Ang Kalupi - BUOD

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang

Ipinasa nina: Bernabe, Krissel Anne; Engay, Zoe Marie; Fabia, Eric Michael; Llaban,
Caleb Roy; Santos, Francis Loewen
12- Ptolemy

SINOPSIS NG ANG KALUPI NI BENJAMIN PASCUAL


Tumitirik na ang araw nang si Aling Marta ay masayang lumabas sa
kanilang maliit na barung barong. Siya ay nagagalak dahil ngayon ay ang
araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga sa high school. Nais magluto
ni Aling Marta ng minatamis na garbansos dahil ito ang paborito ng kanyang
magtatapos na anak. Siya ay tumungo sa pamilihang-bayan ng Tondo upang
mamili. Marami ang tao sa pamilihan tuwing linggo kaya sa labas palang nito
ay marami nang mga mamimili at maingay na rito. Kaya naman siya ay
paparaan sa gitnang pasilyo upang dumiretso na sa tindahan ng mga
pamiling tuyo para makabili ng mantika. Sa kanyang pagpasok ay
nakabungguan niya ang isang batang lalaki na mukhang gusgusin. Tumama
ang siko ng bata sa kanyang kaliwang dibdib na muntik na niyang ikabuwal.
Nagalit at masasakit ang mga nabitawang salita ni Aling Marta kaya hindi
niya tinanggap ang paghingi ng pasensya ng bata.

Sa pagdating nya sa tindahan upang bumili ng isang kartong mantika


ay nakipag-usap siya ng bahagya kay Aling Gondang at nang balak niya
nang magbayad ay napansin niyang nawawala na ang kanyang kalupi.

HANGO MULA SA:


http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/05/ang-kalupi-ni-benjamin-p-pascual.html

You might also like