Tutorials Panunuring Pampanitikan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 66

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Filipino 324 – Panunuring Pampanitikan


(TUTORIAL CLASS)

Genalyn L. Moscaya, Ph.D. Tessahnie S. Serdeña


Propesora

TEORYA

- pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang


makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o
pagpapaliwanag ukol dito

TEORYANG PAMPANITIKAN

- Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan


sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at
layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.

I. Mga katagian ng bawat uri ng teoryang pampanitikan

1. Bayograpikal
- Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan
sa buhay ng may- akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang
mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Kondisyon Kaakibat ng Teoryang Bayograpikal:


1. Ang tanging tugon ng pagsusuri ay akda mismo na siyang binabasa at
sinusuri kung kaya’t kailanman ay hindi ito ipinapalit sa buhay ng
makata o manunulat.
2. Ang kahinaan at kapintasan ng may-akda sa kanyang akda ay hindi
dapat maging kapasyahan ng sinumang bumabasa ng akda.

Mga Halimbawa:

 ‘Si Boy Nicolas’ ni Pedro L. Ricarte


 ‘Utos ng Hari’ ni Jun Cruz Reyes
 ‘Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat’ ni Dr. Luis
Gatmaitan
 Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco Balagtas
 ‘Mga Gunita’ ni Matute
 ‘Sa mga Kuko ng Liwanag’ ni Edgardo Reyes
2. Historikal
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng
tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang
pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.

- Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may malaking papel


na ginagampanan ang institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng
panitikang dapat sulatin ng may-akda.

- Ang wika at panitikan ay hindi maaaring paghiwalayin.

Panuntunan sa paggamit ng Teoryang Historikal:

“ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan


na maipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa
panahong kinasangkutan ng pag-aaral.”

Mga Halimbawa:
 ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal
 ‘Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog’ ni Julian Cruz Balmaceda
 ‘Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog’ ni Inigo Ed Regalado
3. Klasismo (Grecia bago isinilang si Kristo)

- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak,


ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit
ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

 Gintong Panahon (80 B.C) nakilala ang panulaan bilang


pinakamahalagang genre
sa pagsulat at pagsusuri (epiko, satiriko, tulang liriko at pastoral)
 Nakasentro sa mga dulang itinatanghal
 Komedya at Trahedya; bilang dalawang pinakatanyag na uri ng
dula.

 Panahon ng Pilak
 Paglaganap ng prosa at bagong komedya.
 Talambuhay, liham-gramatika, pamumuna at panunuring
pampanitikan.

Paniniwala: kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na


bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain.
 Pinapahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng
isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan.

Pananaw: sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at ito ang lundayan


ng klasismo.
 Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista – “hindi
angkop ang paggamit ng mga salitang balbal. Hindi rin
angkop ang labis na emosyon.”

Katangian ng Akdang Klasiko

 Pagkamalinaw
 Pagkamarangal
 Pagkapayak
 Pagkamatimpi
 Pagkaobhetibo
 Pagkakasunud-sunod
 Pagkakaroon ng hangganan
Halimbawa:
 ‘Florante at Laura’ ni Francisco Balagtas

4. Romantisismo (Europa - ikalawang hati ng ikalabinwalong dantaon)

- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng


tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

 DALAWANG URI:

1. Romantisimong Tradisyunal – nagpapahalaga sa halagang


pantao.
2. Romantisismong Rebolusyonaryo – pagkamakasariling
karakter ng isang
tauhan.

 ROMANTIKO – tawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga


akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo.

 naniniwala ang mga romantiko sa lipunang makatao, demokratiko at


patuloy sa pag-unlad.
 Inspirasyon + Imahinasyon = natatanging instrumento ng mga
romantiko para matuklasan ang nakakubling katotohanan/ bumubuo
sa pagiging totoo, maganda.
 Kapangyarihang rebolusyonaryo at damdamin.
 Pagpapahalaga sa kalikasang personal, kahalagahang kombensyunal,
katotohanan, kabutihan at kagandahan.
Makatang Romantiko:

Panulaang Pilipino Maikling Kwento at Nobela

 Jose Corazon de Jesus


 Lope K. Santos  Macario Pineda
 Ildefonso Santiago  Jose Esperanza
 Florentino Collantes  Faustino Galauran
 Inigo Ed Regalado
 Teodoro Gener

5. Realismo (Rebolusyong Industriya: Ika-19 na siglo)

- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at


nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan
ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng
kanyang sinulat.

 Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.


 Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan,
ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o
paglalahad.

 PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo,


katiwalian,
kawalan ng katarungan, prostitusyon, atb.

Mga Halimbawa:

 ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal


 ‘Banaag at Sikat’ ni Lope K. Santos
 ‘Santanas sa Lupa’ ni Celso Carunungan
 ‘Laro sa Baga’ ni Edgar Reyes
 ‘Ito Pala ang Inyo’ ni Federico Sebastian (dula)
 ‘May Isang Sundalo’ at ‘Nana’ ni Rene Villanueva (dula)

6. Pormalistiko
- Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais
niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at
walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na
malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

 tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na


ito.
 Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o
kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.
 Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad
at pag- uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora,
imahen, at iba pang elemento ng akda.

7. Siko-Analitiko (Bago ipanganak si Kristo)

- tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan.


“nasa paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng
buhay.”
- nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang
kamalayan sa kahirapan.

8. Eksistensyalismo (Huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang


dantaon)

- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na


pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence).

 ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain.


 Maihahalintulad ito sa dalawang teorya: romantisismo dahil mahilig
sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon;
modernismo dahil nagpipilit
itong magwasak ng kasaysayan.

Halimbawa:
 ‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro G. Abadilla
 ‘Aanhin Nino ‘Yan?’ Panitikang Thai Salin ni Lualhati Bautista

9. Istrukturalismo (Unang dekada ng ika- 20 dantaon)

- Wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito ang kamalayang


panlipunan – ipinalalagay ng maraming teorista na napakahalaga ng
diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan -’ di-makatao’

10. Dekonstruksyon (Dekada ’60: ipinakilala ni Jacques Derrida)

- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na


bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at
manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na
sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay
ang kabuuan ng pagtao at mundo.

 Batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang teksto dahil


ang wika ay di matatag at nagbabago.
 Higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng
kahulugan ng teksto.
 Layunin ng pag-aanalisa ang paglalantad sa mga magkakaslungat na
kahulugan o implikasyon ng teksto at ng mga salita at
pangungusap.

Halimbawa:
 ‘Tata Selo’ ni Rogelio Sicat
 ‘Kay Estella Zeehandelaar’ salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

11. Feminismo
- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae t iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag
ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

 Apat na Panahon ng Feminismo


1) Mga aklat nina Kate Millen, Germaine Greer, at Eva Figes.
2) Pagkakalathala ng mga aklat nina Showalter, Gilbert at Gubar
3) Ang tuwirang pakikipag-ugnayan ng feminismo sa post-
istrukturalismo
4) Ang feminismong may kaugnayan sa post-modernismo
 ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat bilang
mahina, marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal,
pantahanan at masama.
 Ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-
kapantay ng kalalakihan.

Mga Halimbawa:

 ‘Sa ngalan ng Ina, ng Anak ng Diwata’t Paraluman’ ni Lilia


Quindoza Santiago (tula)
 ‘Sandaang Damit’ ni Fanny Garcia (maikling kwento)
 ‘Sumpa’ ni Rowena Festin (tula)
 ‘Paano Tumutula ang Isang Ina’ ni Ligaya G. Tiamson-Rubin (tula)

12. Humanismo (Renacimiento o Muling Pagsilang sa Italya)

- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng


mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng
tao gaya ng talino, talento atbp.
 Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong
nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala sa kultura.
 Humanismo – ang humuhubog at lumilinang sa tao
 Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kayat mahalagang
maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at
kalayaan sa pagpapasya.
 Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa wikang angkop sa
akdang susulatin.
(magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan,
nakaaliw at pagpapahalaga sa katotohanan)
II. Mga mahahalagang katangian na dapat taglayin ng manunuri.

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Kritiko sa Panitikan

Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino


sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong
panitikang Filipino noong kanilang panahon. Ganito ang ipinahayag ni Abadilla (1954):

Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay
nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at
taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong
1935.
Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay
pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla
naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong
1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng
pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.

Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang
sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga
mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na
itinutumbas niya sa salitang kritika:

Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano
ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan
na ba tayo ngayon sa kritika?

Tulad ng pagiging manunulat ng alinmang akdang pampanitikan, ang isang kritiko


sa panitikan ay dapat ding magtaglay ng magagandang katangian. Dahil dito,
iminumungkahi ng manunulat ng aklat na ito ang sumusunod na mga katangiang dapat
taglayin ng isang kritiko:

1. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang


pampanitikan bilang isang sining.
2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
3. Ang kritiko ay lagging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa
panitikan.
4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa
paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng
kanyang pamimili.

Mga Batayang Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Bunga ng maraming taong pagtuturo ng panunuring pampanitikan bilang


asignatura sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas, at pagtatamo ng anim na Gawad Surian sa Panunuring
Pampanitikan-Gantimpalang Collantes ako’y nagtangkang bumuo ng ilang simulain sa
panunuring pampanitikan gaya ng mga sumusunod:

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso


at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

Ang pahayag na ito ay nagmula sa tatlong kilalang kritiko nang sila’y


maanyayahang maging punong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng
Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Nobela noong 1985: Min. Edmundo
Libd, Dr. Anacleta M. Encarnacion at Dr. Venancio L. Mendiola. Ganito ang
kanilang pahayag matapos piliin ang limang mahuhusay na lahok mula sa 25
lahok:

Dahil sa malalim na persepsyon at matalinong panunuri (hindi lamang sa


masinop na pananaliksik at malawak na kaalamang iskolar), ang mga
sumusunod ang napiling gantimpalaan:

Unang gantimpala- Pagsusuri sa Estetikong Porma, Sosyolohikang


Implikasyon at Katutubong Eksistensyal ng sa mga Kuko ng Liwanag ni Pedro
L. Ricarte
Pangalawang gantimpala- Ang Pagkamulat ng Isipang Feminista ni Amanda
Bartolome: Pangunahing Tauhan ng Dekada ’70 ni Loline M. Antillon

Pangatlong gantimpala- Ang pagnanasa at ang Utopia sa mga Nobela ni


Dominador Mirasol ni Soledad S. Reyes

Unang karangalang-banggit- Ficcion: Daloy ng Kasaysayan sa Kamalayang


Panlipunan ni Fidel Rillo Jr. at

Pangalawang karangalang-banggit- Ang Satanas sa Lupa: Repleksyon ng


Kamalayang Sosyo-Politikal sa Bansa ni Pat Villasan Villafuerte.

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay anng organisasyon o


balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.

3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may


kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.

4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling


paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang
balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan
ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa
panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.
Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M.
Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak
sa Pagsulat ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa
Katutubong Wika sa Pilipinas.

5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat


panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at
lawak ng pangitain nito.
Ang simulating ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang
mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa
sa kanya, ang buhay daw ng sining ay nasa ubod at laman.
6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng
kakayahan ng ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at
sukatin upang makagawa ng makatarungang pagahatol ay kung papaano ang
pagkatula.
Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa
pagtutulong-tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na
tula ay kailangang matigib ng damdamin, kinakailangang managana sa
kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi
maaaring matibag sa mga taludtod nito ang isnag kagandahan.

7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,


makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa
teoryang pampanitikan.

8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay


ng mga sangkap ng pagsulat.

III. Mga kritikong Pilipino sa Panitikang Filipino at mga kritikong


dayuhan sa panitikang banyaga

Mga Kritikong Pilipino sa Panitikang Filipino

1. Virgilio S. Almario

 Maituturing na isa sa pinakatanyag na kritiko ng panitikang Filipino.

 Kilala sa sagisag na Rio Alma na laging kasangkot sa pagbibibigay-kulay


sa panulaang Filipino.

 Nagsimulang makilala bilang haligi ng kilusang Modernista ng mga


kabataang makata noong kanyang panahon, sumibol ang kanyang mga
aklat sa tula, Makinasyon Ilang Tula (1968) at Peregrinasyon at iba pang
Tula (1970).
 Kinilala rin ang kanyang Ang Makata sa Panahon ng Makina (1972),
Doktrinang Anakpawis (1979), Walong Dekadang Makabayang Tulang
Pilipino (1981), Balagtasismo Versus Modernismo (1984), at iba pa.

 Kasalukuyang tagapamuno ng komisyon ng wikang pambansa.

2. Lamberto E. Antonio

 Itinuturing na isa sa mga tungkong bato ng mga makatang UE,


kasama sina Virgilio Almario at Rogelio Mangahas, si Antonio ay
makailang ulit ng nagwagi ng gantimpala sa Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature, hindi lamang sa larangan ng maikling kwento
kundi sa tula at panunuring pampanitikan.

3. Isigani R. Cruz

 Isinilang sa Maynila at kasalukuyang nagtuturo sa De La Salle


University, si Cruz ay kilalang mananalaysay at manunulat ng mga
dula, at higit sa lahat, isang mapagkakatiwalaang kritiko ng panitikang
Filipino.

 Nagtapos ng Bachelors Degree in physics sa UP, Masters Degree in


English sa ADMU at doctorate in English sa University of Maryland,
USA.
 Dating kolumnista ng mahigit sa 20 pahayagan, sa kasalukuyan ay
lingguhang sumusulat ng pitak si Cruz sa Philippine Star at Philippine
Starweek.

 Ang karamihan sa mga akdang napanalunan niya sa Carlos Palanca


Memorial Awards for Literature ay mga dula at mga sanaysay sa
panunuring pampanitikan sa Filipino at English.

4. Lope K. Santos

 Makata, manunulat, mananalaysay at nobelista, tinaguriang Makata


ng Puso at Ama ng Balarilang Tagalog si Santos na nagtapos sa
Escuela de Derecho de Manila, Escuela Normal Superior de Maestros at
sa Colegio Filipino.

 Naging direktor ng Surian ng Wikang Pambansa, 1941-1945,


gobernador ng Rizal, 1910-1913; gobernador ng Nueva Viscaya, 1918-
1920; at senador, 921-1922.

 Naisulat niya ang Balarila ng Wikang Pambansa na naging opisyal na


batayang aklat sa Filipino. Ang karamihan sa kanyang mga akdang
pampanitikan ay naipalathala sa Ang Kaliwangan, Ang Kalapati ng
Bayan, Muling Pagsilang, Ang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, Mabuhay,
atbp.

5. Federico Licsi, Jr.

 Nagwagi ng makailang ulit sa Carlos Palanca Memorial Awards for


Literature sa pagsulat ng mga tulang gigising sa kamalayang Pilipino,
itinanghal na Makata ng Taon ng 1996 si Licsi. Siya’y may akda ng
pitong antolohya ng mga tulang sa Filipino, Ingles at Kastila.

6. Rogelio G. Mangahas

 Kasalukuyang editor sa Filipino ng SIBS Publishing Company, dating


propesor sa Filipino si Mangahas sa pamantasang kanyang
pinagtapusan, ang UE. Itinanghal sa “Makata ng Taong 1969” sa
Talaang Ginto ng Surian ng Wikang Pambansa. Kinilala ng mga kritiko
ang kanyang tulang “Duguang Plakard”.

7. Fernando B. Monleon

 Kilala sa sagisag na batubalani, si Monleon ay tinaguriang makatang


laureado noong 1968. Nahirang na Mambabalagtas ng Taon noong
1967. Siya’y naging pangalawang patnugot ng Surian ng Wikang
Pambansa.

8. Clodualdo del Mundo


 Dating patnugot ng mga magasin Filipino at editorial director ng
Liwayway Publishing, si Del Mundo ay may pitak ng Parolang Ginto Sa
bisa ng Parolang Ginto ay pumili si Del Mundo ng pinakamahusay na
katha buwan-buwan at taun-taon.

9. Ponciano B P Pineda

 Nanungkulang punong Komisyoner sa Wikang Fiipino bago nagretiro,


tubong Nueva Ecija ang manananggol, makata, manunulat, propesor
sa wika at linggwista si Pineda.

 Nagtapos ng bachelor of laws sa MLQU, associate in arts degree sa


UST, master of arts in linguistics sa University of British Columbia,
Vancouver, Canada at doctorate degree sa UST. Nagturo ng ilang taon
sa Paaralang Gradwado ng MLQU at sa kasalukuyan ay aktibong lupon
ng patnugot ng KAPFIL at PSLF.

Mga Kritikong Dayuhan sa Panitikang Banyaga

1. Aristotle

 Sa Poetics nakapaloob ang panunuring pampanitikan ni Aristotle. Tatlo


ang mahalagang kontribusyon sa Poetics. (1) Ito ang nagpasimuno ng
panunuring pampanitikan,

(2) Ito ang ginamit na huwaran at patnubay ng panunuring


pampanitikan, (3) Ito’y nag-alay ng isang konkretong teorya ng panitikan
na hindi hiram sa mga basal na kaisipan o pilosopyang pang- estetika.

 Pinapanigan ni Aristotle ang panulaan (1) bilang katotohanan at katibayan


ng tula bilang institusyon ng kalikasan o bilang isang anyo ng kaalaman,
at (2) bilang pangmoral ng katwiran sa isipan.

 Ang panulaan para kay Aristotle ay higit na mataas at pilosopikal kaysa


kasaysayan. Ayon sa kanya, takot at habang ang kinakasangkapan sa
dalawang batayang damdamin upang maging matagumpay ang trahedya.
 Sang-ayon si Aristotle na catharis o pagpupurga ang makalilinis sa takot at
habag at ginagamit ito upang ipagtanggol ang panulaan.

2. Plato

 Isinilang noong 428 B.C. sa Athens, Greece, si Plato ang itinuturing na


pangalawang tungkong bato ng sinaunang Gresya, kabilang sina Aristotle
at Socrates.

 May tarlong kontribusyon si Plato sa panunuring pampanitikan: (1) ang


anyo at suliranin ng sining, (2) ang inspirasyon ng makata, (3) ang
panulaan bilang tagpagturo ng kabutihan at katotohanan.

 Ang itinatag na sistema ni Plato ay malawakang sistema ng pilosopya na


matibay ang etikal na pundasyon ng ideang eternal o pormang
kumakatawan sa daigdig.

 Itinatag ni Plato ang Akademya sa Athens bilang institusyon para sa


pagkakamit ng sistematikong pilosopikal t syentipikong pananaliksik. Ang
kanyang tanging pinag- aalinlanganan ay ang bisang pangmoral sa
sining.

 Taliwas kay Aristotle, pinaniniwalas ni Plato na ang tula ay isa lamang


panggagagad ng konkretong kalikasan. Bilang resyonalista, pinaniniwalan
din ni Plato na “ang dahilan ay dapat sundan kahit saan maguna.”

 Nakapaloob sa pilosopiya ni Plato ang etikang rasyonalistiko kayat


dikatakatang polotikal ang kanyang pangunahing ambisyon. Dahil dito,
ang pinakatanging pangyayaring naganap sa buhay ni Plato ay ang
iterbensyon sa politikang Syracusan.

 Itinatag ni Plato ang doktrinang Phaedo na nagsaad ng imortalidad ng


kaluluwa. Nakapaloob sa kanyang kaisipan ang aspektong lohikal,
epistemolohikal at metapisikal.

3. Socrates

 Isinilang si Socrates noong 470 B.C. Siya, ayon kay Cicero, ang nagbaba
ng pilosopiya mula sa langit patungo sa daigdig. Mababasa ang kanyang
personalodad at doktrina sa Dialogue at sa Memorabilla of Xenophon.
 Naniniwala si Socrates sa mitolohyang naglalaman ng mga katotohanang
kwento tungkol sa mga Diyos ay imbensyon lamang ng mga makata,
gayundin ang imortalidad ng kaluluwa.

4. T.S. Eliot

 Taglay ang buong pangalang Thomas Stearns Eliot siya ay nakilala dahil
sa kanyang sanaysay na Tradisyon at Pansariling Kakayahan na isang
kritisismo at ang orihinal ay nasusulat sa Ingles.

 Kay Eliot, ang tula ay di dapat isalaly sa kahalagahan at kaigtingan ng


damdamin o mga bahagi nito kundi samatinding sining na nakapaloob sa
pamaraan ng pagkakasulat.

Sinalungat din niya ang paliwanag ni Wordsworth na ang panulaan ay


emosyong nagpapagunita sa katahimikan.

 Ang paghahanap ng Obhetibong Koroleytib dahil sa pagwawalang bahala


sa tao o dehumanisasyon ang nilikha ni Eliot na siyang kumakatawan
lamang sa pangkat ng iba’t-ibang pagpapahayag ng damdamin ng tao
ukol sa sining.
 Pinaniniwalaan ni Eliot ang dissociation of sensibility matapos niyang
sabihing ang mga makata na ating sibilisasyon na narito pa sa
kasalukuyan ay dapat maging difficult. Ayon pa sa kanya:
The poet must become more and more comprehensive, more allusive,
more indirect, in order to force, to dislocate, if necessary language into his
meaning.

IV. Mga paraan ng pag-aaral at pagsusuri ng mga sumusunod:

A. Tula
“Hindi maaaring magkaroon ng tunay na tulang Tagalog kung
walang tugma, kung walang sukat at walang taludturan”
- Inigo Ed Regalado
Anyo ng Tula
1. Tradisyonal - ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma, at mga
salitang may malalim na kahulugan.
2. Malayang Taludturan - isang tula nang walang sinusunod na
patakaran kung hindi anumang naisin ng sumusulat.

3. Berso Blangko - ito’y tula na may sukat ngunit walang tugma.

Elemento ng Tula
1. Sukat - ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud na
bumubuo sa isang saknong.
2. Saknong - isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtud).
3. Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Una, ikalawa at ikatlong
panauhan.
4. Tugma - ang hulung pantig ng huling salita ng bawat taludtud ay
magkasintunog.
5. Kariktan - ito ay ang maririkit na salita na pumupukaw sa damdamin
at kawilihan.
6. Talinghaga - ito’y mga salita na di tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit, mga salita na nakatago ang kahulugan.

Mga Uri ng Tula


1. Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin

- nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap


at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may akda o ng ibang tao.
Ito ay maikli at payak.

2. Tualng Pasalaysay (Narrative Poetry)


- naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay
tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng
katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.

3. Tulang Patnigan
- ito’y tulang nagbibigay aliw sa mga taong namatayan, at
nagbibigay pagpapahalaga sa taong pumanaw.

4. Tulang Pantanghalan
- binibigkas ng mga tauhan ang kanilang diyalogo sa paraang
patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa
sarswela at komedya.

Balangkas ng Tula

I. PAKSA

Pamagat: Isang Dipang Langit May-akda: Amado V.


Hernandez
II. KAYARIAN
A. Uri: Tulang Pasalaysay
B. Estropa: Labing-isa
C. Ritmo/Indayog
1. Sukat: Lalabindalawahingpantig
2. Tugma: Tugmang Ganap at Di-Ganap
III. ANYO
A. Tono: Paghihimagsik at Pagdurusa
B. Tayutay:
Pagtutulad (Simile)
- sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod.
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Pagmamalabis (Hayperbole)
- sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
- sa munting dungawan tanging abot-malas
- isang dipang langit

Pandiwantao (Personipikasyon)
- kung minsan’y gabi’y biglang magulangtang.

C. Talasalitaan
Balasik - Kalupitan o Kabagsikan
Tiwalag - Nauukol sa pagiging malaya
Muog - matibay na taguang bato
Atungal - malakas na iyak ng malaking hayop
Tanang - Tayo na
IV. PAGSUSURI
A. Paksa
- Buhay sa loob ng kulungan
B. Diwa
- Karanasan ng mga kinukulong
- Pinagdadaanan ng mga bilanggo araw-araw
C. Simbolismo
Puno = Pagkakasala
Kuta = Kulungan
Bintanang rehas = Dungawan
Kadena Tanikala
Birang = Itim na panakip sa ulo
D. Himig
A. pagdurusa dahil sa pagtukoy ng kanyang pinagdaanan
na kanyang inilahad sa loob ng kulungan.
B. paghahangad ng kalayaan

V. IMPLIKASYON
a. Mensahe

- pagiging matatag sa mga pagsubok sa buhay


- ipagtanggol ang sariling karapatan
- laging magtiwala sa sariling kakayahan
- laging manalig sa Diyos

B. Maikling Kwento

Elemento ng Maikling Kwento


1. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento.
2. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan.
3. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
4. Tunggalian - tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
5. Magagandang Kaisipan o Pahayag - mga pahayag na nagbibigay
mensahe o aral sa mga mambabasa
6. Simula at Wakas - paraan ng mga manunulat kung paano iya
sinimulan at winakasan ang kwento. ito’y maaaring may
magandang simula ngunit may malungkot na katapusan.

Paraan sa
Pagsusuri ng
Tauhan

Bakit mahalaga ang tauhan sa kwento?


Ang ganda at bisa ng isang akda ay nakasalalay sa paglalarawan at
pagbibigay- buhay sa mga karakter na nalilikha ng manunulat.

Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwentong Bernakular


1. Suriin ang kwento ayon sa uri.

Mga Uri ng Maikling Kwento


a. Kwento ng tauhan - inilalarawan ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.

b. Kwento ng katutubong kulay - binibigyang-diin ang


kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

c. Kwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag-


uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
d. Kwento ng kababalaghan - pinag-uusapan ang mga
salaysaying hindi kapanipaniwala.
e. Kwento ng katatakutan - naglalaman ng mga pangyayaring
kasindak-sindak.
f. Kwento ng madulang pangyayari - binibigyang diin ang
kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
g. Kwentong sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at
kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat
sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
h. Kwento ng pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng
pangyayari ang interes ng kuwento.
i. Kwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya
naman sa mambabasa.
j. Kwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.

2. Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob dito.


3. Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan at banghay.
4. Suriin ito ayon sa taglay na bisa.
Uri ng Bisang Taglay sa Maikling Kwento

a. Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o


pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang
akda.
b. Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago sa
kaisipan dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa
binasa.
c. Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa
pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang
nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.
5. Suriin ito ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang panlipunan.
6. Gamitan ng teorya sa pagsusuri.

Balangkas ng Maikling Kwento

I. URI NG KWENTO
- alamin kung anong uri ng maikling kwento ito napapabilang.
II. PAMAGAT
- dito nakasaad ang pinapaksa ng kwento.
III. NILALAMAN
A. Tauhan

- Sa bahaging ito iniisa-isa ang mga nagsiganap sa kwento


B. TAGPUAN

- Pinapakita kung saan ang pinangyarihan ng mga kaganapan


sa kwento.

C. GALAW NG PANGYAYARI o BANGHAY

- Dito ibinibigay ang sunod-sunod na pangyayari sa kwento.

Pangunahing Pangyayari

- Panimulang aksyon
- Matatagpuan ang tauhan, tagpuan, panahon, at
posibleng simula ng suliranin at problema

Pasidhi o Pataas na Pangyayari

- pagkakaroon ng saglit na kasiglahan sa mga pangyayari


sa kwento.
- daan o susi patungo sa pinakamahalagang pangyayari

Karurukan o Kasukdulan

- pinakamahalagang bahagi ng kwento.


- pinakahihintay ng mga mambabasa
- dito nagaganap ang pinakamatinding problema

Kakalasan o Pababang Aksyon


- bahaging bago magwakas ang kwento.
- binibigyang solusyong ang mga probema sa kuwento.

Wakas
- bahaging nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isipan
ng mambabasa.
- dito matatagpuan ang pangunahing aral o mensahe sa
kwento.
- dito na wawakasan ang mga pangyayari sa kuwento

IV. TAGLAY NA BISA


- matapos mabasa ang kwento alamin kung anong pagbabago
sa sarili ang iyong naramdaman
V. KAMALAYANG PANLIPUNAN
- alamin kung ano ang ipinapakita o inilalarawan ng akda sa
ating lipunan
VI. TEORYA
- sa pagsusuri mahalagang alam mo ang teoryang ginamit sa
akda

C. Nobela

Panimulang Pag-aaral sa Pagsusulat at Paghihimay ng Nobela

NOBELA

- Bungang isip/katha na nasa anyong prosesa, kadalasang halos


pang-aklat ang haba, na ang banghay ay nailalahad sa pamamagitan ng
mga tauhan, dayalogo, naratibo at iba pa.
- May masalimuot at kawing-kawing na mga pangyayari ngunit
nabubuo sa pamamagitan ng organisasyon ng mga tagpo at pangyayari

Character driven
- walang ibang pwedeng pagbigyan ng kwento kundi yung mga
piniling karakter
Plot driven
- mas mahalaga ang unfolding at development ng mga
pangyayari na nakakaapekto sa desisyon, pag-uugali, motibasyon ng mga
karakter

Statement/Impression
- May bago ba akong sasabihin na nakapaloob sa isusulat ko?
Ano ang malalaking statement, mas maliliit na statement at mga
pandetalyeng statement?

Milieu
- Nakakatulong sa paghuhubog ng pag-iisip
at disposisyon ng mga karakter gayundin sa unfolding ng mga
pangyayari.
a. Pisikal
b. Sikolohikal

Characters
Pangunahing (mga) Tauhan
- sa kanila umiikot ang kwento at mahahalagang
pangyayari mas maraming exposure at dialogue
Supporting characters
- Hindi mabubuo ang kwento kung wala ang mga ito
may ilang exposure at dialogue
Bits and extras
- kadalasan, ang papel nila ay pandagdag rekado
mga tambay, dumadaan, taong bayan
Backstory
 Characterization
Psychological
- Paano sya mag-isip at dumama?
Ano ang laman ng kanyang pag-iisip?
Physical
- ang pisikal na katangian at kaanyuan
Societal
- ano ang katayuan nya sa lipunan?
anong papel bilang indibidwal
ang ginagampanan nya sa lipunan?

 Drama and Conflict


 Language/Dialogue
Nana Etang
“Linsyak, ay… wala akong masagap, baka ka ‘ko mahina na
ang baterya, sina Tasing at Baste rin pala, walang masagap,
nagkaengkwentruhan na naman ba, ha, Kapitan?”

Kapitan Lito
“Kow, ang mga taga-Menila, hindi naniniwala sa ganyan, di
ba, Sir Mong?”

Berto
“Aguy,aguy, yawa! Ba’t mo naman nirungisan yang baso.
Ako ang sunod na tagay.”

Mang Berong
“Damuhong dyablo ka Joselito, kung di ka lang kapitan,
hahamunin sana kita ng karera,”

Plot
- Ang banghay na katatakbuhan ng pangyayari.
Maaaring linear, non-linear, forward movement o cyclical

Chapters
Opening
Chapter 1

Wala syang magawa kundi pagtyagaang lakarin ang maputik na daan.


Binitbit nya na ang kanyang sapatos. Maging ito ay sumuko sa putik.
Sabihing pang imported ang Timber at dinesenyo para sa ganitong
kundisyon, nawawalan din ito ng silbi kapag ang buong hiking shoes ay
lubog na sa putik. Kakaiba ang putik sa mga bundok na kumukulong sa
Brgy. Magapok ng Sta. Barbara de Bendita. Lupang bundok. Pinong pino.
Hindi mabato, di gaya ng ibang putikang lugar na napuntahan nya.

Ginawa nyang panggiya sa daan ang ilaw ng kanyang handy cam.


Isasaboy nya ang liwanag sa mahabang maputik na daan. Saka nya
papatayin at maglalakad. Dapat tipirin ang baterya. Malayo pa ang
destinasyon. May spare battery naman. Kaso, kapag ganitong masama
ang panahon at daan, malamang hindi nakabili ng krudo ang barangay
para sa generator.

Sa Chapter 1 ng Ligo na U, Lapit na Me

Himagsik at Lantik ng Physics

“Nong ideal d8 mgsuicide?”

“Mya n lng, bc pa me.”

“Mr. Villalobos, keep your cellphone away. Exam, tapos nagte-text ka.”

Alam ni Sir na di ako nagtsi-cheat. Imposibleng makapag-cheat sa


cellphone kapag exam. Lalo na sa physics. Una, may 1/4 index card
kaming lahat para doon tignan ang formula. Sa ganitong estilo,
masasabing pinsan ni Hitler si Sir sa pagte-terrorize at pagto-torture sa
aming mga estudyante sa pamamagitan ng kanyang pang-genocide na
exams. Pwedeng gumamit ng kahit ano (calculator, scientific calculator,
abacus, butil ng mais o munggo, mga daliri sa kamay at paa) sa pagso-
solve sa kanyang mga problem na pinoproblema ko ngayon. Pangalawa,
open notes, open books, open tables at lahat ng gusto kong i-open at i-
close, kahit prayer book, Biblia, Qur’an, Summa Theologica ni Santo
Tomas at Saligang Batas ng Pilipinas. Pero, kahit mangopya ako kahit
kanino, o humingi pa ako ng saklolo sa kaluluwa ng mga ninuno kong
namayapa, malamang hindi pa rin tatama ang sagot ko.

Hay! Physics. Gusto ko na ayaw ko ng subject na ito.

Pagbabalik sa Title ng chapter


Chapter 4 Walang Lumilipad sa Magapok

…ang mga batang naglalaro. Ang mga tanim at halamang sumasayaw sa


ihip ng hangin. Ang mga nagtatrabaho sa bukid. Pati ang lahat ng abala
sa maghapong gawain at sa darating na pista.
Isa lang ang napuna ni Mong na wala ngayon sa Magapok. Walang
lumlipad na ibon, paruparo at tutubi na dati nyang kinawiwilihang habulin,
hulihin at pakawalan. Kasama ni Lumen. Si Lumen.

“Nana, Nana…”

Napalingon si Mong. Kilala nya ang boses na yun. At nakita nya ang
dumarating. Hinihipan ng hangin ang mahabang buhok, paldang manipis
at blusang bumabakat sa dibdib ng di katangkaran, kayumanggi, payat
ngunit may maamong mukhang si Lumen. Tinatangay ba ng hangin? May
lumilipad pa pala sa Magapok

Paghahanda sa susunod na chapter


Chapter 10 Malas

Tinawag ang kanilang pansin ng isang aninong tumatakbong paparating.


Sumisigaw. Si Dencio.

“Kap, nakita na yung isang baka!”

Chapter 11 Kumunoy, Sinkhole o Malakat

Nakapanghihilakbot ang atungal ng baka habang unti-unting lumulubog


ito sa palayan. Sumugod ang mga tanod, napaantanda ang iba sa mga
ito.
"Kumunoy, kumunoy!" pasigaw ang tawag ng isang tanod habang
kumakaway sa mga kasamahang tanod. Humihiwa ang liwanag mula sa
sulo at flashlight sa gitna ng palayan. Parang may tinig na iniluluwa ng
sumasayaw na uhay ng palay. Itinusok ng ilan ang kanilang bitbit na sulo
sa putikang palayan.
Patuloy ang pag-atungal ng baka. Halos lubog na ang buong katawan ng
baka. Mahahalatang pinipilit na iunat at iangat ang leeg nito.

Planting
Chapter 1:
“Bay, bay, yawa, yawa! Dyablong buwang. Dyablong buwang… baka
malakat na ‘yan,” hindi magkandatuto ang piloto kung paano bubuhayin
muli ang motor. Nanginginig ang piloto sa paghawak ng susi na nakakabit
sa pulang rosaryo.

Chapter 13:
Gumuhit sa hangin ang ngilo ng mga bumagsak na tasa, kutsarita, platito
at bandihado. Tumumba ang habal-habal. Dumuyan-duyan ang pulang
rosaryo na nakatali sa susi ng motor.
***
Kasabay ng pagputok ng araw ang pagkalat ng nakakikilabot na balita.
Parang isang malaking lamayan ang Magapok. Walang bahay na walang
umiiyak, sumisigaw, tumatangis… may patay sa bawat bahay. Isa,
dalawa, tatlo o higit pa. Iisa ang pagkakatulad. Lahat ng natulog, hindi na
nagising. Bata, matanda, lalake o babae, bakla… walang pinatawad ang
kamatayan sa lahat ng nagnakaw ng pahinga matapos ang isang
magdamag na kababalaghan at karahasan.

Chapter 14:
Itinabi nila ang haba-habal. Baka sakaling mapakinabangan pa. Kinuha ni
Lumen ang susi ng motor na may kasamang pulang rosaryo. Naglakad
ang dalawa pabalik.

“Ano ba ang nangyayari sa amin, Raymundo, ngayon lang nangyari, kung


kelan magpipista ng Patron na Sta. Barbara de Bendita, ba’t kami
pinaparusahan?”
“Clueless ako, lahat ng hinala ko, ni Kapitan, o ng kahit sino, hindi uubra,”
tinignan ni Mong ang mga cellphone nya kung may signal na, wala pa rin.
“Ano sabi ni Nana Etang mo? Kala ko ba, may kapangyarihan sya?”
lumabas sa tono ni Mong ang pagiging sarkastiko nito.

Chapter 4:
“Ay, pirmi ko ngang naaalala ‘yang si Sion, kaya pala napanaginipan ko
sya, nagpaparamdam na pala, ay… ay,” hinimas nito ang itim na rosaryo’t
inisa-isang hagkan ang mga medalyon at istampita matapos iabot ang
kape kina Kapitan Lito at Mong, “buti’t napadpad ka dine sa amin uli, tyak
na matutuwa si Filomena pag nakita ka nya,”
Chapter 16:
Oo, love. Katakot nga, shit. Feeling ko nga humihingi ng tulong talaga.
Isipin mo na lang… ha? Oo, may hawak na rosary. Hindi ko nga nakuha,
rosary lang. Ha? Black. Gusto mo? Biro lang. Sige, maya na lang uli. Love
you. Oo, maghuhugas muna ako ng kamay para hindi ‘yan mapanis.
Sabunin mong mabuti, ha? Pag nagkita tayo, ikaw ang patay sa akin.

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG NOBELA


NI: MARY FLOR BURAC

I. BALANGKAS NG NOBELA

a. PAMAGAT: Banaag At Sikat (Kabanata 1)


b. MAY-AKDA: Lope K. Santos -
Siya ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang
kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat,
isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng
Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.Sa larangan ng panitikan,
ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa
mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo
sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit
ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan. Naging dalubhasa siya sa
larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing
sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod
bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng
Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing
Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-
tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.Kabilang sa mga
katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika,
Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin
siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

c. TAGPUAN: Sa Batis ng Antipolo at Maynila


d. KAILAN: Mayo - Hunyo 1904
e. MGA TAUHAN
Don Filemon - mayaman at kasosyo ni Don Ramon
sa negosyo
Don Ramon - mayaman, ninong sa kumpil ni Felipe
Meni - anak ni Don Ramon at umiibig kay Delfin
Talia - anak ni Don Ramon
Isiang - Anak ni Loleng
Turing Madlanglayon - Kaibigan ni Talia
Delfin - umiibig kay Meni at isang manunulat
Felipe - kaibigan ni Delfin at may prinsipyong
pagkakapantay-pantay

f. MGA SULIRANIN
Sa bahagi ng unang kabanata, ang mga umusbong na suliranin ay
ang pagiging mapang angkin nina Don Ramon at Felimon sa Batis. At ang
pagiging selosa ni Meni kung kaya’t nais malaman ni Delfin ang tunay na
estado nila ni Meni.
g. MGA PANGYAYARI
Sa unang kabanata, matutunghayan ang pagkaganid ng mga Don sa
ibang mahihirap at ang pangmamaliit nila. Sa usaping pag-ibig ng
kanilang mga anak, kailangang kauri rin nila.
h. KINALABASAN
Palihim ang pagpapalitan ng matatamis na salita nina Meni at Delfin dahil
sa kahigitan ng ama ni Meni nasa Don Ramon

II. PAGPAPAHALAGA SA TAUHAN


Ang pagpupursige at pagiging tapat ni Delfin, ang dahilan kung bakit iniibig
din ito ni Meni. Hindi sila nagpahadlang upang hindi matuloy ang pag-iibigan nila.

III. PAGPAPAHALAGA SA KATAYUAN SA BUHAY


Mapapansin sa nobelang ito ang isyu ng pang-aapi ng mayaman sa mahirap.
Ipinaglaban ng mahihirap ang kanilang karapatan na hindi lamang ang
mayayaman ang may karapatang magtamasa ng kalikasan na likha na Diyos
kundi maging sila. Ipinakita ang pagpapahalaga sa tao, na kahit mayroong iba’t
ibang estado ang sa lipunan, dapat manaig ang respeto sa kapwa.

IV. PAGPAPAHALAGA SA MAGAGANDANG KAISIPAN


Bigyan ng respeto ang kapwa at ipadama ang pagmamahal. Sapagkat kung
minamahal at nirerespeto muna natin ang ating sarili, gayundin ang gagawin
natin sa ating kapwa. Walang magiging ganid o maaapi kung alam natin na tayo
bilang mga tao ay nananalig sa Diyos.

V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA


Ang angkop nea teoryang pampanitikan sa nobelang Banaag at Sikat ay ang
Realismo, sapagkat kakikitaan ito ng tunay na nangyayari sa lipunan. Ang
mayaman lang ang may kakayahang magpairal ng kapangyarihan at ang mga
mahihirap ay ang syang naaapi. At ipinakita sa bahaging ito ang pakikipaglaban
ng karapatan ng bawat indibidwal, lalo na sa mahihirap. Dapat sa isang lipunan,
pinapairal ang batas na magiging batayan ng pagkakapantay-pantay ng
karapatan ng mga tao.

D. Sanaysay

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG SANAYSAY


NI: MARY FLOR BURAC
I. PAKSA:

Ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa mga nangyayari sa loob ng dyipni.


Ang Dyipni ay parang isang lipunan, kung saan kinapapalooban ng iba’t ibang
pag-uugali ng mga nakasakay rito.

II. TEMA:

Ang tema o pinakapusod ng mensahe ay ang pahalagahan ang kulturang


Pinoy. Kahit sa simpleng bagay na maaaring pagkakakilanlan sa pagiging
Pilipino. Nakikilala ang pagiging malikhain natin mula sa mga bagay na basura
para sa ibang bansa mas nalilinang ng mga Pinoy.

III. PANIMULA

Inilahad ito sa paarang nagkukwento ng sariling karanasan ng may akda.


Tinutukoy dito kung ano ang kahulugan ng dyipni base sa karanasan ng may
akda.

IV. NILALAMAN

Nakasulat dito ang mga karaniwang ginagawa ng pasahero sa loob ng


Dyipni.Ang mga kasabihan na kalimitang patama sa pasahero. Makikita rin ang
paglalarawan sa mga drayber at ang mga hirit nito sa lalo na kung may
makakatabing maganda o balingkinitan ang katawan.

V. KONKLUSYON

Ang naging wakas o katapusan ay ang pagpapakita ng katiyagaan sa


paghihintay ng pag-usad ng trapik sa kabila ng mahirap na pakiramdam lalo na sa
samu’t saring amoy sa loob at labas ng dyipni. Subalit ang mahalaga na inilahad
dito ay ang pag uwi ng matiwasay sa dadatnang tahanan.

E. Dula
Dyanra ng Dula

1. Melodrama
- ito’y nagwawakas sa kasiyahan bagama’t ang uring ito ay
may malulungkot na sangkap na kung minsan ay may labis na pananalita
at damdamin ang ginamit
2. Komedya
- gumagamit ng kaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-
alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya at madyik o mga
mahihiwagang epekto sa palabas.

3. Trahedya
- kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang
ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan

4. Parsa
- mga magkakabit- kabit o magkadugtong- dugtong na mga
pangyayari ng isang dulang nakakatawa.

5. Saynete
- dula tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng
pangunahing tauhan at ang kanyang pakikipagsapalaran.

Balangkas ng Dula

I. PAMAGAT
II. NILALAMAN
1. Tauhan
2. Tagpuan
III. KAYARIAN
1. Dyanra
2. Teorya
IV. BUOD
V. PAGSUSURI
1. Gintong Aral
2. Taglay na Bisa
3. Kamalayang Panlipunan

V. Mga ginawang pagsusuri sa:

a. Tula

Pagsusuri sa tulang Isang Punong Kahoy ni: Jose Corazon de Jesus

Isang Punong Kahoy

Ni: Jose Corazon de Jesus


I.

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
V.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
VIII.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

PAGSUSURI NG TULA

I. TALAMBUHAY NG AKDA

Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz, Manila noong Nobyembre


22, 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng
kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga.
Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng
Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan.
Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915.
Ang una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa
nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang
Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado
dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog
na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-
pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus
ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang
mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng
pamahalaang Estados Unidas.

May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite.
Sumulat din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting.
Paborito niyang pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa
ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap
Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang
at Tubig Lily'

II. PAGPAPALIWANAG SA BAWAT SAKNONG

Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus ay


naghahalintulad sa kanya sa isang punong kahoy. Ang unang saknong ay
naglalarawan sa may akda na nag-iisip. “Kung tatanawin mo sa malayong pook”.
Ito’y nangangahulugang ang may akda ay nagsimulang nagguni-guni. Sa kanyang
guni-guni ay inilalarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba sa Panginoong
Diyos.
Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya ang posibling mangyayari kung
nasa lamay na siya. Sa una at ikalawang taludtud, ay nangangahulugan na
naririnig sa kanyang lamayan ang mga musikang tinutugtug din sa simbahan.
Samantalang, sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay naglalarawan sa kanyang lamay
na ang mga kandila ay inihalintulad sa mga tanod na nag-aabang sa kanyang
lamay.
Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang luha. “Sa
aking paanan ay may isang batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyang
paanan, malamang nalulungkot sa kanyang pagkamatay kaya doon ay may
patuloy na umiiyak at umaagos ang luha, at sabi pa na hanggang maghapon at
magdamag na walang tigil sa pag-iyak, ang kahulugan. Sa ikatlo at ikaapat na
taludtud ay inilalarawan ng may akda ang kanyang kabaong na inihahalintulad sa
sanga. Sa kanyang kabaong ay may nakasabit na pangalan ng kanyang pamilya
na nagmamahal sa kanya.
Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na ang pag-iyak ng mga
nagmamahal sa kanya ay totoo. Nalaman niya na may tunay o totoong
nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Kaya nang nalaman niya ito, ay naging
masaya siya at tanggap na niya.
Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na ang kampana ng simbaha ay
tumunog bago ialis ang kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit na syang ihatid
sa kanyang huling hantungan. At ang mga taong nagmamahal sa kanya ay isa-
isang naghahagis ng bulaklak sa kanyang kabaong. At may tao pa rin na patuloy
na umiiyak at humagulgol sa paanan ng kanyang kabaong.

Ibig sabihin sa ikaanim na saknong yaong naihatid na siya sa kanyang


huling hantungan at nang matabunan ng lupa ay nawala lahat ang kanyang
kaligayahan, nararamdaman ang kalungkutan at nag-iisa sa dilim. Sa puntod na
yaon ay wala nang nagbabantay sa kanya.
Sa ikapitong saknong, ay naalimpungatan na siya sa kanyang pagguni-guni
nang napagtanto niya na ang kanyang mga guni-guni ay hindi nakakatuwa.

Sa huling saknong naman, ay nagmuni-muni siya sa panahon ng kanyang


kabataan, inaasahan niya at kanyang inilaan na ang kanyang mga gawa ay maging
inspirasyon sa kapwa.

III. TUNGKOL SA AKDA

Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang


buhay at naisin, ito‟y paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay
ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa
kaniyang pagkawala at tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na
magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at napamahal din sa kaniyang
mga nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy, na kung saan
ang Punong-kahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang
daloy ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa matayog
bilang isang tao. Ngunit katulad ng punong kahoy dumarating ang unti-unting
pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga, na ang tao sa kabila ng kaniyang
katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang pagtanda sapagkat umiinog
ang mundo at nagbabago ang kapaligiran, hanggang maramdaman ng tao ang
kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at pagkawala ng liwanag sa kaniyang
buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin niya na ang kaniyang buhay sa kamay
ng kaniyang Manlilikha.

IV. ESTILO

Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa sitwasyon, pangyayari o


karanasan ng may-akda sa buhay, at kilala ang may-akda sa taguring “ Makata
ng Pag-ibig kaya naman mababakas ang kaniyang pagiging sentimental sa mga
salitang kaniyang ginamit. Katulad ng batis ng luha na ang damdaming umiyak
dahil sa lungkot sa nakatakdang pagkawala ng persona sa tula. Ang tulang ay
gumamit ng mga matatalinhagang salita at tayutay upang maipakita ang sining
ng pagbuo ng tula at ang kagandahan nito sa kabila na itoy isang Elehiya at
paghihinagpis. Ang Tula ay nasusulat sa tradisyonal na labindalawang pantig ang
sukat at nasa ganap na tugma

Maka-kalikasan

Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng


tao, inihahalintulad ang buhay sa paglago ng kalikasan. Katulad ng pagyabong
ay pagsikat o pagtatagumpay ng tao na siyang dahilan upang maliliman at
magbigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala sa kaniya. Ngunit
proseso ng buhay ang pagkawala at pagkamatay na sa pagkawala ay sumisibol
naman ang mga panibagong punla na nagmula din ang pataba at pagdidilig sa
taong pumanaw dahil sa kaniyang mabuting paglaganap ng buhay.

V. TUGMA

Sa tula ng Isang Punong Kahoy, mapapansin nang mga mambabasa na sa


bawat taludtod, at saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtugma
– tugma ng mga salita na napaka sining. Mahusay siya sa pag-iisip upang
maiparating niya ang kanyang tula na magandang tugma at maganda basahin sa
mga mambabasa.
VI. SUKAT

Ang Isang Punong Kahoy ay may sukat na tig labing dalawahin ang bawat
taludtod at may walong saknong.

VII. IMAHEN

Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga
sumusunod:

Ako’y tila nakadipang kurus


Ang pugad ng mga ibon ng Pag-ibig

Ang mga salitang ito ay nagsisilbing orihinalidad na siya’y nagpapalawak s


apag-iisip ng mga mambabasa. Ang mga imahen na ginagamit niya sa
pagpapayaman ng kanyang tula upang mas makatutulong sa mga mambabasa
na mabilis mauunawaan at madama ang inilalarawan ng makata. Ayon sa
pagdanas niya sa kanyang mga pighati. Ang imahen ng kanyang mga tula ay
kanyang ipinapakita na hindi ito nakakalayo sa biograpikal na aspekto ng kanyng
buhay. Kung saan ang kanyang damdamin sa pagbuo nito ay ang kanyang
karanasan na ginamit niya bilang inspirasyon.

VIII. Uri ng Genre: Tulang Pandamdamin o Liriko

Ayon pa kay Rufino Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng “likha”


at ang makata ay tinatawag na manlilikha. Ito ay dahil sa ang tula ay isang
pagbabagong hugis ng buhay. Sa tulong ng guni-guni, ang buhay ay nabibigyan
ng bagong anyo ng makata.

Nagpapahayag ang tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o kaya


ay ng ibang tao. Maaari rin itong likha ng mapangarapin imahinasyon ng makata
batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at madaling maunawaan. Ang
makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin,
iniisip, at persepsyon. Kalikasan at buhay ang pinaghanguan ng paksa ng makata
at sa pamamagitan ng mga larawang diwa ay pinupukaw niya ang ating
damdamin. Ang tula ay isang Elehiya na tulang may kinalaman sa guniguni
tungkol sa kamatayan.

KAISIPANG PANGKASAYSAYAN:

Sa tulang ito’y ni Jose Corazon de Jesus sinasambit niya ang mga salita sa
taudtod na;
Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang kurus;

Ang dalawang taludtod sa itaas ay madalas na nauugnay sa mga pighati


na kanyang nadarama bilang isang tao. Ngunit kung ating susuriin, ang bawat
salita ay tila Malabo ang kahulugan nang unang taludtod kaysa pangalawa.
Nangangahulugan ng isang lugar kung saan siya naroroon. Samantala pagdurusa
naman ang mensahe ng kanyang ikalawang taludtod. Ginamit niya ang kanyang
mga karanasan at paniniwala na pinaniniwalaan na siyang nagbibigay lakas sa
kanyang pagiging makata. Hinahain niya ang mga kaisipan na mula sa kanyang
sarili na pinagyaman ng kanyang isipang namulaklak ng karunungan.

b. Maikling Kuwento

Suring Basa ng Maikling Kwento "Ang Kalupi" ni Benjamin Pascual

I. PAGKILALA SA MAY AKDA

Benjamin P. Pascual

Ang nobelistang si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa lungsod ng


Laoag, Ilocos Norte. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang
Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa
wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Ilan sa mga isinulat ni Benjamin P.
Pascual ay ang Babaeng Misteryoso, Lalaki sa Dilim, Landas sa Bahaghari at isa sa
mga sikat na maikling kuwento na kanyang nailimbag ay Ang Kalupi. Isa sa mga
bagay na nag-udyok sa kanya upang likhain ang kuwentong ito ay gusto niyang
ibahagi sa mga tao ang kawalan ng hustisya sa ating lipunan at ang sanhi ng
maling akala.

II. URI NG PANITIKAN

Ang Kalupi ay isang maikling kuwento. Ito ay nagpapakita ng realidad na


may mga bagay na hindi nabibigyang hustisya sa lipunan. Ang maikling kuwento
ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong
isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar
Allan Poe ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kuwento.”

III. TEORYA NG PANITIKAN

Teoryang Realismo
Ang Kalupi ay isang teoryang realismo dahil layunin nito na ipakita ang mga
karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang
panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan atpagkaepektibo ng kanyang
sinulat.

IV. LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin ng may akda ay maipakita ang realidad at mamulat ang mga
tao sa tunay na mga pangyayari sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang
kawalan ng hustisya at epekto ng mapanghusgang isipan ng tao. Sinasalamin nito
ang katotohanan na hinuhusgahan ang isang tao base sa anyo at estado nito sa
buhay. Ipinapakita sa Ang Kalupi ang isyu ng kahirapan ang nagiging dahilan ng
kawalan ng boses at balakid sa hindi pagkamit ng hustisya.

V. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema o paksa ng akda ay makabuluhan sapagkat ito’y nagpapamulat


sa mga mambabasa kung ano ang magiging epekto ng mapanghusgang isipan ng
tao dahil lamang sa pisikal na anyo o kalagayan ng isang tao. Maaari ding sabihin
na ang paksa o tema nito ay napapanahon sa kadahilanang maraming namamatay
at biktima ngayon na kailanman ay hindi parin nakakamtan ang hustisya na
inaasam-asam.

VI. MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA

1. Aling Marta – isang pangkaraniwang nanay at asawa na nagsusumikap


para sa kinabukasan ng mahirap nilang pamilya. Mayroon siyang anak na dalagang
magtatapos na ng hayskul. At bilang regalo ditto, ay surpresa niya itong
hahandaan. Ang tanging pangarap niya ay makapagtapos ng kolehiyo ang
kanyang dalaga at umunlad ang kanilang buhay. Siya ay may katandaan na at
medyo mainitin na ang ulo, mapagmarunong a otoridad at makakalimutin minsan.
Minsan may pagkasinungaling din at mapanghusga sa ibang tao.
2. Andres Reyes – Gusgusing batang aksidenteng nabangga si Aling Marta
at napagbintangang nagnakaw ng kanyang pitaka. Siya ay walang permanenteng
tirahan, minsa’y tumutuloy sa kanyang tiyahin o di kaya’y sa kanyang lola. Kahit
na anak-mahirap, hindi ito magnanakaw. Siya ay nasagasaan habang tumataka
kay Aling Marta at yumaon ay binawian ng buhay.
3. Mga Pulis – Sila ang humuli at nag-imbestiga sa inaakusang pagnanakaw
ng kalupi ni Aling Marta.
4. Aling Godyang – Ang tinderang inutangan ni Aling Marta ng pambili ng
panghanda.
5. Dalagang Anak ni Aling Marta – Ang magtatapos sa hayskul at
paghahandaan ni Aling Marta ng garbansos na siyang paborito nito.
6. Asawa ni Aling Marta – Matiyagang naghahanap buhay para sa kanyang
pamilya. Siya ay mahilig manigarilyo at siyang kumuha sa kalupi ni Aling Marta ng
walang paalam kaya niya ito nalimutan.

VII. TAGPUAN O PANAHON

1. Maliit na barung-barong – Isang bahay na tinitirhan ng pamilya ni Aling


Marta. Dito naiwan ni Aling Marta ang kanyang kalupi na pinaniniwalaang kinuha
ni Andres Reyes.
2. Pamilihang bayan ng Tondo – Dito palaging namimili si Aling Marta. Dito
rin niya natuklasan na wala sa kanyang bulsa ang kanyang kalupi.
3. Kalsada malapit sa outpost – Dito kinausap ng Pulis ang bata. Sa lugar
na ito binawian ng buhay ang bata.

VIII. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Sa maikling kuwento ni Benjamin Pascual, ipinapakita ang pagiging


mapanghusga ng lipunan dahil lamang sa panlabas na anyo ng isang tao. Sinsabi
sa atin ng manunulat, na hindi dahil sa gusgusin at mahirap ang isang tao, ay
magnanakaw na ito. Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang mahirap
makamit ang hustisya para sa mga dukha. Ang gustong ipabatid sa atin ng
manunulat na hindi tamang maghusga tayo ng walang sapat na batayan. Isipin
munang mabuti ang sitwasyon, at huwag magpadalos dalos.

IX. BUOD

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang


maliit na barung-barong upang mamalengke para sa hahandaing mga pagkain
para sa pagtatapos ng kanyanv anak. nakarating na siya sa palengke ngunit ng
dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay
siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaking nakapantalon ng
maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-lilis ang laylayan. Nakasuot ito
ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng
kanyang butuhan at maruming dibdib. Sa kanilang pagbabangga ay muntik, na
niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo
ka pa kung lumabas!"
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na
bangos. -tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin
sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e."
"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.
Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa
tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay
dumukot sa bulsa ng kanyang bestida upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi!
Napansin ng kaharap ang kanyang anyo. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit
sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap
ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng
isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at
binatak ang kanyang liig.
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng
piataka ko, ano? Huwag kang magkakaila!""Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho
akong knukuha sa inyong pitaka"
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway
ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood"Kung
maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa bagay
na ito.
Sumama ang dalawa sa pulisya. Nang makarating sila roon ay iniwan muna
sila ng pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan
niya ito.
"Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata
sabay takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan
na siya namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga
huling Salita na nasambit ng bata kasabay ng pagkawala nito.
Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. sa kanyang
isipginawa niya lamang ang dapat gawin nino man at para malaman ng ahat na
ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang
kasalanan. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay
naghihintay sa kanya. Inisip niya kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang
wala na siyang pera.
Nangutang siya sa tindahan.
Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at anak. "Saan
po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak""Saan pa, e di sa pitaka."
"Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka."Sabi naman ng kanyang asawa.
Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na
kanyang pinagbintangan.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin."

X. ARAL

Makabuluhan ang kuwento ng Ang Kalupi sapagkat ito’y nagsasabi at


nagbibigay malay sa bawat isa na kahit mahirap ang estado sa buhay ng isang tao
o hindi gaanong maganda ang sitwasyon sa buhay o kaya’y isa s’yang pulubi sa
lansangan ay hindi nangangahulugang maryoon itong masamang iniisip dahil sa
katunayan hindi natin sila kilala at wala rin tayong karapatang husgahan ang
kanilang pagkatao. Hindi man natin maitatanggi ang katotohanan na paminsan-
minsan ay nahuhusgahan natin ang kapwa natin maganda kung itutuon na lang
natin ang ating atensyon sa ibang bagay para hindi tayo makapanakit ng iba. Lahat
tayo ay may karapatang maging malaya at lahat din tayo ay may karapatang
makamtan ang hustisya sa buhay, kahit tayo ay mangmang o walang narating sa
buhay ang importante ay malakas ang iyong loob na harapin ang mga pagsubok
sa buhay at tiwala sa sarili ang kailangan. Higit pa rito dapat malaki ang tiwala sa
ating Poong Maykapal sapagkat siya lang ang makakatulong sa ating mga ahirapan
sa buhay.

XI. KALAKASAN AT KAHINAAN NG AKDA

Magaling ang pagkakasulat ng kwento at marami ang maaaring maging


interpretasyon ditto dahil sa napakahusay at napaka-angkop na pagkakasalaysay
sa kwento. Nakakapukaw ng isipan at damdamin ang huling bahagi ng kwento
sapagkat hindi mo akalaing ganun pala ang magiging kahinatnan nang susunod
na kaganapan. Maganda rin ang paggamit sa mga tauhan dahil malaki ang impakt
ng mga ito sa mga mambabasa. Hindi nga lang masyadong malinaw ang ilang
mga bagay rito tulad ng kung saan kumuha si Aling Marta ng pera upang mabili
niya ang kanyang mga pinamili. Dahil nakakabitin ang kwento nakakalito rin kung
ano ang nagging nangyari pagkatapos mahimatay ni Aling Marta at kung ano ang
naging reaksyon ng kanyang anak at asawa. Dapat mas naging detalyado pa sa
bandang wakas ang kwento. Kahit hindi naging detalyado ang kwento ay naging
maganda parin ito sa aking puso’t isipan.

c. nobela

PAGSUSURISA NOBELANG: LALAKI SA DILIM NI


BENJAMIN PASCUAL

I. KAHULUGAN NG PAMAGAT
Sa pamagat pa lamang ng nobela mahihinuha na maykinalaman sa isang
madilim o maling gawain ang lalaki sa nobela.
“Lalaki sa Dilim‟ ang pamagat nito ay dahil na rin sa ang lalaki sa nobela
ay nakagawa ng isang kasalanan noong sapilitan niyangginahasa ang isang
babaeng bulag. Maselang usapin ang gahasasaanman sa lipunan. Sa nobela
makikita kung gaano kabigat anggayon sa buhay ng isang babaeng bulag at
mahirap. Sapambihirang bisa ng panulat ng may-akda ay itinatampok sanobela
ang samotsaring pagtanaw sa gahasa: ang salapi, dangal, pighati, ugnayan, pag-
asa, at iba pang tunggalian o kaisahan. Dito mababatid na ang pisikal Na
pagkabulag ng babae ang siyangmagbibigay liwanag sa katauhang-dilim ng
lalaki.

MAY-AKDA
BENJAMIN P. PASCUAL

TALAMBUHAY NG MAY-AKDA

Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos


Norte. Unang nakilala bilang matinik na kuwentista si Pascualbago niya sineryoso
ang pagiging isang nobelista. Nagsimula siyangsumulat noong dekada 1950,
sumubok mag-ambag sa komiks, hanggang hiranging maging staffer
ng Liwayway. Nagwagi sa DonCarlos Palanca Memorial Awards for Literature ang
kaniyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip AngLangit”
(1981). Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang
nobelang “Utos ng Hari” noong 1975.Unang nailathala sa Liwayway ang „Lalaki
sa Dilim‟ sapamagat na „Shhhh…Ako ang Lalaki sa Dilim‟ (1976).
May-akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran, WalangTanungan” (1997),
isang komedya ng pag-iibigan at lingguhangisineserye nagyon ng Liwayway.
Tinatayang nakatapos ng 13 nanobela si Pascual, na pinakarurok marahil ang
Halik sa Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda
naumiinog sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang lalakingmanunulat. Naging
Filipino seksiyon editor si Pascual saPeople’s Journal Tonight noong 1981, at
ngayon ay editor sa popular na Valentine Romances. Makalipas ang ilang
dekadang dibdibang pagsusulat niPascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat
sa Pilipinas (UMPIL)noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng
maiklingkwento, dula, at nobela. Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa
pagsusulat.
II. BUOD NG NOBELA

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangRafael Cuevas.


Isang espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng
gabing bigyan siya ng Stag party ngkanyang mga kaibigan bago pa man siya
makasal kay Margarita, isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang
babaingkahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita angkanyang
ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang kanyang
boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan. Walang ebidensyang
makapagpapatunay. Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa
nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa,binigyan
niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabingsakanya din
magpagamot ng mata upang masingil lamang ngkaunti upang hindi makahalata.
Nagbunga ang kanyangnagawang kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa
kanyangpangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawangkabutihan.
Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling
anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si


Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lama tangkanilang samahan na
humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay isang
modernong babae. TotallyAmericanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita
ayos lang namagkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta
magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t isa.
Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang sakanya
ang isang balitang napatay si Margarita atNick sa isang otel ng isang babaeng
nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni Nick na matagal ng nagtitiis sa mga
kabulastugan ngasawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at makapatay ito.
Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Selaang ina ni Ligaya na
siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sakatawan ni Ligaya. Malinaw kay
Rafael na papakasalan niya siLigaya.

III. PAGSUSURI

A. ISTILO NG PAGLALAHAD
Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang halimbawa ng isangakdang
modernista na kung saan ang tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking
pagbabago upang maging maginhawa angpamumuhay ng bawat isa. Nilikha ni
Pascual ang isang karakter nanaipit sa isang sukdulang kasalanan at ang tanging
nais ay malinisniya ang bahid ng sariling putik. Mahahalata mula sa pagbabasa
ang paulit-ulit napagbanggit ng may-akda sa mga naganap na tagpo.
Sadyangginawa at pinanatili ng awtor ang ganoong istilo upang ipakita naang
kwento ay isang tuluyang nobela na batay sa istruktura ngisang magasin.
Bagaman sa kabuuan ay namayani sa nobela ang atingsariling wika, kapansin-
pansin pa rin ang ilang pagsulpot ng wikangIngles sa pagdaan ng kwento. Dahil
na rin sa hinaluan ito ng ilangwikang Ingles na madali namang intindihin, naging
payak at simpleang daloy ng pagpapalit ng linya ng mga karakter. Naging
realistikoat natural ang pag-uusap ng mga karakter. Ang nobela rin ay gumamit
ng isang sentimental at romantikonggenre ng kwento dahil ang paksa ay tungkol
sa pag-iibigan ng isang lalaki at babae.

B. TAYUTAY NA GINAMIT
Iilang tayutay lamang ang napansin at nabasa sa nobelang itodahil
gumamit ang awtor ng mga simple at direktangpangungusap.
Wala ka ng ibang ginagawa kundi magtalaksan ng girlfriend.
(PATALINGHAGA O ALLEGORY)-Ang pahayag ay tumutukoy sa hindi literal na
kahulugan ngmga salita. Sa pahayag na ito mapapansin na ang literal na
kahulugan ng “magtalaksan” ay punong kahoy na panggatong na pinagpatung-
patong sa isang talaksan. Ngunitsa pahayag ay patalinghaga itong sinabi na ang
ibigipagkahulugan ay nag-iipon ng mga babae ang anak upangmapunan ang
apoy ng kandungan nito.
Madilim ang tingin niya sa paligid na para bang ang araw aynilambungan
ng takipsilim. (PERSONIFICATION O PAGBIBIGAYKATAUHAN)-Pinakikilos na
tulad ng tao ang mga bagay at sa tayutay naito ay pinapahayag sa pamamagitan
ng mga pandiwa. Angnilambungan ay pagtakip sa isang bagay gamit ang
angmantel.
Kumagat na ang gabi. (PERSONIFICATION O PAGBIBIGAYKATAUHAN)-
Gaya ng nauna, pinakikilos na tulad ng tao ang mga bagayat sa tayutay na ito ay
pinapahayag sa pamamagitan ng mgapandiwa. Ang ibig sabihin ng kumagat na
ang gabi ay sumapitna ang kadiliman sa paligid.
1. PANSIN AT PUNA

a. TAUHAN
Ang mga lalaki sa nobela ang siyang nangingibabaw. Pinatunayan iyan ng
ilang karakter. Si Rafael bilang isangmayamang duktor, ang sentro ng lahat.
Samantala ang mgababae naman ay siyang mahihina ang kalagayan. Makikita
iyan sakarakter nina Ligaya, isang babaeng bulag, mahirap at ginahasa,
siMargarita na natuksong makipag-relasyon sa ibang lalaki, at siMarina na tila
aping-api dahil sa babaerong asawa. Ang siklo ngkarahasan ay pinasiklab ng
mga lalaki at nalagot lamang sapagsapit sa kawing-kawing na katauhan ng mga
babae.

RAFAEL CUEVAS
Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklamsuklam ang kaniyang karakter.
Babaero, tomador at nagawa pang manggahasa ng isang babaeng bulag. Ngunit
sakalaunan ay makikita ang parteng liwanag ng kaniyangpagiging isang lalaki sa
dilim. Makikita na kahit ganoon siya aymay konsensiya naman pala siya.
Mahalaga na napagtantoniyang ang mga masasamang gawain niya dati
aybumubulag sa kaniyang pandama upang makita ang ibapang magaganda at
mahahalagang bagay dito sa daigdig. Mahalaga ang kaniyang papel na
ginagampanan dahil isasiyang patunay na pwede bang magbago ang tao
kungnanaisin lang niya. Hindi pa huli ang lahat, matuto lang tayongtanggapin
ang ating kamalian at maging handa at gustuhinang pagbabagong nais nating
gawin sa ating
mgasariliupang maging maginhawa ang ating pamumuhay atpakikisalamuha
sa ibang tao. Masaya kaming nga nagbabasadahil sa dulo ay luminaw ang
paningin ni Rafel dahil sa pag-ibig. Ngunit ang maipipintas naming sa kaniya ay
hinahayaanniya na lang lokohin siya ng kaniyang asawa at gawing tangahuwag
lang masira ang kaniyang pangalan at puri. Dapat aynagpakatotoo siya sa
kaniyang sarili.

NICK CUERPO
Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya‟t hindi nakita ang kaniyang
responsibilidad sa asawa at mga anak. Isang karakter na hindi dapat tularan ng
mga lalakiat maging ng mga kababaihan. Wala ng ibang ginawa kundipasakitan
ang pobreng asawa na si Marina. Kung si Rafael ay nagawang mabago, siya ay
kahit sa katapusan ng kwento ayhindi nakita ang liwanag na dapat niyang
sundin. Namataysiya kasama ang kalaguyong si Margarita. Isa siyang patunayna
sa kasalukuyan at sa totoong buhay, may mga taong bulagpa rin sa kanilang
mga responsibilidad at hindi pa rin alamkung ano ang tama at mali. Dapat
lamang ang kaniyangkarakter sa kwento dahil siya ang magsisilbing eye
opener sa mga mambabasa na kung ikaw ay may ginagawang hindikaaaya aya,
dapat mo lang itong pagbayaran at pagsisihansa huli. Huwag hintayin ang
panahong sisingilin ka na ngpanahon. Hangga‟t maaga ay magbago na.

MARGARITA CARRASCO
Si Margarita, bagaman galing saisang sosyal, edukado at disenteng
pamilya ay nagawa paring magtaksil sa asawa. Isang opera singer na
natuksongmaglunoy sa ibang kandungan. Ginusto niya, gawa ngkaraniwang tao,
ang tunay na relasyon ng lalaki at babae. Masasabing pangit sa panangin ang
karakter ni Margarita. Isarin siyang karakter na hindi dapat gayahin. Dahil na rin
saimplwensya ng mga kanluranin, iba ang pananaw niya sakasal at
pakikipagtalik. Siya ang sumisimbolo sa liberismo. Nabulag siya sa kaniyang
sariling kahinaan. Nagpatangay siyasa pambobola ni Nick. Natural na mahihina
ang mga babaengunit hindi dapat ito gawing lisensya upang pumasok
sa isangmagulo at immoral na sitwasyon. Gaya ng karakter ni Nick, siya ang
magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kungikaw ay may ginagawang
hindi kaaaya aya, dapat mo langitong pagbayaran at pagsisihan sa huli.

LIGAYA
Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sasikat ng araw ang
kaniyang pagpapahalaga sa sarili. Nagingmatatag siya sa kaniyang pagbangon
mula sa nalasap nakarahasan mula sa lalaki sa dilim na si Rafael. Hindi nga
siyanakapag-aral ngunit kahanga-hanga ang kaniyang mgaprinsipyo sa buhay.
Kapwa siya at ang kaniyang inang si Aling Selya ang sumisimbolo sa liwanag na
dapat makita ng mgatao. Kahit mahirap lamang sila ay maalam sila sa buhay.
Silaang dapat gahayin ng mga mambabasa. Si Ligaya kahit nasinapit isang
kalunos lunos na pangyayari at nabuo ito, piniliniyang huwag ipalaglag ang
bungang iyon. Maganda angprinsipyo niyang palalakihin niya ang bata dahil
bigay iyon ngDiyos. Handa siyang bumangon at itayo muli ang kaniyangmga
paa. Si Aling Selya naman ay handang gumabay saanak. Handa rin itong
magsakripisyo upang mabigyan ngkinabukasan ang mg anak sa hirap man o
ginhawa. Totoongkahanga-hanga ang pagkakabuo sa kanilang mga karakter.

MARINA CUERPO
Isang inang mapagmahal sa kaniyanganak at handang ipaglaban ang mga
ito hanggang sakamatayan. Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping api siya
dahil sa kaniyang babaerong asawa ngunit lubos na nagtitiispara sa mga anak.
Hindi naming siya masisisi kung nagawaman niyang paslangin ang kaniyang
sariling asawa. Sagad nasagad na siya. Ngunit ang mali lang doon ay
nagpatangaysiya sa nararamdaman niya. Inilagay niya sa sariling mgakamay ang
batas. Siya ay nabulag na galit at sobra-sobrangpagmamahal sa anak. Dapat
lamang siyang gayahain saparaan ng pag-aalaga at pagmamahal sa anak
ngunithuwag gayahin ang kaniyang pagiging mahina. Dapat aymaging
mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal naparaan upang malutas ang
problema.

b. GALAW NG MGA PANGYAYARI


“Iniuulit ang ilang mahahalagang tagpo sa mga kabanatadahil ang nobela
ay nalalayo sa karaniwang pagkakasulat ng mga nobelang sadyang ipinaaklat
(Anonuevo, 1997).”

Napansin din naming mga mambabasa ang nakasaad saitaas. Ang kwento
ay isang tuluyang nobela na batay sa istrakturamg isang magasin. Naging
kapana-panabik ang mga pangyayarinobela dahil ang awtor ay tila lumikha ng
isang pelikula. Maaari ringpara kaming nakikinig sa isang drama sa radyo dahil sa
agos ngkwento.

Ang paksang „gahasa‟ ang nangibabaw at nagsilbing pundasyon ng


kwento. Maigi ang transisyon ng mga pangyayari atdumadaloy ito ng husto.
Hindi nakakalito ang mga eksena atnagagawa pang balikan ang mga
mahahalagang detalye. Ito ayisang paraan upang huwag makaligtaan ang mga
importantengbahagi. Gagana ang magiging malikot ang mga imahinasyon ng
mgamambabasa sa oras na umpisahan nila ang nobela.

IV. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN

a. KALAGAYANG SOSYAL NG MGA TAUHAN


Mariing pinapakita ng nobela ang kalagayan sa lipunan ngbawat karaker.
Isa itong konsepto ng kwento kung saan ang isangmayamang lalaki ay
magkakagusto sa isang mahirap lamang nababae. Ngunit hindi ganoon kadali
ang ikot ng kwento. Si Rafael ay isang edukado, mayaman at sunod sa layaw
natao. Sa kwento mariing makikita na sinoportahan ng kabuuangkatauhan ni
Rafael ng mga tauhan na sina Nick, ang kaniyangkaibigang may ari ng isang
kumpanya, si Margarita, isang operasinger na napangasawa niya at ang kaniya
pang ibang barkada na may sinasabi rin sa buhay. Sa kabilang banda naman
ay pinapakitaang baligtad na katauhan ng bidang babae sa nobela. Si Ligaya
aymahirap lamang at hindi nakapag-aral. Naipakita sa akdang ito kung paano
nakakaapekto angestado ng buhay sa nagiging karakter ng isang tao. Dahil
sapagiging mayaman at laki sa layaw ni Rafael ay nagagawa niyangpaglaruan
lamang ang babaeng nasa paligid niya. Dahil na rin sapagiging sosyal, liberated
at modernong babae ni Margarita aynaipakita ritong wala siya gaanong
pagpapahalaga sa kasal atayos lamang sa kaniya ang pumatol pa sa iba kahit
may asawa nasiya. Makikita rin dito na kahit mahirap ay may disiplina
atpagpapahalaga sa puri at dangal si Ligaya. At bilang isangbabaeng may
babaerong asawa, si Marina naman ay aping-api attila walang kalaban laban
sa nobela.

b. KULTURANG PILIPINO
Umiikot ang kwento sa panahon ng martial-post martial lawtime, ito ang
umpisa ng pagiging liberal ng mga Pilipino dahil na rinsa pagkamulat ng kanilang
diwa at damdamin upang maibalik angdemokrasya sa bansa. Sa panahong ito ay
talamak ang karahasan. Ang nobela ay nagsasaad ng kalituhan sa kultura ng
mga karakter noong kanilang dekada. Makikita dito ang nalalapit
namodernisasyon at liberasyong impluwensiya ng mga kanluranin. Sa karakter ni
Marina, matatandaan na siya ang asawa ngbabaerong si Nick, makikita ang pag-
uugali ng mga Pilipino nakinikimkim lamang nila ang lahat ngunit kapag hindi na
nilamakayanan ay ang kaisa-isang bagay na natitira na lamang sakanila ay
magigising bigla mula sa matagal na pagiging manhid atmaghahasik ng isang
rebolusyon. Maraming beses na itongnaipakita sa ating kasaysayan mula sa
Sigaw sa Pugad Lawinhanggang sa Edsa Revolution noong panahon ng Martial
Law kungsaan sama-sama ang lumaban upang makamit ang demokrasyang
ating bansa. Makikita rin dito na bagaman may impluwensiya na ng
mgakanluranin ang ibang babaeng karakter sa nobela, ang karakter niLigaya
naman ay nagpapakita ng pagiging isang DalagangPilipina. Siya ay may
konserbatibo ang pananaw tungkol sa sex, relasyon at iba pang pagbabago sa
lipunan. Maingat siya sakanyang puri at mayumi sa lahat ng kanyang kilos.
Makikita rin dito ang kaugalian ng mga Pilipino na magiliwtumanggap ng mga
bisita, sa kwento kahit na mahirap lamang sinaLigaya at Aling Selya ay hindi
matatawaran ang pagsistema nila kayRafael na isang panauhin.
May ilan namang kapansin-pansing tradisyon at kulturangPilipino na
impluwensiya naman mula sa mga banyaga. Isa na ritoang paggugunita at
pagdiriwang ng mga okasyon na maykaugnay sa aral ng Relihiyong Katoliko,
gaya ng pagkakaroon ngbinyag. Mapapansin sa nobela ang nakaugaliang
seremonya nabinyag. Sa prosesong ito nagiging inaanak ng mga ninong atninang
ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at magkaka-
kumadre ang mga magulang at ang nag-anak na ninong at ninang. Kultura na
rito sa Pilipinas angpagbibigay din ang mga ninong at ninang ng regalong
pakimkim, na maaaring salapi o bagay. Pagkatapos ng binyag ay isangmalaking
handaan. Makikita rin sa nobela ang isa sa impluwensiya ng Tsina naFixed
Marriage, kung saan ang mga magulang ang pumipili ngtaong ipakakasal nila sa
kanilang anak. Nangyari ito kina Rafael atMargarita.

c. PILOSOPIYANG PILIPINO
May iilang pilisopiyang Pilipino ang mariing mapapansin sanobela.
Maliwanag ang mga katauhan ng mga kalalakihan sanobela at mistulang sila ang
palaging tama at palaging nasusunod.

Naging matibay ang pagkakatatag ng prinsipyo ngmachismo sa nobela


dahil ang mga lalake sa istorya ay sadyangnakakaimpluwensya. Makikita ito sa
pagsasama nina Rafael atMargarita kung saan ang desisyon ni Rafael dapat ang
masusunodkung hihiwalayan niya ang asawa o hindi. Una ring hinihingan ngpayo
ni Rafael ang kaniyang biyenang lalaki at ama. Isang pilosopiya pang lumitaw
dito ay ang konsepto ngpagkakaroon ng „Utang Na Loob‟. Ito ang pagkilala ng
isang tao sakabutihang nagawa ng kanyang kapwa. Sa nobela, tumanaw ngisang
malaking utang na loob sina Aling Sela at Ligaya sa kabutihanni Rafael dahil sa
paggamot nito sa mga mata ni Ligaya. Dahil sautang na loob na iyon ay ginawa
ng mag-anak na ninong si Rafael, at hinango rin nila ang pangalan ng bata sa
lalaki.
Isa na rin dito ang Konsepto ng „Bahala Na‟. Ito ay isangidyomatikong
pariralang ginagamit ng mga Pilipino nanangangahulugang “Ang Diyos na ang
maglalaan” o “Ang Diyos na ang magtatadhana”. Pinakakahulugan din ng
maiklingpananalitang nito ang “Tingnan natin kung ano ang mangyari,” Tingnan
natin kung ano ang magaganap ‘pag dating ng takdangpanahon,” o “Mangyari
na ang dapat maganap. Ganito angpilosopiyang umiral kay Rafael matapos
niyang magahasa si Ligaya.Bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod
pagkataposniyang ibigay ang sulat at pera dahil inuusig siya ng
kaniyangkonsensiya.

d. SIMBOLISMONG PILIPINO

Sinisimbolo ni Rafael ang isang indibidwal na naiipit satransisyon ng


modern at tradisyunal na tao. Sa nobela, makikita angpagiging modern niya dahil
sa mga bisyo at pagiging laki sa layawniya. Siya ay nakapag-aral at nagkaroon
ng propesyon. Sa kabilangbanda naman makikita ang kaniyang pagiging
tradisyunal kungsaan naghangad siya ng isang mabuting pagsasama
ngmagasawa at pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya. Samantala, si
Margarita naman ang sumisimbolo sa saliberismong umiiral sa bansa. Marahil
naimpluwensyahan siya ngpagiging opera singer at namulat siya sa mga maka-
kanluraningbagay-bagay. Inilarawan rin siya ni Rafael bilang extreme
modernwoman dahil okay lang sa babaeng ito na magkaroon ng babae siRafael
habang siya naman ay mayroon ring lover. Makikita rin angkaniyang pagiging
liberated nang magkomento siya sa kwento ngpaggahasa kay Ligaya. Sinabi niya
na kung siya ang papipiliin, ayoslang naman daw na maggahasa dahil binigyan
naman raw siLigaya ng limampung libong piso.

Si Ligaya ang sumisimbolo sa pagiging isang Dalagang Pilipina.


Hindi maipagkakaila na maliwanag ang kanyang pagiisip hinggil sapagbangon
mula sa pagkakasadlak sa kahirapan. Isa siyangtradisyonal na babae dahil sa
kanyang pagiingat sa kanyang puri atang pagiging mayumi sa lahat
ng kanyang kilos. Si Marina naman ang sumisimbolo sa pagiging
isangrebulusyonaryo ng mga Pilipino. Nasa karurukan ng kapangyarihanni
Marcos at kasukdulan ang mga karahasan ng Martial Law noonkaya maaring siya
ang ginamit na instrumento upang ipakita angmga kagaya niyang handang
magrebolusyon alang alang sa atingbansa upang makamit ang kasarinlan.
V. PAMPANITIKANG PAGTATALAKAY

PANLIPUNAN
Ang nobelang “Ang Lalaki sa Dilim” ay isang akdangsumasalamin ng iba‟t-
ibang uri ng tao sa lipunan at kung paano silagumalaw sa loob nito. Ang mga
tauhan ay kumilos ayon sa kanilangkatayuang sosyal. Umiikot ang kwento sa
ilang bagay natumatalakay sa ilang panlipunang isyu ngayon. Unang bagay,
nakita sa nobela kung paano gamitin ng mga may kapangyarihanang pera upang
mapatakbo ang mundo, kung paano itinabingang pera sa pagkakasala, at kung
paano itinuwid ng pera ang kabaluktutan. Sunod, lantad din sa akda kung
paaano nagbungaang kamunduhan at tawag ng laman kung paanong may
namatayna buhay at namatay na pangarap dahil sa pagnanasa. Ipinakitarin dito
ang sitwasyon ng relasyong walang komunikasyon sa loobng pamilya. Isa pang
bagay na nakita dito ay ang pangangalagasa tinatawag na propesyon at imahe.
Ang mga nakatataas aylaging gumagawa ng paraan, mabuti man o masama,
maburalang ang mantsa sa pangalan nilang sila mismo ang gumawa.

PANG-MORAL
Sa nobelang ito, naipakita ng may-akda ang naging epektokay Rafael ng
imoral na bagay na kanyang nagawa, angpanggagahasa. Dito inilahad kung
paano nahirapan si Rafael naharapin ang kanyang pang-araw-araw na buhay
matapos niyangangkinin sa dilim ang bulag na si Ligaya. Marahil, nais iparating
ngmay-akda sa mga mambabasa ang maaring maging epekto ngisang maling
gawi. Patuloy kang uusigin ng iyong konsensya atpaniguradong darating ang
araw na pagbabayaran mo ito. Sakwento, gumawa si Rafael ng paraan para
matulong si Ligaya.Naibsan nito ang mabigat na pakiramdam na kanyang
nadaramasa tuwing pumapasok sa kanyang isipan ang masama niyangnagawa
sa bulag na si Ligaya. Ngunit sa reyalidad, hindi sapat nakabayaran ng iyong
kasalanan ang pagbibigay ng tulong o pera.

Iwasan masangkot sa ganitong gulo. Kontrolin ang sarili at matakot


sa Diyos. Ang lihim na relasyon ni Margarita at Nick ay masasabi ringimoral na
gawi. Nagawa nilang pagtaksilan si rafal na kapwamalapit sa kanilang dalawa.
Tahasang ipinagbabawal angpakikiapid ayon sa ating Saligang Batas at maging
sa batas ngDiyos. Sa kaso ni Margarita at Rafael, humantong ang
kanilangpagsasama sa paghihiwalay dahil sa kasalanang nagawa niMargarita at
Nick. Sa totoong buhay, ang isang pagsasama nasusubukin ng ganitong
problema ay maari ring humantong sahiwalayan kun hindi mapag-uusapan nang
maigi ang problema. Ngunit upang hindi na humantong dito, huwag ng subukan
pa o nisumagi lamang sa iyong isip ang pagtataksil sa iyong kapareha sabuhay.
Kapag ito ay iyong nagawa, may sapat na kabayaran angnaghihintay sa iyo.
Maaari ka ng makulong, maaari pang mawalasa iyo ang iyong pamilya.

PANG-ARKETIPO
Sa akdang Lalaki sa Dilim, mapapansing hindi literal ang pagkakahulugan
sa salitang “dilim” bagkus ito ay ginamit upang ilarawan ang buhay ng isang
lalaking sa kabila ng karangyaan sabuhay ay hindi pa rin ganap ang kanyang
kaligayahang natatamasa. Dahilan nga ito upang maghanap siya ng
ibangpagkakaabalahan na nagdulot sa kanyang ng pagkalulong saisang hindi
magandang gawi, at iyon ay ang pagkikipagtalik. Dahildin dito ay hindi niya
sinasadyang makagawa ng masama sa isangbabaeng bulag na walang nagawa
kundi tanggapin na lamangang kalunos-lunos na pangyayari sa kanyang
buhay.Samanala, sa akda ng ating pambansang bayani na si Dr. JoseRizal
na El Filibusterismo, ay isinalaysay ang buhay ni Simoun, isangmayamang mag-
aalahas at tagapayo ng Kapitan-Heneral, nanagbalik upang maghiganti sa mga
taong naging dahilan ngpaghihirap niya noong siya ay kilala pa bilang Crisostomo
Ibarra.Mapapansin na tulad ni Rafael sa akdang Lalaki sa Dilim, ay hindi
rinmasaya si Simoun sa kanyang buhay sa kabila ng karangyaangtinatamasa.
Siya ay tila nababalot ng poot at ng pagnanasangmaghiganti. Ito rin ang dahilan
upang makagawa siya ng masamasa kapwa at madamay kahit ang mga taong
walang kinalaman sakanyang paghihiganti. Kung ating susuriin, nagkakahawig
ang kwento ng dalawangtauhan sa aspetong pareho silang nababalot sa
kadiliman ngbuhay na nag-udyok sa kanila upang makagawa ng kamalian
sakapwa na sa bandang huli naman ay pinilit nilang maitama.

PANG-SIKOLOHIKAL AT SOSYOLOHIKAL

Sosyolohikal
Ang isa sa suliraning mababasa sa akda ay ang madamingbabaeng
mababa ang lipad. Sa istoryang ito ay nagiging naturalna gawain ng bida ang
uminom ng minom at mambabae. Ditonag-umpisang masira ang pundasyon ng
isang matibay na pamilya. Nasolusyunan ito ni Rafael ng kanyang iniwasan ang
pagsama samga kaibigan ang gabi-gabing pagtambay sa klab at gumawa
ngkasalanan. Mas pinili niyang manatili sa asawa at gawin angkanyang
responsibilidad bilang haligi ng tahanan. Ang paglaganap ng krimen lalung-lalo
na ang paglobo ngbilang ng mga babaing nagagahasa. Ito ay naging isa sa
suliraninna kinaharap ng bida. Dahil sa kanyang kalasingan at kawalan
ngkatinuan sa sarili ang bagay na hindi naman niya dapat magagawaay kanyang
nagawa at gahasain ang babae na may kapansanan.Ito ang nagtulak kay Rafael
na maging matino sapagkat sa bawataraw na kanyang maiisip at bawat oras na
siya ay binabagabag ngkanyang konsensya ay kanyang napagtanto na muli ang
kanyangginawa at maling tao pa ang ginawan niya ng bagay na ito.Kanyang
nasolusyunan ang problema sa pamamagitan ngpagtuong sa babaeng bulag,
mula sa kapansanan nito hanggang sa pinansiyal ng pamilyang hikahos.
Ipinagtapat din niya sa huli angbuong katotohanan humanap lamang siya ng
tamang oras paramasabi ang lahat.

Sikolohikal
Sa istorya ng lalaki sa dilim, ang bidang lalaki na si Rafael angnaging
sentro ng lahat. Si Rafael ay isang lalaki na ang tanging hiligay lumabas kasama
ang mga kaibigan na sina Nick at Lucas. Angpagpunta sa klab, pag-inom at
pakikipaglaro sa mga babangnagtatrabaho sa lugar. Subalit ng si Rafael ay
ipinakakasal kayMargarita na botong boto ang niya ay kailangan niyang
baguhinlahat ng kanyang nakagawian. Pero hindi pa rin niya mabago angsarili at
gawing maging mabuting asawa na lumagay na lamang satahimik. Dahil sa
pangyayaring naganap sa buhay ng bida, kung saan sa di sinasdya ay
nakapanghalay siya ng isang bulag nababae. Ito ang nagtulak sa kanya na
ayusing ang buhay niyangmagulo. Ang klinik niyang matagal ng nakasara ay
kaniyangbinuksan sa unang pagkakataon upang matulungan ang babaingnaging
biktima niya nang siya ay nasa panahon ng kadiliman. Naging abala siya sa
kaniyang klinika upang asikasuhin ang bulag na babae. Maging responsable at
naging tapat na rin itong asawakay Margarita.Nang malaman niyang siya ay
niloloko ng kanyang kabiyak atng kanyang kaibigan ay nagsimula na siyang
magbago ng tuluyan.Lalo siyang nagpursige na tulungan ang babaing
kanyangkinaaawaan at kany na ring nagustuhan sa paglipas ng mga araw.
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaringpayak, ukol
sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang
daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at
laging nagtatapos nang maykaayusan. Sa nobela makikitang payak ang mga
pangyayari at lubos nabinigyang diin ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing
tauhanna kapwa magkaiba ang estado sa buhay. Si Rafael ay nabibilangsa alta
syodad, samantalang si Ligaya ay mahirap at bulag. Kahitang nobela ay nag-
umpisa sa isang masalimuot na pangyayari, sabandang huli ay makikita ang
pangkaraniwang wakas. Ang bawat karakter ay nagkaayos, ang mga kontrabida
ay napaparusahan, atang pangunahing tauhan na nagkakaibigan ay
nagkatuluyan.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ngpagpapakita
ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala,
pananaw, pagkatao) sa isangtauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang
tao aynagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil maynag-udyok
na mabago o mabuo ito. Sa nobela maariing pinakita ang pagbabago ng pag-
uugali, paniniwala, pananaw, at pagkatao ni Rafael matapos niyangmaggahasa si
Ligaya at matapos siyang ikasal kay Margarita.Noong una ay laki siya sa layaw,
tomador at walang ibang ginawakundi manloko at gumamit ng babae. Ngunit
matapos niyangmagawan ng kasalanan si Ligaya, unti-unti siyang inusig
ngkonsensya niya at kasabay noon ang mga naging pababagongniyakap niya sa
buhay niya. Nang ikasal sila ni Margarita ay tuluyanna niyang iniwan ang
masamang imahe niya sa nakaraan. Nagingresponsableng asawa siya at doktor
sa mga pasyente. Masasabingsiya ay naghangad ng isang mabuting pagsasama
ng magasawaat pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.
Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang mahusay na halimbawa ngisang
akdang modernista na kung saan ang tanging gusto aymagkaroon ng isang
malaking pagbabago upang magingmaginhawa ang pamumuhay ng bawat isa.
Higit pa riyan, nakalikha si Pascual ng isang karakter na naipit sa isang
sukdulangkasalanan at ang tanging nais ay malinis niya ang bahid ng
sarilingputik.
Teoryang R omantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba‟t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sakapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda nagagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalamlamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan. Malinaw na ang nobela ay may teoryang romantisismo, ito
aykwneto ng pag-ibig ng isang mayamang lalaki na nagahasa angisang mahirap
na babae. Inusig siya ng kaniyang konsensya kayabinigyan niya ng pera ang
babae ngunit hindi siya nagpakilala. Bilang isang duktor sa mata ay siya ang
gumamot dito. Nagingmalapit sila ng babae. Hindi inaasahang may nabuong
bata palanoong gabing nagahasa niya ito kaya nabuntis si Ligaya. Sa huli
aynabigyan rin ng hustisya si Ligaya at sa bandang huli dahil natanggap nito ang
pagkatao ng lalaking lumapastangan sakanyang puri at naghari ang pagibig,
hindi ang galit at mapapaitna emosyon.

Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba‟t ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali.
Inilalahad din nito ang mgapilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ngisang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.
Samadaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rinsa
kaantasan nito. Lubos dito tinalakay ang mga paksang maaring hindi angkopsa
mga bata, gaya ng sex, prostitusyon, gahasa at pagtataksil saasawa. Ang mga
nabanggit ay mga immoral na gawain sa atinglipunan. Ngunit dahil sa
impluwensya ng banyaga, nakita dito naang mga karakter ay pilit na ginagawa
ito na hindi naman akma sakulturang Pilipino. Sa bandang huli ay nanaig ang
mensahengpahalagahan natin ang ating kapurihan hanggang sa makapag-asawa
na tayo. At kahit nasa modernong panahon na ay maganda pa rin kung ang mga
babae‟y aakto gaya ng mga Dalagang Pilipina.

VII.IMPLIKASYON

A. KALAGAYANG PANLIPUNAN O PAMBANSA


Ang akda ay patungkol hindi lamang sa isang krimen bagamatang
paghahambing at paglalahad ng buhay at paniniwala ng ngdalawang antas ng
buhay: mahirap at mayaman. Masasabi mangparehas Pilipino ang mga bida,
nagiging malaki pa rin angpartisipasyon at impluwensiya ng lipunan sa paghulog
ng ngkaisipan at damdamin ng isang indibidwal. Dahil tumira atnakamulatan din
ang kaisipang kanluranin ng ilang krakter sa akda, may ibang gawain na ipinilit
nilang gawin na hindi naman akma sakulturang Pilipino. Gaya ng pakikiapid, sa
ibang bansa ay normal ito, ngunit sa Pilipinas ay hindi. Masasabi rin na ang batas
sa Pilipinas ng walang ngipin. Walang ngipin para sa mga taong walang boses.
Kawawa anghindi naaninag ang kamunduhan ngunit mas kahabaghabag angmga
sumamong hindi naririnig. Ang lipunan ng mahihirap ay mundo ng mga matiisin
at naaapi at sa mayayaman ay ang mundo ngmga mapagkubli at ayaw
marungisan ang panagalang iniingatan. Samakatuwid, ang akda ay umiikot sa
isang mahirap ngpinagsamantalhan, mga mayamang pinasok ng
kaisipangkanluranin at isang krimeng hindi napagbayaran sa batas. Ang akdang
ito ay isang patunay na ang buhay ay maaringmagkaroon ng magandang
katapusan ngunit may malubak nasimulain.

B. KALAGAYANG PANSALIRI
Malaki ang naging implikasyon ng akda sa amin bilang isangmambabasa
nito. Pagtutuunan ko ng pansin ang kalinisang puri ngkababaihan at ang
kasagraduhan ng kasal maging angpagtaguyod sa sarili. Naging maganda ang
pag-atake ng may-akda sa kalinisan ngisang babae. Nagawa ng may-akda na
ikumpara ang dalawangbabae rito. Si Ligaya at si Margarita. Si Ligaya na walang
bahid ngkarumihan ang puri at may paninindihan kung mag-isipsamantalang si
Margarita ay masasabing hindi napangalagaan angkapurihan hanggang sa
makapag- asawa. Si Ligaya na dapattularan ng mga Pilipina na buo ang isip at
damdamin kungmagdesisyon at siyang maypagpapahalaga sa buhay. Sa kabilang
banda, si Margarita na inaatupag lamang ang mga bagay namakakapagpasaya
sa kanya. Ang kasagraduhan din ng kasal ay napakahalaga ngunit sakabilang
banda ay dinala tayo ng may-akda sa isang sitwasyonkung saan ang kasal ay
isang kasunduan lamang at ginawa upangtugunanan ang tawag ng
laman.Napagtanto rin naming na hindi dapat sinusukuan nangbuhay. Lahat ng
bagay ay ginawa ng may dahilan dapat lamangnating hanapin ang positibong
aspeto ng mga pangyayari. Hinditayo dapat ng nagtutuon sa mga negatibong
pangyayari dahil itoay magdudulot lamang pagkalinlang n gating isipan.
Magagawaang lahat kung ipauubaya sa Diyos samahan pa ng paggawa.
d. sanaysay

Suring Basa ng Sanaysay " Saan Patungo ang Langay langayan?


ni Buenaventura S. Medina, Jr.

I. PAGKILALA SA MAY AKDA


Si Buenaventura S. Medina, Jr.- isang magaling na manunulat at
ang isa sa mga isinulat nya ay ang "Saan Patungo ang Langay-
langayan?"

II. URI NG PANITIKAN


Ang sanaysay ay naglalaman ng personal na opinyon ng may-
akda.

II. LAYUNIN NG MAY AKDA


layunin ng may akda na magbigay aral sa lahat ng mambabasa.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA


Ang tema o paksa ng may akda ay makabuluhan sapagkat ito ay
tungkol sa kung paano nilikha o paano iwinangis ng Diyos ang mga tao

V. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

VI. TAGPUAN/PANAHON

Sa bayan

VII. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

A. Kalayaan nga ba ang mithiin natin o maging isang alipin?


B. Mahirap paliwanag ang kahulugan ng kalayaan, ngunit sinasabi na ito ay
ang pagkakaunawa sa sarili at sa daigdig.
C. Patuloy nating hinahanap ang ating kalayaan saanmang dako ng mundo,
ngunit ito pala ay matatagpuan kahit saan.
D. Unti- unting nagkakaroon ng kamalyan ang mga tao, ngunit nandoon pa
rin ang pagnanasang makalaya.
E. Sa paglipas ng panahon, malalaman natin na hindi pala natin makakmit
ang kalayaan dahil mismong kapwa natin ang nag-iimbot sa atin.
VIII. MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Taglay ng may- akda ang kaisipag pumupukaw sa damdamin at isipan ng
mambabasa.

IX. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA


Maayos ang istilo ng pagkakasulat at gumamit ngmatatalinghagang salita.

X. BUOD

Noong una pa lang ay nagnanais na tayong makamit ang ating kalayaan.


kalayaang magpapalaya sa atin sa pagkaalipin mula sa iba.
Subalit dahil din sa pagkakaibang ito'y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang
pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng
salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-
pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol
ang pagkamakasarili. Ito'y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili:
napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako
malaya!
Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila,
walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan,
mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito'y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng
dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso
lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may
mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong
mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam.
Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-
maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok.

e. dula.

Pagsusuri ng isang Dula

Sa Pula, Sa Puti
ni: Francisco Soc Rodrigo
sinuri ni: Ryan Veras Balolot
I. MGA TAUHAN

a. Kulas - ang pangunahing tauhan sa kwento, isang sabongero na hindi


nawawalan ng pag-asang suwertehin sa pagsasabong.

b. Celing - maybahay ni kulas, laging nagpapaalala kay kulas na tigilan na nito


ang pagsasabong. Pumupusta siya ng palihim sa manok ng kalaban dahil manalo
man o matalo ang kanyang asawang si kulas ay hindi mababawasan ang kanilang
salapi.

c. Sioning - kaibigang matalik ni Celing. Tanging napagsasabihan ni Celing ng


kanyang mga saloobin patungkol sa patuloy na pagsasabong ni kulas.

d. Castor - isang bihasa sa pagsasabong na nagtulak pa lalo kay kulas para


huwag mawalan ng pag-asa sa pagsasabong. Pinagpayuhan niya si kulas sa mga
nararapat umano nitong gawin upang manalo sa sabong.

e. Teban - isang engot na kasambahay nila Kulas at Celing. Siya ang inuutusan
ni Celing upang pumusta ng palihim sa manok ng kalaban ni Kulas.

II. BUOD

Si Kulas at Celing ay ang magasawang hindi masyadong mayaman o


mahirap, katamtaman lang ang katayuan nila sa buhay. Kaya lamang ang asawa
nitong si Kulas ay nalululong sa bisyo ng pagsasabong ng manok.
Namomroblema itong si Celing sa asawa sapagkat lagi nalang talo kung umuwi
ang asawang si kulas galing sa sabong. Kung kaya ay umisip siya ng paraan para
hindi sila tuluyang mabaon sa kahirapan. Palihim niyang pinapupusta ang engot
na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang kahit manalo man o
matalo si kulas sa sabong ay wala pa ring talo.
Nagpatuloy ang ganoong Gawain hanggang sa isang araw ay para yatang
nawawalan nang pag-asa itong si Kulas sapagakat hindi naman daw pabor sa
kanya ang suwerte kung kaya ay nakapagdesisyon siyang iwan na ang
pagsasabong. Ngunit nagbago na lamang ang kanyang isip ng siya ay
mapagpayuhan ni Castor, kasamahan rin niya sa sabongan, sa mga sandaling iyon
ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat nitong gawin na mga estratehiya
upang manalo si kulas. Sa katagalan ng kanilang pag-uusap, hangga ng sa muli
nanamang nabuhayan itong si Kulas a mananalo siya sa sabong sa pagkakataong
ito. Muli ay nanghingi siya perang pamusta sa sabong kay Celing sabay nangakong
kung matatalo pa siya sa pagkakataong iyon ay malaya na si Celing na ihawin ang
lahat ng kanyang Tinali at nangako rin siyang kakalimutan na niya ang sabong.
Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng palihim si Kulas
na pumusta sa manok ng Kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta
rin ni Aling Celing si Teban sa manok ng kalaban. Ngunit sa di inaasahang
pangyayari ang manok ni Kulas na sadyang tinusok ng karayom ang paa upang
sadyang humina at tuluyang matalo ay siya palang mananalo sa labanan ng mga
tinali. Sa pagkakataong iyon ay kapwa natalo sa sugal ang mag-asawang Kulas at
Castor at wala man lang silang nakuha kahit ni katiting na kusing. At natupad ang
kasunduan ng mag-asawa na iihawin ang lahat ng tinali at magbabago na si Kulas
sa kanyang bisyo ng psgsusugal.

III. PAGSUSURI

1. Panahong kinabibilangan - nabibilang sa lahat ng panahon (noon


at maging sa kasalukuyan)

2. Mga sariling puna:


Maganda ang kuwento, ang istruktura at ang pagkakalahad. Tunay
na hahangaan ang may-akda pagkat naipakita niya ang isang mabisang
paglalahad ng kuwento. Nag-iwan rin ito ng magagandang kaisipan na
kapaki-pakinabang sa mambabasa. Naging kaiga-igaya at madaling
maiuugnay ng bawat yugto ng pangyayari sa ating buhay. Ang mga taong
nalululong sa bisyo ng pagsasabong ay may pag-asa pang magbago.

3. Gintong kaisipan:
“Sino bang tao ang nagkakakuwarta sa sugal na hindi gumagamit ng
daya?”
Ang pagsusugal ay ang isa sa ipinagbabawal na gawain ng kapwa
batas ng Tao at Diyos. Kapag ang isang taong nalululong sa masasamang
gawaing tulad nito ay hindi lamang ang taong nagsusugal ang maaaring
maapektuhan nito kundi pati na ang mga taong nasa kanyang paligid. Sa
pagsusugal ay gumagamit ng hindi mabilang na masasamang gawaing
tulad ng pagdaraya. Labag ito sa kahit na sinuman. Ang pagdaraya ay
binubuo ng kasakiman at pagkamakasarili. Wala itong kinikilalang mali at
tama. Wala rin itong magandang maidudulot, bagkus ay doble ang balik
nitong kamalasan sa taong gumagawa ng ganitong uri ng gawain.

4. Teoryang Napapaloob:
a. Realismo - masasabing ito ay kinapapalooban ng realismo
dahil ang mga pangyayari sa kwentong ito ay nangyari na sa totoong buhay.
Katulad na lamang ng mga lalaking nalululong sa pagsasabong na
gumagamit ng daya, gaya ni Castor at Kulas, na kung saan ang ganitong
mga gawain ay walang magagandang maidudulot sa pamilya, lipunan at sa
sarili.
Reperensiya

https://www.slideshare.net/kimdesabelle/pagsusuri-ng-akdang-pampanitikan

https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003

https://www.academia.edu/9398073/Mga_Katangian_ng_Isang_Mahusay_na_Kritiko_sa
_Panitikan

https://www.slideshare.net/Quilley94/mga-kritikong-pilipino-sa-panitikang-pilipino

https://www.academia.edu/13161747/KRITIKONG_DAYUHAN

You might also like