Banghay Aralin Sa Mother Tongue I

You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Mother Tongue I

I. Layunin:
Nakikilala ang mga panghalip na ginagamit sa pangungusap .

II. Paksang Aralin


Pagkilala sa mga Panghalip na Ginagamit sa Pangungusap
A. Sanggunian
1. Curriculum Guide Mt1GA-IIa-d-2.2 pahina 17
2. Gabay ng Guro pahina 220-222
3. Kagamitang Pangmag-aaral pahina 175-177
B. Kagamitan
Mga larawan,mga tsart ,plaskard ,power point presentation

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano pamagat ng tulang binasa natin kahapon? Sinu-sino ang mga tauhan sa
tula?
Paano sila nakatulong sa pag-unlad ng bayan?
Magpakita ng mga larawan. Ipaayos ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-
sunod ng mga
saknong sa tula na binasa kahapon. Ipalahad ang mga larawan mula sa kaliwa-
pakanan.

B. Pagganyak
Ipabasa ang isang tula sa mga bata.

Ako, Sila, Kayo


Ako, sila, kayo
Ay mga Pilipino
Lahi ay dakila
Filipino ang wika
Na sinasalita.
Tungkol saan ang tula?

C. Paglalahad
Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Basahin ang mga linyang kasama
ng bawat larawan na hinango sa bawat tulang binasa.Pansinin ang mga salitang
nakasulat nang mas maitim.Masasabi mo ba kung ano ang tawag sa mga salitang
ito?
D. Pagtalakay
Ipapansin sa mga bata ang mga salitang nakasulat ng pula sa tsart ng tula.Ipapili
ang mga ito at ipasulat sa pisara.

Sila’y ko sila mo kong niya ikaw siya kayo tayo

Alam mo ba ang tawag sa mga salitang ito?


Ang mga ito ay tinatawag na panghalip. Ang panghalip ay mga salitang inihahalili
o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa
pangngalan na hindi magandang pakinggan.
Halimbawa:
Si Ana ay bumili ng tinapay.
Siya ay bumili ng tinapay.
Sina Ana at Lita ay nagbabasa sa silid-aklatan.
Sila ay nagbabasa sa silid-aklatan.

Magbibigay ang guro ng iba pang halimbawa ng panghalip.


Hayaang pagtambalin ng mga bata ang flashcard ng panghalip na ipapaskil ng
guro.
ako kayo
ikaw tayo
siya sila
tayo ikaw
sila ako
kayo sila
E. Pagsasanay
Pangkatin sa 4 na pagkat ang klase at gawin ang laro.
Laro- Thumbs Up or Thumbs Down
Ituro paitaas ang hinlalaki kung ang maririnig na sasabihin ng guro ay
panghalip at ituro paibaba ang hinlalaki kung hindi naman ito panghalip.
Halimbawa:
1. damo
2. ako
3. kayo
4. dasal
5. ikaw
F. Paglalahat
Ano ang panghalip?
Anu-ano ang mga panghalip na ginamit sa tula?
Ipabasa ang tandaan sa mga bata.

G. Pinatnubayang Pagsasanay
Pasagutan ang tseklist na nasa tsart sa mga bata.
H. Malayang Pagsasanay
Pangkatang Gawain

I. Paglalapat
Pumili ng isang panghalip sa kahon at gamitin sa pangungusap .
Ako Tayo Siya
Ikaw Sila Kayo
IV. Pagtataya

Panuto: Lagyan ng kahon ang panghalip na ginamit sa mga pangungusap.


1. Siya ay nasa Unang Baitang.
2. Tayo ba ang magbubunot ng damo?
3. Ako na lang ang magdidilig ng halaman.
4. Sila ang naglinis ng silid-aralan.
5. Kayo ba ang nagsara ng mga bintana kahapon?

V. Kasunduan
Gamitin sa pangungusap.
Ako Siya Kami Tayo Ikaw Sila

You might also like