Pie Graph
Pie Graph
Pie Graph
Ang Talangguhit o Line graph ay ginagamit upang ipakita ang ibat-ibang impormasyon at datos sa pamamagitan ng
paggamit ng mga linya. Ito ay ginamagamit upang ipakita ang pagtaas at pagbaba ng datos sa magkaibang panahon o pangyayari.
Ipinapakita sa line graph na ito ang gross income ng WVSU Publishing House sa kanilang Science at Math books sa nakaraang
dalawang buwan. Noong Enero 15, 2012, Kumita ang Publishing House ng Php. 40,000 sa pagbebenta ng mga Science Books.
Samantalang umabot naman ng Php. 11000 ang halaga ng nabentang Math Books sa mag katulad na araw at buwan.
Ang kita ng mga Science books ay bumababa noong Enero 30, 2012. Nakabawi lamang ito ng tumuntong na sa buwan
ng Pebrero. Natapos ang buwan ng Pebrero na kumita ang Math books ng Php. 50,000. Ang mga Math books naman ay
nagpapakita ng pagtaas mula sa buwan ng Enero hangang sa katapusan ng Pebrero maliban na lamang noong Pebrero 15, 2012
na kumita lamang ng Php. 25,000. Ang pinakamataas na naibenta sa mga librong ito ay noong Pebrero 28, 2012. Naipakita ang
impormasyon ng maayos sa pamamagitan ng line graph.
Ano ang Talangguhit o Line graph?
Ito ay isang uri ng grap na gumagamit ng linya para maipakita ang pagkakaugnay ng mga bagay o datos na
pinaghahambing. Ipinapakita ng linya kung paano nagbabago ang bilang, dami o sukat ng mga bagay o datos na ipinapakita sa
grap.
BAR GRAPH
Naipapakita sa graph na ito ang pagkaiba-iba ng bilang ng mga Nursing Students na nasa Level 1 sa ibat-ibang
Unibersidad sa Lungsod ng Iloilo. Ang Central Philippine Univrsity ang may pinakamalaking populasyon na umaabot sa 280 na mag
aaral. Ang West Visayas State University naman ang pumapangalawa na umaabot sa 171 na mag-aaral sa kursong Nursing sa
unang baiting. Pinakahuli naman ang Iloilo Doctors College na mayroon lamang ng 59 na mag aaral sa level 1. ang bar graph na ito
ay nagpapakita ng pagliit ng populasyon ng mga kumukuha ng kursong Nursing kung ikukumpara sa mga nakaraang taon.
Ang bilang ng mga mag aaral ay hindi nagkakalayo. Ang St. Paul University Iloilo at University of Iloilo-Phinma naman ay
nasa gitna ng listahan kung bilang ng mag aaral ang pinag-uusapan. Mayroon lamang sila ng 160 a 119 na mag aaral sa unang
baiting. Ang range ng bilang nag mag aaral ay umaabot lamang ng 50 hangang 200. Naangkop ang paggamit ng Bar graph upang
ipakita ang mga impormasyon nakalatag.
Ano ang Bar Graph?
Ang bar grap ay ginagamit sa paghambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat. Nagpapakita ito ng kaugnayan ng mga
ideya o paghahambing ng magkaugnay na mga ideya.
PICTOGRAPH
Ang Pictograph ay ang graph na gumagamit ng mga larawan. Ang isang larawan ng Palay ay kumakatawan ng 20 sako
ng bigas. Ang mga taon na nasasakop sa graph na ito ay ang mga sumusunod: 2007, 2008, 2009, 2010 at 2011. nakaani lamang
ang pamilyang Reyes ng 80 na sako ng bigas noong 2007. Ang 2011 naman ay may pinakamalaking nakita na umaabot sa 220 na
sako ng bigas.
Noong 2010, mayroong 160 na sako ng bigas. Mas mataas ito kumpara noong taong 2009 na mayroon lamang 120 na
sako ng bigas. Ngunit mas mababa ito noong 2008 na mayroon lamang 180 na sako ng bigas. Ang kabuuang nakita ng pamilyang
Reyes sa loob ng magkakasunod na 5 taon ay 760 na sako ng bigas. Ang pictograph ay makakatulong upang mas malinaw ang
pagpapakita ng impormasyon.