Download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2
Filipino 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Aralin 1. Mga Konseptong Pangwika
Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating
bansa ay hango sa Census of Population and Housing (CPH) na isinasagawa tuwing isa ng dekada ng National Statistics Office (NSO). Ayon sa datos ng CPH noong 2000, may humigit-kumulang 150 wika at diyalekto sa bansa. Tagalog ang nangungunang wika na ginagamit ng 5.4 milyong sambahayan.
Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.
Ito ay mula sa pinagsama-samang makabuluhang simbolo, at tuntunin ay ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mga mensahe sa isa’t-isa. Ito ay mula sa salitang Latin na lingua na nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”
Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng
batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinatawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).
Aralin 2. Monolingguwalismo, Biingguwalismo, at Multilingguwalismo
Unang Wika (L1) ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang
at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, at arterial na wika. Sa wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin. Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon, o sa iba pang tao. Dito ngayon umuusbong ang kanyang pangalawang wika (L2). Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang mga taong nakasasalamuha niya, gayun din ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa at tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral. Ang wikang ito ang ginagamit niya sa pakikiangkop sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ito ang ikatlong wika o L3. Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa. Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang- araw araw na buhay. Bilingguwalismo ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang dalawang wika ng matatas sa lahat ng pagkakataon. Multilingguwalismo. Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 na wika at wikain. Aralin 3. Mga Barayti ng Wika
Dayalek-ito ay ginagamit ng partiikular na pangkat ng mga tao mula sa
isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Hal. Dayalek ng wikang Tagalog ang barayti ng Tagalog sa Morong, Tagalog sa Maynila, at Tagalog sa Bisaya. Idyolek- Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Hal. Kris Aquino, “Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla! Sosyolek- Ito ang barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Hal. Wika ng mga beki, wika ng mga conyo o sosyal, wika ng mga jejemon. Etnolek- Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Mula sa pinagsamang etniko at dialek, taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. Register-Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala. Pidgin at creole- Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa. Hal. Ang nangyari nang dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga at makipag- usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang nalalaman sa wika ng bawat isa kaya nagkaroon sila ng tinatawag sa makeshift language. Sa kaso ng mga Espanyol at katutubo ng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong Espanyol at wikang katutubo. Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika.