Ayon pa sa
DOH, 312 na ang naitalang namatay sa dengue ngayong taon. Sintomas ng dengue ang mataas na
lagnat na tumatagal ng isang linggo, kulay kapeng ihi, paglabas ng pantal-pantal sa balat at
pananakit ng katawan. Kapag nakitaan ng mga palatandaang ito ang kaanak, dalhin agad sa doctor.

Ipinapayo na takpan ang mga drum, timba at iba pang lalagyan ng tubig para hindi pangitlugan ng
lamok. Itapon din ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng
halaman at iba pang posibleng breeding ground. Linisin ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig
sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok na tinatawag na Aedes Aegypti.

Mapanganib ang leptospirosis na karaniwang nakukuha sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng


daga. Delikado kapag lumusong sa baha na walang proteksiyon ang mga paa. Kapag bumaha sa
Metro Manila, maraming bata ang ginagawang swimming pool ang kalsada. Wala silang kamalay-
malay na ang pinaglulunuyan nila ay may ihi ng daga. Kung may sugat o galis ang mga bata sa paa
at binti, posibleng pumasok doon ang mikrobyong leptospira na magdadala ng sakit na leptospirosis.
Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula
ang mga mata. Lumalabas ang sintomas makaraan ang pitong araw.

Magtulung-tulong sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Panatilihin ang kalinisan


sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang
mabubuhay na daga.

Nararapat ang maigting na kampanya ng DOH laban sa dengue at leptospirosis. Imulat ang
mamamayan para hindi sila mapahamak sa dalawang sakit na ito. Magkaroon ng mga patalastas
sa radyo at anunsiyo sa mga pahayagan ukol sa pag-iingat sa dengue at leptospirosis.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/06/19/1927700/editoryal-


dengue-leptospirosis-ang-kalaban-ngayon#Sbsc37iqtDRk5f6U.99
KATANGIAN NG WIKA
Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ito ay isa sa mga mahahalagang bagay na ibinigay ng Diyos sa tao
upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit niya ang kanyang mga pangarap at mithiin sa buhay.
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong
nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog. Subalit
hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog na nilikha natin ay
ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon. Tanging
sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing na wika. Nilikha ito ng ating aparato sa
pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga ng nagdaraan sa pumapalag na bagay na
siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika ng ilong at bibig (resonador).
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at isaayos
ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap. Sa lahat ng
pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.
4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita
kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay
panlipunan.
Halimbawa:
Kung ikaw ay nasa Pangasinan, kailangan ang wikang iyong sinasalita ay ang wikang gamitin sa Pangasinan
upang magkaroon ka ng direktang ugnayan sa lipunang iyong ginagalawan.
Ang pagiging "arbitrary" ng wika ay maari ring maiayon sa konbensyunal na pagpapakahulugan ng salitang
ginagamit. Walang kaugnayan ang salitang ginagamit sa ipinakakahulugan nito. Isang halimbawa ay ang
salitang "aso" sa ingles ang gamiting salita ay "dog", sa Ilokano, ito ay "aso", sa Pangasinan ito ay "aso"
maaaring pareho ang mga salitang ginamit dahil ang mga gumagamit ng wika ay napagkayariang ito ang
gamiting salita kaya't ito ang pangkalahatang gamit sa salitang "aso"

5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan,
kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan ng saysay.

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay makikita
sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan
sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa
Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo ng "ice formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa
Filipino? Maaring yelo at niyebe lamang, ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman
bahagi sa ating kultura ang "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa.
7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika ay
maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila
ay nakalilikha ng mga bagong salita.
8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan
lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita.
9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa
wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong pamamalakad at pagtrato sa
tao. Isang halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang "Uncle Tom's Cabin" na isinulat ni Stowe. Dahil
sa nobelang ito, nagkaroon ng lakas ang mga aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao
laban sa mga Amerikano. Ang salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay
nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.

10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin ang
kay hirap ipaliwanag. Pansinin ang mga halimbawa:

a. may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamo)
b. may itlog nga ba sa gulay na "eggplant"?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Naglalayon ang pag-aaral na ito na bigyang alam ang mga estudyante sa mga mabuting epekto ng
internet at bigyang babala patungkol sa mga negatibong epekto nito upang ito’y magamit nilang wasto. Ito rin
ay makapapababa ng populasyon ng mga estudyanteng halos nilalaan ang lahatng kanilang oras sa paggamit
ng internet. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makapagdadala nang malakingtulong sa mga
estudyanteng nakararanas ng pagkasugapa sa internet. Ito rin aynaglalayong makapag-ambag sa literatura
para sa matagumpay na pag-aaralng mga mag-aaral sa Mindanao. Para sa mananaliksik, ang pag-aaral na ito
aymahalaga at makatutulong na magkaroon ng karagdagang kaalaman. Maging sanggunian din ito sa mga
mag-aaral na nais magsaliksik ukol sa pag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan
ng pag-aaral sa paggamit ng tama sa Internet na nagbibigay sa atin ng isang mas mahusay na komunikasyon
at mabilis na paggawa.
Ang makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
Naglalayon ang pag-aaral na ito na bigyang alam ang mga estudyantesa mga mabuting epekto ng
internet at bigyang babala patungkol sa mga
negatibong epekto nito upang ito’y magamit nilang wasto. Ito rin ay
makapapababa ng populasyon ng mga estudyanteng halos nilalaan ang lahatng kanilang oras sa paggamit ng
internet. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makapagdadala nang malakingtulong sa mga estudyanteng
nakararanas ng pagkasugapa sa internet. Ito rin aynaglalayong makapag-ambag sa literatura para sa
matagumpay na pag-aaralng mga mag-aaral sa Mindanao. Para sa mananaliksik, ang pag-aaral na ito
aymahalaga at makatutulong na magkaroon ng karagdagang kaalaman. Magingsanggunian din ito sa mga
mag-aaral na nais magsaliksik ukol sa pag-aaral na ito.
Sa mga sugapa sa internet- Ang resulta ng pag-aaral na ito aymahahayaang mabahala sila sa mga
negatibong epekto ng paggamit nginternet tulad ng problema sa pisikal o kalusugan, relasyon sa pamilya
atproblema sa pag-aaral.
Sa mga estudyante - Na sila ay mabahala sa kanilang sarili at magagamit ang oras atinternet ng maayos,
nang ito ay makapagbigay ng positibong epekto sakanilang pag-aaral.
Sa mga magulang- Ito ay makatutulong sa kanila na mabawasan ang pangamba kung maayos ba ang pag-
aaral ng kanilang mga anak.
Sa mga guro- Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging instrumentoupang gabayan ang kanilang mga
estudyante sa wastong paggamit ng internet.Upang malaman din ang kadahilanan ng mga may mababang
marka ng nilangestudyante.
Sa komyunidad (lalo na sa mga nagnenegosyo ng internet)- Namabahala rin sila sa gawain ng mga
estudyante sa labas ng paaralan.
Sa mga batang paslit- Upang sila ay magabayan ng maayos sakanilang paglaki.
Huli, para sa mga mananaliksik- Sa ang pag-aaral na ito ay magbibigayng masmabuti at malawak na
kalaman at maging bahagi sa kanilang napilingkarera sa buhay.

You might also like