Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $9.99/month after trial. Cancel anytime.

Bargain with The Rebel Heartbreaker
Bargain with The Rebel Heartbreaker
Bargain with The Rebel Heartbreaker
Ebook221 pages3 hours

Bargain with The Rebel Heartbreaker

Rating: 4.5 out of 5 stars

4.5/5

()

Read preview

About this ebook

Nothing can stop her from achieving her ambitions.

Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat—ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na katawan, at successful career na kinaiinggitan ng maraming kababaihan. Ilang awards na ang natanggap niya na nagpapatunay na hindi lang siya puro ganda, she fully knows her worth. Pero sa likod ng lahat ng ito, umaaligid pa rin ang kanyang madilim na nakaraan na gusto niyang kalimutan at paghigantihan sa parehong pagkakataon. She will do everything in her power to destroy the demons that once ruined her. Gagawin niya ang lahat kahit na isangla ang sariling katawan at pagkatao sa kaisa-isang taong makakatulong sa kanya.

Engr. Nicholas Ramirez is an embodiment of pure delectable sin served in a golden platter. Gorgeous, godly and absolutely dangerous. He’s the star of her wildest fantasies. He’s a heartbreaker, she knew he’ll be her destruction. Pero wala siyang choice, bukod sa kailangan niya ang impluwensya at kapangyarihan nito, hindi niya kayang pigilan ang sariling lumapit sa apoy na dulot nito.

“This is just a game. So don’t fall in love with me. If you fall in love with me, end of the bargain, you lose.”

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateMay 8, 2020
ISBN9780463317471
Bargain with The Rebel Heartbreaker

Related to Bargain with The Rebel Heartbreaker

Related ebooks

Reviews for Bargain with The Rebel Heartbreaker

Rating: 4.428571428571429 out of 5 stars
4.5/5

7 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Bargain with The Rebel Heartbreaker - Vixenne Anne

    CHAPTER 1:

    AMBITION

    ISABEL

    I’m on my way, hon. I’m sorry, I just had to rush an employee to the hospital. I’ll meet you in a few. I love you.

    I frowned as I stared at my Parmigiani Fleurier watch that said my boyfriend Nathaniel Villasanta was thirty minutes late already. We agreed to have a date in this newly opened Spanish restaurant near my office. I loathe waiting, especially when I have loads of work left in the office and I wasted my precious time waiting for someone who promised to come early. I didn’t care if his tires were busted or he’s being chased by a psycho. If he said 7 p.m., he should be here fifteen minutes before that. I called for the waiter and ordered my favorite champagne. Kapag wala pa siya bago ko maubos ang alak, I’ll leave.

    Nathaniel Villasanta had been my boyfriend for over a year now. He came from an affluent family. Maganda ang reputasyon nito sa alta sosyedad, may sariling kumpanya, at responsableng tao. Matulungin din ito sa nangangailangan at may malaking puso para sa mga empleyado. The man was flawless except for his tendency to be overly sympathetic. Hindi naman sa ayokong sobrang mabait ang boyfriend ko, but sometimes he need to draw the line. Kagaya ngayon, pwede naman niyang isakay sa taxi ang empleyado niyang masakit ang tiyan at tawagan ang kamag-anak nito pero siya pa talaga ang nagdala sa hospital at personal na nag-asikaso. Ang resulta, sayang ang oras ko.

    Tatayo na sana ako sa kinauupuan nang mamataan ko sa siya sa entrance kasabay ang isang waiter na nagturo ng kinaroroonan ko. Nathaniel was tall and formidable in his three- piece black executive suit. His eyes were the shade of darkest brown that complimented his clean angular pitch-black hair. He’s handsome. Kaya naman kapag kasama ko siya, sinisigurado kong maayos ang damit ko at maganda ako sa paningin ninuman. I wore a designer body- con dress in dark red. My burgundy smokey eyes and bold lipstick matched my outfit. Habang ang mahaba at alon-alon kong buhok ay malayang nakalugay sa likuran ko.

    I’m sorry. This won’t happen again, I promise, sabi niya nang makapwesto sa upuang nasa harapan ko. It was his idea to decor the table with candle lights and roses. The sound of soft violin kind of soothed my ears.

    It’s okay. Matamis ang ngiting ibinigay ko sa kanya.

    After all, Nathan was the closest I had next to family. Mag-isa lang ako sa buhay. Walang magulang, walang kapatid, at walang malapit na kamag-anak. Isa akong architect. I was a scholar and I had to work extra hard just to get to where I am now.

    Nakakahiya naman sa top-notch lady architect ng taon, pinaghintay ko.

    You knew?

    Of course! Nabalitaan ko, bakit hindi mo ako inimbitahan sa awarding? may halong pagtatampo sa boses nito.

    Nathan, you were in Malaysia. You had a business meeting last week, remember?

    So? Kuala Lumpur is three hours and forty-five minutes away from the Philippines. Do you think I wouldn’t make it?

    Uh, oh. Nagtatampo nga siya. I’m sorry, hon. Siguro ayaw lang kitang mapagod. Mapapatawad mo ba ako? sabi ko sa mas lalong ginandahan na ngiti. Alam kong hindi niya ako kayang tiisin.

    He ordered a full Spanish menu. Kapag kasama ko siya, marami akong natututunan sa mga gawi ng totoong mayayaman. Sanay si Nathan sa ganitong magagarbong pagkain. Kung gusto kong manatili sa tabi niya, kailangan ko siyang sabayan. Base sa kilos at mga titig niya sa akin, alam kong proud siya sa akin at mahal na mahal niya ako. Bagay na pinagpapasalamat ko nang husto dahil kahit naman mataas na ang kalagayan ko sa lipunan ngayon at may sarili na akong pangalan, isang labandera pa rin at dancer sa club ang namatay kong ina at isang itinakwil na anak pa rin ang aking ama.

    Mr. Romero is very happy with what you did to his townhouse in Batangas. He said you are beyond excellent and he would tell his colleagues about your firm.

    Really? nanlaki ang mga mata ko sa balita niya. Mr. Romero was one of my wealthiest clients. That’s good news! I always thought that project was a disaster.

    Bakit naman?

    Hindi kami magkasundo ng engineer na nakatrabaho ko sa project na ‘yan. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng creativity at innovation. He would always stick to his old fashion books. Madalas kaming magtalo.

    Anong magagawa ko? Ganito talaga ako. I believed that success was always built on risks and dangerous decisions. Kung hindi mo haharapin ang kinatatakutan mo, mananatili ka sa pwesto mo at wala kang patutunguhan.

    That’s odd. Akala ko si Engr. De Luna na ang pinakamagaling na engineer sa bansa. Hindi pa rin niya abot ang standards mo? Alam mo, hon, that’s what I am scared about you. Masyado kang perfectionist. You need to loosen up—

    Nathan, hindi ako kagaya mo na ipinanganak na mahal ng mundo. May maganda kang pamilya at may kinikilalang apelyido. Kung gusto kong maging karapat-dapat sa’yo, kailangan kong maging perpekto.

    Napabuntong hininga siya, binitawan ang kutsarang hawak at matamang tumitig sa akin. Architect Isabel Funtalva, you are perfect for me. Hindi mo kailangang ipaglaban ang sarili mo sa akin dahil ikaw lang ang laman ng puso ko, wala nang iba. Mahal na mahal kita, alam mo ‘yan.

    Pa’no ang mga magulang mo? Kailan mo sasabihin sa kanila ang tungkol sa atin?

    Uuwi sila sa susunod na buwan. Ipapakilala kita sa pamilya ko, Isabel. Seryoso ako sa’yo. Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan.

    Bumalik na naman ang pamilyar na kaba sa puso ko. Ang mga magulang ni Nathaniel, they were almost royal bloods here in the Philippines. I did my research about them and apparently, they were not as golden-hearted as their son was. Mabait si Mrs. Villasanta pero kagaya ng isang tipikal na mayaman, she’d drawn a line that peasants cannot go beyond. Paano kung hindi nila ako tanggap para sa anak nila? Which was most likely dahil mahirap lang ako na nagsikap upang umangat. Hindi bughaw ang dugo ko at wala akong maraming ginto na pwedeng ialay sa kanila.

    Oh natahimik ka? puna ni Nathan.

    Wala. Ibinalik ko ang atensyon sa pagkain at sinubukang kalmahin ang dibdib ko.

    Lampas alas-dyes na ng gabi nang ihatid ako ni Nathan sa apartment.

    Good night, love. Pinatakan niya ako ng halik sa noo at sa mga labi bago nagpaalam. Isinara ko ang pinto at pikit-matang sumandal doon. May kalakihan ang tinutuluyan kong apartment, kumpleto sa gamit at nasa loob ng isang may pangalang subdivision. Kung tutuusin, malayo na ang narating ko. Maganda at stable na ang trabaho ko sa isa sa pinakamalalaking architecture and engineering firms sa bansa, ang R&R International. May ipon na rin ako sa bangko. Boyfriend ko ang isa sa pinaka-eligible na binata sa buong bansa. Pero bakit ang dami ko pa ring insecurities at hindi pa rin ako kuntento? Nathan’s parents would love me. Magiging isa akong Villasanta balang- araw at hindi ko na kailangang ipaglaban ang sarili ko kahit na kanino. Isang araw sa mga social gatherings nilang mayayaman, makakatagpo ko ang aristokrata kong Lola na nagtakwil sa tatay ko. Ipapamukha ko sa kanya na nagkamali siya sa desisyon niyang palayasin si Papa. Isang akong Imperial, dugo at laman ko ang pagiging Imperial. Ang pagpapakasal kay Nathan ang tanging paraan para tanggapin ako ng Lola ko. Sa akin niya ipapamana ang lahat ng kayamanan niya, wala nang iba pa. Call me ambitious or greedy or gold digger, I do not care. I was deprived of everything I need since I was born. No love, no money, and no respect had been given to me at all. I always had to earn it the hard way. Hindi masamang bumawi. Hindi masamang ambisyunin kong magkaroon ng limpak-limpak na salapi at ako naman ang tingalain nilang lahat.

    Matapos uminom ng isang tasang kape ay tinungo ko ang study table. Alas-dose na ng gabi, pero hindi pa tapos ang araw ko. Kinuha ko mula sa shelf ang libro ng pinakaborito kong engineer na si Nicholas Ramirez. I look up to him when it comes to brave and risky designs. I started reading his works since college. One of the reasons why I became the country’s leading female architect was because I followed him.

    CHAPTER 2:

    SOURCE OF ALL EVIL

    ISABEL

    Lunes, maaga akong pumasok sa opisina. Dumaan ako sa coffee shop upang bumili ng paborito kong kape. Yup, I’m a coffee person. I cannot function without caffeine in my blood. I held the coffee on my left hand and my papers on the other. Sinalubong ako ng assistant kong si Cherry na maaga pa lang ay burado na ang lipstick sa bibig, senyales na nakipag-make out na naman siya sa boyfriend niyang messenger ng kumpanya.

    Good morning, Project Architect Isabel! matinis ang boses nitong humarap sa akin. Kaagad nitong kinuha ang listahan at inisa-isa sa akin ang lahat ng mga kailangan kong tapusin sa araw na iyon habang papasok sa loob ng aking opisina.

    Hindi ganoon kalawak ang opisina ko pero puno iyon ng mga plake at parangal. Sa apat na taon ko sa serbisyo, marami-rami na rin akong napatunayan. Tapos na si Cherry sa litanya niya nang makaupo ako sa desk. Binuksan ko ang computer at sinimulang sagutin ang mga email. I was reminded of the new projects the company had won from bids at napunta sa akin ang isa sa pinakamalaking proyekto doon. Paborito ako ng Chairman kaya halos lahat ng magagandang proyekto ay nilalagay sa pangalan ko. Pero may isang entry sa email na nagpakunot ng noo ko.

    Cherry, hindi si Engr. De Luna ang partner ko sa next project? Nagtaka ako dahil last weekend lang, finalized na ang mga papel.

    Hindi po. Engr. De Luna asked for a different architect. Sinabi niya sa board na kung hindi siya pagbibigyan, magre-resign siya. Walang choice ang Chairman kundi hanapan ka ng bagong ka-partner, nakangiwing pahayag ni Cherry.

    Umikot ang eyeballs ko dahil pangatlong engineer na si Mr. De Luna sa mga nag-quit sa akin. Hindi ko sila maintindihan! Isinandal ko ang ulo ko sa swivel chair.

    Sino ‘tong Engr. Cole Ramirez? Bakit bigla na lang nilang binabago ang napag-usapan na? Anong silbi ng apat na oras na meeting namin last Friday kung ganito lang din ang gagawin nila? Nagsimulang uminit ang ulo ko. Lumagok ako ng kape ngunit hindi pa rin humuhupa ang asar ko. Tatawagan ko ang Chairman—

    Madam, nasa Amerika po ang Chairman. Isinugod noong Sabado. Nagpapagamot po.

    Kumunot ang noo ko. What? May sakit ang Chairman? Damn, I didn’t know. Napasuklay ako sa buhok ko. Lunes na Lunes, ang sama ng timpla ng araw ko. Hindi ko pa alam kung saang planeta galing ang Engr. Cole Ramirez na makaka-partner ko. Baka mas malala pa siya sa mga nakatrabaho ko na. Napansin kong hindi nakikisimpatya sa akin ang assistant ko sa halip ay naka-plaster pa rin ang ngiti sa bibig nito.

    Ano? Ba’t ngiting aso ka r’yan? usisa ko.

    Inspired po, Madam!

    Bakit? Ikakasal ka na?

    Madam naman. Hindi pa rin mawala ang pagngisi nito. Tapos ay parang pinipigilan ang mamilipit sa kilig. Sige na nga po, aamin na ako. Nakita niyo na ba siya?

    Sino?

    Si Engr. Cole po, ‘yong partner niyo?

    You mean ‘yong bagong engineer na ngayon ko lang narinig ang pangalan sa kumpanyang ito?

    Opo. Madam. Ang gwapo. Sobrang gwapo! Nagtilian ang mga babae rito nang dumating siya kaninang umaga. Ay Madam, walang sinabi sina Tom Cruise, Brad Pitt, at Piolo Pascual sa kisig at kagwapuhan niya, sobrang tangkad pa! Naku, malulusaw ang panty niyo sigurado.

    Oh? Napailing-iling ako sa kanya. Tinawanan ko pa. Alam mo, Cherry, bumalik ka na sa mesa mo ha? Uminom ka ng paracetamol at sa tingin ko, lalagnatin ka na r’yan sa kakapantasya mo. Anong malulusaw ang panty na sinasabi mo? Alam mong imposible iyon. Naipasa mo ba ang Science subject mo noong nag-aaral ka pa?

    Grabe. Grabe ka, Mada’m. Mas gwapo sa boyfriend mo ‘yon—

    Natahimik lang si Cherry nang humalukipkip na ako at pinagtaasan siya ng kilay. Minsan kailangan ng sindak nitong assistant ko eh.

    Sige Madam, balik na ako, lunok-dila niyang sabi.

    Sa wakas ay natahimik nang tuluyan ang silid ko nang isara niya ang pinto. Mas gwapo sa boyfriend ko pala ha? Nathan was handsome, tall, lean and very dignified looking. Sa tingin ko, hindi basta-basta mauungusan ng sinuman ang itsura at appeal nito. Napailing-iling ako. Si Cherry talaga. Lahat naman ng lalaking may abs, gwapo para sa kanya eh.

    Matapos ang kalahating oras na pagsagot ko sa mga email, pinindot ko ang intercom upang utusan si Cherry na dalhin sa akin ang ipinatago kong mga papeles noong Biyernes. Naroon ang profile ng bago kong kliyente at kailangan kong pag-aralan iyon. Isa sa mga sikreto ng pagiging isang magaling na architect ay kailangang kabisado mo ang lahat ng paborito ng kliyente. Doon kasi nagsisimula ang obra. Pero nakakailang tawag na ako kay Cherry, hindi ito sumasagot. Nag-ipon ako ng hangin sa baga at inis na ibinuga iyon. Ayokong magalit buong maghapon. Nasira na nga ang umpisa ng araw ko, ayoko nang dagdagan pa.

    Kalmado akong lumabas ng silid at hinagilap ang assistant ko. Ilang ikot ng mata ang ginawa ko bago ko nahagip ang isang di pamilyar na mukha sa loob ng opisina. The guy was wearing a gray cotton shirt underneath a black leather jacket. Then a dark blue denim and converse shoes to match. That suit was definitely out of place especially if it’s Monday and everybody was in their formal business attire. Nakatagilid ang lalaki sa akin, pero sapat na para makita ko ang mahaba niyang balbas magmula sa dulo ng tainga hanggang sa ilalim ng baba. Nakatali ang makapal at mahaba nitong buhok na tingin ko ay abot balikat ang haba. He had a pair of light brown eyes. His nose was straight and striking, his jaw had an intense angle that made him look like a bad boy from every girls wild fantasies. And have I mentioned his mouth yet? They were luscious and…very, very tempting.

    Natapilok ako sa high heels ko kahit hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan. Anong ginagawa ng ubod ng gwapong lalaking ito na mukhang brutal na Spartan warrior sa loob ng opisina ng R&R? Ito ba ang bagong image model ng kumpanya? Siguro nga. Pero hindi siya pwede rito sa parteng ito ng opisina. Ilan sa mga hawak ng mga empleyado sa bawat cubicle ay naglalaman ng confidential information! Umangat ang kilay ko, komportable siyang nakaupo sa lamesa ng isang empleyado habang pinapalibutan ng hindi ko mabilang na mga babae. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero halatang sanay na sanay ang isang ito sa presensya ng maraming Eba. I knew his kind. I have seen and encountered a lot of his type in high-end strip clubs and discos. Definitely, a womanizer and a heartbreaker! Ang mga lalaking kagaya niya ay magaling mambola, magaling magpaikot ng ulo, at higit sa lahat magaling na magaling sa kama. Ito ang klaseng hindi ka titigilan hangga’t hindi ka sumisigaw ng, Darna—

    Madam? May kailangan kayo?

    F*ck.

    Napakurap ako. Ano ‘yon? Saan galing ang mga iyon? Saan galing ang mga katagang iyon sa utak ko na ni hindi ko pa nababanggit sa buong buhay ko? Dumapo ulit ang tingin ko sa lalaking puno’t dulo ng lahat ng makamundong kasalanan. Nagtama ang mga mata namin nang humarap siya sa akin. Mas lalong naging ginto ang mga iyon sa paningin ko. Umangat ang gilid ng labi niya.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1