Unang Pagsusulit Sa Ikatlong Markahan Grade 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Binan Secondary School of Applied Academics

Sto. Tomas, Binan City, Laguna

Lagumang Pagsusulit
Ikatlong Markahan

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan/pahayag. Piliin o ibigay ang mga hinihinging kasagutan.
Panatilihing malinis ang papel.

I.

1. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat.
a. Anekdota b. Pabula c. Parabula d. Elehiya
2. Maliban sa isa, ang mga sumusunod ay ang nililinang ng parabula.
a. Pisikal b. Moral c. Ispiritwal d. Kabutihang-asal
3. Pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito.
a. Literal b. Metaporikal c. Simboliko d. Ispiritwal
4. Ilang pilak ang napagkasunduang halagang bayad sa mga trabahador ng ubasan?
a. Isa b. dalawa c. tatlo d. apat
5. Anong oras huling lumabas ang may-ari ng ubasan upang tumawag ng mangagawa?
a. Ikalabindala ng tanghali b. ikatlo ng hapon c. ikaapat ng hapon d. ikalima ng hapon

Ibigay ang mga literal na kahulugan ng mga sumusunod na salita.

6. apoy
7. magandang rosas
8. tigre
9. ilaw ng tahanan
10. damo

Ibigay ang metaporikal na kahulugan ng mga sumusunod na salita.

11. apoy
12. magandang rosas
13. tigre
14. ilaw ng tahanan
15. damo

II.

16. Pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito.


a. Pagpapataas ng damdamin c. Pagpapatindi ng pahayag
b. Pagpapasidhi ng damdamin d. Pagtaas ng digri ng pahayag
17. Ito ay tanging tula na ang paksa ay patungkol sa yumaong mahal sa buhay.
a. Dalit b. Elehiya c. Prosa d. Dung-aw
18. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay. Ano ang ipinapakahulugan ng salitang nasalangguhitan?
a. inihandog b. ibinigay c. ipinalit d. ibinalik
19. Sa tulang Sa kamatayan ni Kuya, ano ang immortal na pangalan ng persona?
a. Kuya b. Pema c. Prima d. walang pangalan
20. Anong paglalakbay ang di na matanaw ng kapatid sa tula?
a. malungkot b. mahirap c. maligaya d. mapangarapin

Panuto: Iaantas ang mga sumusunod na salita. Lagyan ng 2 pinakamasidhi, 1 masidhi

Para sa bilang 21-22

____ pagkaubos
____ pagkasaid

Para sa bilang 23-24

____ nasira
____ nawasak
Panuto: Sa mga sumusunod na pangungusap, salungguhitan ang salitang nagtataglay ng di-masidhing damdamin,
bilugan ang salitang masidhi at ikahon naman ang pinakamasidhi.

25. Natutuwa ako na binabasa mo ang panuto.


26. Nagagalak akong mataas ang nakuha mong marka.
27. Naliligayahan akong malaman na marami kang natutunan sa ating aralin.

28. Nagandahan ako sa ginawa mong pagtatanghal kahapon.


29. Nakakabighani ang lamyos ng inyong tinig.
30. Nakakaakit sabayan ang inyong pag-awit.

III.

31. Bansang pinagmulan ng Epikong Rama at Sita.


a. Iraq b. Iran c. India d. Indonesia
32. Alin sa mga sumusunod ang hindi sumubok sa katapatan ng pagmamahalan nina Sita at Rama.
a. Surpanaka d. Ravana c. Lakshamana d. Maritsa
33. Ang tunay na kaanyuan nina Surpanaka at Ravana.
a. Tikbalang d. Higante c. Gintong Usa d. Unggoy
34. Pinakatanyag na pagbati ng mga Hindu.
a. Pakikipagkamay d. Pakikipagbeso c. Namaste d. Pag-uklo ng ulo
35. Isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan sa paglalakbay ng pangunahing tauhan na punong-puno ng
kababalaghan at pagtataglay ng supernatural na katangian.
a. Kwentong-bayan b. alamat c. Mito d. Epiko

Panuto: Tukuyin ang uri ng paghahambing ng mga sumusunod na pahayag/pangungusap. Isulat ang M kung ito ay
magkatulad at DM kung ito ay di-magkatulad.

36. Kasingsama ni Maritsa si Surpanaka.


37. Higit na makapangyarihan ang Diyos ni Rama kaysa kay Ravana.
38. Labis ang galit na naramdaman ni Surpanaka ng tanggihan siya ni Rama.
39. Gamundo ang paghanga ni Ravana sa kagandahang taglay ni Sita.
40. Di-hamak na malakas si Rama kaysa kay Ravana.

IV.

Piliin kung anong uri ng Maikling Kuwento ang tinutukoy sa mga sumusunod na bilang at isulat ang titik ng
tamang sagot.

A. Apologo
B. Kuwento ng Pangkatauhan
C. Kuwentong Sikolohiko
D. Kuwentong Pangkaisipan
E. Kuwento ng Pakikipagsapalaran
F. Kuwentong Talino

41. Pinakamahalaga sa ganitong uri ng kuwento ang paksa, diwa at kaisipan ng kuwento.
42. Ang layunin ng kuwentong ito ay hindi magbigay-aliw sa mga mambabasa kundi ang mangaral sa kanila.
43. Sa ganitong uri ng kuwento ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan.
44. Ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katuhan ng pangunahing tauhan.
45. sinisikap nitong pasukin ang kasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.

46-50 Magbigay ng limang Panandang Diskurso na ginagamit upang magbigay linaw at ayos sa pangungusap.

You might also like