Salawikain
Salawikain
Salawikain
1. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-
iisa
2. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis
3. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
4. Ang lakas ay daig ng paraan
5. Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe
6. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng
sariling kapalaran
Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.
MGA IDYOMA
nagbibilang ng poste -- walang trabaho
namamangka sa dalawang ilog - salawahan
nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga
naniningalang-pugad - nanliligaw
ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan
makapal ang mukha - di marunong mahiya
maaliwalas ang mukha - masayahin
madilim ang mukha - taong simangot, problemado
dalawa ang mukha - kabilanin, balik-harap
panis ang laway -- taong di-palakibo
pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw
pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal
putok sa buho -- anak sa labas
makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad
pantay ang mga paa -- patay na
nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao
saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho
sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
samaing palad -- malas na tao
sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang
sinasabi
takaw-tulog -- mahilig matulog
takipsilim -- paglubog ng araw
talusaling -- manipis ang balat
talusira -- madaling magbago
tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit
maputi ang tainga - kuripot
nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan
taingang kawali -- nagbibingi-bingihan
matalas ang ulo - matalino · mahangin ang ulo - mayabang
may ipot sa ulo -- taong pinagtaksilan ng asawa
utak-biya -- bobo, mahina ang ulo