Kabihasnang Mesoamerica
Kabihasnang Mesoamerica
Kabihasnang Mesoamerica
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
ilang tribo sa hilaga. Ang paghina ng lugar ay maaring dulot ng matinding tagtuyot at pagkasira
ng kalikasan
10. Isang Obsidian at si Quetzalcoatl
11. Kabihasnang Maya (1000 900 CE) Namayani ang kabihasnang Maya sa Yucatan
Peninsula, ang rehiyon sa timog Mexico hanggang Guatemala Lungsod: Uaxactun, Tikal, El
Mirador at Copan Nakamit ng Maya ang rurok ng kanyang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE at
700 CE Katuwang ng mga pinuno ang kaparian sa pamamahala Halach Uinic o Tunay na
Lalaki ang tawag sa mga Pinuno na nagpapalawig sa kanilang pagsamba sa mga Diyos May
mga maaayos na kalsada at rutang pantubig ang mga Estado May pagkakahati ang mga tao sa
lipunan: Mariwasa at Mahirap Ang Sentro ng bawat lungsod ay ang mga pyramide
12. HALACH UINIC MAYAN GODDESS OF THE MOON
13. La Danta Stepped Pyramids of The Mayans
14. KABIHASNANG MAYA (100 900 CE) Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga
produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy at balat ng
hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay
mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya at cacao. Pagkatapos ng ikawalong siglo
(800 CE) ang ilang mga lungsod ay nilisan , ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga
estruktura ay tuluyang bumagsak. Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa mga sento
ng maya ay inabandona at iniwan. Nanatili pa ng ilang siglo ang mga lunsod ng Chichen Itza,
Uxmal, Edzna at Copan. Ngunit ang lunsod lamang ng Mayapan ang namayani hanggang sa
magganap ang isang pagaalsa noong 1450. Hindi parin lubusang maipaliwanag ang pagbagsak
ng kabihasnang ito.
15. The Role of Agriculture in the Mayans Livelihood
16. Paglisan ng mga Mayan na sinasabing dahilan ng pagkasira ng kalikasan, pagbasak ng
produksiyon ng pagkain o paglaki ng populasyon,
17. Umusbong sa Central Mexico at ang pangunahing lungsod ay ang Tula. Pinaniniwalaang
nagmula sa kulturang Teotihuacan. Ang wika ng Toltec ay Nahuatl na ginamit din ng Aztec at
kasalukuyang isa sa official language ng Mexico. Lumawak ang imperyo sa pamamagitan ng
paggamit ng pwersang militar at sinaklaw ang mga bahagi ng Mexico at Guatamela. Ang kaunaunahang hari at tagapagtatag ng Tula ay si Chalchiuh Tlatonac. Sinalakay sila ng mga Aztecs
upang kuhanin ang kanilang materyales galing sa kanilang kabisera. Ang mga kaalaman ukol sa
mga Toltec ay mula sa mga alamat na hango sa mga sumunod na kabihasnan at batay sa mga
panulat ng mga Aztecs. Ang mga pinuno ay bumuo ng isang kaisipan na sila ay Diyos.
Sinamba ng mga Toltec ang kanilang mga pinuno at ito naman ay ng namana ng mga Aztec.
Ang imperyo ay winasak ng mga Chitimerc atbp pangkat. Sa pagbagsak ng imperyo, nalugmok
ang Gitnang Mexico sa kaguluhan at digmaan. Ang mga Toltec (1000 13000 CE)
18. STATUES OF THE MIGHTY TOLTEC WARRIORS CHALCIUH A TOLTEC LEADER
19. KABIHASNANG AZTEC (1325 1521 CE) Mga nomadikong tribo, ngunit hindi matukoy
ang pinagmulan. Unti-unti silang tumutungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng 1ka-12 na
siglo. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang Isang nagmula sa Aztlan. Isa itong mitikong
lugar sa Hilagang Mexico. Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang
maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang lawang ito ay matatagpuan sa Lambak ng
Mexico. Nasakop nila ang ibang tribo sa Gitnang Mexico kaya naman naging mahalagang
Sentrong pangkalakalan ang Tenochtitlan. Nakabatay sa pagtatanim ang ekonomiya ng Aztec.
Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak para sa buong
populasyon. Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang
mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga
floating garden sa gitna ng lawa. Mais ang kanila pangunahing tanim. Ang iba pa ay patani,
kalabasa, abokado, sili at kamatis. Nagaalaga rin sila ng mga pabo, aso, pabo at gansa. Umaasa
sila sa mga diyos at sa puwersa ng kalikasan. Isa rito ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw at
kay Tlaloc, ang diyos ng ulan. Naniniwala sila na dapat bigyan ng alay ang mga diyos na ito.
Nag-aalay sila ng mga tao na kadalasan ay sarili nilang bihag. Pagsapit ng 1500 CE nagsimula
ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang nagbigay daan nito ay si
Tlacaelel , isang tagapayo at heneral.
20. 20. KABIHASNANG AZTEC (1325 1521 CE) Ang paninindak at dahas ay isa sa mga naging
kaparaanan upang makontrol at pasunod ang iba pang mga karatig lugar nito. Ang mga nasakop
na lungsod ay kinailangan ding bigyang ng tributo o buwis. Dahil rito, naging sentrong
pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean hanggang sa Gulf of Mexico.
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero, nakagawa rin sila ng mga kanal, aqueduct, mga
dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan at mga pamilihan. Sa pagsapit ng ika-15 siglo,
tinatayang 300,000 katao na ang populasyon ng Tenochtitlan. Sa pagdating ni Hernando Cortes,
na nanumo sa eskspedisyong Espanol natigil ang pamamayani ng mga Aztecs. Inakala ni
Montezuma II na ang pagdating ng ga Espanol ang sinasabing pagbalik ng kanilang diyos na si
Quetzalcotl dahil sa mapuputing kaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang
Tenochtitlan. Dahil ito sa pang-aalipin, digmaan, labis na paggawa, pagsasamantala at sa small
pox na dala ng mga Espanyol. Nabawas sa kabuuang katutubong populasyon ng Mesoamerica
ng 85%-95% sa loob ng 160 taon.
Isa rin a ng Aztec sa mga umusbong sa Mesoamerica. Mataas ang kaalaman nilahinggil sa
inhinyeriya, arkitektura, sining, matematika at astronomiya. Isa sila sa mga kauna-unahang
taong nagpahalaga sa edukasyon. Ang mga kabataan ay nagaaral ng karunungang sibika, kasaysayan at relihiyon. Ang kanilang lungsod na Tenochtitlan
ay sinasabing ang pinakamalaking lungsod noong ika-16 na siglo.
Aztec
temple na hugis piramide