Definition of Biological Science. Biological Science Is A Branch of
Definition of Biological Science. Biological Science Is A Branch of
Definition of Biological Science. Biological Science Is A Branch of
1 Biological Science
Tree of life:
A-U-A-U-C-G-A-G-...
rRNA tree of life has three group, new taxonomic level, called
domains. They are Bacteria, Archaea and Eukarya.
Enzymatic
Structural components
Regulatory roles
\Wika
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay
na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan
ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa
pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong
ng mga tao.
Mga nilalaman
[itago]
1 Kahalagahan
2 Etimolohiya
4 Kasaysayan at teoriya
5 Mga katangian
6 Mga antas
7 Mga kagamitan
o 7.1 Kategorya ng paggamit
ng wika
7.1.1 Pormal
7.1.2 Inpormal o di-
pormal
8 Mga sanggunian
Kahalagahan [baguhin]
Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat
nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng
bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.[1]Mahalaga
ang wika sa pakikipagtalasan maging sa pagtungo, paghahanapbuhay, at paninirahan sa ibang bansa. Ito
rin ang daan tungo sa pagkakaisa ng mga tao.
Etimolohiya [baguhin]
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang
katawagan sa wika: ang salitanglengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language -
tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga
tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng
damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon. [1]
Kasaysayan at teoriya [baguhin]
Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit
mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga
teoryang ito ang nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa
kalikasan." Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal
na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya
nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.[1]
Mga katangian [baguhin]
Ito ang mga karaniwang katangian ng wika:
1. may balangkas;
2. binubuo ng makahulugang tunog;
3. pinipili at isinasa-ayos;
4. arbitraryo;
5. nakabatay sa kultura;
6. ginagamit;
7. kagila-gilagis;
8. makapangyarihan
9. may antas;
10. may pulitika;
11. at ginagamit araw-araw.
Mga antas [baguhin]
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:
Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang
pormal. Narito ang mga uri nito: