Ako Ang Daigdig Ni Alejandro G
Ako Ang Daigdig Ni Alejandro G
Ako Ang Daigdig Ni Alejandro G
I ako ang daigdig ako ang tula ako ako ang daigdig ang tula ako ako ang daigdig ng tula ang tula ng daigdig ako ang walang maliw na ako ang walang kamatayang ako ang tula ng daigdig II ako ang daigdig ng tula IV ako ang tula ng daigdig ako ang malayang ako matapat sa sarili sa aking daigdig ng tula ako ako ang tula sa daigdig ako ang tula ang daigdig ako ang daigdig ng tula ako ang daigdig sa tula damdamin larawan buhay tula ako ako ang damdamin ang larawan ang buhay ang buhay na walang hanggan ang larawang buhay III ako ang damdaming malaya
daigdig tula
ako
ANG MANOK KONG BULIK Jose Corazon de Jesus Linggo ng umaga.Ang nayoy tahimik, ang maraming dampay narot nakapinid liban na sa ibong maagang umawit ay wala ka man lang marinig sa bukid Di kaginsaginsay aking naulinig ang pagtilaok na manok kong bulik, akoy napabangon at aking naisip: Pintakasi ngayon!May sabong sa Pasig! Gadali pa halos ang taas ng Araw sa likod ng gintong bundok ng Silangan ay kinuha ko na sa kanyang kulungan ang manok kong bulik na sadyang panlaban Kaykisig na bulik!At aking hinusay bawat balahibong nasira ang hanay, ang palong ay aking hinimas ng laway, binughan ng aso nang upang tumapang! Muling nagtilaok nang napakahaba at saka gumiri nang lalong magara, kumutuk-kutok pat kumahig sa lupa, napalatak ako nang hindi kawasa Ang aking puhunang sampung piso yatay nabilang ko tuloy sa malaking tuwa! Sampung pisong husto! ang aking nawika, kapag nanaloy doble na mamaya! Nang aalis akot handa nang talaga, siyang pagkagising ng aking asawa; sinabi sa aking iwanan ko siya ng maipamaryang dalawang piseta, ang sagot ko namay mangutang sa pagbabalik koy babayaran ta Nguni,di pumayag, akoy lumayas nat baka ang baon koy makulangan pa! Sumakay sa trambia na patungong Pasig, na taglay ang tuwang walang kahulilip; hinihimas-himas ang manok kong bulik 1 at inaantig ko ang lakas ng bagwis! Nang akoy dumating sa Pasig kong langit Ay nagkaritela akong nasasabik; di naman nalaon aking sinapit ang lumang sabungan taoy nagsisikip! Nakiupo akot nakiumpuk-umpok sa hanay ng mga taong tangay manok; ang aking katabiy agad kong hinimok na kamiy magkahig upang magkasubok; mga manok namiy siyang magsasalpok, kaya ako noon sa tuwa ng loob ang panaloy tila salat ko na halos! Nang kamiy naron na sa sadyang bitawan,
ang sigaway halos hindi magkamayaw ang dala kong kwalta, todo sa pustahat pati kusing yatay ipinag-ubusan Sa pula! Sa pula! ang dooy hiyawan, Sa bulik! Sa bulik! ang ditoy tawagan; may logro ang diyes sa aking kalaban at may doblado pa akong napakinggan. Ang tari ay aming hinubdan ng katad at ang talim nitoy kumisap na kagyat; iniaro ko na ang manok kong hawak saka ibinaba nang lubhang banayad nagpandali na po sa gitna ng galak ang bulik at pulang kapwa malalakas, nang magkasalpok na sa dakong itaas ang pulay natarit bitukay lumabas! Panalo na ako! ang aking nasambit, ang kagalakan koy walang kahulilip, ngunit sa hindi ko malaman kung bakit ay biglang tumakbo ang manok kong bulik at hagad ng pulay sa sulok, sumiksik na nangungupeteng sa karuwagay labis Kaya, sa nangyari ako ay nanlamig At pinagpusan pa ng gamunggong pawis Nang aking kunin na ang manok kong duwag, ngalingali ko nang sa lupay ihampas; 2 biro baga itong wala namang sugat ay siyang tumakbo nang wala sa oras! Ang sambalilo koy nalabnot kot sukat at akoy nanggigil sa sariling palad; hiyawan ng taoy hindi magkamukat at parang tiyope ang manok kong hawak! At akoy umuwing malatang-malata, malamig ang tulo ng pawis sa mukha, nang aking sapitin ang sira kong dampa sa aming palayok tutong man ay wala Mainit ang ulot walang patumangga sa aking asaway nasabi kong bigla: O! anak ng tupa! Ako ay sinama, dahil sa kaninay namwisit kang lubha! Sa nangyaring itoy isang bagay lamang ang sa pagkataloy aking natutuhan, bawat pagkabigo ay aral sa buhay at tinandaan kong sabong ay ilagan, iyang mga taong lagi sa sabungan todo kung pumustat todo kong humapay, alin sa dalawa ang kahihinatnan: Mamatay ng gutom o kayay magnakaw!