Kasarian Sa Iba't Ibang Lipunan

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KASARIAN SA IBA’T IBANG

LIPUNAN
Bawat lipunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagkakaroon ng
paghahati sa mga miyembro nito ayon sa kasarian. Sa kasaysayan, sa
anumang lipunan sa daigdig, lalaki ang karaniwang inaasahang
bumuhay sa kaniyang mag-anak. Mauugat ito sa panahong Paleolitiko
na lalaki ang nangangaso at nangangalap ng pagkain para sa
ikabubuhay ng pamilya.

Sa kasalukuyan, bunsod na marahil ng pag-unlad at paglaganap ng


ideya ng feminism, nagkaroon na ng malaking pagbabago sa
gampanin ng babae. Sa ating bansa, masasabing sa kasalukuyan ay
hindi na mahigpit ang lipunan sa pagtatakda ng gampanin ng babae at
sa lipunan. Bukod sa lalaki at babae nagging hayag o lantad na rin
ang mga tinatawag na LGBT (lesbian, gay, bisexual, at transgender)
na nagnanais din na matanggap at kilalanin ang kanilang karapatan
bilang mamamayan.
Konsepto ng Gender at Sex

Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy


sa kasarian-kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa
Gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.

Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa


biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba
ng babae at lalaki. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa
mga panlipunang gampanin, kilos, at Gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki.
Katangian ng Sex (Characteristics of Sex)
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang
ang mga lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle( bayag) samantalang ang babae ay
hindi nagtataglay nito.

Katangian ng Gender (Characteristics of Gender)


Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi
nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
Oryentasyong Seksuwal
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity(SOGI)?

Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang orentasyong seksuwal(sexual orientation)


ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksiyong apeksyonal,emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya,
iba sa kanya, o kasariang higit sa isa. Samantalang ang pagkakakilanlang
pangkasarian(gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma
o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak,kabilang ang personal
na pagtuturing niya sa sariling katawan(na maaaring mauwi, kung malayang
pinipili, sa pagbabago ng anyo o kungano ang gagawin sa katawan sa
pamamagitan ng pagpapaopera,gamut, o iba pang paraan) at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
Heterosexual- mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng
kabilang kasarian, mga lalaki na ang gusting makatalik ay babae at
mga babaeng gusto naman ay lalaki.

Homosexual- mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga


taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gusting
lalaki ang makatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang
sekswal na kapareha.

Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na


lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBT.
Lesbian(tomboy)- sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay
panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy).

Gay(bakla)- mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa


lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na ; bakla, beki, at bayot).

Bisexual- mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.

Asexual- mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa


anumang kasarian.

Transgender- kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay


sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi
magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan.
Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa “Boxer Codex”, ang mga
lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling
Makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito
na mas Malaki ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon
kaysa sa kababaihan.

Ang “BOXER CODEX” ay isang dokumento na tinatanyang ginawa


noong 1595. Ang dokumento(at mga larawan) ay pinaniniwalaang
pagmamay-ari ni Luis Perez Dasmariñas, ang Gobernador-Heneral ng
Pilipinas noong 1593-1596.
Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas
Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula
sa magkasamang impluwensya ng international media at ang local na
interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa.
Sa mga huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90,
maraming pagsulong ang inilunsad na nagging daan sa pag-usbong
ng kamalayan ng Pilipinong LGBT.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari nga
kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medical. Ito
ay isinasagawa sa paniniwalanag mapapanatili nitong walang bahid dungis ang
babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang
paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pandurugo, hirap
umihi at maging kamatayan.

Ang dekada 90 ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa


Pilipinas.Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993,ang Metropolitan
Community Church noong 1992,at ang UP Babaylan (pinakamatandang
organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP)noong 1992.Ilang kilalang
lesbian organization ang sumulpot noong dekada 90,gaya ng CLCIC (Cannot
Live in a Closet)at lesbian Advocates Philippines (LeAP).Unang partidong
political polikital na komunsulta sa LGBT community ang partidong Akbayan
Citizen’s Action Party.Ang konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo
ng unang LGBT lobby group – ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy
Network o LAGABLAB –noong 1999
Add a Slide Title - 4
Add a Slide Title - 5

You might also like