Kasapi NG Komunidad Grade 2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

ARALING

PANLIPUNAN
Quarter 4
Week 5-6
Balik-aral
1. Ano ang komunidad?

2. Sino sino ang bumubuo sa


komunidad?
Quarter 4
Week 5-6
ARALING PANLIPUNAN
Ang Paglilingkod/
Serbisyong gingampanan ng
mga kasapi ng Komunidad
Basahin:
Sa araling ito inaasahang, matutukoy ang iba pang
tao na naglilingkod at ang kanilang kahalagahan sa
komunidad. Gayundin, matutuhan mo ang kahalagahan
ng mga paglilingkod o serbisyo ng komunidad upang
matugunan ang pangangailangan ng mga kasapi sa
komunidad.
May mga taong nagbibigay ng paglilingkod
sa ating komunidad na nakatutugon sa
pangunahing pangangailangan ng mga
kasapi ng komunidad. Kilalanin natin sila.
Magsasaka

Nagtatanim ng halaman
upang may pagkunan
ng pagkain.
Mangingisda

Pangunhing
hanapbuhay ay
manghuli ng isda at iba
pang pagkaing- dagat
Karpintero

Gumagawa at
nagkukumpuni ng mga
bahay, gusali at iba
pang tirahan ng mga tao
Guro

Nagtuturo sa mga mag-


aaral upang matuto sa
iba’t ibang asignatura at
kagandahang asal.
Tubero

Nag-aayos at
nagkukumpuni ng linya
ng tubo ng tubig
patungo sa mga tahanan
at iba pang mga gusali
Narito naman ang mga nagbibigay ng
paglilingkod para sa kalusugan ng
komunidad.
Doktor

Nagbibigay ng
serbisyo ng
panggagamot sa mga
taong maysakit.
Nars

Tumutulong sa doktor
sa pangangalaga ng
mga maysakit.
Barangay Health
Worker

Umiikot sa komunidad
upang ipaalam ang mga
impormasyong
pangkalusugan.
Kaminero

Naglilinis ng kalsada at
daan upang mapanatili
ang kalinisan ng
kapaligiran ng
komunidad.
Basurero

Namamahala sa
pagkuha at pagtatapon
ng basura.
May mga tao ring naglilingkod para sa
kaligtasan at kaayusan ng komunidad.
Kilalanin sila.
Bumbero

Tumutulong sa
pagsugpo ng apoy sa
mga nasusunog na
bahayan, gusali at iba
pa.
Pulis

Nagpapanatili ng
kaayusan at kapayapaan
ng komunidad. Sila rin
ang humuhuli sa mga
nagkakasala sa batas
Kapitan ng Barangay

Namumuno sa
kapakanan, kaayusan,
kaunlaran at
kayapaan ng nasasakupang
komunidad.
Barangay Tanod

Tumutulong sa Kapitan
ng Barangay sa
pagpapanatili ng
kaligtasan ng mga tao sa
komunidad.
• Ano ang nakikita mo sa larawan?
• Nakikita mo ba sila sa iyong komunidad?
• Kapag tayo ay nakakakita ng mga taong mangagawa ano ang
ating ginagawa sa kanila?
• Iginagalang at ipinagmamalaki ba natin sila?
Sagutin:
Tukuyin kung sino ang nagbibigay ng mga serbisyo sa sumusunod na sitwasyon.
1. Napapagaling kita kung ikaw ay may sakit.
Sagot: Doktor
2.Ginagabayan ko ang mga mag –aaral na may suliranin.
Sagot: Guro
3.Agad akong dumarating kapag may sunog.
Sagot: Bumbero
Sagutin:
Tukuyin kung sino ang nagbibigay ng mga serbisyo sa sumusunod na sitwasyon.

4.Bumibili kayo sa akin ng mga pagkaing inyong kailangan.


Sagot: Tindera
5. Tumutulong ako sa pag papanatili ng kaayusan at kapayapaan ng
kumunidad at hinuhuli ko ang mga nag kasala sa batas.
Sagot: Pulis
Tandaan:
Mahalaga ang Paglilingkod o Serbisyo ibinibigay ng
mga bumubuo ng komunidad. Dito nakasalalay ang
kaunlaran at kayusan ng pamumuhay ng mga taong
naninirahan dito. Gayundin, matutuhan mo ang
kahalagahan ng mga paglilingkod o serbisyo ng
komunidad upang matugunan ang pangangailangan
ng mga kasapi sa komunidad.
Pag-ugnayin ang tagapaglingkod at paglilingkod. Isulat ang letra ng sagot sa
iyong sagutang papel.

A. Gumagawa at nagkukumpuni ng mga bahay, gusali


at iba pang tirahan ng mga tao.
___1. Bumbero
B. Nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng
komunidad. Sila rin ang humuhuli sa mga nagkakasala
___2. Doktor
sa batas.
___3. Karpintero C. Nagbibigay ng serbisyo ng panggagamot sa mga
taong maysakit.
___4. Kaminero D. Naglilinis ng kalsada at daan upang mapanatili ang
kalinisan ng kapaligiran ng komunidad.
___5. Pulis
E. Tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa mga nasusunog
na bahayan, gusali at iba pa.
Susi sa Pagwawasto
1. E
2. C
3. A
4. D
5. B
Gawaing Bahay:
• Ano ang iyong gustong trabaho sa iyong pag laki?
Iguhit ang nais mong maging ikaw at isulat sa ilalim
kung saang paglilingkod/serbisyo ito nabibilang.
•MARAMING SALAMAT…..

You might also like