Florante at Laura

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

0MEMBERS:

Balino, Phoebe Gayle - Director


Gemida, Hannah Michaela - Narrator
Sarigumba, Shaira Lyka - Props woman, mamamayan
Amores, Gefl Marie - Asst. Director
Biton, Krizia Faith - Props woman, mamamayan
Carmona, Shera - Lion
Cosare, Venice Angel - Prinsesa Floresca
Ibona, Oona Saergee - Selya or Maria Asuncion Rivera
Mayuela, Katrina Kate - Lion
Nacario, Apriel - Props woman, mamamayan
Ngujo, Kristy Abegail - Flerida
Rayas, Janah Marie - Laura
Rulona, Hannae - Props woman, mamamayan
Boligor, Phol Faizar - Buwitre, Antenor, Francisco Balagtas 2
Gulilat, Charles Anthony - Florante
Anana, Japhite - Adolfo, Francisco Balagtas 1
Alago, Patrick Joshua - Heneral Miramolin, Menalipo
Bacalla, John Jomarr - Menandro
Cabangbang, Dakila Ilak - Haring Linceo
Castellano, David Lee - Heneral Osmalik, embehador
Cervantes, Ivan Yuichi - Sultan Ali-Adab
Delima, Christian - Emir
Inson, Stephen - Batang Florante
Padillo, Jerwin - Aladin
Sammuri, Ghil - Duke Briseo
1
MEMBERS PROPS and COSTUMES
Balino, Phoebe Gayle Script, Choir Costume
Gemida, Hannah Michaela Script, Costume (formal)
Sarigumba, Shaira Lyka Egyptian costume
Amores, Gefl Marie Script, Choir Costume
Biton, Krizia Faith Egyptian Costume
Carmona, Shera Lion costume
Cosare, Venice Angel Gown, Headress
Ibona, Oona Saergee Kimona or Filipiniana, Paypay
Mayuela, Katrina Kate Lion Costume
Nacario, Apriel Egyptian Costume
Ngujo, Kristy Abegail Jasmin,s gown, Headress, Pana, Kapa, kabayo
Rayas, Janah Marie Gown, crown, headdress
Rulona, Hannae Egyptian Dress
Boligor, Phol Faizar Buwitre Costume, White polo, slacks, gala uniform,shoal
Gulilat, Charles Anthony Prince costume, kapa, sword, shield, pisi, kabayo
Anana, Japhite Warrior costume, sword, shield, kabayo
Alago, Patrick Joshua Warrior, pana, shoal, sword, shield, kabayo
Bacalla, John Jomarr Warrior costume,sword,shield, kabayo
Cabangbang, Dakila Ilak Band Uniform, crown, kappa
Castellano, David Lee Warrior C.,sword,shield, shoal, kabayo
Cervantes, Ivan Yuichi Warrior C.,shoal, sword,shield, kabayo
Delima, Christian WarriorC,shoal,sword,shield, kabayo
Inson, Stephen PrinceC,kapa, pana,amulet, kabayo
Padillo, Jerwin Shoal,WarriorC,sword,spear,shield
Sammuri, Ghil PrinceC, Shoal,
ADDITIONAL Puno, bushes, powerpoint presentation, flag
Gown- 2 Pana- 3 sword- 8
Jasmin’s Gown-1 Kapa- 3 shield- 8
Headress- 2 Buwitre- 1 kabayo- 9
Choir costume- 2 White polo- 1 pisi- 1
Egyptian Costume- 4 Slacks- 1 warrior costume- 7
Lion Costume- 2 Gala uniform- 1 band uniform- 1
Kimona -1 shoal- 7 crown - 2
Paypay-1 prince costume- 4 amulet- 1
Spear- 1 puno- 1 bushes- 3

2
ATTENDANCE
MEMBERS 1 2 3 5 6 7 8 9 10
1. Balino, Phoebe Gayle / /
2. Gemida, Hannah Michaela / /
3. Sarigumba, Shaira Lyka / /
4. Amores, Gefl Marie / /
5. Biton, Krizia Faith / /
6. Carmona, Shera / /
7. Cosare, Venice Angel / /
8. Ibona, Oona Saergee / /
9. Mayuela, Katrina Kate / /
10. Nacario, Apriel / /
11. Ngujo, Kristy Abegail / /
12. Rayas, Janah Marie /
13. Rulona, Hannae / /
14. Boligor, Phol Faizar / /
15. Gulilat, Charles Anthony / /
16. Anana, Japhite / /
17. Alago, Patrick Joshua / /
18. Bacalla, John Jomarr / /
19. Cabangbang, Dakila Ilak / /
20. Castellano, David Lee / /
21. Cervantes, Ivan Yuichi / /
22. Delima, Christian /
23. Inson, Stephen /
24. Padillo, Jerwin / /
25. Sammuri, Ghil / /

3
FLORANTE at LAURA SCRIPT
SIMULA*
Narrator: FLORANTE at LAURA
Setting: Left- Old houses, Right- Kulungan
Ito ay obra maestro ni Francisco Balagtas Baltazar na inihandog niya para sa kanyang
minamahal na si Selya o si Maria Asuncion Rivera. Dito niya naibuhos ang lahat ng pagmamahal at
sakit na naranasan sa kanyang buhay. Ito din ay naglalarawan sa pinagdaan ng mga Pilipino sa kamay
ng mga Espanyol.

Francisco: Kung pagsaulan kong basain sa isip


Ang nakaraang araw ng pag-ibig
May nahahagilap kayang natititik
Liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

Oh aking Selyang sinisinta


Itong awit na ito ay handog para sa’yo mutya
Kahit pa man na ikaw ay hindi naging akin;
Ang mga alaala natin ay di malilimutan.

Salamat sa iyo, O nanasang irog


Kung halagahan mo itong aking pagod
Ang tula may bukal ng bait na kapos
Pakikinabangan ng ibig tumarok

Di ko hinihinging pagkamahalin mo,


Tawana’t dustain ang abang tula ko
Gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo
Ay huwag mo lamang baguhin ang berso

Hanggang ditto ako, O nanasang pantas


Sa kay Sigesmundo’y huwag ding matulad
Sa gayong katamis wikang masasarap,
Ay sa kababago ng tula’y umalat.

SECOND SCENE*
Setting: Dark Forest
Narrator: Sa isang madilim, gubat na mapanglaw

4
Dawag na matinik ay walang pagitan
Halos naghihirap ang kay Pebong silang,
Dumalaw sa loob na lubhang masukal

Iyan ang mababasa sa saknong na una


Nitong kabanatang Punong Salita
Sa mapanglaw na gubat magsisimula,
Ang matamis nap pag-iibigan nina Florante at Laura

Sa puno ng higera, nakagapos sa gitna ng kagubatan


Problema sa pag-ibig ang lubos niyang dinaramdamam.
Floranteng kanyang ngala’y tinitingala sa Albanya.
Ngunit ipinatapon sa labas ng kaharian.

Panaghoy sa problema’y nangingibabaw sa kagubatan


Problema sa pag-ibig ang lubos nyang dinaramdam
Floranteng kanyang ngalay tinitingala sa Albanya
Ngayo’y nagdudusa sa kalilua’t kahirapan.

Florante: Oh Panginoon, ako’y iyong patawarin


Sa lahat ng kabiguang aking pasanin
Sa pag-ibig na ipinagkait sa akin
O tadhana. Bakit ka ganyan sa akin?

Laura akong iniibig, bakit moko iniwan


Sa kamay ni Adolfo’y ikaw ay sumama’t ako’y nilisan
Kay Adolfong sakim sa kapangyarihan
Pati walang salay kanyang dinadamay.

Narrator: Habang si Florante’y walang pagod sa hinanakit


At may isang gererong nangangalang Aladin
Isang morong wari’y naliligaw ng landas
At naghahanap ng lugar ng sa kanya’y giginhawa

Kabiguan din sa pag-ibig ang kanyang pasanin


Na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
Hindi natin aakalain na magagawa ng sariling amang agawin
Ang pag-ibig ng anak, ipagpaliy lang sa sariling ninanais.
5
Aladin: Oh laking hirap nitong nasa akin
Na sa pag-ibig inagaw ng malapit sa akin
Ako’y ngayo’y nandito sa kagubatan
Pinagtaksilan ng ama kong mapagsarili
Itong kinaratnan ng palad kong linsil
Salaming malinaw na sukat mahalin
Na makatatap, nang hindi sapitin
Ang kahirapan kong di makayang bathin.

Narrator: Sa mawika ito luha’y pinaagos


Pika’y isinaksak saka naghimutok
Nagkataon naming parang isinagot
Ang buntong hininga nyong nagagapos

Sa kalagitnaan ng kanyang pagdudurusa


Ay may narinig syang tinig
Tinig na animo’y
Nasa kagubatan din

Gerero’y namangha nang ito’y marinig


Pagbaling-baling sa gubat ang titig;
Nang walang makita’y hinintay umulit,
Di naman nalao’y nagbangong humibik

Ang bayaning Moro’y lalo nang namaang


Aladin: “Sinong nananaghoy sa ganitong ilang?”
Lumapit sa dakong pinanggalingan
Ng buntong hiningat pinakamatyagan

Florante: Sa korona dahil ng Haring Linceo


At sa kayamanan ng duking ama ko
Ang ipinangahas ng Konde Adolfo
Subugan ang sama ng Albanyang Reyno

Hanggang dito ama’y aking naririnig,


Nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis;
Ang panambitan mo’y dalangin sa langit
6
Na ako’y maigtas sa kukong malupit

Panalangin mo’y di pa nagaganap,


Sa ilig mo’y biglang nahulog ang tabak;
Nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
“And adiyos, bunso’t buhay mong lumilipas”
Narrator: Sandaling tumigil itong nananangis
Binigyang panahong luha’y tumagistis
Niyong naaawang Morong nakikinig
Sa habag ay halos magputok ang dibdib

Aladin: Napakapait naman ng kanyang tadhana


Kahabag-habag at tila wala ng pag-asa.

Florante: Oh kay pait ng aking buhay


Sa aki’y tila walang nagmamahal
Laura’t Albanyang aking sinilangan
Ako sa iyo’y nagpapaalam

Narrator: Di pa natatapos itong pangungusap


May dalawang leong hangos ang paglakad
Siya’y tinutungo’t pagsil-in ang hangad
Ngunit nangatigil pagdating sa harap.

Florante: Paalam, Albanyang pinamamamayan


Ng kasama’t lupit, bangis, kaliluhan,
Akoy tanggulan mo’y kusa mong pinatay,
Sa iyo’y Malaki ang panghihinayang!

Sa abang aba ko! Diyata o, Laura,


Mamamatay ako’y hindi mo na sinta!
Ito ang mapait sa lanat ng dusa,
Sa akin ay sinong mag aalala?

Narrator: Sa tinaghoy taghoy na kasindak-sindak,


Gerero’y hindi na napigil ang habag,
Tinunton ang boses at siyang hinanap,
Patalim ang siyang nagbukas ng landas
7
Nang malapit siya’t abutin ng sulyap
Ang sa pagkatali’y lingid ng hirap
Nawalan ng diwa’t luhay lumagaslas,
Katawan at puso’y nagapos ng habag

Inusig ng taga ang dalawang leon,


Si Apollo man din sa Serpiente Oiton,
Walang bigong kilos na di nababaon
Ang lubhang bayaning tabak na pumutol.

Nang magtagumpay na gererong bantog


Sa nangakalabang mabangis na hayop
Luha’y tumutulong kinalag ang gapos
Ng kaawa awing iniwan ng loob.

Sa pagkalungayngay mata’y idinilat,


Himutok ang unang bati sa liwanag.
Sinundan ng taghoy na kahabag habag,
Florante: “Nasaan ka Laura, sa ganitong hirap?”

Narrator: Hindi na pinansin pa ni Aladin ang sigaw


ni Florante, hindi na sumagot at hinayaan
Nang umidlip man.

Florante: Sino ka’t anong pakay mo sa’kin?


Ako’y iyong ibaiba’t tanong ko’y iyong sagutin.

Aladin: Ako’y isang Moro’t ngalan ko’y Aladin


Nagligtas sa iyo sa mga leong handa kang sunggabin
Alam ko’y may mabigat kang pasanin.
Kaya wag kang mag-alala’t walang akong masamang hangarin.

Florante: Ngunit hindi mo ba napapansin na tayo’y magka-away?


Magkaaway mula sa magkaibang kaharian.

Aladin: Ako’y taga-Persia’t ika’y taga-Albanya


Ako’y isang Moro’t at ika’y using Kristiyano
8
Magkaiba man tayo ng kaharian
Walang pinipili ang pag-tutulungan

(Mulakaw)
Narrator: Hindi na kumibo pa ang siyang may katanungan
Hanggang makarating sila sa lugar na pagpapahingahan

Kumuha ng munting baong makakain


Ang nagdaralita’y inamong tumikim
Kahit umaayaw ay nahikayat din
Nang sabing malambot na pawang pang-aliw.

Ito’y di umidlip sa buong magdamag,


Sa pag-aalaga’y nagbata ng puyat,
Ipinanganganib ay baka makagat
Ng ganid na madling naggala sa gubat.

Narrator: Nang lumipas ang gabi’t ang araw ay mataas na


Napansin ni Alading si Florante’y masigla
Ito’y kanyang niyakap ng may kagalakan
Ngunit itong si Florante’y tila malungkot pa

Aladin: Akala ko ba’y ika’y panatag na


Ngunit sa aking nakikita’y may dinaramdam ka pa
Alam kong mahirap sariwain ang problema sa nakaraan
Ngunit maaari ko ba itong malaman? Kaibigan?

Florante: Alam kong meron kang katapatan


Kaya sisimulan ko ang kuwento nung ako’y isinilang

Narrator: At ikinuwento niya ang kanyang nakaraan


Sa isang matapat na kaibigan at maaasahan
Inihalad ni Florante ang katotohanan
Katotohanan sandaling tadhana’y pinagkaitan

Sa isang Dukado ng Albanyang S’yudad,


Doon niya nakita ang unang liwanag;

9
Si Prinsesa Floresca esposa niyang hirang
Ay ang prinsesa sa Crotonang kaharian
Ang dukeng ama niya’y pribadong tanungan
Ng haring Linceo sa anumang bagay;

Buong kamusmusa’y di na sasalitin


Walang may halagang nangyari sa kanya
Kundi nang sanggol pa’y kusang daragitin
Ng isang buwitreng ibong sadyang sakim

Floresca: Florante anak ko!

Menalipo: Ako napo ang bahala sa buwitre na iyan.

Narrator: Pinsan niyang si Menalipo, may taglay na pana


Tinudla ang ibo’t namatay na bigla.

Floresca: Maraming salamat Menalipo


Sa pag ligtas ng buhay ng anak ko
Kundi dahil sa iyo
Baka wala na ang pinakmamahal ko

Narrator: Isang araw namang bagong lumalakad


Noo’y naglalaro sa gitna ng salas
May nasok na arko’t biglang sinambilat
Kupidong diyamanteng sa dibdib koy hiyas

Narrator: Nang tumuntong ako sa siyam na taon


Palaging gawa koy mag-aliw sa burol;
Sakbat ang palaso’t ang busog ay kalong,
Pumatay ng hayop, mamana ng ibon.

Narrator: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


A bait at muni’t sa hatol ay salat
Masaklap na bunga ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog na anak

Duke Briseo: Sa taguring bunso’t likong pagmamahal


10
Ang isinasama ng bata’y nunukal
Ang iba marahil sa kapabayaan
Ng dapat magturong tamad na magulang

Narrator: Ang lahat ng ito’y kay dukeng Briseong talastas


Kaya ang luha ng Prinsesa ay hinamak
At ipinadala si Florante sa Atenas
Bulag na isip niya’y nang doon mamulat.

Doon niya nakilala ang maestrong si Antenor


Isang gurong busilak ang kalooban
May sambuwan halos na di makakain
Luha sa mata ni Florante’y di mapigil-pigil
Ngunit napayapa sa laging pag-alliw
Ng bunying maestrong may kupkop sa akin

Doon niya nakilala si Adolfong buhong sa kasaysayan


Nakilala din niya si Menandrong pamangkin ng maestro
Na naging matapat at malapit na kaibigan.

Sa pinagtatakhan ng buong eskwela


Bait ni Adolfong pinakikita,
Di malasapan ng haing ligaya
Ng magandang asal ng kanyang ama ’t ina.

Natarok ang lalim ng pilosopiya,


Aking natutuhan ang astrolohiya
Natantong malinis ang kataka-taka
At mayamang dunong ng matematika

Nang wala pa si Florante’y si Adolfo ang tinitingala ng kalahatan


Ngunit nang dumating si Florante’y tila ito’y inagawan
Itong si Adolfo’y poot ang nasa kalooban
Ibinuhos ang galit sa dula-dulaan

Antenor: Tayo ngayo’y magkakaroon ng pagsasadula


Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo
Tanghal si Florante at Adolfo
11
Florante bilang Eotocles’t Adolfo bilang Polinice

Narrator: Nang handa ng magsadula’y si Adolfo’y nanlisik ang mata


Kay Florante’y may balak na masama
Balak nitong paslangin at totohanin
Ngunit merong isang taong si Florante’y handang saklolohin

Adolfo: Ikaw Floranteng mang-aagaw


Dapat sa’yo ay mamatay!

Menandro: Ikaw Adolfo, ano’ng nangyayari sa’yo?


Nasisiraan ka na bang ulo?
Ang pagsasadula’y iyong tinotoo
Hindi mo kailangang gawin ito

Antenor: Ano ang nasa isip mo


oh Adolfo
Dahil sa ginawa mong ito
Aking pinapapatalsik sa pamantasang ito
At ika’y inuutusang bumalik sa bayan ng Albanya!

Narrator: Si Adolfo naman kinabukasan


Noon di’y nahatid sa Albanyang bayan

Pagkaraa’y si Florante’y nakatanggap ng liham


Liham mula sa Albanyang sinilangan
Ito’y pinadala ni Duke Briseo kanyang amang minamahal
Dali-daling binasa’t inalam ang nilalaman

Florante: Oh mahal kong ina


Bakit mo ako iniwan?
Ako’y hindi mo nakasama nang matagal
Ama, gustong-gusto kitang dadamayan

Narrator: May dalawang buwang hindi nakatikim


Si Florante ng linamnam ng payapa’t aliw
Ikalawang sulat ng kanyang Ama’y dumarating
Sampu ng sasakyang sumundo kay Florante
12
Florante: Maestro Antenor!
Mahal na guro, at sa inyong lahat,
Ako po’y nagpapasalamat sa iyong suporta’t tulong.
Paalam at sana’y pagkita pa tayo muli.

Antenor: Florante, lagi mong pakantandaan ang bilin na ito.


Ika’y wag palinlang taong nakangiti,
Bagkus ika’y maging mapagmatyag at handa
Sapagkat si Adolfo’y waring isang ahas na makamandag
Na naghihintay nang tamang panahon para lumusob at manggulo

Iyong isama ang aking pamangking si Menandro,


Upang ika’y gabayan at tulungan sa panahon ng kagipitan.

Florante: Maestrong aking ginagalang


Ang payo’y aking pahalagahan
Menandrong kaibigan, halina’t tayo’y umalis na
Muli, paalam sa inyong lahat.

Narrator: Pag-ahon niya sa Albanya agad nagtuloy sa kinta,


Di humihiwalay sa katotong salita,
Paghalik sa kamay ng poon kong ama,
Lumala ang sakit nang dahil kay Ina.

Duke Briseo: Anak, huwag kang mawalan ng pag-asa


Tadhana’y hindi basta-basta
Nandito kami’t susuporta
Magiging gabay at tagapag-aruga

Narrator: Sila ay dinatnang nagkakayakap pa


Niyong embehador ng bayang Krotona
May dalang isang sulat sa ama kong hirang,
TItik ng monarkang kaniyang biyenan

Duke Briseo: Humihinging tulong at nasa pangamba,


Ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka;
Ang puno ng hukbo’y balita sa sigla
13
Heneral Osmalik bayaning Persya

Ayon sa balita’y pangalawa ito


Ng prinisipe niyang bantog sa sangmundo
Alading kilabot ng mga gerero,
iyong kababayang hinahangaan ko

may sakuna
sa Krotonang baya’y may balang sumira

Narrator: Florante’y isinama’t humarap na bigla


Sa Haring Linceo may gayak ng digma

Haring Linceo: Sino ito’t saan nanggaling na s’yudad?


Duke Briseo: Siya ang bugtong kong anak,
Na inihahandog sa mahal mong yapak
Ibilang sa isang basalyo’t alagad

Narrator: Namangha ang hari at niyakap si Florante

Haring Linceo; Mabuting panahon itong pagdating mo;


Ikaw ang heneral ng hukbong dadalo
Sa bayang Krotonang kinubkob ng Moro

Nag-upuan kami’t saka nagpanayam


Ng bala-balaki’t may halagang bagay

Narrator: Magkahalong kaba’t pag-ibig


Nang makita ang anak ng hari

Pagkaraa’y napawi ang kalungkutan


Nang makakita ng babaeng napupusuan
Tila napalitan ng kaligayahan
At nagkaroon ng pag-asa’t kasiyahan

Itong dalaga’y may angking bait at ganda


Anak ni Haring Linceong taga-Albanya

14
Haring Linceo: Ibig ko nga palang ipakilala
Itong anak kong si Laura

Florante: Masaya ako’t nakilala kita


Ngalan ko’y Florante, wala ng iba
Ako’y taga-dito sa Albanya
Albanyang ako’y tagapagmana

Laura: Masaya rin aako’t nakilala kita


Sana tayo’y magkakilalapa
Upang malaman ang isa’t isa
At maging kaibigan o higit pa

Narrator: Itong dalawa’y hindi namalayan


Puso nila’y magkasingkahulugan
Hanggang sila’y magkasintahan
At lubos na nagmamahalan

Ngunit panaho’y dumating


At silay mawawalay sa isa’t isa
Itong si Florante makikidigma
Ipaglalabang ang bayan ng ina niya

Haring Linceo: Ngayo’y araw ng pakikipagdigma


At si Florante’y makikipaglaban
Lalaban para sa bayan

Florante: Laura, ika’y maghintay


Babalik ako’t ika’y babalikan

Laura: Pangako, Florante


Ika’y aking hihintayin

Narrator: Itong si Florante’y lumalaban


Lumalaban para sa bayan
Krotonang sinakop ng Persia
Bayan ng kanyang mahal na ina

15
Florante: Makita ni Heneral Osmalik
Ang aking marahas na pamimiyapis

Narrator: Limang oras silang hindi naghiwalay


Hanggang sa hinapo ang bato ng tapang
Nagluksa ang langit ng kanyang mapatay
Habag sa gererong sa mundo’y tinakhan

Sinalubong sila ng haring dakila


Kasama ang buong bayang natimawa
Ang pagsasalamat ay di maapula
Sa di magkawastong panunuring dila

Hari ng Krotona: Oh Florante, ang apo ko


Ako ang ama ng ina mo
Ako’y nagagalak na makita ka

Narrator: Maging limang buwans si Florantes sa Krotona


Nagpilit bumalik sa Reynong Albanya
Di sinong susumang sa akay ng sinta
Kung ang tinutungo’y lalo’t isang Laura?

Sa gayong katulin ng kanilang paglakad,


Naiinip siya’t ang nasa’y lumipad
Aba’t ng matanaw ang moog ng s’yudad
Kumutob sa aking puso’y lalong hirap!

Kaya pala gayo’y ang nawawagayway


Sa kuta’y hindi na bandilang binyagan,
Kundi Media-luna, reyno’y nasalakay
Ni Alading salot ng pasuking bayan

Ang akay na hukbo’y kusang pinahimpil


Sa paa ng isang bundok na mabangin
Di kaginsa-ginsa’y natanawan naming
Pulutong ng morong lakad ay mahinhin

Isang binibini ang na taglay


16
Na sa ramdam nila’y tangkang pupugutan
Ang puso niya’y lalong nipit ng lumbay
Sa gunitang baka si Laura, ang kanyang buhay

Kaya di napigil ang akay ng loob


At ang mga moro’y bigla niyang linusob
Palad ng tumakbo at hindi natapos
Sa kanyang pamuksang kalis na may poot

Nang wala na siyang pagbuntuhang galit,


Sa di makakibong gapos ay lumapit;
Ang takip sa mukha’y nang kanyang ialis;

Florante: Oh Laura aking mahal.


Narrator: Dali-dali niyang kinalag sa kamay
Ang lubid na walang awa at pitagan;
Mga daliri’y niya’y naaalang-alang
Madampi sa balat na kagalang-galang

Laura: Salamat Florante’t ika’y dumating


Kundi dahil sayo ako’y mawalay ngayon din

Kawal 1: Nasa bilangguan ang mabunying monarka


At ang dukeng mabunyi

Narrator: Nang kanyang matantong sila’y nasa bilangguan


Nag-utos sa hukbo’t kanilang sinalakay
Hanggang di nabawi ang Albanyang bayan

Pagpasok nila sa loob ng reyno


Bilanggua’y siyang una niyang tinungo;
Hinango ang hari’t ang dukeng ama ko
Sa kaginooha’y isa si Adolfo.

Labis ang ligayang kinamtan ng hari


At ng natiwamang kamahalang pili;
Si Adolfo lamang ang nagdalamhati
Sa kapurian kong tinamo ang sanhi
17
Di nag-ilang buwan ang sa reynong tuwa
At pasasalamay sa pagkatimawa
Dumating ang isang hukbong maninira
Na taga-Turkiyang masakim na lubha.

Isang araw siyang bagong nagbiktoria


Sa Etolyang s’yudad na kusang binaka,
Tumanggap ng sulat ng aking monarka
Mahigpit na biling muwi sa Albanya

Nang dumating siya’y gabing kadiliman


Pumasok sa reynong walang agam-agam
Pagdaka’y nanumkob, laking kaliluhan
Na may tatlumpong libong sandatahan
Di binigyan daan pang mabunot
Ang sakbat na kalis at makapamook;
Buong katawan ko’y binidbid ng gapos,
Piniit sa karsel na katakot-takot

Itong si Florante’y di makapaniwala


Na si Adolfong ito’y kanyang magagawa
Pinaslang si Briseo’t linceo ng walang awa
Karibal rin pala ni Florante sa pag-ibig ni Laura

Sa pagkabilanggong labing-walong araw,


Naiinip ako nang di pagkamatay;
Gabi nang hangui’t ipinagtuluyan
Sa gubat kusang ipinugal

Ito ang buhay niyang silo-silong sakit


At hindi pa tanto ang huling sasapit

Mahabang salita ay dito napatid,


Ang gerero naman ang siyang nagsulit

Aladin: Ang pagkabuhay mo’y yamang natalastas,


Tantuin mo naman ngayon ang kausap;
18
Ako ang Aladin da Pers’yang syudad,
Anak ng balitang Sultang Ali-Adab

Narrator: Ikinuwento niya ang kanyang pinagdaanan


Ang paghihirap at ang kamalasan

Sa madling Gerang pinagdana,


Di siya naghirap ng pakikilaban,
Para nang bakahin ang pusong matibay
Ni Fleridang irog na tinatangisan

Anupa’t pinalad na kanyang dinaig


Sa katiyagaan ang pusong matipid;
At pagkakaisa ng dalawang dibdib,
Pagsinta ni Ama’y nabuyong gumiit.

Dito na minulan ang pagpapahirap


Sa kanya’t ninasang buhay ay mautas;
At nang magbiktoria sa Albanyang s’yudad
Pagdating sa Per’sya’y binilanggo agad.

Aladin: Ano po ba ang kasalanan ko?

Ali A-dab: Iyong iniwan ang ating hukbo

Narrator: Pero sa totoo pala’y siya ang nag-utos


Kay Aladin na iwan ang hukbo

Kawal: Sultan Ali-Adab


Ang Albanyang reyno
Ay nabawi po,

Ali-Adab: ANOO?!?
Dapat sa iyo
Ay pugutan ng ulo.

Narrator: Nang gabing malungkot na kinabukasan,


Wakas na tadhanang siya’y pupugutan
19
Sa karsel ay nasok ang isang heneral
Dala ang patawad na lalong pumatay

Tadhanang mahigpit ay malis pagdaka,


Huwag mabukasan sa Reyno ng Pers’ya,
Sa munting pagsuway buhay niya ang dusa
Sinunod niya ang utos ng hari niya’t ama.

Aladin: Nguni’t sa puso ko’y matamis pang lubha


Natuloy nakitil ang hinihingang aba,
Huwag ang may buhay na nagugunita
Iba ang may kandong sa langit ko’t tuwa.

Narrator: At iyon ang kuwento ni Aladin


Tungkol sa sakit na nararamdaman parin

Aladin: May anim na ngayong taong walang likat


Na linibot-libot na kasama’y hirap

Narrator: Napatigil dito’t sila’y may nabatyag,


Nagsasalitaan sa loob ng gubat.

Napakinggan nila’y ang ganitong saysay:

Flerida: Nang aking matatap na papupugutan


Ang abang sinta kong nasang bilangguan
Ang ginawa ko ay…

Narrator: Sinabi ng dilag ang kanyang ginawa


Siya’y nagdapa sa yapak ng haring sukaban

Hinihinging tawad ng luha at daing


Ang anak ng sultan na mutya niya’t giliw;

Sultan Ali-Adab: Kund di kusa mong tanggapin


Ang sinta mo’y di patatawarin

Narrator: Ang di nabalinong matibay niyang dibdib


20
Sa suyo ng hari, bala at paghibik,
Nanlambot ng kusa’t humain sa sakit
At nang mailigtas ang buhay ng ibig

Flerida: Isang hating-gabing kadilima’y lubha,


Lihim na naghugos ako sa bintana,
Walang kinsama kung hindi ang nasa,
Matunton ang sinta kung nasaang lupa

May ilan nang taon akong naglagalag


Na pinapalasyo ang bundok at gubat;
Dumating nga rito’t ikaw’y nailigtas
Sa masamang nasa niyong taong sukab

Narrator: Salita’y nahinto sa biglang pagdating


Ng dukeng Florante’t Prinsipe Aladin;
Na pagkakilala sa boses ng giliw
Ang gawi ng puso’y di mapigil-pigil
Sigabo ng tuwa’y nang dumalang-dalang,
Dininig ng tatlo ang kay Laurang buhay
Nasapit sa reyno mula nang pumanaw
Ang sintang nanggubat, ganito ang saysay:

Sigawang malakas niyong bayang gulo,

Mamamayan: Mamatay, mamatay ang Haring Linceo


Na nagmunakalang gutumin ng reyno’t
Lagyan ng estangko ang kakani’t trigo!
Narrator: Ito’y kay ADolfong kagagawang lahat
At nang magkagulo yaong bayang bulag;
Sa ngalan ng hari ay isinambulat
Gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab

Noon si’y hinugot sa tronong luklukan


Ang ama niyang hari at pinapugutan
May matuwid bagang makapanglulumay
Sa sukab na puso’t nagugulong bayan?

21
Umakyat sa trono ang kondeng malupit
At pinagbalaan siya nang mahigpit
Na kung di tumanggap sa haing pag-ibig
Dustang kamataya’y aking masasapit.

Sa pagnanasa kong siya’y magantihan


At sulatan kita sa Etoliang bayan
Pinilit ang pusong huwag ipamalay
Sa lilo ang aking kaayawa’t suklam

Limang buwang singkad ang hinihinging taning,


Ang Adolfong sinta’y bago niya tanggapin;
Nguni’t pinasyang tunay na panimdim
Ang magpatiwakal kung di ka dumating.

Niyari ang sulat at ibinigay niya


Sa tapat na paglingkod, Na dalhin kay Florante,
Di nagisang buwa’y siyang pagdating ni Florante’t
Nahulog sa kamay ni Adolfong lilo.
Sa takot niyong palamara
Kung magbalik na may hukbong dala,
Nang mag-isang muwi ay pinadalhan
Ng selyong sulat at haring pirma

Matantong ito’y sa malaking lumbay


Gayak na ang puso na magpatiwakal
Ay siyang pagdating ni Menandro naman,
Kinumkob ng hukbo ang Albanyang bayan.

Sa banta’y siya ang tantong nakatanggap


Ng kay Florante’y padalang kalatas
Kaya’t nang dumating sa Albanyang s’yudad,
Lobong nagugutom ang naihahalintulad

Nang walang magawa ang Konde Adolfo,


Ay kusang tumawag ng kapuwa lilo;
Dumating ang gabi umalis sa reyno
At Laura’y dinalang gapos sa kabayo.
22
Kapagdating dito ako’y dinadahas
At ibig ilugso ang papuri kong ingat;
Mana’y isang tunod na kung saan buhat
Pumako sa dibdib ni Adolfong sukab.

Siya si Flerida’t Laura’y iniligtas


Iniligtas mula kay Adolfong lapastangan
Dala ang pana’y si Adolfo tinamaan
Si Laura nama’y nagkaroon ng kapanatagan

Si Laura’y nagpasalamat kay Flerida


Kaya pinasyang kaibiganin
Sila’y nag-usap at nagkuwentuhan
Habang naglalakad dito sa kagubatan

Di pa napapatid yaong pangungusap;


Si Menandro’y siyang pagdating sa gubat,
Dala’y ehrsito’t si Adolfo’y hanap,
Nakita’y katoto, laking tuwa’t galak
Dinala sa reynong ipinagdiriwang
Sampu ni Aladi’t ni Fleridang hirang,
Kapuwa tumanggap ng mangagbinyagan;
Magkakasing sinta’y naraos makasal.

Namatay ang bunying Sultan Ali Adab,


Muwi si Aladin sa Pers’yang siyudad
Ang Duke Florante sa tronoy naakyat
Sa siping ni Laurang minumutyang liyag

Sa pamamahala nitong bagong hari


Sa kapayapaan ang reyno’y nauli,
Ditto nakabangon ang nalulugami
At napasa-tuwa ang nagpipighati

Menandro: Mabuhay ang bagong Hari


Mamamayan: Mabuhay!
Menandro: Mabuhay ang Albanya!
23
Mamamayan: Mabuhay!

Francisco: Nagsasama silang lubhang mahinusay


Hanggang sa nasapit ang payapang bayan
Tigil, aking Musa’t kusa kang lumagay
Sa yapak ni SELYA’t dalhin yaring Ay’Ay!

THE END

24

You might also like