RETORIKA

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

RETORIKA

Adrian Carl Reyes MET 2D2


A. Kasaysayan at Depinisyon ng Retorika
Retorika- ( rhetor: < salitang griyego, - isang nagsasalita sa
public speaker )

publiko

Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng


pakikipagtalo sa Syracuse, isang isla sa Sicily noong ikalimang siglo bago
dumating si Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang
diktaturyal, ang mga mamamayan dooy binigyang pagkakataong dumulog
at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupaing inilit ng
nakaraang rehimen.
Ang marunong na si Corax, ang nagpanukala sa mga tuntunin sa mga
tuntunin ng paglalahad sa argumento. Ayon sa kanya , upang makuha ang
simpatiya ng mga nakikinig kailangan ang maayos at sistametikong
pagpapahayag ng mga katwiran.
Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng
limang mahahalagang elemento: ang proem o introduksyon; ang salaysay o
kasaysayang historikal; ang mga pangunahing argumento; mga karagdagang
pahayag o kaugnay na argumento; at ang perorasyon o kongklusyon.
Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan
ang anumang pagkukulang sa mga kongkretong katibayan. Makikita agad
natin dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di
gaanong binibigyan ng diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento.
Ayon pa sa mga Sophist (katawagan sa pangkat ng mga matatalinong
tao noon), ang retorikay aangkop sa pagtatamo ng kapangyarihang politikal
sa pamamagitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang
ipinaglalaban at istilo sa pagbigkas.
Mariing binatikos naman ito ni Socrates, sa pagsasabing walang
hangad ang mga Sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa
pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining
ng pakikipagtalo at hindi sa sustansya ng talumpati. Ang ganitong
pamamaraan, banta pa niya ay nagtuturo sa mga estudyateng palabasin ang
kasamaan ng isang mabuting adhikain.
1. Ayon kay Socrates (436-338 B.C.): Ang Retorika ay siyensya o agham
ng paghimok o pagpapasang-ayon.

1.1 Kinilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan.


1.2 Nagtatag ng paraang nagtuturo ng istilo ng
pananalumpati batay sa maindayog at magandang
pagkakatugma ng mga salita sa paraang tuluyan o
prosa.
1.3 May mga sariling prosang maikli ngunit eleganteng
pangungusap na mayaman sa historya at pilosopiya.
2. Ayon kay Aristotle ( 384-322 B.C.): Ang retorika ay kakayahang
maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na
mga paraan sa paghimok.
2.1 Sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat.
2.2 Binigyan ng parehas na empasis ang ang katangian ng
nagsasalita, ang lohika ng kanyang isipan, at ang
kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.
2.3 Inihiwalay niya ang retorika sa formal na lohika at ang
mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong
pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ng ayon sa
maaaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap.
2.4 Nilikha niya ang ang ideya ng probabilidad o malamang
na mangyayari o maganap sa pamamagitan ng mga
panumbas na retorikal sa lohikang kaisipang: ang
enthymeme kung saan ang pansamantalang
kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa
halip na silohismo na mula sa katotohanang unibersal;
at ang halimbawa o analodyi para sa pangangatuwirang
induktibo.
3. Ayon kay Cicero ( 106-43 B.C.): Ang pagtalakay sa anumang adhikain ay
batay sa mabuting panlasa at pagpapasiya ng orador at sapat na kaalaman
sa retorika na magsasa-alang-alang sa isyu ng moralidad upang maging
magaling na mananalumpati.
3.1 Ipinamana sa larangan ng oratoryo ang forensic na
naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa
kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa
nakaraan. Ano ang nangyari?
3.2 Iniwan din niya ang oratoryong deliberative o
politikal na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap.

Anong aksyon ang ating gagawin? Dito sinasabing


nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga
pagtatalong pampubliko.
3.3 Siya din ang nagpasimula ng oratoryong panseremonya
o epideictic na kakitaan ng mga mabulaklak at mga
madamdaming pananalita. Karaniwang bibinigkas ito
sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag sa Ingles na
declamation.
4. Ayon kay Richard Whatley Ang sining ng argumentong pagsulat.
Sining ng diskurso, pasulat man o pasalita
Ang kapangyarihang makapagbigay-saya o lugod.
Mapagkunwari o kalabisang pagmamagaling sa paggamit ng wika.
B. KATANGIAN NG RETORIKA
1. Kasiningan sa paglalahad
- nagiging masining ang paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng
mga transisyonal na panalita sa retorika tulad ng mga salawikain, kasabihan,
kawikaan, sawikain, at tayutay.
2. Kapangyarihang makapagbigay ng saya o lugod
- ang mga likhang pahayag ng manunulat at tagapagsalita ay
nagbibigay kasiyahan. Makapangyarihan ang wika sa mga larang na ito.
Kaya nitong makapagpaluha sa tuwa sa sinumang nalulumbay.
3. Mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika
- Kaugnay ng unag katangian, sa ilalim ng mga tayutay, malimit na
gawin bahagi ng pahayagang personipikasyon at hyperbole. Nilalayon nitong
tumalo mula sa realidad patungo sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng
awdyen. Nakadadala ng damdamin ang ganitong mga pahayag.
Nakadaragdag pa ito ng kulay at nagbibigay ng ibayong kahulugan sa
batayang salita.
4. Kasiningan sa tuluyan (prosa) at panulaan (poesiya)
- kaugnay pa rin ng unang bilang, kakikitaan ng mga idyoma at tayutay
ang mga retorikang pahayag. Isang buhay na patotoo nang maituturing na
sa likod ng matatagumpay na akdang pampanitikan ay may malaking bahagi

ang suntok at dating na hatid ng mga nabanggit na matalinghagang


pahayag. Sumasang-ayon dito si Fernando Monleon na nagsuri at nagtukoy
ng mga tayutay sa Florante at Laura.
5. Kaangkupan at katiyakan sa paggamit ng wika sa pagpapahayag
- Epektibo ang retorika kung palaging kaagapay nito sa pagbuo ng
pahayag ang balarila o grammar. Hindi lamang sapat na maganda at
matalinghaga ang pahayag, mahalagang nauunawan ang mga salitang
ginamit. Isaalang-alang ang tama at angkop na pagpili ng mga salita para
maging matagumpay ang pagtatawid ng mensahe sa mga mambabasa at
tagapakinig.

IBA PANG KATANGIAN:


1. Ang sining ng tuluyan na kaiba sa panulaan
2. Istratehiyang ginagamit ng isang nagsasalita /manunulat sa
pagsisikap na makipagtalastasan sa isang tagapakinig.
3. Nanatili ang retorika dahil sa kayamanan at kaibahan ng
wika . Kung ang isang pahayag ay maipapahayag lamang sa
isang paraan, di magkakaroon ng retorika.
4. Ang retorika ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat
may ibat ibang pamimilian o alternatibo.
Hal. Pinanggalingan ng salitang laconic (katimpian sa
pagsasalita)
C. Relasyon ng Balarila at Retorika
Dalawa ang masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng
karunungang pangwika: ang balarila at retorika . Nagbibigay-linaw, bisa at
kagandahan sa pahayag ang retorika, samantalang nagdudulot ng
kawastuan sa pahayag ang balarila. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa
parirala, sugnay at pangungusap ng pahayag; mga tamang panuring, mga
pang-ugnay, mga pokus ng pandiwa at iba pa para sa kaisahan at kakipilan
ng mga pangungusap ay naibibigay rin ng balarila.
Nababawasan ang kalinawan at pagiging kaakit-akit ng isang pahayag
kung hindi wasto ang tungkulin at ugnayan ng mga salita. Samakatwid, ang
relasyon ng balarila at retorika ay napakahalaga upang makamit ang
mabisang pagpapahayag.
C. Konklusyon

Ang kaayusan ng salita ay dinidikta ng gramatika o balarila. Ang


pagpili ng salita ay retorika.
Sa ibang salita, iniuutos ng gramatika ang tamang paggamit ng salita
upang makabuo ng mga pangungusap na gramatikal; iminumungkahi ng
retorika ang pinakamabisang paggamit ng salita upang makabuo ng
pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat sa
labas o dating ng mensahe sa nakikinig o nagbabasa.
Sa pagbuo ng tumpak , epektibo at kalugod-lugod na pananalita,
kinakailangang magkatugon ang balarila at retorika. Ang balarila ay may
kinalaman sa kawastuan ng mga tungkulin (function) ng mga salita at kanikanilang ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatwid, dalawang
kawastuan ang kailangan sa pagpapahayag: kawastuang pambalarila at
kawastuang pang-retorika.
D. Kumpletong Depinisyon
Ang RETORIKA ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw
mabisa at kaaya-ayang pananalita pasalita man o pasulat.
Ang Maretorikang Pagpapahayag
Maraming alam ang tao. Nakuha niya at naipon ang mga ito mula sa
kanyang mga karanasan. Itoy maaaring sa direktang pagdanas ng mga
pangyayari sa buhay sapul na magkamalay ang kanyang mga pandama
hanggang sa mamulat ang kanyang pansariling damdamin at isipan sa mga
bagay na kanyang namasid sa ginagalawang paligid at sa mga taong
nakasalamuha sa kinabibilangang komunidad.
Lalo pang umunlad ang kanyang mga karanasan nang matuto siyang
magbasa at makinig sa mga karanasan ng iba, gayundin, sa mga natuklasan
niya sa matiyagang pananaliksik segun sa ibat ibang larangan ng
pamumuhay. Dito niya lubos na napgtanto ang katunayan at katotohanan ng
lahat ng ito.
Mangyari pa, nag-umapaw sa pagkatao niya ang mga kabatirang
kanyang natuklasan kaya minabuti niyang maihayag ang mga ito para
makapagbahagi naman nang mapahalagahan ng kapwa, tuloy, lubos na
maunawaan at maisakabuluhan ang mga ito sa sarili at sa iba. Ito ngayon
ang tinatawag na pagpapahayag, ang pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga
nasasaloob, ng kanyang mga paniniwala, ng lahat ng kanyang mga
nalalaman.
Ang Dalawang (2) Paraan ng Pagpapahayag

May dalawang (2) paraan ng pagpapahayag ang tao: una, pasalita, at


pangalawa ay ang pasulat.
Pasalita ang pagpapahayag na maaaring isagawa nang harapan o
lantaran at malapitan, dili kaya ay hindi malayuan.
Pasulat naman ito kung ibinabahagi ang mga kaalaman, paniniwala,
mithiin at saloobin sa pamamagitan ng pagsasa-akda, mapalimbag man ang
mga ito o hindi.

MASINING AT MABISANG PAGPAPAHAYAG


IDYOMA
--pagpapahayag ng mga saloobin at kaisipan na di-tuwiran; ang kahulugan
ay nasa pagitan ng salitang ginagamit.
Hal.Naglalako ng asinnagyayabang;
Makati ang dilatsismosa
SALAWIKAIN
--nasa anyong patula, may sukat at tugma at talinghaga kayat kaigaigayang pakinggan
--naglalaman ng mga paalala at pilosopiya sa buhay
Hal. Pag may itinanim, may aanihin;
Kung ano ang puno, siya ring
bunga
KASABIHAN
--itoy gumagamit ng mga talinghaga at himig panunudyo; may payak na
kahulugan
--nasasalamin dito ang kilos at gawi ng isang tao
Hal. Utos sa pusa, utos sa daga;
Malakas ang loob, mahina ang tuhod
KAWIKAAN
--nagsisilbing tagapagpaalala rin ang mga kawikaan sa mga dapat ugaliin at
maging asal ng mga kabataan
--may sukat, tugma at kariktan din
Hal. Ang magagawa ngayon, huwag nang ipagpabukas
Walang halaga ang yaman, sa araw ng kamatayan
TAYUTAY/ TALINGHAGA
--sa paggamit nito,nagkakaroon ng kasiningan at kabisaan ang isang
pahayag na karaniwang makaaakit sa sinumang nakikinig
--paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita

Ibat Ibang Uri ng Tayutay


1. Pagtutulad (Simile)paghahambing ng dalawang tao, bagay o
pangyayari na ginagamitan ng mga salitang tulad, para, wari .. etc.
hal. Singkinis ng labanos ang kutis ni TJ.
2. Pagwawangis (Metaphor)tiyakang paghahambing
hal. Mapupulang makopa ang mga pisngi ni Justine.
3. Pagbibigay katauhan/padiwantao (Personification)pinakikilos/
pinagagawa na tulad ng mga tao ang mga bagay
hal. Naghahabulan ang mga alon sa karagatan.
4. Pagmamalabis (Hyperbole)nagpapahayag ng sitwasyong labis-labis
hal. Umulan ng piso ang bahay nina JV nang dumating si Lara.
5. Pauyam (Irony)mga pananalitang pangungutya sa tao o bagay.
Hal. Ang laki mo naman Jaime. =P
6. Patalinghaga (Allegory)pahayag na di tumutukoy sa literal na
kahulugan ng mga salita
hal. Nahasik sa matabang lupa ang binhing isinabog ng Panginoon.
7. Pagtatambis (Antithesis)pagpapahayag ng mga bagay na
magkasalungat para bigyang bisa ang natatanging kahulugan
hal. Hindi ko maunawaan si Gester, pag mabait ka sa kanya, aawayin ka; pag
hindi mo pinansin, aawayin ka pa din. AP talaga.. haha
8. Pagpapalit-tawag (Metonymy)nagsasaad ng pagpapalit ng
katawagan na mga bagay sa may kaugnayan dito
hal. Magagandang bulaklak ng nayon (dalaga) ang kanilang mga panauhin.
9. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)pagbanggit sa isang bahagi na
sumasaklaw sa kabuuan
hal. Si Majesty ang bisig at ulo ng Arsi Tutu.
10. Pagtanggi (Litotes)pagpapahayag na ginagamitan ng salita o
panangging hindi upang bigyan diin ang mahahalagang pagsang-ayon
hal. Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van.
11. Pagdaramdam (Exclamation)nagpapahayag ng pagkabigla/di
karaniwang damdamin
hal. Tuwang tuwa ako nang manalo ka Megan! Binabati kita!
12. Pagtatanong/pasagusay (Rhetorical Ques)tanong na di
nangangailangan ng kasagutan

hal. May ina kayang makatitiis sa anak na naghihirap?


13. Pagtawag (Apostrophe)pagtawag sa isang tao o bagay sa animoy
kaharap gayong wala naman.
Hal. Paglimot! Nasaan ang awa mo?

You might also like