Annotasyon
Annotasyon
Annotasyon
“MISTULANG bumabalik ang uso noong dekada 60 hanggang 70: ang pagpapalitan ng mga
pantig ng mga salitang Filipino. Kung noon ay may “tomguts,” “batsi,” at “olats,” ngayon ay
mayroong “enka,” matsala,” at “petmalu.”” - (Sadia, 2017)
Tunay nga na kahangahanga ang wikang Filipino sa taglay nito kakayahang magbago at bumalik
sa nakaraan. Isang patunay ito na ang wika ay di lamang nagbabago at buhay kundi ang papakita
din ito na ang wika ay bumabalik sa nakaraan at mas lalo pa nyang pinapaunlad upang maging
isang mas mainam ito sa mga Pilipino. Ngunit di lahat ay natuwa sa mga pagbabagong ito at tila
ang iba ay tumaas ang kilay at tulad din ito ng Jejemon noong 2010 na sumisira sa ortograpiyang
Filipino.Gayumpaman sinabi din ni (Sadia, 2017) sa kanyang artikulo na isa ito “Code” nabuo
na sa partikular na pangkat na sila lamang ang nagkakaunawaan.
“Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga makabagong uri ng komunikasiyon tulad ng social media,
maaaring matagpuan ang mga pagbabago sa kultura at lingguwistika ng ating lipunan,” (Gamono
& Edera, 2017)
Ang wika at kultura ay tilang isang kambal tukong di maaring maghiwalay sapagkat ang
wika ay laging nakabatay sa kultura ng ng isang bayan. sa ating bansa nagkakaroon ng
pagbabago sa wika kung ito ay nagkakaroon ng pagbabago rin sa kultura o mag usbong ng
panibagong kultura. Kung babalikan natin Phenomena ng Jejemon ito ang pahanon ng pag-
usbong ng paggamit ng mga Pilipino ng Teknolohiya lalo na ang pagpapadala ng mensahe sa
gamit ng “text” marami sa mga Pilipino ang gumawa ng paraan kung saan ang isang salita ay
pinaikli o binigayan ng bagong ayon. Sa kadahilanan na limitado laman ang mga maaring isulat
sa “text” kaya’t ang mga Pilipinong kabataan ay gumawa ng paraan upang maihatid ang isang
mensahe naroon pa din ang diwa ngunit ito ay pinaikli gamit ang pagbabawa ng titik sa salita.
-(Santos, 2008)
Isang pagpapatunay na ang wikang Filipino ay nahahaluan na ng ibang wikang banyaga ngunit
ito ba ay isang pagsira o pambabastos sa wikang pambansa. Kung atin titignan ang konseptong
Code-switching sa wikang Filipino ito masasabing tulad problema natin sa droga sa bansa. Dahil
ito sa dalawang bagay una naging talamak o adiksyon sa mga Pilipino ang paggamit nito lalo na
kung ang isang Pinoy na magpapadala ng mensahe gamit ang teknolohiya ito limitado lamang
kaya’t upang mapagkasya ito ay paiikliin o hahaluan ng ibang salitang o wika upang umikli
ngunit hindi nababago ang diwa ng mensage. Pangalawa, Ang kultura na kung saan nagiging
batayan ng pagiging “IN” o tanggap ng isang grupo ng tao(conyo). Ang pangkat ng tao sa
lipunan na tinatawag na Conyo ay isang klase ng mga tao na makikilala sa kanila paghahalo ng
salitang Ingles at Wikang Filipino sa pakikipag-usap. Ayon sa ilang Dalubhasa sa wika ay
nagiging dahil ang Code-Switching upang masira o ang kalaaman ng isang tao sa pagsulato
pagsasalita ng tuloy-tuloy sa Ingles o Filipino.
Ano ang nangyari? Ganoon pa rin ba talaga kahina ang gobyerno sibil sa harap ng mapanggahum
na kilos ng mga frayle ng kasalukuyan – mga taong ayaw pa ring magkabuklod ang bayan kung
ang magiging kahulugan ay ang kabawasan sa kanilang mga pribelehiyo’t kapangyarihan? Bakit
nagkaganoon? Ay, ambot!
(MICLAT, 2015)
Ay, ambot talaga! Ang masasabi mo kung ikaw ay isang taong nagmamhal sa wikang pambansa
at mababasa mo ang “House Bill 8460”na kung saan ang wikang Ingles ay tanging gagamitn
midyum sa Pamantayang Pagsusulit mula sa Elementarya hanggang sa mga sa licensure exam sa
iba’t ibang propesyon na pinapangasiwaan ng Professional Regulation Commission. Tulad din
noong nakaraan lamang na kung saan ang Wikang Koreano ay ituturo na rin sa pampublikong
paaralan at hindi man lamang sinilip ang kalagayan ng wika sa paaralan. Kung ating titinignan
ang dahil nila ay ang Ingles ay wikang ginagamit sa mga propesyonal na transaksyon sa
gobyerno at pakikipagkalakan. Pero sa akin sariling pagmamasid napapansin ko na mas madalas
pa rin gamitin ang wikang Filipino sa mga transaksyon sa Gobyernbo tulad ng pagkuha ng mga
dokumento. Ganun din sa pakikipagkalakan sa loob ng bansa. Ang Wikang Koreano naman ay
naging kilala lamang sa kanilang maimpluwensyang kultura ng musika at sining sa mga
Pilipinas. At hindi naman ginagamit sa pang-araw-araw na buhay ng isang pangkaraniwang tao.