Ang Magkapitbahay Na Kambing at Kalabaw

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

MGA PABULA

Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw


Ang Pabula ng Kabayo at ng Mangangalakal
FILIPINO
Yzl Cruz
[Email address]
Daimler Raulf D. Cruz
Grade 9
Zion Center of Knowledge Scholl
Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw

Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa kapitbahay ang
kambing.
"Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain ka ng kumain
ng sariwang damo, Kakain naman ako ng kakain ng mga murang mais ang sabi ng kambing sa
kalabaw.
"Oo ,tayo na," ang sabi ng kalabaw.
"Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod mo. "Ang wika ng kambing.
Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog hanggang sa kabilang ibayo.
Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang kambing. Ang kalabaw naman ay hihinay-hinay
kumai.
Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog. Nainip na ang
kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.
"Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na akO," ang sabi ng kambing.
"Mabuti ka pa busog na," ang sagot ng kalabaw. "Maghintay kana muna."
Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil sa pagkain ang kalabaw, Mayroon
siyang naisib. Naglulundag ang kambing. Gumawa ito ng malaking ingay.
Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang mga tao. Nakita nilang
kumakain ang kalabaw. Hinambalos nila nang hinambalos ang kalabaw.
"Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi? ang tanong ng kambing sa kalabaw.
"Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko," ang sabi ng kalabaw, at lumakad nang papunta sa
ilog.
Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw. Tinanong niya kung bakit nag-ingay ang
kambing.
"Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at magsayaw," ang sagot
ng kambing.
Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay narating nila ang malalim na bahagi ng
ilog. Muling hum into ang kalabaw.
"O. bakit kahuminto? ang tanong ng kambing.
"Alam mo kapag ako ay nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-gulong sa tubig," ang sabi
ng kalabaw.
"Aba, huwag! Paano ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi naman ako marunong lumangoy," ang
sigaw ng kambing.
"E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang gumulong-gulong sa tubig," at sinabayan nga ng
gulong sa tubig.
Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing. Hindi ito marunong lumangoy. Nalunod ang
kambing.






Ang Pabula ng Kabayo at ng Mangangalakal

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang
mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang
kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman
ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya
na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at naglulan na
nman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. Nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-
isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa
kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay nabuhos sa
ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa pagkakataong eto ay nakahalata ang
mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa
pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo -
dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay magpapadulas pa rin ako sa
ilog para mas gumaan pa ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang
biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may
alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang
sakong asin.
Aral ng Pabula:
Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang balakin ay may katapat na
kaparusahan.

You might also like