Rasyunal at Layunin

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang makapahayag ng buong kaalaman sa mga mambabasa.

Ang layunin ay ang mga sumusunod:

 Maipaunawa sa mga kalahok ang kahalagahan ng pagpapanatili ng Kaligtasan sa Pagkain.

 Maipahayag sa mga kalahok ang mga kaalaman sa pagpapanatili ng Kaligtasan sa Pagkain.

 Maiwasan ang kontaminasyon sa pagkain.

 Madagdagan ang kaalaman ng mga respondente tungkol sa tamang paraan sa pagpapanatili ng

Kaligtasan sa Pagkain.

 Masolusyunan ang mga problema sa Kaligtasan ng Pagkain.


Rasyunal

Sa paglipas ng panahon, ang kaligtasan ng pagkain ang pinaka-importanteng katangian na dapat

isaalang-alang sa larangan ng Food Production. Mula noong unang panahon pa man ang kaligtasan ng

pagkain na ang binibigyang halaga ng mga tao, mula sa kung paano ito iniimbak at kung paano nila ito

niluluto. Ang mga paraang ito ang gumagabay sa tao upang hindi sila mapahamak kapag ito’y kanilang

niluluto o iniimbak.

Ang kaligtasan ng ating pamilya ang pangunahing pokus sa paksa. Kailangang matiyak na walang

halong anumang mikrobyo o dumi o yung mga tinatawag na contaminants. Sa konseptong papel na ito

ay ipinapakita ang mga paraan kung paano mapapanatili ang Kaligtasan sa Pagkain.

Ayon sa Department of Science of Technology Calabarzon Region na kailangang matiyak na

walang halong anumang mikrobyo ang pagkain sa ating lamesa para tayo ay makaiwas sa anumang sakit

na maaaring idulot nito. Siguraduhin din na walang sakit ang taong nagsisilbi ng pagkain dahil maaari

niyang mailipat ang kanyang sakit o virus sa pagkain na siyang nagbibigay ng sakit sa makakakain nito.

Base naman sa 2012 Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF) na ginawa ng Technological

Working Group sa pamumuno ng Food and Nutrition Research Institute- Department of Science and

Technology (FNRI-DOST), tandaan lamang ang ika-siyam na mensahe: “Consume safe foods and water to

prevent diarrhea and other food and water-borne diseases.

You might also like