RH Bill

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

KABANATA I I.

Pagpapahayag ng Suliranin Ang isyung ninais naming saliksikin ay nagtataglay ng mga suliraning sadyang nakakaapekto sa bawat indibidwal na kasangkot dito gaya na lang ng mga kabataan. Ang sex education ay isa sa mga patok pag-usapan sa bawat sulok ng Pilipinas. Unang suliranin nito ay ang di-pagkakaintindihan ng mga sector ng gobyerno at ng sector ng simbahan. Dahil dito, umaabot na rin sa puntong magbangayan at magpatutsadahan ang magkabilang partido sa pamamagitan ng media. Ipinanukala ng gobyerno ang ideyang ito para makatulong sa pagsugpo ng tumataas na bilang ng populasyon at karamihan ay dahilan ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Nais nila na umpisahan ito sa pre-schoool nang sa gayoy mamulat ang mga bata sa realidad ng mundo. Sa panig naman ng simbahang Katoliko, nararapat na ipagkaloob na lang sa magulang ang pagpapaliwanag kung sakaling magtanong ang mga bata kung bakit at paano sila nagawa. Hindi daw maatim ng mga magulang at simbahan na ituro ito sa mga batang wala pang muwang sa mundo. Ang mga umaarangkadang suliranin na dulot ng laganap na pakikipagtalik dito sa ating bansa ay pinanukalaan ng gobyerno ngunit, imbes na solusyon ang magiging kalabasan, nadagdagan ulit ng problema. Sa laganap na pakikipagtalik ng mga tao lalo na ang mga menor de edad, nagdudulot ng kahirapan, kriminalidad at marami pang iba. Ang pre-marital sex ay isang uri ng sexual intercourse na kinasasangkutan ng isang tao o ng mga taong hindi pa naikakasal. Ito ay pangkalahatang katawagan na pantukoy sa mga kabataan kasama na ang mga teenagers na ikakasal din naman balang araw subalit maagang nasasangkot sa isang sexual activity bago pa man din sa tamang panahon. Ang ibat-ibang kultura sa loob at labas ng bansa ay mayroong sari-saring pananaw sa moralidad ng sex ng mga hindi pa naikakasal. Ang ibay sinasabing ang sex ay optional o depende sa tao kung pipiliing maagang masangkot sa nasabing aktibidad ngunit ang ibay mariing itinatanggi ang sex sa mga hindi pa naikakasal. Sa mga nakalipas na taon, ang moralidad sa pre-marital sex ay naging isang malaking usaping pampulitika sa United States at ang pag-uusap nila laban sa pre-marital sex ay ang pangunahing pundasyon ng abstinence-only sex education , ang programang sinuportahan ng dating pangulo ng Amerika na si George W. Bush at ng ilang konserbatibong miyembro ng Kongreso ng United States. Subalit ang alituntuning ito ay hindi pinaboran ng ibang grupo tulad ng Planned Parenthood at ng marami pamg maka-progresibong miyembro ng kongreso. At ang pagtatalo ukol sa abstinence-only neducation ang siyang nagdala sa isyu ng pre-marital sex bilang mitsa ng pagkakaroon ng away at hidwaan ng ibat-ibang kultura. Malaki ang naging epekto ng pre-marital sex, kasama na dito ang maagang pagbubuntis na nakadaragdag pa sa lumalalang bilang ng populasyon at kawalan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan at ng kanilang mga magiging anak na magiging dahilan ng paglaganap ng kahirapan. At ang mga ito ang nagsilbing ugat ng sex education. Ang mga nasabing impormasyon ang nagpapatunay na mahirap ng pigilan ang pre-marital sex.lalo na at laganap na ito hindi lamang sa ating bansa ngunit pati na rin sa buong mundo. Ang magagawa na lamang natin ay bigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman sa pagsasagawa nito upang di na makadagdag pa sa populasyon, maagapan ang kahirapan at masupil ang ibat-ibang sakit mula sa pakikipagtalik. Ang sex education ang responsable dito sapagkat mapadadali nito ang maselang usapan sa sex kung ang mga magulang o ibang tao ang magtuturo sa kabataan. Para naman sa mga bata, marapat na silay hubugin ng kanilang mga magulang sa konserbatibong pamumuhay ng mas mapadali ang pag-iwas sa maselang gawain tulad ng nababanggit. II. Layunin ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay may mga layunin at ito ay ang mga sumusunod: Bigyan ng impormasyon ang mga kasangkot sa isyung ito Ilahad ang mga epekto ng sex education sa lipunan Magbigay alam ng ideya ukol sa pakikipagtalik Mabigyang kahulugan ang mga salitang may kinalaman sa paksa Mag-analisa kung sino ang may katwiran Mabigyang-solusyon ang isyung ito.

III. Batayang Konseptwal Input Una sa lahat, napanukala ang ideyang ito para makontrol ang populasyon ng pilipinas, paglipana ng mga nakakahawang sakit, at mga kahindik-hindik na mga pangyayari sa bansa. Para masolusyonan ito, kinakailangang maayos ng pamahalaan ang gusot nila sa mga salungat sa panukalang ito ng sa gayoy maging maayos ang pagpapatupad ng ideyang ito. Pangalawa, dapat suriin ng mga nagpanukala ang magiging epekto nito sa tao at bayan. Pangatlo, dapat ay tumulong na lang ang nakakarami sa pagresolba sa problema ng bansa at anumang solusyun ang maaaring maisip, dapat silang tumugon sa mga opinyong alam nilang makakabuti para sa mga tao lalo na ang m,ga kabataan. Output Dahil sa kanilang maayos na pag-uusap ng mga taong kasangkot dito, maliliwanagan ang bawat isa na makapagdesisyon kung ano ang nakakabuti sa isa, sa grupo at sa nakakarami. Hindi maglalaon, mauunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng sex education, kung ito man ay maipatutupad, sa mga mamamayan ng pilipinas. Baling araw, masosolusyunan na din ang mga problema na kinakaharap n gating bansa gaya ng mga sakit, populasyon, krimen at marami pang iba. Magkakaroon na rin ng pagkakaintindihan ng mga sang-ayon at mga salungat sa mga bagay-bagay na pinagdedebatehan nila ukol sa sex education. Sa huli, magkakaroon ng solusyon sa mga problema. IV. Saklaw at LimitasyonngPag-aaral Napapaloob dito sa aming pananaliksik ang mga suliraning dulot ng sex education. Saklaw din nito ang mga taong kabilang at mga taong maaaring maapektuhan nito. Ang isyung ito ay hanggang sa kaligiran ng paksa lamang gaya ng populasyon, gobyerno, simbahan, pamilya at kumunidad lamang. V. Pagbibigay Kahulugan sa mga Katawagan Sex Education- isang kurikulum na kung saan ituturo sa mga paaralan ang mga bagay-bagay ukol sa seks, mga epekto, dahilan, ugat at mga kinalaman nito sa realidad ng mundo. Sexual intercourse- in Tagalog, pakikipagtalik. Ang tanging paraan para matupad ang nag-iisang utos ng diyos na humayo kayot, magparami. Tanging ang babae at lalaki lamang ang nakakabuo ng isang nilalang. Condom- isang uri ng contraceptive na kung saan ginagamit ng kalalakihan ng sa gayoy hindi pumasok ang sinila ng lalaki sa ari ng lalaki. Base rin sa pag-aaral, 87% lang ang epektibo ng contraceptive na ito. AIDS at HIV- mga kilalang sakit sa pakikipagtalik at sanhi nito ang papalit-palit na kapareha at mga hindi kanaisnais na gawain ng mga nagtatalik. Teenage pregnancy- isang napakainit na isyu sa bansa dahil sa pagdami ng mga kabataang nabubuntis dahil na rin sa kapariwaraan at iba pa. Culture shock- isang reaksyon ng isang indibidwal na kung saan hindi siya pamilyar sa kulturang kanyang nakita at marahil ay sa ibang lahi. Well-opinionated- maalam at maopinyonado sa mga bagong isyu. Third world country- grupo ng mga bansang mahihirap gaya ng Pilipinas Contraceptives- mga materyales na ginagamit ng mga nagtatalik para maiwasang makabuo ng bata. KABANATA II VI. Literatura sa Ibang Bansa Base sa mga surbeys at pag-aaral sa ibang bansa, mahigit 60% ng mga bansa ay ginagamit ang ideyang sex education sa pagpapatupad ng sibilisado at maalam na mga indibidwal ng bansa. Karamihan ditto ay ang mga banang nasa kanluran gaya ng America, Europa at iba pa. hindi rin maikakaila ang resulta nito sa mga bansang aming nabanggit. Kapwa ito maunlad at sibilisado at taglay nito ang mga responsableng mga mamamayan. Nagtataka na rin ang mga pilipinong nagtatrabaho doon sa ibang bansa dahil kahit ang isang batang 5 tong gulang pa lamang ay Malaya na itoong nag-aaral ng mga bagay-bagay tungkol sa pakikipagtalik. Ang ibang bata a ay nagdadala na rin ng condom at ang masaklap pa nito, ang mga magulang mismo ang nagpapayo a kanilang mga anak na magdala ng condom. Itinuturo ng mga guro sa kanilang mga estudyante ang sex education: dahilan at bunga nito, sa mga bansang nagpapatupad ng ganitong ideya. Isang pangkaraniwang senaryo sa kanila ang Makita ang isang guro, kasama ang kanyang mga

estudyante, na itinuturo ang mga bagay-bagay ukol sa seks gaya ng sexual intercourse, teenage pregnancy, AIDS, HIV, at marami pang iba. Iyan ang kultura ng mga ibang lahi ukol sa sex education. VI. Literatura ng Pilipinas Gaya ng aming nasabi sa aming panimula , nagkakaroon pa ng mahaba-habang debatehankung ipatutupad ba ang panukalang ito. Sa katunayan,nalilito na rin ang mga mamamayang kagaya ko kung ano ba talaga. Binabalak nila itong ipatupad para maliwanagan na ang amg kabataan sa makamundong dala ng pakikipagtalik sa simula pa lang. lahat ay may kani-kaniyang opinion ditto, palibhasa, ang mga Pilipino ay sadyang well-opinionated. Kung dito sa Pilipinas ang pagbabasehan, mataas ang porsyento ng pre-marital sex. Isa sa apat na Pilipino edad 15-24 ang nasasangkot sa nasabing isyu, ayon sa pag-aaral ng UP Population Institute. Ayon sa Pag-aaral sa taong ito ay sinasabing aabot sa 4 na milyong kabataan ang sangkot sa pre-marital sex na mayroon di umanong 30 porsyentong responde ang ginagawa ito sa loob ng sariling pamamahay, samantalang 18 porsyento ang ginagawa naman ito sa loob ng mga motel at hotel. VII. Pag-aaral sa Ibang Bansa Ayon sa mga nagpatupad ng ideyang ito sa ibang bansa, kanila itong inisip ng mabuti kung ano ang maitutulong nito sa kanilang bansa. Inisip nila na paunlarin ang kaalaman ng kanilang mga mamamayan at kanila itong napatunayan na epektibo ito. Ito ay isang napakagandang paraan nang sa gayoy mapagkalooban nila ng impormayon ang mga tao lalung-lalo na ang mga kabataan. VIII. Pag-aaral sa Pilipinas Sa ngayon ay pinaguusapan pa lang sa kongreso kung itutuloy ang panukalang ito sapagkat marami ang salungat at meron ding may gusto. Ang tanging gusto lang naman ng mga may gusto nito ay mabigyang-kaalaman ang mga tao lalo na ang mga kabataang naliligaw ang landas. Ang tanging panig lang naman ng simbahan ay masyado pang maaga para ituro sa mga bata ang mga makamundong salita na maaaring gamitin ng isang guro sa pagtuturo ng kanyang leksyon. Kayat hindi maintindihan kung ano ba ang kalalabasan ng pag-aaral na ito. Kabanata III IX. Pamamaraan ng Pananaliksik Ang aming ginamit na paraan a pagsasaliksik ng paksang ito ay palarawan. X. Pangongolekta ng Datos Mga libro Sa pamamagitan ng internet Pagtatanong ng mga opinion sa iba Sariling pananaw at pag-aaral XII. Pag-aanalisa ng Datos sa mga impormasyong aming nakalap, ginamit naming ang dalawang istratehiya sa pagbabasa. Ito ay ang skimming at scanning na sadyang nakatulong sa amin ng sa gayoy hindi kami matagalan sa pagbabasa ng patong-patong na mga libro. Aming inalisa at pinagtapat naming ang mga impormasyon sa libro at sa internet. Kinuha na lang naminang mga mahahalagang detalye na maaaring makapagpalinaw at makapag- paunlad sa aming pananaliksik. KABANATA IV XIII. Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik Sa nangyayaring palitan ng mga argumento ng DepEd at simbahan tungkol sa balak na sex education o gender education o ano pa man ang gustong itawag dito, ang naiipit ay ang mga bata. Lumalabas na naman ang di makatwirang pagkakonserbatibo ng simbahan hinggil sa usapin. Mabanggit pa lang ata ang salitang sex, nagpipintig na ang mga tenga ng mga pari. Mabuti sana kung napakabanal talaga ng mga nakaobito na walang mapupuna sa kanila, pero hindi naman na bago ang mga balita ng mga paring nagkakaasawa, nagkakaanak, nanggagahasa, nangmomolestiya ng bata, at iba pa. Oo, hindi naman ibig sabihin nito na hindi na nila dapat gampanan ang sinasabing tungkulin nila ng pagtatanggol sa moralidad batay sa paniniwala ng simbahan. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang labis na antagonistikong reaksyon nila sa usapin na parang nagkakasala na kaagad ang DepEd sa

mismong paghahayag pa lang ng usapin. Isa pa, lahat naman ay may karapatang magpahayag ng opinyon, kabilang na rito ang simbahan bilang mga mamamayan din ng bansa, pero dito na pumapasok ang napakalinaw na probisyon ng konstitusyon na naghihiwalay sa simbahan at estado. Ibig sabihin, hindi na dapat ginagamit ng mga pari ang simbahan para idikta ang mga gusto o ayaw nila sa pamamalakad sa gubyerno. Maaari lamang nilang ipanawagan pero hindi nila pwedeng gamitin ang kapangyarihan ng simbahan para ipitin ang gubyerno. Sa DepEd naman, bagamat maganda sana ang layunin, lumalabas din ang kakulangan nila sa nilalaman at paraan ng pagtuturo ng sex education sa mga bata, kabilang na ang edad kung kailan dapat ituro ito. Walang kwestyon na dapat ituro nga ito sa mga bata nang hindi inaalis ang obligasyon ng mga magulang mismo na ituro rin ito sa kanilang mga anak. Ang usapin dito ay ang mga teknikal na usapin ng mga parte ng katawan ng tao na dapat malaman ng mga bata, laluna sa partikular na edad kung kailan nagkakaroon ng maraming pagbabago sa pagdaan sa pagkabinata o dalaga. Sa tingin ko, nagiging ipokrito at di praktikal ang simbahan sa pagtutol nito dito. Unang-una, wala silang ibinibigay na ibang solusyon sa problema ng paglaganap ng dekadenteng kultura na nakukuha natin sa kapapanood ng mga palabas mula sa ibang bansa, laluna sa paboritong-paborito nating bansa na US. Pangalawa, kahit ang dating paraan ng simbahan, ang pangangaral linggu-linggo, araw-araw pa nga, ay matagal nang napatunayang hindi sapat para makatulong sa problema. Dapat unawain ng mga pari na hindi na sila ang pinakamalaki o natatanging awtoridad pagdating sa paghubog ng ulo ng mga tao. Noon pang pagbagsak ng pananakop ng Espanya dito nagsimulang gumuho ang awtoridad na ito. Ngayon, telebisyon na ang mas relihiyosong sinusunod ng maraming tao, mula pagkabata hanggang pagtanda, mula umaga hanggang gabi. Pero ang usaping ito ay hindi lang usapin kung maglalagay ba ng sex education o hindi sa kurikulum sa paaralan. Dahil ang mas malaki pa ring usapin na dapat munang asikasuhin ay ang edukasyon mismo. Napakaraming bata ang hindi nakakapag-aral. Siksikan ang mga estudyante sa mga nabubulok nang silid-aralan. Naghahati-hati pa sa mga gulagulanit na libro. At kahit pumasok sa eskwela, kaunti na lang ang natutunan ng mga bata dahil sa mababang kalidad ng edukasyong naibibigay ng mga guro, hindi magandang atmospera, at marami pang ibang problema ng pamilya. Kaya bago natin pagtalunan kung maganda ba o hindi ang sex education, pag-usapan muna natin kung paano ba mabibigay ang napakapundamental na karapatan ng lahat, ang edukasyon mismo. KABANATA V XV. Lagom Ang sex education ay isang isyung nanglilito sa bawat utak ng mga mamamayan ditto sa pilipinas. Ito ay tungkol sa pagtuturo ng mga bagay tungkol sa seks. Nailahad ditto ang mga rason kung bakit ito ipinanukala ng mga may posisyon sa gobyerno gaya ng pagbibigay-impormasyon sa mga mamamayan lalong lalo na ang mga kabataan. Ito ay naipanukala dahil sa tumitinding pagtaas ng populasyon at mga krimeng may kinalaman sa seks gaya ng rape, teenage pregnancy, mga sakit na nakakahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik at marami pang iba. Hindi rin naiwasan ng ideyang ito ang banggaan ng mga sang-ayon at salungat ditto.Gayunpaman, ito ay nakapokus sa ikabubuti ng bansa ayon sa gobyerno at ayon naman sa salungat, gaya ng simbahan, ito ay hindi mainam na solusyon para sa problemang kinakaharap ng bansa. Ang isyung ito ay kasalukuyang pinagdedebatehan sa kongreso kung ito ba ay itutuloy ohindi. XVI. Konklusyon Base sa pag-aaral n gaming grupo, ang sex education ay sadyang napakahirap pag-aralan at tukuyin ang mga bahagi, dahilan at epekto nito. Sa madaling sabi, maraming salik ang ating puwedeng ikonsidera sa mga ganitong isyu. Sinasakop rin nito ang mga bagay-bagay na sadyang dapat masoluyunan kaagad ng sa gayoy hindi na lumala ang mga problema. XVII. Rekomendasyon Bilang mga mamamayan ng pilipinas, ating makialam at alamin kung ano ang puwede natinfg gawin para masolusyunan ito lalo na tayong mga kabattaan. Sa mga may posiisyon sa gobyerno, sana ay maliwanagan sila ng sa gayoy hindi sila magsisi sa mga magiging resulta ng kanilang mga balak. Dapat rin na sa bawat pamilya ay magkaroon ng

paunang aral sa mga anak ng sa gayoy hindi sila mapariwara sa hinaharap. Dapat rin ay magkaroon ng disiplina ng bawat tao dahil sa disiplina nagsisimula ang lahat ng pagbabagong maaaring mangyari sa isang tao, grupo, o bansa. Mga Tanong at Sagot tungkol sa RH Bill 4244 Ni Teresa R. Tunay, OCDS Tanong 1. Wala po kaming panahong basahin at unawain ang kopya ng RH Bill na nasa kamay namin, pero napanood po naming pinagdedebatihan sa tv. Ano po ba talaga ang kontrobersyal na RH Bill na yan? Sagot: Ito ang Reproductive Health Bill 4244, na naka-base sa paniniwalang labis nang lumolobo ang populasyon ng Pilipinas na siyang nagiging sanhi ng lubos nitong paghihirap. Maraming ulit na itong isinususog sa kongreso ng Pilipinas ngunit hindi ito makapasa para maging batas. Tanong 2. Bakit po hindi ito makapasa, samantalang sabi po sa debate ay mabuti daw ito? Sagot: Kung lubos na mabuti ito, di sanay matagal na itong naging batas. Marami pong mga bagay sa RH Bill ang tinututulan ng maraming kongresista, unang-una na ay yung pinagpipilitan ng Bill na gawing solusyon sa kahirapan ang pagliit ng populasyon. Pakay ng RH Bill na magpamigay ang gobyerno nang libre sa mahihirap ng mga gamot at serbisyong nakapipigil sa pagbubuntis, tulad ng mga birth control pills, condoms, IUD, ineksiyon atbp. Isinasaad sa Sec. 10 ng Bill na ang mga ito daw ay dapat ibilang na mga essential medicines and supplies of all national and local hospitals and other government health units. Humihingi ang RH Bill ng budget na 13.7 billion pesos, halagang manggagaling po sa kaban ng bayanopo, sa ating mga mamamayang nagbabayad ng buwis. Ang higit na makikinabang at tutubo sa ganitong sistema ay ang mga pharmaceutical companies pagkat gagawin nang batas ang pagbili ng mga produktong naturan. Ibig sabihin, kapag nilabag mo, paparusahan ka dahil batas na siya. Ayon sa mga tumututol, hindi tama na ilagay sa panganib ang kalusugan ng mga ina at kababaihan sa paggamit ng mga naturang gamot at serbisyong ito na ayon din sa mga pagsusuri ng medisina sa buong mundo ay nakakapinsala sa kalusugan ng gagamit. Makabubuti pa raw na ang salaping iyon ay gugulin na lamang sa mga bagay na higit na kailangan at makakatulong sa pag-unlad ng Pilipino, tulad ng pagpapagawa ng mga eskwelahan, kalsada, balon ng tubig, ospital, at sa pag-ayuda sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga maralita. Tanong 3. Totoo po ba na sa RH Bill ay bibigyan ng sex education ang mga bata kahit Grade V pa lang? Sagot: Totoo po. Yun po ay nasa SEC. 16. Mandatory Age-Appropriate Reproductive Health and Sexuality Education. Lahat po ng mga estudyante mula Grade V to 4th year high school ay ipapailalim sa sexuality education kung saan matututuhan nila ang pagpaplano ng pamilya hindi lamang sa natural na paraan kungdi sa pamamagitan din ng paggamit ng mga makakapigil ng pagbubuntis tulad ng condom at pildoras. Kasama din sa mga ituturo ay ang tinatawag nilang safe sex o pakikipagtalik nang hindi nauuwi sa pagbubuntis o sa pagkahawa sa sakit ng katalik (AIDS, halimbawa). Tanong 4. Anim na taong sex education? Wala po bang exemption diyan? Paano kung ayaw ng magulang? Sagot: Opo, anim na taon, at wala pong takas ang bata dito pagkat ipapaloob po ang sex education sa ibat ibang subjects tulad ng Math, Physical Education, Social Studies, Values Education, atbp. Hindi rin po masasabi ng magulang na ipuwera ang anak nila sa Sex Education, pagkat hindi ito optional o magiging bukod na subject kundi sangkap ng bawat subject, sa buong anim na taon. At mandatory po ito, ibig sabihin, kailangan itong pag-aralan ng bawat bata pagkat lahat po ng eskuwelahan ay kailangang sumang-ayon dito, kahit po yaong mga pinatatakbo ng mga Muslim o Katoliko. Kahit ayaw ng mga magulang, wala silang magagawa. Tanong 5. Mahaba-haba din yung anim na taon; ano po ang magiging epekto ng ganoong uri ng sex education sa pamilya? Sagot: Bagamat ayon sa RH Bill, magsasanay sila ng mga guro at iaakma ang pagtuturo ng sex education sa edad ng mga bata, marami pong mga magulang ang nababahala dito. Hindi daw tama na akuin ng estado ang karapatan at pananagutan ng mga magulang na magturo sa kanilang mga anak ayon sa kanilang paniniwala. Hindi raw tumpak na dumiretso ang gobyerno sa mga bata. Ayon sa ating Constitution, dapat suportahan hindi pangunahanng gobyerno ang pamilya. Papaano kung ang gustong ituro sa eskuwela ay taliwas sa nais ng mga magulang na matutunan ng mga

anak nila? Kung hangad ng gobyerno na tulungan ang mga anak ng mahihirap, dapat daw ay turuan nila ang mga magulang at hayaang ang mga ito ang pumili ng ituturo sa kabataan, pagkat sila ang nakakakilala ng kahinugan ng isip ng kanilang mga anak. Tutol sila na anim na taong tuturuan ang kanilang mga anak tungkol sa sexuality na sisimulan habang mura pa ang isipan ng mga bata, pagkat sa loob ng panahong ito, maaaring mapunta sa hindi maganda ang pagpapahalaga ng mga bata tungkol sa katawan nila, lalo nat libre ang mga gamot at serbisyong pipigil sa pagbubuntis. Tanong 6. Parang mali nga yata na ipilit yan sa pamilyang Pilipino, parang nababale-wala ang Constitution at ginagawa lang tayong gaya-gaya sa mga puti Sagot: Tama, at hindi lamang iyan, pati ang mga matatanda ay apektado din: a) Ang mga may-ari ng pagawaan o opisina (employers) ay mapipilitang magdulot ng reproductive health services sa kanilang mga empleyado, kahit na tutol ang konsiyensya nila dito; at b) ang mga health care service providers naman (doctors, nurses, midwives atbp.) ay kailangang maging handang magbigay ng mga gamot na kontra-buntis o magsagawa ng vasectomy o ligation (pagtatali sa lalaki man o babae) kahit ito salungat sa turo ng kanilang relihiyon. Kung hindi nila tutuparin ang hinihingi ng batas, makukulong sila. Ang sistemang ito ay paglabag sa Art. III, Sec. 5 ng ating Constitution na gumagarantiya na The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. Tanong 7. Paano po lalabag sa Constitution ang pagpapakalat ng contraceptive pills, libre pa naman ito? Sagot: Walang birth control pills na syento-porsyentong epektibo sa pagpigil sa paglilihi. Kahit na umiinom na nito ang babae, maaari pa ring magtagpo sa pagtatalik ang itlog ng babae at semilya ng lalaki at bumuo ng bagong tao ito ang fertilization at moment of conception. Ngunit kahit magkaroon ng fertilization sa isang babaeng nagpipills, hindi matutuloy ang pagbubuntis pagkat pinapanipis ng pills ang lining ng bahay-bata na siyang kakapitan ng fertilized egg upang maghanda sa kaniyang pagsilang makatapos ng siyam na buwan. Ito ang kahulugan ng abortifacient effect o chemical abortionsa madaling salita, kinikitil nito ang bagong nilalang na nasa sinapupunan. Pagkat ipinagkakait nito ang likas na ikinabubuhay ng fertilized egg, hindi na ito makakakapit sa matres at bagkus, ay ilalabas na lamang ito ng katawan na parang namuong dugo (blood clot) kasama ng regla. Sa katunayan, ang namuong dugo na ito ay tao na, miyembro na ng pamilya. Ang chemical abortion na ito ay labag sa Art. II, Sec. 10 ng Constitution na nagsasabing: The State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception Tanong 8. Kung hindi naman po contraceptive pills ang gamit ng mag-asawa kungdi pagpapatali, siguro naman ay hindi na ito labag sa Constitution pagkat wala naman pong bagong taong kinikitil ang vasectomy o ligation? Sagot: Kapag naging batas ang RH Bill, kahit ang pagpapatali lamang ay maaari nang maging sanhi ng pagkakasira ng mag-asawahan pagkat ipapahintulot nito ang vasectomy at ligation kahit walang pagsang-ayon ng asawa. Puwede nang magpa-vasectomy si mister o magpa-ligate si misis nang walang paalam sa isat isa. Sa madaling salita, walang pakialaman. Sa gayon, isinusulong ng RH Bill sa tiyak na panganib ang pamilya at ang pag-aasawahan, isang tahasang paglabag sa Art. XV, Sec. 2 of our Constitution na nagwiwikang: Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State. Sa paningin ng Constitution ang pag-aasawahan ay isang sagradong pundasyon ng lipunan na dapat pangalagaan ng estado. Sinisira ng RH Bill ang pundasyong ito, ang paggalang ng mag-asawa sa isat isa, ang pag-uusap, pagkakasundo at pagpapasiya nang maayos, bagkus ay ginagawa nitong tama ang kanya-kanya mentality na nakikita naman nating simula ng pagkakawatak-watak ng pamilya. Tanong 9. Kung hindi po mapo-protektahan ng estado ang pamilya at pag-aasawahan, paano na po ang mga kabataan na anak ng mga pamilyang ito? Sagot: Iyon na nga po ang napakasaklap dito. Kapag pumasa po ang RH Bill, pati na po ang mga menor de edad na dalagita na inaabuso o nabuntis ay maaari nang makinabang sa mga reproductive health services nang hindi na kailangang humingi ng pahintulot sa magulang. Kung magagalit at tututol ang mga magulang sa ibibigay ng mga health centers maaaring magsumbong ang anak at makulong pa ang mga nakikialam na magulang. Kung magiging libre na nga po ang mga pampigil sa pagbubuntis at hindi na rin maaaring pakialaman ng magulang ang kanilang mga dalagita,

malamang na ikapariwara na rin ito ng mga kabataan. Kayat lalabagin po ng RH Bill ang likas at pangunahing karapatan ng mga magulang na palakihin at arugain ang kanilang mga anak upang maging mabubuting mamamayan, na nakasaad po sa Art. II, Sec. 12 ng ating Constitution: The natural and primary right and duty of parents in the rearing of the youth for civic efficiency and the development of moral character shall receive the support of the Government. Tanong 10. Nakakakilabot namang isipin na magiging parang sapilitan ang pagsunod sa mga patakarang iyan! Ano po ang mangyayari kung hindi kami sasang-ayon kung sakaling maging batas na ang RH Bill? Sagot: Paparusahan ang kahit sinong tao na maghahayag ng opinion o impormasyon na kontra sa hangad at nilalaman ng RH Bill kapag naging batas ito. Halimbawa, mga komentarista sa radyo, kolumnista sa diyaryo, mga guro, mga nag-ra-rally o nagse-sermonmaaaring makulong sila kapag hayagan nilang kinalaban ito. Samakatuwid, susuway ang RH Bill sa Art. III, Sec. 4 ng ating Constitution na nagsasabing No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press... Kaya hindi tama na ipasa ito at gawing batas sapagkat lalagyan nito ng busal ang mga tao at hahadlangan ang ating karapatang magpahayag ng sarili ng buong laya. Tanong 11. Ang ibig ba ninyong sabihin ay paparusahan ang kokontra sa RH Bill kapag naging batas na yon? Ano naman po ang parusa sa mga susuway? Sagot: Opo, ang sino mang sasaway ay maaaring makulong o mamultahan. Halimbawa, nurse ka sa eskuwela, at may isang babaeng high school student na hihingi sa iyo ng morning after pilliyon bang pildoras na iniinom ng babae kapag nakipag-sex siya nang walang proteksyon laban sa pagbubuntis noong nakaraang gabi; sinisiguro ng morningafter pill na dadating ang regla niya, kahit nagkataong fertile siya noong gabing iyon, pagkat kaya nitong patayin ang kahit limang-araw na gulang na bata sa sinapupunan. Kung ikaw na nurse ay hindi magbibigay ng pill sa humihingi dahil alam mong abortifacient iyon at nakakalaglag, paparusahan kakulong o multa, dahil ang nasa Sec. 29 ng RH Bill: Any violation of this Act or commission of the foregoing prohibited acts shall be penalized by imprisonment ranging from one (1) month to six (6) months or a fine of Ten Thousand (P 10,000.00) to Fifty Thousand Pesos (P 50,000.00). Tanong 12. Naku, ganoon pala, eh bakit po sa mga debate sa TV, lagi pong sabi ng mga sponsors ng RH Bill at ng mga artista sa panig nila, eh makakabuti daw yon sa kalusugan ng mga ina at kababaihan, at women empowerment pa daw iyon, kaya sino ba aayaw doon? Sagot: Siyempre, sino nga ba ang hindi magkakagusto sa mabubuting puntos ng RH Bill? Ang katawa-tawa po doon ay, ang matatawag na mabubuting bahagi ng RH Bill, yaong mangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng kababaihan ay napapaloob na pong lahat sa tinatawag nating Magna Carta for Women! Samakatuwid, batas na, at kailangan lamang ay maigting na pagpapatupad! Itoy buong giting pong ipinapaliwanag ng mga Kongresistang tutol sa RH Bill sa Batasang Pambansa kung saan masusing sinisiyasat ang RH Bill. Wika nila, kung tutuusin, kapag inalis sa RH Bill ang mga puntos nitong sakop na ng Magna Carta for Women, wala nang matitira kundi ang mga hindi kanais-nais na parte na ating tinatalakay dito. Tanong 13. May magagawa ba kami para mahinto ang pagsulong ng RH Bill? Sagot: Malaki. Simulan natin sa pag-iisip para matunton natin ang katotohanan: Bakit isinusulong ng RH Bill ang mga gamot at serbisyong napatunayan na ng medisinang nagdudulot ng higit na panganib kaysa tulong sa katawan ng babae? Bakit gagastahan ng gobyerno ng bilyon-bilyong piso ang mga gamot at serbisyong ito para pigilin diumano ang paglobo ng populasyonna para ba itong sakit o epidemic na dapat sugpuin? Bakit sapilitang isasagawa ito sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga hindi sumasang-ayon? Bakit nais simulan ng RH Bill ang pagtuturo ng pananaw nito sa ating mga kabataan? Ang paniniwala na ang malaking populasyon natin ang ugat ng ating kahirapan ay mula sa isipang banyaga na pilit ipinalululon ng RH Bill sa ating mga Pilipino. Idilat natin ang ating mga mata at tunghayan kung ano ang sinapit ng mga bansang nagpasa ng sistema ng RH Bill: nakakagimbal na pagdami ng sakit ng mga babae dulot ng paggamit ng contraceptive drugs and devices; pagkaubos ng lahi at pagtanda ng populasyon pagkat ayaw o hindi na mag-anak ng karamihan; pagkalat ng AIDS at iba pang mga sexually transmitted diseases (STD, o mga sakit na nakukuha sa pagtatalik); higit na pagdami ng pagbubuntis ng mga dalagita at higit na pagdami ng kasong aborsyon (kapag pumalpak ang inaasahang contraceptive drugs and devices); pagtaas ng bilang ng diborsyo; patuloy na pagkakawatak-watak ng mga

pamilya, at marami pang ibang hindi natin kailanman nanaising mangyari sa ating bayan. Tayo lamang mga Pilipino ang magkapagsasabi kung paano natin iibsan ang ating kahirapan. Naway makita ng lahat ng ating mga namumuno at mga mambabatas na tayo ay may sariling lakas, yaman at talino upang unawain at umahon sa ating kinasadlakang kahirapan, upang sa halip na higit tayong pahirapan ng RH Bill ay magkaisa tayo tungo sa ganap na pag-unlad ng sambayanang Pilipino. Ang pinapalabas na layunin ng RH Bill ay para tulungan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pamumudmod ng condoms at contraceptives. Mapapa-unti ang bilang ng mga anak ng mahihirap dahil sila ay iinom ng pills na pipigil sa pagbubuntis. Ang problema ay hindi naman talaga masusulusyonan ng RH Bill ang kahirapan sa bansa. Ang unang dahilan ay ang pagkukunan ng pondo para gumana ang mga panukalang gawain ng RH Bill. Ang mga kongresista, sa Appropriations Committee hearing, ay sinabi na kailangan ng 3 Billion piso para may maipamudmod na condom at pills. Ang tanong, saan kukunin ng gobyerno ang ganun kalaking pondo? Sa totoo lang, maaksaya ang pera ng bansa natin dahil imbes na concrete na solusyon sa kahirapan ang gagawin, tulad ng pagmo-modernisa ng agrikultura sa Pilipinas, ay pamumudmod ng condom at pills ang gagawin nila. Matagal nang ginawa ang mga stratehiya ng RH Bill sa India. Ang tanong, nawala ba ang mga mahihirap sa India? What is RH Bill? Ang Reproductive Health bill, o mas kilala bilang RH bill, ay isang Philippine bill na naglalayong maisakatuparan ang pagkontrol sa paglobo ng populasyon sa Pilipinas. Ang bill na ito ay naging kontrobersyal sa kamara at senado. Sa kasalukuyan, may dalawang bill na may parehong layunin: House Bill The Reproductive Health bill, popularly known as the RH bill, is a Philippine bill aiming to guarantee universal access to methods and information on birth control and maternal care. The bill has become the center of a contentious national debate. There are presently two bills with the same goals: House Bill No. 4244 or An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes introduced by Albay 1st districtRepresentative Edcel Lagman, and Senate Bill No. 2378 or the Reproductive Health Act introduced by Senator Miriam Defensor Santiago. While there is general agreement about its provisions on maternal and child health, there is great debate on its key proposal that the Filipino taxpayer and the private sector will fund and undertake widespread distribution of family planning devices such as birth control pills (BCPs) and IUDs, as the government continues to disseminate information on their use through all health care centers. Private companies and the public and private elementary and secondary school system will be required to participate in this information and product dissemination as a way of controlling the population of the Philippines.[1] The bill is highly controversial, with experts, academics, religious institutions, and major political figures both supporting and opposing it, often criticizing the government and each other in the process. The issue is so divisive that at one point, the Catholic Bishops Conference of the Philippines threatened to excommunicate the President, Benigno Aquino III if he supported the bill. REPRODUCTIVE HEALTH BILL IN THE PHILIPPINES There are 6 bills pertaining to reproductive health and/or population management that have been filed for deliberation in both the House of Representatives and the Senate for the 15th Congress. The most controversial of these bills is House Bill No. 96 authored by Rep. Edcel Lagman. House Bill No. 96, also known as the proposed "Reproductive Health and Population and Development Act of 2010," will cover the following areas: midwives of skilled attendance emergency obstetric care access to family planning maternal death review family planning supplies as essential medicines

benefits for serious and life-threatening reproductive health conditions mobile health care service mandatory age-appropriate reproductive health and sexuality education responsibility of local family planning office and certificate of compliance capability building of barangay health workers ideal family size employers' responsibilities multi-media campaign implementing mechanisms reporting requirements prohibited acts penalties The bill is controversial, as it is being opposed by concerned citizens, especially the pro-life, pro-family and pro-God groups, regardless of creed or religion. The Roman Catholic Church expresses its opposition against the bill on many counts, most especially the procurement and distribution of family planning supplies for the whole country, when the available evidence from peer reviewed medical journals supports the hypothesis that when ovulation and fertilization occur in women taking oral contraceptives (OCs) or using intrauterine devices (IUD), post-fertilization effects are operative on occasion to prevent clinically recognized pregnancy. Hormonal contraceptives and/or IUDs directly affect the endometrium. These effects have been presumed to render the endometrium relatively inhospitable to implantation or to the maintenance of the preembryo or embryo prior to clinically recognized pregnancy. These make pills and IUDS abortifacient. Pro-life groups, and many professionals in the medical and nursing fields, believe that physicians and policy makers should understand and respect the beliefs of patients who consider human life to be present and valuable from the moment of fertilization. Patients should be made fully aware of this information so that they can consent to or refuse the use of artificial contraceptives. However, the position of the Catholic Church and the pro-life groups does not mean that they espouse the attitude of "natalism" at all costs, as if the "number" of children, in itself, were the unmistakable sign of authentic christian matrimonial life. The sexual act, properly exercised within marriage only, is ordained primarily to the propagation of life. If there are reasonable motives for spacing births, such as serious medical conditions in the mother, or extreme poverty, then the Catholic Church teaches that married couples may take advantage of the natural cycles of the reproductive system and use their marriage precisely those times that are infertile (natural family planning). Other aspects of the bill being contested by concerned citizens include the classification of family planning supplies as essential medicines when their safety/toxicity profile and legal permissibility are questionable. At the same time, more importance should be given to the prevalent diseases, the top ten leading causes of morbidity and mortality in the Philippines, namely, infections such as pneumonia and tuberculosis. Financial resources allotted by foreign donors to assist the Philippine government programs could actually be better spent towards pursuing health programs targeting communicable diseases than purchasing artificial contraceptives. Very pertinent to the debate about reproduction rights is the right to life. The Philippine Constitution says that the State "shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception. If artificial contraceptives are medically proven to induce abortion as one of their mechanisms of action, then procurement and distribution of such family planning supplies are unconstitutional and illegal. Kahalagahan sa pag aaral : Ang unang kahalagahan ng pag aaral ay sobrang halaga lalo nat ngayon ay napakahirap mabuhay. Mahalagang malaman ng mga tao ang tubay na kahalagahan ng pag aaral na ito. Ang rh bill ay isa sa mga solusyon sa ating kahirapan. Matutulungan tayo ng pag aaral na ito na mas lalong maintindihan ang rh bill.

Ang pangalawang kahalagahan ng pag aaral na ito ay para malaman ng tao kung bakit ba natin kailangang ipasa kaagad ang panukalang rh bill Kaialngan ba natin ito sa buhay o hindi ? Uunlad ba tayo pag ito ay naipasa? isa ito sa mga tanong na pwedeng masagot sa tulong ng pag aaral na ito. Ipinapaintindi nito ang pwedeng mangyari kapag ipinasa ang reproductive health bill. Mahalagang malaman ng mga tao kung bakit dapat natin ipasa ang panukalang ito. Pangatlo sa mga pwedeng maging dajilang ng pagiging mahalaga ng pagaaral na ito ay para maturuan ang mga tao kung anu nga ba talaga ang rh bill. Higit silang matututo kung may mga pagaaral

Tiyak na layunin : Ang tiyak na layunin kung bakit ko ito isinulat ay para malaman ng taong bayan ang tunay na kahalagahan ng reproductive health. Ang pagaaral na ito ay para maisip ng tao kung para saan o anung halaga ng rh bill.

Ang Reproductive Health bill, kilala bilang ang RH bill, ay isang bill sa Pilipinas na naglalayong masiguro ang mga pamamaraan at mga impormasyon sa birth control at maternal care. Ang bill ay naging sentro ng isang maninit na debate sa bansa. Sa kasalukuyan ay may dalawang panukalang batas na may parehong layunin: House Bill No 96 o angReproductive Health Act at Populasyon at Development Act ng 2010 ipinakilala ng Albay1st district representative Edcel Lagman, at ang Senate Bill No 2378 o angReproductive Health Act ipinakilala ng Senador Miriam Defensor Santiago. Habang may kasunduan ukol sa mga probisyon hinggil sa maternal at child health, mainit ang debate sa mga panukala na ang mga nagbabayad ng buwis at ang mga pribadong sektor ay popondohan ang pamamahagi ng mga aparato tulad ng birth control pills (BCPs) at IUD, ang pamahalaan naman ay patuloy na mamahagi ng mga impormasyon tungkol sa kanilang gamit sa pamamagitan ng lahat ng mga health centre. Ang mga pribadong kompanya at mga publiko at pribadong paaralan ay kinakailangan lumahok sa mga pagpapakalat ng impormasyon at diseminasyon ng produkto bilang isang paraan ng pagkontrol ng populasyon ng Pilipinas. Ang bill ay pinagtatalunan ng mga eksperto, akademya, institusyong relihiyoso, at mga pangunahing politico sa parehong panig. Ang isyu ay nagiging sanhi ng pagkakaiba at pagkakabahagi ng popolasyon hanggang umabot sa isang pahayag na patatalsikin ang Presidente, Benigno Aquino III kung siya ay susuporta sa nasabing bill.

Matindi ang babala ng mabilis na pag-lobo ng populasyon sa daigdig, ito ang hamon ng United Nations sa mga lider ng mundo na tugunan. At ang panawagan pa lamang na ito ng UN na kagigimbal na. Kabilang siyempre sa mga problemang kaugnay ng pagdami ng tao ay ang tiyakin ang kasapatan ng pagkain at malinis na tubig kasama ng pagtiyak din na magiging sapat ang seguridad at katarungang kabuntot nito. Ang mundo ngayon ay mayroon nang pitong bilyong katao mula sa 6 na bilyon noong 1998 o labintatlong taon pa lamang ang nakararaan. At matalinghaga ang ipinahayag ni UN Secretary-General Ban Ki-moon, na ang mundo aniya ngayon ay napakalala ng kontradiksiyon. Sinabi niyang sa kabila ng marami pang pagkain o makakain ay kung bakit isang bilyon pang katao sa buong mundo ang nangagugutom. Na samantalang ang iilan ay namumuhay sa karangyaan ay napakarami ang

naghihikahos, na samantalang ang iba ay hindi namumrublema sa gamot ay napakaraming namamatay na mga ina arawaraw dahil sa panganganak at bilyong piso ang ginagastos sa pagbili ng mga armas para pumatay sa halip na magligtas. Malaman ang tinurang iyan ni Ki-moon ngunit katotohanan at talagang nangyayari lalo na sa ating bansa. Sa Pinas na daan-daan ang nagpapasasa habang milyun-milyon ang nagdarahop. Lumilitaw sa pag-aaral ng UN na ang pangunahing problema ng mundo ay ang paglobo ng populasyon. Ang Reproductive Health bill ay napakatagal nang nakabimbim sa Kongreso. Kung talagang ang solusyon para mabawasan ang kahirapan ay ang paglobo ng populasyon, bakit hindi umaksiyon ang ating mga mambabatas? Dahil ba sa sila mismo ang nagkakalat ng mga anak at isa sa mga dahilan kung bakit mabilis na dumarami ang tao sa Pinas? Hindi nga bat kamakailan lamang ay lumitaw ang katotohanang isang dating pulitiko ang may 72 anak sa napakaraming asawa? Kawawa naman ang mundo sa kahalatan at ang Pinas sa partikular dahil pinaglalaruan ng ating mga Pultiko! Ang kontrobersiyal na panukalang Reproductive health and Population and Development Act of 2010o mas kilala natin sa tawag na RH Bill na akda ni Cong. Edcel Lagman. Tutol ang Simbahang katoliko sa panukalang ito, dahil mapaniil umano ang RH bill na kontrolin ang populasyon sa iligal na paraan. Ang RH bill ay maituturing na ultimate decision maker para sa responsible parenthood sa isang mag-asawa. Sila ang may karapatan na magdesisyon kung ilan ang nais nilang maging bilang ng anak. Ano ba ang Reproductive Health Bill? Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ng mga anak at angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas, epektibo at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang mga may pambili ng kontraseptibo lamang ang epektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya. Layunin ng RH bill na matulungan ang mga mag-asawa na maabot ang nais nilang laki ng pamilya habang isinasaalangalang ang kalusugan ng ina at anak upang matigil na ang maagang pagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na maabot ang isang balanseng distribusyon ng populasyon. Ang pag gamit ng kontraseptibo ay hindi nangangahulugan ng aboryon ito ay naglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsyon na dulot ng hindi planadong pagbubuntis. Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin ng maayos. Kinakailangan lamang na mamili ang mag-asawa ng pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang kalusugan at nais na bilang ng mga anak. Parami ng parami ang mga kabataang magnanakaw, pusher/user ng ibat ibang uri ng droga kasama na ang pag singhot ng rugby, namamalimos sa kalsada, mga nagbebenta ng laman, nasasangkot sa aborsyon dahil sa kahirapan at hindi planadong pagbubuntis ng mag-asawa. Ang iniisip na iba na ang layunin ng RH Bill ay kontrolin ang populasyon. Hindi layon ng RH bill na magkaroon ng population development o pagpapaunlad ng populasyon. Ang pagkontrol ng populasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng pwersa o sapilitang pagpapagamit ng mga polisiyang pangpopulasyon na labag sa mga kagustuhan ng mga tao. Maipasa man o hindi ito sa kongreso nasa mag-asawa parin ang desisyon kung ilan ang dami ng anak na gusto nila. To be corrected : Ang kahalagahan nito ay para malaman ng mga tao kung dapat ipasa ang reproductive health bill.. Malaki ang banta ng paglobo ng populasyon, mga hindi maiwasang pagbubuntis at pagkakaanak ng marami. Ang layunin ng pag aaral na ito ay para masulusyunan ang mga probLemang nasabi kanina.Ang paksang ito ay tumutukoy sa isang batas kung saan ay,maaring makontrol ang pinangangambahang paglaki ng populasyon,kung lalaki ang populasyon ,ito ba ang solusyon pra makontrol ito.Ang RH bill nga ba ang solusyon pra sa lumalalang problema ng pilipinas?

You might also like