Buhayin Ang Hapag

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BUHAYIN ANG HAPAG-KAINAN

Isang araw lumapit ang limang taong gulang na batang lalaki sa kanyang ama pagdating nito buhat sa trabaho. Tinanong niya ang ama kung magkano ang kanyang sahod araw-araw. Isang libo, sagot ng ama. Nakiusap ang bata kung maaari siyang makahiram ng pera sa halagang apat ng raan (P400.00). Nabigla ang kanyang ama, kayat pianagalitan niya ang anak. Umiiyak na tumakbo patungong kuwarto ang bata. Napagtanto ng ama na mali ang kanyang ginawa kaya pinagbigyan niya ang anak sa hinihiling nitong pera. Tumigil sa pagiyak ang bata, kinuha ang pera sa kanyang ama at kumuha rin ng pera sa kanyang bulsa sa halagang isang libot anim na raan (P1,600.00). Winika niya sa kanyang ama, Ngayon may dalawang libong piso (P2,000.00) na ako, pwede ko po ba kayong makasama at makausap sa loob ng dalawang araw? Kawalan ng oras para sa isat-isa, ito ang kasalukuyang problema ng karamihan ngayon, lalo na ang bawat kasapi ng pamilya. Maraming anak ang napapariwara dahil hindi napag-uukulan ng tamang oras at pansin ng kanilang mga magulang. Ang pagtitipon sa hapag-kainan ay isa sa mahahalaga at magandang pagkakataon upang magkaisa ang bawat kasapi ng pamilya. Ito ang lugar kung saan higit na nakikilala ng pamilya ang isat isa. Naibubulalas at napapakinggan ang bawat kuwento. Lalong nagpapatatag ng relasyon ng bawat isa ang pagsasama sa hapag-kainan. Sa katunayan, isa ito sa mga sukatan upang masabi nating pinagbubuklod ng tunay na pag-ibig ang pamilya. Ang pagpapakain ni Jesus sa libu-libong tao ay pagpapatunay lang na pinahahalagahan niya ang pagsasama at pagbubuklod ng bawat isa. Ibig sanang pauwiin na ng kanyang mga alagad ang mga tao subalit pinigilan sila ni Jesus. Ayon kay Mateo, nahabag siya sa kanila Ibig ni Jesus na patatagin ang kanilang pagsasama at pagkakaibigan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagkain. Sa kwento ng buhay ni Jesus, marami nang pagkakataong pinatunayan niya ang kanyang layuning pag-isahin ang lahat ng tao, lalo na ang mga naapi sa lipunan at ang mga makasalanan. Marami nang kwento tungkol sa pakikisalo ni Jesus sa hapag ng kanyang mga kaibigan at mga makasalanan. Hindi natin maaring makalimutan ang nangyari sa buhay ni Zacheo nang makituloy si Jesus sa kanyang tahanan. Tiyak na sa hapag-kainan nina Martha, Lazaro at Maria, gayundin sa kasalan sa Cana, at sa marami pang handaan. Bago siya nagdusa, pinag-isa niya ang kanyang mga alagad sa isang hapag-kainan, ang Huling Hapunan. Dito binigyang diin niya ang kahalagahan ng paghahati-hati ng tinapay at pagsasama bilang magkakapatid. Sinabi niyang gunitain ang kanyang ginawang pagbibigay ng sariling katawan at dugo upang maging tunay na pagkain at inumin natin. Ito ang nangyayari tuwing magdiriwang tayo ng Banal na Misa isang malaking hapag-kainan kung saan naririnig at nadarama natin ang pag-ibig ng Diyos at higit nating nakikilala ang ating kapwa. Huwag nawa nating bale-walain ang paglalaan ng sapat na oras para sa bawat isa, lalo na sa mga kasapi n gating pamilya at sambayanan. Ito ang sukatan ng huwarang pakikitungo at pakikipagkaibigan. Buhayin nating muli ang pagsasama sa hapag-kainan, hindi sa harapan ng telebisyon, computer o saan mang lugar sa loob ng bahay. Maglaan tayo ng oras sa ating mga mahal sa buhay. Walang kabuluhan ang ating pagpupunyaging makaahon sa kahirapan kung wala naman tayong inilalaang panahon sa bawat isa. Buhayin natin at palakasin an gating pagsasama at pakikipag-ugnayan. Buhayin natin ang hapag-kainan! Buhayin ang Santa Misa!

You might also like