Academia.eduAcademia.edu

Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ

2024, International Journal of Research Studies in Education

https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24831

This study examined Generation Z words and their meaning used by the junior high school students enrolled in Science, Technology, and Engineering (STE) program of Capiz in three National High School in the Schools Division of Capiz, Philippines for school year 2022-2023. This study employed a mixed methods approach to investigate Generation Z language among 260 students in Grades 7-10. Data were collected through questionnaires, checklists, interviews, and a legend of morphological processes. The study identified 326 Generation Z words and 14 morphological processes, with combination/multiple processes and borrowing being the most frequent. Thematic analysis revealed that students use Generation Z language as a way of expressing one's emotions and thoughts, styles of personal expression, ways of communication, interaction, and a sense of belongingness, meaningful usage based on a situation, context, and to someone talking with, as influenced by their friends, it gives a feeling of being part of the group and has its positive use. The findings suggest that Generation Z language is influenced by peer groups and serves as a positive social marker.

International Journal of Research Studies in Education 2024 Volume 13 Number 16, 55-73 Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ Nobleta, Vincent Northern Iloilo State University, Philippines ([email protected]) Eliaga, Catherine Negros Oriental State University, Philippines ([email protected]) ISSN: 2243-7703 Online ISSN: 2243-7711 Received: 19 August 2024 Available Online: 1 October 2024 Revised: 25 September 2024 DOI: 10.5861/ijrse.2024.24831 Accepted: 1 October 2024 OPEN ACCESS Abstract This study examined Generation Z words and their meaning used by the junior high school students enrolled in Science, Technology, and Engineering (STE) program of Capiz in three National High School in the Schools Division of Capiz, Philippines for school year 2022-2023. This study employed a mixed methods approach to investigate Generation Z language among 260 students in Grades 7-10. Data were collected through questionnaires, checklists, interviews, and a legend of morphological processes. The study identified 326 Generation Z words and 14 morphological processes, with combination/multiple processes and borrowing being the most frequent. Thematic analysis revealed that students use Generation Z language as a way of expressing one’s emotions and thoughts, styles of personal expression, ways of communication, interaction, and a sense of belongingness, meaningful usage based on a situation, context, and to someone talking with, as influenced by their friends, it gives a feeling of being part of the group and has its positive use. The findings suggest that Generation Z language is influenced by peer groups and serves as a positive social marker. Keywords: Generation Z, slang, morphological process, word formations, thematic analysis © The Author(s) / Attribution CC BY Nobleta, V., & Eliaga, C. Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ 1. Introduksiyon Ang wika ay instrumentong ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kaniyang saloobin, emosyon, iniisip, at pakikipagkapuwa-tao (Nucasa et al., 2021). Sa kasalukuyan, wika pa rin ang mahalagang kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon. Gaya ng inaasahan, sumasabay ito sa pagbabagong nagaganap sa pamumuhay ng tao lalong-lalo na sa panahong malaganap ang paggamit ng makabagong teknolohiya at social media. Sa mabilis na pag-usbong ng mga ito ay ang pagsibol din ng GenZ. Sila ay ang mga kabataang isinilang sa mga taong 1995 hanggang 2012 (Barhate at Dirani, 2022) na kasalukuyang nag-aaral sa junior high school na may mga edad na nasa 12 hanggang 17 (Department of Education, 2022). Mapapansin ang kanilang pagkakakilanlan ayon sa wikang kanilang ginagamit na malayo at ibang-iba sa mga nausong bokabularyo o mga salitang balbal ng mga nagdaang henerasyon. Nagkakaiba-iba ang wika batay sa kalagayang panlipunan, paniniwala, kasarian at edad. May pagkakaiba sa wika ng matatanda at ng kabataan; mayaman at mahirap; lalaki at babae; at ng iba pang pangkat. Ginagamit ang ganitong uri ng wika upang magkaroon ng sariling wikang hindi nauunawaan ng ibang pangkat. Pinatutunayan lamang na ang wika ay buhay at dinamiko (Dayag at Del Rosario, 2017). Ang kabataang GenZ ay karaniwang gumagamit ng internet at social networking websites sa katotohanang sila ay nahantad sa paggamit ng teknolohiya. Sa kabila ng kanilang kakayahan sa paggamit ng mga ito, maoobserbahan pa rin sa kanila ang pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga sa pagkakaroon ng bukas na pakikipagtalakayan. Gayundin, sila ay positibong tumutugon sa mga pangyayaring nagaganap sa kanilang paligid at may kakayahang makipaghalubilo sa kapwa. Para sa kanila, mahalagang isaalang-alang ang kanilang opinyon sa pagdedesisyon (Salleh, Mahbob, at Baharudin, 2017). Ang balbal o islang ay tumutukoy sa mga salitang impormal at mga ekpresyong hindi maituturing na istandard na wika na ginagamit sa pakikipag-ugnayan ng isang partikular na henerasyon, nasyon at antas ng lipunan. Ito ay ginagamit ng tao sa mga impormal na okasyon at itinuturing na unibersal sapagkat umuusbong ito sa lahat ng wika at iba’t ibang henerasyon. Tumutugon ito sa mga pangangailangang sosyal at nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga taong gumagamit nito. Ayon sa mga mananaliksik, gumagamit ang mga tinedyer ng senyas, salita, parirala o pangungusap upang hindi maunawaan ng iba. Sa ganitong pagkakataon, nakagagamit sila ng mga salitang hindi sumusunod sa wastong estruktura ng wika (Irma, Merina, at Theresia, 2018). Sa pag-aaral nina Noval (2020) at Gime at Macascas (2020) ay natuklasang ang mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon ay gumagamit ng mga makabagong kaparaanan o morpolohikal na proseso sa pagbuo ng mga salitang balbal gaya ng kombinasyon o maraming proseso, pagbabago sa kahulugan, pagbabaligtad, pagbuo ng ekspresyon, pagpapalit ng salita sa salita, pagpapalit-pantig, pag-uugnay sa pangalan ng politiko, at pagbabago sa ispeling. Natuklasan din ni Pradianti (2013) na ang mga mag-aaral sa junior high school na ang nangungunang kaparaan o mas gamiting proseso sa paglikha ng mga salitang balbal ay ang coinage o pag-iimbento ng mga salita at sinundan ito ng blending o paghahalo na kinapapalooban ng pagdurugtong ng una at huling pantig ng dalawang magkaibang salita. Bilang guro sa Filipino, mahalagang mapag-aralan ang wika ng GenZ upang makasabay sa pagbabago nito. Mahalagang matutuhan at maunawaan ang mga salitang balbal at kahulugan ng mga ito na ginagamit nila sa pakikipagtalastasan. Gayundin ang iba’t ibang kaparaanan kung paano ito nabubuo upang matukoy ang kanilang mga kadahilanan kung bakit nila ito ginagamit sa pakikipag-usap. Ang pagtuklas sa mga kaalamang kaugnay nito ay daan upang mabisang makipag-ugnayan ang guro sa kaniyang mga mag-aaral. Ito ay paraan ng pag-unawa at pagtanggap sa wikang kanilang ginagamit nang sa gayon ay maiwasan ang hindi pagkakaunawan sa pagitan ng bawat henerasyong kinabibilangan. 56 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators) Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ Ang paggamit ng mga salitang GenZ sa pakikipag-usap sa mga mag-aaral ng makabagong henerasyon ay nagpapakita ng suporta at pagtanggap sa kanilang pagkakakilanlan lalong-lalo ng wikang kanilang ginagamit. Laging tandaan, ang wika ay kailangang tumutugon sa pangangailangan ng bawat henerasyon upang ito ay manatiling buhay at kapaki-pakinabang. Gayon pa man, bilang guro ng wika ay mahalagang matutuhan pa rin ng mga mag-aaral ang paggamit ng angkop na wika batay sa sitwasyon o konteksto kung saan nagaganap ang komunikasyon. Nakasaad sa gabay pangkurikulum sa Filipino ang pagpapaunlad sa kakayahang komunikatibo na kinapapalooban ng bokabularyo. Inaasahang ang mga mag-aaral sa ilalim ng K to 12 Program ay may ganap na kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasan (Department of Education, 2016). Ang pag-aaral na ito ay isang malaking oportunidad upang mabigyang linaw ang mga katanungang bumabalot sa mabilis na pag-usbong, paglaganap, at pagbabago sa mga salitang balbal na ginagamit sa kasalukuyang henerasyon. Maipapakita nito ang dimensyon sa pagitan ng salitang balbal at Filipino bilang istandardisadong wika. Mahalagang matukoy ang mga salitang balbal na ginagamit ng mga mag-aaral sa junior high school sa pakikipagkomunikasyon at kung paano ito nabubuo at patuloy na umuusbong. Dahil dito, nahimok ang mananaliksik na mapag-aralan ang wika ng GenZ. Mga Suliranin ng Pag-aaral - Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang mga salitang GenZ na ginagamit ng mga mag-aaral sa junior high school ng Science, Technology and Engineering ng tatlong (3) National High School sa Dibisyon ng Capiz, Pilipinas sa Taong Panuruang 2022-2023. Tiniyak din sa pag-aaral ang mga sumusunod: (1) matukoy ang mga morpolohikal na proseso o mga kaparaanan sa pagbuo ng mga salitang balbal, (2) masuri ang kaparaanan sa pagbuo ng salita o morpolohikal na proseso, at (3) mabigyang kadahilanan ang paggamit ng mga salitang GenZ sa pakikipag-usap ng mga mag-aaral sa junior high school. 2. Metodolohiya Disenyo ng Pag-aaral - Ginamit sa pag-aaral ang kombinasyon ng deskriptibong kwaliteytib at kwantiteytib. Ang kwaliteytib ay may layuning mailarawan at mailahad ang isinagawang pagsusuri sa suliraning hindi mabilang o masukat. Sa pangangalap ng detalyadong datos, isinasagawa ang pagtatanong ng mananaliksik sa mga respondente, pag-aanalisa at pag-aaral sa nakalap na impormasyon nang sa gayon ito ay mailarawan at makalikha ng tema. Mula sa nakalap na datos, ito ay bibigyan ng kahulugan batay sa sariling pananaw at paglalarawan. Samantala, ang kwantiteytib na pag-aaral ay paraan ng pag-iimbestiga, pangangalap ng mga datos at impormasyong estadistikal. Karaniwang ginagamit sa pananaliksik na ito ang sarbey, eksperiment at pagsusuring estadistikal. (Nucasa et al., 2022). Sa pamamagitan ng mga disenyong binanggit, natukoy ang mga salitang balbal at mga kahulugan nito na ginagamit ng mga mag-aaral sa junior high school. Gayundin, masusing nasuri at napagpangkat-pangkat ang mga salitang GenZ ayon sa morpolohikal na proseso o kaparaanan sa pagbuo ng mga salita. Sa pagtukoy ng mga kadahilanan, ginamit ang tseklist at interbyu sa anim (6) na mga mag-aaral na may pareho o may pagkakatulad ang kasagutan. Ginamit ang cellphone upang mairekord ang kanilang mga tugon. Ito ay ginawan ng transkripsyon upang masuri at matukoy ang lumilitaw na tema nang sa gayon ito ay mabalangkas at maayos na mailahad. Respondente - Ang mga nagsilbing respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nasa baitang 7 hanggang 10 ng programang Science, Technology and Engineering (STE) ng junior high school ng tatlong (3) National High School sa Sangay ng Capiz sa ikalawang markahan ng taong panuruang 2022-2023. Sila ay pinili ayon sa itinakdang pamantayan ng mananaliksik: (1) may kakayahan, kaalaman, nabibigyan ng kahulugan at nagagamit ang mga salitang GenZ, (2) may kahantaran sa paggamit ng teknolohiya at social media na pangunahing pinagmumulan ng makabagong anyo ng salita, (3) nagmula sa programang STE, at (4) kumukuha ng asignaturang Filipino 7-10 na naaayon sa batayang kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang kabuoang sampol ay binubuo ng 260 mga mag-aaral na nagmula sa kabuoang populasyon na 706. Natukoy ang tiyak na sampol gamit ang sample calculation table ni Gill et al., (2010, na binanggit ni Taherdoost, 2018). Kinuha ang sampol sa tatlong National High School. Sa una ay isandaan at dalawampu’t siyam (129), sa pangalawa ay animnapu’t apat (64) at sa ikatlo ay animnapu’t pito (67). International Journal of Research Studies in Education 57 Nobleta, V., & Eliaga, C. Instrumento - Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang: (1) talatanungang kinapapalooban ng mga talahanayan at tseklist na sinuri ng mga eksperto. Ginamit ito sa pangangalap ng mga salitang GenZ, mga kahulugan, at mga dahilan sa paggamit ng mga ito. Nakapaloob din dito ang inihandang katanungan sa pagsasagawa ng interbyu, (2) talatanungan para sa pagsasagawa ng balidasyon o beripikasyon ng mga nakalap na mga salitang GenZ at mga kahulugan nito upang masiguro na ang mga nakalap na mga salita ay nabuo at umusbong lamang sa henerasyong ito, (3) leyenda ng iba’t ibang uri ng morplohikal na proseso o kaparaanan sa pagbuo ng mga salita na nagsilbing batayan ng mananaliksik sa pagsusuri, at (4) pamantayan sa pagpili ng mga gurong tagasuri sa isinagawang pagsusuri ng mga salitang GenZ ayon sa morpolohikal na proseso. Paglikom ng Datos - Bago ang pagsasagawa ng pag-aral, siniguro ng mananaliksik ang pagkakaroon ng pahintulot sa mga kinauukulan gaya ng superintendente ng Sangay Capiz, mga punongguro ng tatlong (3) National High School at mga magulang ng mga mag-aaral na nagsilbing respondente. Ang mga respondente ay inabisuhan na ang pagsagot sa talatanungan ay isasagawa sa oras ng klase nila sa Filipino sa paggabay ng mananaliksik. Sa panahon ng pagsasagawa ng pag-aaral, nagkaroon ng oryentasyon gaya ng paglalahad ng layunin nito pati na ang tamang paraan ng pagsagot sa talatanungan. Ipinaliwanag din na ang kanilang sensitibong impormasyon, pagkakakilanlan at mga naging kasagutan ay mananatiling lihim at pribado. Siniguro rin ng mananaliksik ang pagbibigay ng sapat na oras sa mga respondente upang makasagot sila nang maayos sa talatanungan. Bilang pagtatapos, sinigurado ng mananaliksik na ang talatanungan ay maayos at kompletong nasagutan. Muling binalikan ng mananaliksik ang anim (6) na respondenteng may pareho o magkatulad na kasagutan kaugnay ng mga dahilan sa paggamit ng mga salitang GenZ. Sila ay lumahok sa isinagawang interbyu upang sagutin ang mga inihandang katanungan ukol sa mga dahilan nila sa paggamit ng mga salitang balbal. Pinaalam sa kanila ng mananaliksik ang paggamit ng cellphone upang mairekord ang interbyu para sa maayos na pagtatala ng mga kinakailangang datos. Pagsusuri ng Datos - Ang mga respondente ay sumagot sa talatanungang kinapapalooban ng mga talahanayan na kung saan ay kanilang itinala ang mga salitang GenZ na kanilang ginagamit pati na ang mga kahulugan nito. Itinala sa talahanayan ang lahat ng nakalap na datos upang maiwasan ang duplikasyon ng mga entri. Ito ay sumailalim sa balidasyon at beripikasyon ng mga tagasuring napapabilang sa Henerasyong X, Y at Z at may sapat na kaalaman sa mga salitang balbal upang masiguro na ang mga salitang Genz na nakalap ay umusbong lamang sa henerasyong ito at mapatunayang naiiba, hindi pa umusbong at nagamit sa ibang henerasyon. Sa pagtukoy ng mga ginamit na morpolohikal na proseso o kaparaanan sa pagbuo ng mga salitang GenZ, ginamit ang leyenda na kinapapalooban ng dalawampu’t apat (24) na uri ng mga morpolohikal na proseso na nakalap ng mananaliksik kasama na rito ang mga makabagong kaparaanan. Sa natukoy na mga kaparaanan, isinagawa ang pagkakategorya o pagpapangkat ng mga salitang GenZ ayon sa uring kinabibilangan nito. Ang isinagawang pagsusuri ay sumailalim sa balidasyon ng 3 eskperto o dalubwika upang matukoy ang katumpakan ng mga datos. Sa pagtukoy naman ng mga dahilan ng mga respondente sa paggamit ng mga salitang GenZ, ginamit ang tseklist at interbyu. Anim na respondente ang pinili upang makilahok sa interbyu. Sila ang mga respondenteng may pagkakapareho o pagkakatulad ang kasagutan kaugnay ng kanilang mga dahilan sa paggamit ng mga salitang GenZ. Ang kanilang mga kasagutan ay inirekord gamit ang cellphone at ginawan ng transkripsyon. Ito ay maayos na itinala, sinuri, binalangkas at inilahad upang matukoy ang lumilitaw na tema. 3. Resulta at Pagtalakay Inilahad sa bahaging ito ang resulta ng isinagawang pag-aaral ukol sa mga salitang GenZ at mga kahulugan nito na nakalap mula sa mga respondente. Inilahad din dito ang mga morpolohikal na proseso at/o mga nangungunang kaparaanan sa pagbuo ng mga salitang GenZ na kinategorya ayon sa uring kinabibilangan nito. Nakapaloob din dito ang mga nabuong tema mula sa isinagawang panayam kaugnay ng mga kadahilanan ng mga respondente sa paggamit ng mga salitang balbal. Ang mga morpolohikal na proseso o kaparaanan sa pagbuo ng mga salitang GenZ na ginagamit ng mga mag-aaral sa junior high school – Inilahad dito ang resulta ng pagsusuri ng mga datos mula sa mga respondente. 58 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators) Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ Ginamit ang mga talahanayan upang maayos na masuri ang mga salita. Ito ay kinategorya sa labing-apat (14) na uri gaya ng: (1) kombinasyon o maraming proseso, (2) panghihiram, (3) pagbabaligtad, (4) pagbuo ng ekspresyon, (5) pagbabago ng ispeling, (6) pagpapalit ng salita sa salita, (7) pagbabago ng kahulugan, (8) paggamit ng akronim/inisyalismo, (9) paghihimig o onomatopeya, (10) pagpapaikli, (11) pagdaragdag, (12) paghahalo, (13) pagkakaltas, at (14) pagpapalit-pantig. Talahanayan 1.A Morpolohikal na Proseso – Kombinasyon Mga Salitang GenZ Aesthetic AFAIK AFK AMP Arats Babagrill Baddie Bare minimum Beef BFR BL Blue flag Bouta Boy Besfren BRB Can u do sum 4 me Cap Carps Common L Common W Cookerist CR Crdts Crushiecakes Cya Cyst, Sizt Dancerist Deez nuts DIY DM Dog show DP DYK Ekoj Em Emas Emeged Estetik, Istitik, Istetik Etuc Eurt Evol Ez Fax Ferson, Ferzown Fine Finna Fire Flop Kahulugan Maganda, may fashion o magara manamit, sunod sa uso ang pananamit As Far As I Know, sa aking pagkakaalam Away From Keyboard, ibig sabihin ay offline, madalas gamitin sa mga online game Ain't My Problem, hindi ko problema Nagmula sa salitang tara na binaligtad, nangangahulugang tayo na Ibang bersyon ng salitang baby girl Tumutukoy sa taong nagtataglay ng hindi mabuting ugali Pagpapakita ng pagmamahal, motibo, kakulangan at iba pa Away, malayo Be For Real, magpakatotoo, magsabi ng totoo Boy Love, hango sa isang anime o pelikulang may temang homosekswal Mabuting tao I am about to, tumutukoy sa gawaing isasagawa pa lamang Boy bestfriend, kaibigang lalaki Be Right Back, magbabalik, muling magbabalik Hango sa liriko ng sikat na kanta Hindi totoo, nagsasabi ng hindi totoo Carpet, karpet Loss, talo, pagkatalo Winner, panalo, pagkapanalo Magaling magluto Classroom, silid-aralan Credits, kredit, hango sa/ka, hiniram kay/sa, mula sa/kay Nagmula sa mga salitang crush at cakes na tumutukoy sa taong hinahangaan See ya (you), hanggang sa muling pagkikita Sister, salitang sister na pinaikli Dancer, mananayaw, mahilig o magaling sumayaw This nuts, ekpresyong ginagamit sa pagkainis o pagkabigo Do It Yourself, gawin nang mag-isa Direct Message, direktang pagpapadala ng mensahe sa tao Salitang tumutukoy sa pagbibiro, pang-aasar Day's Profile/Display Picture, tumutukoy rin ito sa profile picture ng user account sa social media Did You Know, alam mo ba? Binaligtad na salitang joke, biro Me, ako Mula sa salitang binaligtad na same, pareho Mula sa pahayag na Oh My God! Maayos, magara at makabagong istilo ng pananamit, ginagamit din upang insultuhin o pagtawanan ang pananamit ng iba Binaligtad na salitang cute, tumutukoy rin sa taong maganda o guwapo Mula sa salitang true; tunay, totoo Mula sa salitang love na binaligtad, mahal Easy, madali Bagay na maiuugnay sa sariling karanasan, may katotohanan Person, tao Balingkinitan, maalindog, kahali-halina Fixing to, ayusin, gawin Naglalarawan sa kamangha-manghang bagay Tumutukoy sa mga bagay na hindi maganda o negatibo International Journal of Research Studies in Education 59 Nobleta, V., & Eliaga, C. FM FO Fols For da For da go For today's bedeyu Fosho Friendzone Fruity FTW FZ G ako Gais GBF GBY Gege/ge GGWP Ghost Girlboss Girlypop GL GMG GN GOAT Goated Green flag GRWM GS GTG GTK Gurl Hakdog, Ha? Hakdog Hamburg Help HRU I purple u IDC IHT IKR IKYK ILYT IMO IMYSM IMYT Islay ISS ISTG JK, J Ka-vibe Kras Krazy KYS L Lalaki moments Lavet LC Let's gaur, Let's gooo LF LFB First Move, unang kumilos Friendship Over, tapos na ang pagkakaibigan False, hindi totoo, walang katotohanan For the, para sa, ginagamit pang-asar, idinudugtong sa unahan ng salita For the go, pakikisangkot sa gawain For today's video, ang gagawin ngayon, tumutukoy sa susunod na gagawin For sure, sigurado Hanggang kaibigan lang ang relasyon Tawag sa tao tuwing may naaamoy na kabaklaan, kumikilos na gaya ng bakla For The Win, pananaw ng isang tao sa posibilidad na pagkapanalo Friend Zone, hanggang kaibigan lang ang relasyon Game ako, may intensyong makisali sa gawain Guys, salitang ginagamit sa grupo ng kaibigan Girl Best Friend, kaibigang babae God Bless You, ingat ka, pagpalain ka Sige, salitang ginagamit sa pagsang-ayon Good Game Well Played, paraan ng pagbati sa tao dahil sa mabuting resulta ng laro, pagbati sa taong nanalo sa laro Taong pinaasa o biglang naglaho, salitang iniuugnay kapag iniwan at hindi na nagparamdam ang isang tao Tawag sa babaeng may kasarinlan o kalayaan Bading Girls Love, hango sa isang anime o pelikulang may temang homosekswal Google Mo Girl, hanapin sa google Good night Greatest Of All Time, pinakamahusay sa kaniyang karera o propesyon Good at the game, magaling sa laro Taong may positibong katangian, mabuting tao, maganda ang ugali, matino Get Ready With Me, paghahanda sa isang sitwasyon o gawain Girls Squad, grupo o pangkat ng mga babae Gotta Go, Got to Go, kailangan kong umalis Good To Know, paraan ng pagpapasalamat sa nakuhang impormasyon Girl, tawag sa kaibigang babae Hotdog, ginagamit sa pang-aasar, pang-iinsulto, katuwaan, pangungulit o pambabara sa taong kausap Iba pang bersyon ng salitang hamburger Salitang ginagamit sa tuwing natatawa, nangangahulugan din ito sa wikang Ingles na stop o huminto How are you? Kumusta ka? I love you, mahal kita I Don't Care, wala akong pakialam I Hate You, kinamumuhian kita, hindi kita gusto I Know Right, alam ko I Know You Know, alam ko na alam mo I Love You Too, mahal din kita In My Opinion, sa aking opinyon, sa aking pananaw I Miss You So Much, miss kita nang sobra I Miss You Too, nami-miss din kita Slay, isang komplimento o papuri, magpakitang gilas I'm So Sorry, ipagpaumanhin mo I Swear To God, pagsasabi ng totoo Just Kidding, joke, biro lang Mga taong may kaparehong hilig Crush, taong hinahangaan Crazy, baliw Kill Yourself, salitang nagtataglay ng positibo at negatibong kahulugan, mag-ingat Loser, fail, paraan ng pang-iinsulto, panunukso Red flag moments, pagsasagawa ng mga hindi mabubuting gawain Love it, gusto ko iyan/ito Last Chat, huling chat o mensahe Let's go, tayo na Looking For, naghahanap ng isang bagay Looking For Buyer, paghahanap ng taong bibili sa produkto 60 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators) Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ LMAO LMK Lodicakes LOML Lowkey LT Ltr Maygad MB MCTB MIA Mid Mod Nakshie Naol Naur Nc NG, Nc G, Nice G NGL NM/NVM No cap No home No shot NPC NS NT Nugagawen? Og Oh G Ohabs Omcm Oms OMW OnG Op Opps Pa-fall Personn, Perzown PP R u krezi? Rice Ril Ril o fek RK RN RP Salty Sana all Sana ol Saury SBH Scoobs Seenzone Selfie Share mo lang? Ship Laugh My Ass Off, ginagamit kung ang bagay ay nakakatawa o sobrang nakatutuwa Let Me Know, ipaalam mo sa akin, maaari ko bang malaman? Mula sa salitang binaligtad na idol at cakes, tawag sa taong hinahangaan o itinuturing na ispesyal Love Of My Life, taong mahal ko Tahimik, hindi nagpapahalata, tago o pribado ang relasyon Laughtrip, nakatutuwa o nakakatawa Later, nagsasaad ng hinaharap, mamaya Oh My God!, Oh, Diyos ko! My Bad, masama, hindi mabuti More Candles To Blow, marami pa sanang kandila ang iyong mahihipan (sa iyong kaarawan) Missing In Action, nawawala o hindi pa nakikita Medium, middle, hindi maganda ngunit hindi rin pangit, hindi masama at hindi rin mabuti, katamtaman Moderator, tagapamagitan Anak, anak-anakan, mga kaibigan Pinalit sa salitang sana all o sana lahat No, hindi, pagsasaad ng hindi pagsang-ayon Nice, maganda, kasiya-siya, kalugod-lugod, mabuti, mainam, magaling Nice Game, ginagamit kung mahusay ang pakikipaglaro Not Gonna Lie, hindi nagsisinungaling, nagsasabi ng katotohanan tungkol sa isang bagay Nevermind, huwag mong alalahanin, balewalain Walang kasinungalingan, hindi nagsisinungaling Walang intensyon, walang balak No way, walang paraan, walang tsansang mangyari, walang aasahan Non-Player Character, taong hindi kayang mag-isip nang obhektibo at kritikal, larong pang-isahan Nice Shot, maayos ang pagkakakuha ng larawan Nice Try, tumutukoy sa mga pagkakataong sumubok sa isang bagay Ano ang gagawin? Original, tunay, orihinal Oh god, oh diyos Baho, mabaho Pinaikling bersiyon ng mismo Mismo On My Way, papunta na ako On God, nagsasaad ng pagiging seryoso, nagpapahayag ng pagsang-ayon Operator, nag-oopereyt, nagpapagana, nagpapatakbo Opponents, kalaban Paasa Person, tao Profile Picture, larawang profayl ng user account sa isang partikular na social media o website Are you crazy? Baliw ka ba? Karisma, kumpiyansa sa sarili Real Real o fake Rich Kid, mayaman, anak-mayaman Right Now, ngayon, kasalukuyan Role Play, pagsasadula Taong pabago-bago ang modo Nagpapahayag ng inggit, sinasabi sa tuwing may magandang nangyari sa ibang tao na gusto mo ring mangyari sa iyo, nagpapakita ng inggit, sana lahat ay mayroon Ibang bersiyon ng sana all Sorry, paumanhin Sisterhood, Brotherhood, kapatiran Nagpapahayag ng hindi pagsang-ayon Tumutukoy sa taong hindi nire-replayan, hindi sinasagot Sariling kuha ng larawan gamit ang cellphone o mobilephone Isang sarkastikong ekspresyon Love team, magka-love team International Journal of Research Studies in Education 61 Nobleta, V., & Eliaga, C. Shookt, Shook Sis Sissy SKL Slay Slayer SLR SMH SML Softie Soree soree, Soreh Srs SS Ssob STFU STG Sum1 Sup SYS Tiktokerist Two joints TYT TYTL Valo VM W or L W/O W8 WDYM Werpa WP WRU WsG WYD Yaur, Yaurs YDC YKW Yrros YSL YTB Shocked, nagulat, sobrang nagulat Pinaikling salita ng sister, tawag sa kaibigang babae o barkada Sister, kapatid, tawag sa kaibigang babae, tinatawag sa matalik na kaibigan Share Ko Lang, ginagamit sa pagbabahagi ng impormasyon, kaisipan, komento, karanasan at iba pa. Isang komplimento, papuri, magpakitang gilas, mahusay Tumutukoy sa taong mahusay o magaling Sorry Late Reply, ginagamit sa tuwing huli ang reply o tugon sa kausap Shaking My Head, nagpapahayag ng kabiguan at pagkadismaya Share Mo Lang, isang sarkastikong pahayag Malambot ang puso Sorry, salitang ginagamit sa paghingi ng paumanhin o tawad Serious, seryoso Screenshot, kuhang-larawan mula sa screen Boss, tagapamahala, tagapamalakad, manedyer Shut The F*** Up, pagkagalit Swear To God, pagbibigay ng diin na ang sinasabi ay totoo Someone, isang tao What's Up?, isang pagbati See You Soon, sa muli nating pagkikita Nagti-Tiktok, gumagamit ng Tiktok Application Senyas ng kamay, pagbati gamit ang dalawang daliri Take Your Time, huwag magmadali, gamitin mo ang iyong oras Talk To You Later, mag-usap tayo mamaya Valorant, isang uri ng video game Voice Message, pagpapadala ng mensahe gamit ang boses Winner o panalo, loser o talo Without, wala Wait, sandal What Do You Mean?, ano ang nais mong sabihin? Power, lakas, kapangyarihan, salitang inilalarawan sa taong mahusay sa kaniyang ginagawa Well Played, mahusay ang pagkakalaro Where Are (U) you?, nasaan ka? What's Good? Anong mabuti o magandang balita? What (are) You Doing?, ano ang ginagawa mo? Yes, oo You Don't Care, wala kang pakialam You Know What? Alam mo ba? Sorry, paumanhin, patawad You’re So Late, masyadong huli sa itinakdang oras You’re The Best, magaling ka! Matutunghayan sa Talahanayan 1.A ang mga salitang GenZ na nabuo sa pamamagitan ng kombinasyon o maraming proseso. Mapapansin na higit sa isang proseso ang ginamit upang mabuo ang mga salitang ito. Batay sa resulta ng pagsusuri at pagpapangkat ng mga salita, sabay na ginamit ang proseso ng panghihiram at akronim/inisyalismo sa mga salitang AFAIK o As Far As I Know, AMP o Ain’t My Problem, common L o loss na nangangahulugang talo o pagkatalo, common W o winner na ang kahulugan ay panalo o pagkapanalo at marami pang iba. Makikita na ang kombinasyon ng panghihiram at paggamit ng akronim/inisyalismo ay ang pinakagamiting proseso ng mga respondente sa pagbuo ng mga salita. Mapapansin din ang kombinasyon ng panghihiram at pagbabago ng baybay o ispeling sa mga salitang boy besfren, can u do sum 4 me, emeged, ez, ferson/ferzown, for da at marami pang iba. Ang kombinasyon ay natuklasan sa pag-aaral ni Noval (2020) na kung saan ay nakapagtala ng mga salitang gaya ng beshy, aketch, charlangs at marami pang iba. Ang kombinasyon o maraming proseso ay tumutukoy sa mga salitang nabuo sa pamamagitan ng paggamit ng higit sa isa pang proseso (Pradianti, 2013). Ito ay kinapapalooban ng paggamit ng higit sa isang proseso o kombinasyon ng compounding o pagtatambal, suffixation o paghuhulapi, blending o paghahalo, at fanciful formation (Lihawa et al., 2021). 62 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators) Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ Talahanayan 1.B Morpolohikal na Proseso – Panghihiram Mga Salitang GenZ Amongas Ate and left no crumbs Bing chilling Bop/Bops Bot frag Bozo Built different Clout chaser Constant Term Cringe Drip E-boy Edgar E-Girl Fake Chinese video Fit check Gaslight Glow-up Hop on in Ick Ligma Log Love scars Mixed signals No diff Noob Ohio Pick me Pogchamp Press F to pay respect Pressed Ratio Real one Rizz Sarsism Secret no clue Served Shawty, Shawti, Shawtie, Shoti Sigma mule Sigma Skill issue Skull Emoji Smash Social credit Spill the tea Stan Talking stage Thirst Trap Top frag Wack Warshock Weak Weeb Yeet Yuri Kahulugan Tumutukoy sa isang karakter ng online video game Sinasabi sa isang tao kapag nagpakita ng kamangha-manghang performans o may ginawang magandang bagay Sorbetes, salitang nagmula sa wika ng bansang Tsina Tumutukoy sa mga maganda at modernong kanta Bottom frag, pinakamahinang manlalaro, may pinakamababang iskor sa laro Isang clown, salitang ginagamit sa pang-iinsulto sa taong katawa-tawa Kakaiba, naiiba Taong nais makakuha ng atensyon Hindi na gumagalaw Tumutukoy sa taong nakakainis, taong hindi nakatutuwa Fashion, kasuotan, istilo Lalaking mahilig sa internet Tumutukoy sa istilo ng gupit o buhok ng Latino na nasa middle/high school, tinatawag ding Edgar’s Cut Babaeng mahilig sa internet Tumutukoy sa video na scripted o hindi totoo Pagtingin o pagpapakita ng/sa kasuotan kung wasto ang sukat nito Panlilito sa isang tao Positibong pagbabago ng pisikal na anyo Salita ng paanyaya, paanyaya sa pagsali sa isang laro Salitang ginagamit sa hindi kasiya-siyang pangyayari Lick my, dilaan mo Mabagal ang koneksyon sa internet Sakit o sugat na dulot ng pag-ibig Halo-halong pagpapakita ng motibo Manalo nang walang kahirap-hirap Hindi magaling, baguhan Isa sa mga estado sa Amerika, salitang ginagamit sa mga bagay na kahina-hinala o hindi pamilyar Pagpapa-impress sa mga lalaki Salita para sa taong gusto mo Ang F ay tumutukoy sa keyboard key na ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa isang laro sa kompyuter Nag-aalala, naaabala, balisa Sitwasyon na kung saan ang isang tugon o post ay may mas maraming likes kaysa sa iba, nagpapahiwatig ng hindi pagsang-ayon sa sinabi, bilang ng mga taong nag-like at nag-dislike Taong nagpapakita ng kabutihan at kabaitan Karisma, kakayahang mang-akit dahil sa kaniyang pananalita, kagandahan o kagwapuhan Sarcasm, pang-iinsulto, sarkastikong pahayag Secret, sikreto Impressive, kamangha-mangha Magandang babae, magandang dalaga, magandang dilag Isang malupit na lalaki Huwarang lalaki, sikat, popular, kakikitaan ng pagkalalaki (masculinity) Incompetent, hindi marunong maglaro, kulang ang kasanayan, ginagamit sa pang-iinsulto Ginagamit ito sa labis na pagkamangha, matinding halakhak Lubos na pagsang-ayon Social status, reputasyon Ibahagi ang katotohanan o impresyon Fan o tagasuporta Estado ng relasyon ng dalawang taong madalas nang nag-uusap sa chat o text Hindi kaaya-ayang pananamit Mahusay na manlalaro, nangunguna sa laro Salitang ginagamit sa paglalarawan ng pangit Manggugulat, nanggugulat Mahina, ginagamit sa pang-iinsulto, pagbibiro o pang-aasar Taong mahilig manood ng anime Pag-itsa, paghagis o pagtapon ng isang bagay na walang halaga o basura Girl love, relasyon sa pagitan ng dalawang babae International Journal of Research Studies in Education 63 Nobleta, V., & Eliaga, C. Matutunghayan sa Talahanayan 1.B ang mga salitang GenZ na hango sa wikang Ingles at iba pang wika. Ilan sa mga salitang ito ay ang clout chaser, cringe, fit check, gaslight, glow, up, thirst trap, week, weeb, yeet, yuri at marami pang iba. Patunay lamang na naiimpluwensiyahan ng ibang wika ang pag-usbong ng mga salitang GenZ. Ito ay dulot ng kanilang kahantaran sa paggamit ng social media na kung saan ay malaki ang impluwensiya ng wikang Ingles. Pinatunayan ni Pascual (2016) na ang paglikha ng mga salitang balbal ay kinapapalooban ng panghihiram mula sa ibang wika. Gayundin ni Pradianti (2013) na ang mga mag-aaral sa junior high school ay gumagamit ng prosesong panghihiram o borrowing sa pakikipag-usap. Ang panghihiram bilang proseso ng paglikha ng mga salitang balbal ay matutunghayan sa mga salitang ginagamit ng mga kabataan at ilan sa mga ito ay gaya ng awit, bet, bot, cap, marecakes, naur, no cap, simp, slay, at vibe check. Ang mga salitang ito ay hango sa Amerika, Pilipinas at Australia (Vargas at Marbella, 2023). Dinamiko ang wika gaya ng taong hindi nabubuhay sa kaniyang sarili lamang. Ito ay nagbabago at nanghihiram sa ibang wika upang makasabay sa mga pangangailangan ng pagkakataon sa bawat panahon. Kasama ito sa pagbabagong nagaganap sa lipunan gaya ng teknolohiya at impormasyon. Ang wika ay mapag-iiwanan kung ito ay hindi makaagapay sa mga pagbabago gayong kaunlaran at modernisasyon ang hangad ng sambayanan (Mabilin et al., 2012). Talahanayan 1.C Morpolohikal na Proseso – Pagbabaligtad Mga Salitang GenZ Agnas Arat Egis Egul Ekalal Igop Laham Matsala Obob Omsim Onis Sakalam Yawa Yorme Kahulugan Nagmula sa salitang angas na kung saan ay pinagpalit ang posisyon ng mga letrang “n” at “g” Nagmula sa salitang tara na binaligtad, nangangahulugang tayo na Mula sa binaligtad na salitang sige Salitang nagmula sa lugi o luge Nagmula sa salitang lalake na binabasa nang baligtad Nagmula sa salitang binaligtad na pogi Mahal Salamat Bobo, tanga Mismo Sino Mula sa salitang malakas na binaligtad, nagsasaad ng paghanga, kahanga-hanga Ayaw Mayor, alkalde Inilalahad sa Talahanayan 1.C ang mga salitang GenZ na nabuo gamit ang prosesong pagbabaligtad. Makikita na ang mga salitang agnas, arat, egis, egul, igop, laham, obob, omsim, onis, sakalam at yawa ay nabuo sa pamamagitan ng pagpapalit o pagbabaligtad ng posisyon ng mga titik. Samantala, ang mga salitang matsala at yorme ay nabuo sa pamamagitan ng pagpapalit ng posisyon ng mga pantig. Ang ganitong kaparaanan ay matagal nang ginagamit ng mga naunang henerasyon. Patunay lamang na ito ay tinatangkilik pa rin ng makabagong henerasyon. Napatunayan din ito sa pag-aaral nina Jeresano at Carretero (2022) na kung saan ang mga mag-aaral sa baitang 10 ay gumagamit din ng mga salitang binaligtad ang porma gaya ng mga salitang sakalam, erp at lods. Natuklasan din ito ni Noval (2020) na kung saan siya ay nakapagtala ng mga salitang sumailalim sa proseso ng pagbabaligtad gaya ng erpat, werpa, abab, nosi, petmalu, bayu, imal at yeko ar. Ang pagbabaligtad ay tumutukoy sa mga salitang binaligtad ang posisyon ng mga pantig upang makalikha ng isa pang salita nang hindi nagbabago ang kahulugan ng salita (Gime at Macascas, 2020). Tumutukoy rin ito sa mga salitang binabasa nang baligtad at nagbabago ang kahulugan (Irma, Merina, at Theresia, 2018). Ang pagbabaligtad o backward speech ay napag-alamang ginagamit din ng Henerasyong Y o Milenyal gaya ng mga salitang sikat na lodi o idol at werpa o power (Cabantac-Lumabi, 2020). Tinukoy itong tadbalik nina Estera, Mendoza, Ermitano, at Ledesma (2023) na kung saan ay marami pa ring tumatangkilik sa kaparaanang ito sa kadahilanang nakapagtala sila ng mga pinakagamiting salita at nangunguna rito ang salitang omsim, lodi, at arat. 64 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators) Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ Talahanayan 1.D Morpolohikal na Proseso – Pagbuo ng Ekspresyon Mga Salitang GenZ Awts gege Blagag! Edi wow Jeje Kabog Loh Ok kayo, okeh kayoh Owshi Rawr Sabaok Sheeesh Shuta, Shutabels Uwu Yarn Kahulugan Ekspresyong kadalasang ginagamit sa pag-uusap o sa tuwing nasasaktan Isang ekspresyon na ginagamit sa tuwing nagugulat Ekspresyong ginagamit sa tuwing namamangha nang may pagkasarkastiko Kahiya-hiya, hindi kaaya-aya ang pananamit, baduy, mga taong hindi makasunod sa lipunan, pangit ang ipinapakita Ekspresyon ng pagbibigay ng komplimento o paghanga Shocked, ekspresyon ng pagkagulat Ok lang, ito ay sinasabi upang isaad ang pagsang-ayon, nagpapahayag ng positibong komento Iba pang bersyon ng wow, ekspresyon ng pagkamangha Ekspresyon ng pagkagalit, panggigigil Mula sa salitang sana all, sana lahat Isang uri ng reaksiyon, nagpapakita ng interes, pagkamangha Sarkastikong ekspresyon Ekspresyong ginagamit sa pagpapa-cute Iyan Matutunghayan sa Talahanayan 1.D ang mga ekspresyong ginagamit ng mga GenZ sa pakikipag-usap. Mapapansing mahirap matukoy ang karamihan sa mga salitang ito sa kadahilanang hindi ito makikita sa diksiyonaryong Filipino at hindi agarang makikitaan ng pinaghanguang salita upang mahulaan ang taglay nitong kahulugan. Kung susuriin ang mga kahulugan nito, makikita na ang ilan sa mga ito ay paraan ng pagpapahayag ng reaksiyon, paghanga o pagkamangha at pagkagulat gaya ng mga salitang blagag, edi wow, kabog, loh, ok kayo/okeh kayoh, owshi at sheeesh. Ginagamit din ito bilang paraan ng pang-iinsulto at pagpapahayag ng galit gaya ng jeje, rawr at shuta/shutabels. Sa pag-aaral ni Pradianti (2013), ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng galit at makapagdulot ng saya o katatawanan. Ayon kina Gime at Macascas (2020) ito ay nagmula sa ekspresyong ginagamit ng mga mag-aaral na hango sa kanilang pinapanood. Ito ay ang mga ekspresyong malayo ang kahulugan sa orihinal o pinaghanguang salita. Talahanayan 1.E Morpolohikal na Proseso – Pagbabago ng Ispeling Mga Salitang GenZ Accla Acm Anhue Aq Dasurb Gunthe Kawawi Mhue Oum Pweds Q Kahulugan Bakla, bading, pantawag sa tao, kaibigan o kapalagayang loob Asim, masama o mabaho ang amoy Ano Ako Deserved, nararapat, karapat-dapat Ganda, maganda Kawawa, taong nakakaawa Mo Yes, oo Puwede Ko Matutunghayan sa Talahanayan 1.E ang mga salitang binago ang ispeling ngunit nagtataglay pa rin ng parehong kahulugan. Ito ay nagpapakita ng paglalaro ng mga salitang ginagamit. Ang mga salitang ito ay accla, acm, anhue, aq, gunthe, kawawi, mhue, oum, pweds at q na nagmula sa mga orihinal na salitang bakla, asim, ano, ako, deserve, ganda, kawawa, mo, oo, puwede at ko. Mapapansin na nagbago man ang mga ispeling ng mga salita ay nananatili pa rin ang gamit at kahulugan nito. Sa pag-aaral ni Jeresano at Carretero (2022), tinawag niya itong spelling distortion. Ito ay intensyonal o sadyang ginagamit ng mga kabataan sa pakikipag-usap sa social media gaya ng brad, hakdog at jwk na nagmula sa mga salitang Ingles na brother, hotdog, at joke. Ito ay ginagamit nila upang makalikha ng bagong salita. Binabaybay nila ang mga salitang ito ayon sa paraan ng bigkas at tunog nito. Dagdag pa, nagaganap ang pagbabago ng ispeling sa pamamagitan ng mga salitang binago ang baybay mula sa pag-iimbento, paglalaro ng salita at metatesis (Irma, Merina, at Theresia, 2018; Noval, 2020). Nabubuo ang bagong ispeling ng mga salita na hindi malayo sa orihinal na paraan ng pagbigkas nito (Vargas at Marbella, 2023). International Journal of Research Studies in Education 65 Nobleta, V., & Eliaga, C. Talahanayan 1.F Morpolohikal na Proseso – Pagpapalit ng Salita sa Salita Mga Salitang GenZ Chinemerut Chiz Dzai Eme, Emz, Ems Gora! Kaldag Keme Marecakes Naneto Kahulugan Iba pang bersyon ng bla bla bla Joke, biro lamang Kaibigang babae, matalik na kaibigan Hindi totoo, biro lang Go, let’s go, tara o tayo na, umalis na tayo Paraan ng pagsayaw Joke, biro lang, ginagamit sa pagbibiro Mula sa mga salitang mare at cakes, mare, babaeng kaibigan Ano naman ‘to? Matutunghayan sa Talahanayan 1.F ang mga salitang sumailalim sa proseso ng pagpapalit ng salita sa salita. Ito ay makikita sa pag-aaral nina Gime at Macascas (2020) na kung saan ang mga salitang nagmula sa orihinal nitong porma ay pinalitan ng bagong anyo o estruktura na malayo sa ispeling at bigkas nito. Ang mga salitang gaya ng joke, kaibigang babae, biro lang, let’s go, sayaw, mare, at ano naman ‘to ay pinalitan ng chiz, dzai, eme/emz/ems/keme, gora, kaldag, marecakes, at naneto. Makikita sa mga halimbawang ito ang paghahalo ng Ingles, Filipino at bagong anyo o porma ng mga salita. Talahanayan 1.G Morpolohikal na Proseso – Pagbabago ng Kahulugan Mga Salitang GenZ Babae Baliko Ekis Karen Marupok Pitik Kahulugan Laging tama Hindi tunay na lalaki o babae Hindi pasok sa istandard o pamantayan Mahilig makipag-away, taong nagpapalagay na may karapatan Madali magpatawad Larawang-kuha Inilalahad sa Talahanayan 1.G ang mga salitang binago ang kahulugan gaya ng mga salitang babae, baliko, ekis, karen, marupok at pitik na ang ibig sabihin ay laging tama, hindi tunay na lalaki/babae, hindi pasok sa istandard o pamantayan, madaling magpatawad, at larawang kuha o picture. Mapapansing ang mga salitang ito ay bahagi ng bokabularyong Filipino at sa kadahilanang mabilis ang pag-usbong ng mga salitang balbal at pagsibol ng bagong henerasyon ay nagkaroon ito ng panibagong kahulugan. Makikita ito sa pag-aaral nina Gime at Macascas (2020) na kung saan ang ganitong mga salita ay nagtataglay ng ibang kahulugan batay sa ginamit na denotasyon. Talahanayan 1.H Morpolohikal na Proseso – Paggamit ng Akronim o Inisyalismo Mga Salitang GenZ Pwd BB BBM VV Kahulugan Puwede Bobo o mangmang Bobo mo Vovo o bobo/tanga Makikita sa Talahanayan 1.H ang mga salitang nabuo gamit ang akronim/inisyalismo. Ang ganitong mga salita ay nabuo gamit ang bokabularyong Filipino. Hindi ito katulad ng mga salitang nabuo sa ilalim ng kombinasyon o maraming proseso sapagkat hindi ito bunga ng impluwensiya ng ibang wika na kinapapalooban ng panghihiram at akronim/inisyalismo. Mapapansing ang mga salitang gaya ng pwd, BB, BBM, at VV ay kumakatawan sa unang titik ng pantig ng bawat salita. Ito ang kanilang paraan para mas lalong mapaikli ang salita at magpapadali sa paraan ng kanilang pakikipag-usap lalong-lalo na sa pagpapadala ng mensahe at pagpapaskil ng istatus sa social media. Ito ay makikita sa ginawang pag-aaral nina Jeresano at Carretero (2022) na kung saan ang mga mag-aaral sa baitang 10 ay gumagamit ng mga salitang BTW, MBTC, OTW, PM, at NF na may mga kahulugang By The Way, More Birthdays To Come, On The Way, Personal Message, at Notification. Ito ay natuklasan din sa pag-aaral ni Noval (2020) na kung saan gumagamit ang mga respondente ng mga salitang nabuo sa pamamagitan ng akronim gaya ng SML, SKL, LOL, at P.S. na may katumbas na Share Mo Lang, Share Ko Lang, Laugh Out Loud, at Pahabol na Salita. Ang akronim o inisyalismo bilang bagong salita ay nabubuo sa 66 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators) Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ pamamagitan ng unang titik o bahagi ng salita (Irma, Merina, at Theresia, 2018). Ang mga akronim ay kinapapalooban ng mga kapital o malalaking titik na binibigkas ayon sa mga set na letrang makikita rito (Pradianti, 2013). Talahanayan 1.I Morpolohikal na Proseso – Onomatopeya Mga Salitang GenZ Boogsh Mhm Purr Vroom² skrt² Kahulugan Isa pang bersyon ng salitang bongga, nagpapahiwatig ng paghanga o pagsang-ayon Yes, oo Mula sa tunog na nililikha ng pusa, nagpapahayag ng pagsang-ayon at pananabik Mula sa tunog ng sasakyan Makikita sa Talahanayan 1.I ang mga salitang nabuo batay sa mga nakakabit na tunog at kahulugan nito. Ang mga salitang boogsh, mhm, purr at vroom² skrt² ay kumakatawan sa himig o tunog na nililikha ng tao, hayop na gaya ng pusa at bagay na gaya ng sasakyan. Pinatutunayan lamang na sa paggamit nito, napapadali ang pagbigkas ng mga salita. Ang onomatopeya ay tumutukoy sa kaparaanan ng pagbuo ng mga salitang nabubuo batay sa mga tunog na kumakatawan dito (Irma, Merina, at Theresia, 2018). Talahanayan 1.J Morpolohikal na Proseso – Pagpapaikli Mga Salitang GenZ Gi Lg Kahulugan Mula sa pinaikling salitang langging, palayaw o tawag sa kaibigan Lang Ipinapakita sa Talahanayan 1.J ang salitang nabuo sa pamamagitan ng pagpapaikli. Ito ay ang mga salitang gi na mula sa salitang langging at lg na ang katumbas ay lang. Patunay lamang na ang mga kabataang GenZ ay katulad din ng ibang henerasyon na gumagamit din ng pagpapaikli ng mga salita. Ito ay naging patok noong nauso ang text messaging services na kung saan ay limitado lamang ang bilang ng mga karakter o titik sa pagpapadala ng mensahe. Matatandaan na gumagamit din ang mga mag-aaral ng ganitong kaparaan sa mga salitang hiniram na kung saan ay maraming naitalang salita mula sa wikang Ingles. Ito ay matutunghayan sa paraang kombinasyon o maraming proseso. Nagaganap ang kaparaanang ito sa pamamagitan ng pagkakaltas ng higit sa isang pantig ng salita nang hindi nagbabago ng kahulugan (Irma, Merina, at Theresia, 2018). Ito ay natuklasan sa pag-aaral nina Vargas at Marbella (2023) na kung saan ay nakapagtala sila ng mga salitang gaya ng dasurv, finna, kuys, mams, paps rizz, stan, sus at w na may katumbas na deserve, I’m going to, kuya, mama, papa, karisma, kombinasyon ng stalker at fan, suspicious, at winner. Sa pag-aaral ni Temporosa (2022) ang pagpapaikli o clipping ay tumutukoy sa pagbabawas ng mahabang bahagi ng salita upang makabuo ng mas maikling porma nito nang hindi nagbabago ang kahulugan. Talahanayan 1.K Morpolohikal na Proseso – Pagdaragdag Mga Salitang GenZ Oods Kahulugan Oo Matutunghayan sa Talahanayan 1.K ang salitang kakikitaan ng pagdaragdag. Ito ay ang salitang oods na nagmula sa orihinal na pormang oo. Makikita sa salitang nakatala ang pagdaragdag ng “d” at “s” sa bandang hulihan ng salita. Ang pagdaragdag ng “s” ay hindi nagdudulot ng pagbabago sa orihinal na kahulugan ng salita. Ito ay ginagamit sa mga impormal na pakikipag-usap (Mccumber, 2010). Talahanayan 1.L Morpolohikal na Proseso – Paghahalo Mga Salitang GenZ Poganda Kahulugan Pogi at maganda Ipinapakita sa Talahanayan 1.L ang salitang poganda na ang kahulugan ay pogi at maganda. Ito ay nabuo mula sa paghahalo ng mga pantig ng dalawang magkaibang salita. Gumagamit sila nito upang pagsamahin ang International Journal of Research Studies in Education 67 Nobleta, V., & Eliaga, C. dalawang salita at makalikha ng isang bagong salita. Nagaganap ang paghahalo sa pamamagitan ng pagkakabit ng una at huling pantig ng salita ng dalawang magkaibang salita (Irma, Merina, at Theresia, 2018). Makikita ito sa pag-aaral nina Lihawa et al. (2021) na kung saan ay may naitalang salita na nabuo gamit ang prosesong paghahalo. Ito ay ang salitang shlitty na nagmula sa mga salitang shitty na ang kahulugan ay very bad o unpleasant at litty na ang kahulugan ay little bit. Talahanayan 1.M Morpolohikal na Proseso – Pagkakaltas Mga Salitang GenZ Apolo Kahulugan Apologize, humingi ng paumanhin Inilalahad sa Talahanayan 1.M ang salitang apolo na nagmula sa orihinal nitong porma na apologize. Mapapansin na may naganap na pagkakaltas sa bahagi ng salita. Ang pagkakaltas o back-formation ay tumutukoy sa pagkakaltas ng panlapi sa loob ng isang salita na nagmula sa wikang Ingles. Karaniwang nagbabago ang kahulugan ng salita sa tuwing kinakaltasan ito (Irma, Merina, at Theresia, 2018). Talahanayan 1.N Morpolohikal na Proseso – Pagpapalit-pantig Mga Salitang GenZ Puhreh Kahulugan Pare, tawag sa kaibigang lalaki Ipinapakita sa Talahanayan 1.N ang salitang puhreh na nagmula sa salitang pare o kaibigang lalaki na makikitaan ng pagpapalit-pantig. Gaya ng mga salitang swardspeark, ang mga GenZ ay gumagamit ng ganitong proseso sa pagbuo ng salitang balbal. Ang pagpapalit-pantig ay tumutukoy sa mga salitang pinapalitan ng ibang pantig na karaniwan ay imbento at mula sa swardspeak o gaylingo gaya ng jowa, juntis, shofo, at shufa na nagmula sa mga orihinal nitong porma na asawa, buntis, gwapo, at gwapa/maganda. Ang mga nangungunang morpolohikal na proseso o kaparaanan sa pagbuo ng mga salitang GenZ na ginagamit ng mga mag-aaral sa junior high school – Ipinapakita rito ang mga nangungunang kaparaanan o morpolohikal na proseso sa pagbuo ng mga salitang GenZ. Talahanayan 2 Mga Nangungunang Morpolohikal na Proseso Morpolohikal na Proseso Kombinasyon o Maraming Proseso Panghihiram Pagbabaligtad Pagbuo ng Ekspresyon Pagbabago ng Ispeling Pagpapalit ng Salita sa Salita Pagbabago ng Kahulugan Paggamit ng Akronim/Inisyalismo Paghihimig Pagpapaikli Pagdaragdag Paghahalo Pagkakaltas Pagpapalit-pantig KABUOAN f 203 55 14 14 11 9 6 4 4 2 1 1 1 1 326 % 62.27 16.87 4.29 4.29 3.37 2.76 1.84 1.23 1.23 0.61 0.31 0.31 0.31 0.31 100 Inilalahad sa Talahanayan 2 ang labing-apat (14) na uri ng morpolohikal na proseso ng mga salitang balbal na naitala batay sa isinagawang pagsusuri ng mga salitang GenZ. Ipinapakita rin dito ang bilang at bahagdan ng mga salitang napapabilang sa bawat uri ng kaparaanan o proseso ng pagbuo ng mga salita. Kung susuriin ang mga datos, mapapansing nangunguna ang kombinasyon o maraming proseso na may 203 mga salita, pumapangalawa ang panghihiram na may 55 mga salita, sinundan ng pagbabaligtad at pagbuo ng ekspresyon na may tig-14 na mga salita. Sa ilalim ng maraming proseso, nangunguna ang kombinasyong panghihiram at paggamit ng akronim na 68 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators) Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ nakapagtala ng mga salitang gaya ng BL o Boy Love, DP o Day’s Profile/Display Picture, FM o First Move, FZ o Friend Zone, GGWP o Good Game Well Played, IMYSM o I Miss You Much, LC o Last Chat, LMK o Let Me Know at marami pang iba. Sa proseso ng panghihiram, naitala ang mga salitang gaya ng ate and left no crumbs o pahayag na sinasabi ng tao sa tuwing nakakapanood ng kamangha-manghang performans o nakakita ng ginawang magandang bagay, Bing Chiling o sorbetes (salitang nagmula sa China), bop/bops na tumutukoy sa mga maganda at modernong kanta, clout chaser o taong nagnanais makakuha ng atensyon, drip o kasuotan/fashion/estilo, Edgar o estilo ng gupit o buhok ng Latino na nasa middle/high school at tinatawag ding Edgar’s cut, fit check o pagtingin kung wasto ang sukat nito, gaslight o panlilito sa isang tao, hop on in o paanyaya sa pagsali sa isang laro, ick o salitang ginagamit sa hindi kasiya-siyang pangyayari, love scars sakit o sugat na dulot ng pag-ibig, mixed signals o halo-halong pagpapakita ng motibo, noob o hindi magaling/baguhan, ohio o isang estado sa Amerika at tumutukoy rin sa salitang ginagamit sa mga bagay na kahina-hinala o hindi pamilyar, pogchamp o salitang ginagamit para sa taong gusto mo, rizz o karisma, sarsism o sarcasm, thirst trap o hindi kaaya-ayang pananamit, weeb o taong mahilig manood ng anime, yuri o girl love/tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng dalawang babae. Sa proseso ng pagbabaligtad, naitala ang mga salitang agnas o angas, arat o tara, egis o sige, egul o luge, ekalal o lalake, igop o pogi, laham o mahal, matsala o salamat, obob o bobo, omsim o mismo, onis o sino, sakalam o malakas, yawa o away, at yorme o mayor. Sa proseso ng pagbuo ng ekspresyon, naitala ang mga salitang awts gege, o salitang ginagamit sa pag-uusap o sa tuwing nasasaktan, blagag, o ekspresyong ginagamit sa tuwing nagugulat, edi wow o ekspresyong ginagamit sa tuwing namamangha nang may pagkasarkastiko, jeje o hindi kaaya-ayang pananamit/baduy, kabog o ekspresyong ginagamit sa pagbibigay ng komplimento o paghanga, loh o shocked/ekspresyon ng pagkagulat, ok kayo/okeh kayoh o ok lang/pagpapahayag ng pagsang-ayon, owshi,o iba pang bersyon ng wow, rawr o ekspresyon ng pagkagalit/panggigigil, sabaok o sana all/lahat, sheeesh o isang uri ng reaksiyon na nagpapakita ng interes at pagkamangha, shuta/shutabels o sarkastikong ekspresyon, uwu o eskpresyong ginagamit sa pagpapa-cute, at yarn o iyan. Ang kombinasyon o maraming proseso, panghihiram, pagbabaligtad, at pagbuo ng ekspresyon bilang mga nangungunang kaparaanan sa pagbuo ng mga salitang GenZ. Nakita rin sa pag-aaral ni Noval (2020) na ang kombinasyon ang nangungunang kaparaanan sa pagbuo ng mga salitang balbal. Natuklasan din ito sa pag-aaral ni Pradianti (2013) na kung saan ay ginagamit din ito ng mga mag-aaral sa junior high school. Natunghayan din sa ginawang pagsusuri ni Pascual (2016) ang panghihiram sa wikang Hapon, Espanyol, Ingles at mga wika sa Pilipinas gaya ng Bicol at Hiligaynon bilang paraan sa pagbuo ng mga salitang balbal. Ang pagbabaligtad at pagbuo ng mga ekspresyon ay natuklasan din batay sa ginawang pag-aaral nina Gime at Macascas (2020) kung saan ay napag-alamang ginagamit ito upang makalikha ng salitang balbal at magamit ang mga nabuong ekspresyon sa pakikipag-usap. Ang mga kadahilanan sa paggamit ng mga salitang GenZ ng mga mag-aaral sa junior high school – Inilalahad sa bahaging ito ang mga lumitaw na tema batay sa mga tugon ng mga mag-aaral sa ginawang interbyu. Ipinapakita rito ang mga dahilan ng mga respondente (R) sa paggamit ng mga salitang GenZ sa pakikipag-usap. Talahanayan 3 Mga kadahilanan sa paggamit ng mga salitang GenZ ng mga mag-aaral sa junior high school Mga Tema Paraan ng pagpapahayag o paglalahad Makabuluhang gamit ayon sa sitwasyon, konteksto at kausap May kabutihang gamit Paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin at kaisipan Kabutihang dulot sa pakikipagkomunikasyon, pakikisalamuha at pagiging kabilang sa grupo Impluwensiya ng barkada at medya Hindi nagpapakita ng kaibahan sa ibang grupo Ginagamit sa kaswal na pag-uusap International Journal of Research Studies in Education 69 Nobleta, V., & Eliaga, C. Paraan ng pagpapahayag o paglalahad. “Nakakatulong ito sa pagbibigay o pagbabahagi ng emosyon dahil ito ay nagbibigay ng pagkakaisa sa grupo at pagtatago ng kahulugan ng mga bagay-bagay.” (R3) “Puwede mo 'tong magagamit sa pag-express ng emotion mo at impresyon sa mga tao kung kailangan mo itong sabihin sa kanila.” (R43) Natuklasan sa isinagawang interbyu na ginagamit ng mga mag-aaral sa junior high school ang mga salitang GenZ bilang paraan ng pagpapahayag, paglalahad ng impresyon at kaisipan kung saan ito ay nakatutulong upang mapanatili ang pagkakaisa ng magkakaibigan sa isang pangkat. Napapadali ang pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at kaisipan gamit ang mga pinaikling mga salita. Patunay lamang na ginagamit ang mga salitang balbal bilang paraan ng pagpapahayag at pakikisama (Noval, 2020). Dagdag pa, ang paggamit ng mga salitang balbal ay itinuturing na integral sa pakikipagkomunikasyon ng magkakaibigan o barkada. Nagdudulot ito ng maayos na relasyon sa kapwa, nagagamit ang mga ito sa pakikipagkomunikasyon, at nagtatamo sila ng bagong kaalaman (Izmaylova, Zamaletdinova, at Zholshayeva, 2017). Makabuluhang gamit ayon sa sitwasyon, konteksto at kausap. “Depende po ito sa sitwasyon at konteksto ng usapan. Sa mga pormal na sitwasyon, hindi ito angkop dahil ang pormal na pag-uusap ay nararapat na pormal na salita rin ang gagamitin subalit sa mga impormal na pag-uusap maaaring magamit ito upang magkaroon ng komportableng usapan.” (R10) “Depende po sapagkat uhm…kung ikaw ay makikipag-usap gamit ang impormal na usapan kailangan mo munang alamin kung ang inyong pag-uusapan ay importante o hindi at… at hindi… at minsan ang inyong pag…hindi mo… at hindi lahat ng pag-uusap… pag-uusapan ay maaaring maging impormal dahil mayroong mga usapan na dapat sa pormal at alam mo dapat ang limitasyon mo para sa pagiging pormal at di pormal.” (R118) Nangangahulugang ginagamit lamang ang mga salitang GenZ sa angkop na sitwasyon, konteksto at kausap. Ginagamit din nila ito sa makabuluhang pamamaraan sapagkat kanilang isinasaalang-alang ang sitwasyon, konteksto, at kausap. Kinikilala muna nila ang kanilang kausap bago nila gamitin ang mga salitang balbal. Napag-alaman ding ginagamit nila ang mga salitang ito upang magkaroon ng komportableng pag-uusap. Binanggit nina Zhou at Fan (2013) na sa paggamit ng mga salitang balbal ay mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod: (1) okasyon (pormal o impormal), (2) kausap (edad, kasarian, trabaho, at ang pamilyaridad), at (3) nilalaman ng pag-uusapan. May kabutihang gamit. “Dapat gamitin ito sa tamang paraan at hindi sa pang-iinsulto at magkaroon ng kalayaan sa pagpapahayag ang iyong nais Sir.” (R3) “Never naman ako nang-insulto or something sa kapwa ko gamit ang mga words na 'yun [salitang Generation Z].” (R43) Ginagamit nila ang mga salitang GenZ upang magkaroon ng kalayaan sa pagpapahayag. Sa madaling sabi, nagdudulot ito sa kanila na maging malaya nang hindi inaabuso o ginagamit sa hindi mabuting pamamaraan. Pinatutunayan lamang na positibo ang kanilang mga dahilan sa paggamit ng mga ito. Ayon kay Panjaitan (2017), ang salitang balbal ay nagpapakita ng kawalang-galang at kabastusan sapagkat ito ay impormal na wika at ginagamit lamang ng mga taong napapabilang sa mababang antas ng lipunan. Sa kasalukuyan, nag-iba na ang pagtanggap dito dulot ng pagbabago sa wika at henerasyon. 70 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators) Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ Paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin at kaisipan. “Puwede mo ito gamitin sa pakikipag-komunikasyon sa ibang tao. Halimbawa sa malayong lugar, puwede mo itong gamitin sa pag-express mo ng emotion or thoughts sa mga taong kailangan mong sabihan.” (R43) Ang paggamit ng mga salitang GenZ ay paraan nila upang maipahayag ang kanilang emosyon at kaisipan. Sa pamamagitan din nito, nagkakaroon sila ng magaan na pag-uusap. Bunga nito, nagkakaroon sila ng malayang pagpapalitan ng mga kaisipan o ideya sa taong kausap nila. Sa pag-aaral nina Zhou at Fan (2013), ang pagpapahayag ng emosyon ay ang pinakamakapangyarihang gamit ng paggamit ng mga salitang balbal. Nakatutulong ito upang ibahin ang emosyonal na estado ng awdyens tungkol sa isang tao o bagay. Sa sikolohikal na aspekto, nakatutulong ang paggamit ng mga salitang balbal upang maipahayag ang matinding emosyon o damdamin. Kabutihang dulot sa pakikipagkomunikasyon, pakikisalamuha at pagiging kabilang sa grupo. “Ginagamit ito sa pakikipagkomunikasyon at pagbibigay-impresyon at emosyon o damdamin sir.” (R3) Ginagamit nila ang mga salitang GenZ sa pakikipagkomunikasyon at pakikisalamuha sa tao. Nakatutulong ito sa pakikipagpalagayang loob at maging kabilang o kabahagi sa isang pangkat. Naipapakita ang pagiging kabahagi sa isang partikular na pangkat na gumagamit ng parehong wika. Ayon kina Zhou at Fan (2013), ang paggamit ng mga salitang balbal ay nagpapakita ng dimensyon sa pagitan ng mga pangkat sosyal at propesyonal. Kung nagagamit ng isang indibidwal ang mga salita at ekspresyon sa isang partikular na pangkat ay itinuturing na kabilang sila rito. Impluwensiya ng barkada at medya. “Ito ay dahil sa impluwensiya ng medya dahil sa kanilang kagustuhang magpakatotoo at magpakalaya sa pagsasalita.” (R193) Gumagamit sila ng mga salitang GenZ sapagkat ginagamit ito ng kanilang mga kaibigan. Pinatutunayan na malaki ang impluwensiya ng mga kaibigan at pangkat na kinabibilangan sa kanilang wikang ginagamit. Dagdag pa, mabilis ang paglaganap ng mga ito dahil sa medya at madali nitong naaabot ang mas maraming populasyon ng tao gaya ng GenZ. Mabilis ang pagtanggap sa mga salitang ito sapagkat ito ay nagagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Natuklasan nina Izmaylova, Zamaletdinova, at Zholshayeva (2017) na nakaiimpluwensiya ang medya gaya ng pagbabasa sa pahayagan, mga magasin, panonood ng telebisyon, at internet. Natukoy rin na madalas gamitin ang mga salitang balbal sa internet games. Hindi nagpapakita ng kaibahan sa ibang grupo. “Bilang isang gumagamit ng Generation Z hindi natin kailangan maging iba sa grupo dahil ginagamit ito sa pagbibigay-alam sa taong kausap.” (R3) Ginagamit nila ang mga salitang GenZ upang hindi magpakita ng katangiang naiiba sa ibang pangkat o grupo bagkus paraan ito ng kanilang pakikipag-ugnayan nang sa gayon sila ay maunawaan ng iba. Nangangailangan lamang sila ng pagtanggap ng ibang pangkat o henerasyon na ang wikang kanilang ginagamit ay nagpapakita ng makabagong paraan ng pakikipagkomunikasyon. Sa pag-aaral nina Jeresano at Carretero (2022), ang mga salitang ginagamit ng mga mag-aaral ay hindi nakahahadlang sa proseso ng komunikasyon sa pagitan ng guro, mga mag-aaral, at mga naunang henerasyon. Nakatutulong din ito sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kaklase at kaibigan. International Journal of Research Studies in Education 71 Nobleta, V., & Eliaga, C. Ginagamit sa kaswal na pag-uusap. “Sa mga kaswal na pag-uusap lamang at kadalasang ginagamit ko ang mga ito sa mga taong mula sa Generation Z.” (R178) Ginagamit ito sa kaswal na pag-uusap. Ang mga salitang balbal ay ginagamit upang magkaroon ng mabuting pakikisama, pakikipag-usap sa kapwa, mabawasan ang labis na kaseryosohan ng pag-uusap, at maipakita ang identidad ng isang tao (Panjaitan, 2017). Ang salitang GenZ ay mahalagang kasangkapan ng mga mag-aaral sa pakikipag-usap sa kapwa. 4. Kongklusyon at Rekomendasyon Batay sa resulta ng pag-aaral, natuklasang malawak, maunlad, at malikhain ang GenZ o ang mga mag-aaral sa tatlong national high school ng Dibisyon ng Capiz sa paglikha ng mga salitang balbal. Ito ay kakikitaan ng mga salitang hiram, akronim o inisyalismo, paghahalo ng mga salitang Ingles, Filipino, mga wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Nakilala ang GenZ sa kanilang mga kaparaanan sa pagbuo ng mga salitang balbal. Makikita ang mga salitang may magkakaiba ang ispeling, katawagan at nagtataglay ng parehong kahulugan. May mga salita rin na nagkaroon ng bago o naiibang kahulugan at gamit na malayong-malayo sa orihinal nitong kahulugan. Itinuturing na ang mga salitang balbal ay may mahalagang tungkulin sa buhay ng GenZ lalong-lalo na sa kanilang pakikipag-usap, pakikisalamuha, at pakikipag-ugnayan. Mahalaga itong gamitin upang makasabay sa pangkat na kanilang kinabibilangan, nagiging malaya sila sa pagpapahayag. Batay sa natukoy na mga kongklusyon, inirerekomendang magkaroon ng paghahambing ng mga salitang balbal sa iba’t ibang henerasyon upang makita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga salitang ginagamit, mga kaparaanan at mga dahilan sa pag-usbong ng mga salitang balbal. Magkaroon pa ng malawakang pag-aaral sa mga salitang balbal na ginagamit sa junior high school at senior high school at ibayong pananaliksik upang makapagtipon ng mas maraming teorya ng kaparaanan sa pagbuo ng mga salita o word formation theory at ang tungkulin ng mga salitang balbal o functions of slang. 5. Talasanggunian Barhate, B., & Dirani, K. M. (2022). Career aspirations of generation Z: a systematic literature review. European Journal of Training and Development, 46(1–2), 139–157. https://doi.org/10.1108/EJTD-07-2020-0124 Cabantac-Lumabi, B. M. (2020). The Lexical Trend of Backward Speech among Filipino Millenials on Facebook. International Journal of English and Comparative Literary Studies, 1(1), 44–54. https://doi.org/10.47631/ijecls.v1i1.148 Dayag, A., & Del Rosario, M. G. (2017). Pinagyamang pluma komunikasyon at pananaliksik sa wika at kultura. Phoenix Publishing House, Inc. Department of Education. (2016). K to 12 Gabay Pangkurikulum. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/Filipino-CG.pdf Department of Education. (2022). DepEd Order No. 024, s. 2022 or Adoption of the Basic Education Development Plan 2030. https://www.deped.gov.ph/2022/05/30/may-30-2022-do-024-s-2022-adoption-of-the-basic-education-de velopment-plan-2030/ Estera, J. E., Mendoza, E., Ermitano, K., & Ladesma, M. J. (2023). Isang pagsusuri sa Filipino – Tadbalik ng mga mag-aaral St. Louise de Marillac College of Sorsogon. International Journal of Research Studies in Education, 12(2), 71–77. https://doi.org/10.5861/ijrse.2023.22 Gime, A., & Macascas, C. (2020). WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas. International Journal of Research Studies in Education, 9(3), 41–49. https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5823 Irma, R., Merina, Y., & Theresia, M. (2018). Slang Word Formation in Pitch Perfect Movie. Tell-Us Journal, 4(1), 1–11. https://doi.org/10.22202/tus.2018.v4i1.2496 Izmaylova, G. A., Zamaletdinova, G. R., & Zholshayeva, M. S. (2017). Linguistic and social features of slang. 72 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators) Ang mga morpolohikal na proseso ng mga salitang GenZ International Journal of Scientific Study, 5(6), 75–78. https://doi.org/10.17354/ijssSept/2017/016 Jeresano, E. M., & Carretero, M. D. (2022). Digital Culture and Social Media Slang of Gen Z. UIJRT | United International Journal for Research & Technology |, 03(04), 11–25. Lihawa, K., Mukaji, M., Malingkas, S. R., & Fatsah, H. (2021). Word formation process of Gen Z slang in Callahan’s Generation Z dictionary. Lingua Jurnal Pendidikan Bahasa, 17(1), 1–17. https://doi.org/10.34005/lingua.v17i1.1321 Mabilin, E., Tacbad, V., Borja, E., Calamian, M., Javarez, S., Del Rosario, L., Cruspero, D., Cruz, M. A., Arbes, M., Dizon, L., Ysmael, A. (2012). Transpormatibong komunikasyon sa akademikong Filipino. Mutya Publishing House Inc. Mccumber, V. (2010). -s : The latest slang suffix , for reals. Working Papers of the Linguistics Circle of the University of Victoria, 20, 124–130. Noval, A. T. (2020). Pag-usbong ng balbal na pananalita bilang modernong wika ng kabataan: Isang pagsusuri. International Journal of Research Studies in Education, 10(4), 1–12. https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5069 Nucasa, W., Gauuan, R., Balawan, A., Fabro, B., Ladera, A., Loñez, L., Macaltao, M.T., Carada, I., Martinez, M.C., Faeldan, A., Nadayao, L., Oligario, D. C. (2021). Introduksiyon sa pag-aaral ng wika (Pandalubhasaan) (R. Gauuan & M. A. Lopez (eds.)). Mindshapers Co., Inc. Nucasa, W., Gorumba, J., Camar, A., Macatabon, R., Arbasto, M.L., Ariaso, R., Badie, J., De Los Arcos, D.S., Eliaga, C., Mangindra, A., Masula, S., Reyes, A., Sescon, M.E., Truya, R. (2022). Introduksiyon sa pananaliksik sa wika at panitikan (M. E. Gauuan, R., Lopez (ed.)). Panjaitan, T. A. (2017). An Analysis of slang language in Zootopia movie. https://www.semanticscholar.org/paper/an-Analysis-of-slang-language-in-Zootopia-movie-Panjaitan/27 b10634673eb3cbfdd8a3f936866ff75e296a66 Pascual, G. R. (2016). Sward speak (gay lingo) in the Philippine context: A morphological analysis. International Journal of Advanced Research in Impact Factor: 6, 5(12), 32–36. www.garph.co.uk Pradianti, W. (2013). The use of slang words among junior high school students in everyday conversation: A case study in the ninth grade students of a junior high school in Bandung. In Passage (Vol. 1, Issue 1, pp. 87–98). http://www.digilib.petra.ac.id Salleh, M. S. M., Mahbob, N. N., & Baharudin, N. S. (2017). Overview of “Generation Z” Behavioural Characteristic and Its Effect towards Hostel Facility. International Journal of Real Estate Studies, 11(2), 59–67. https://builtsurvey.utm.my/intrest/wp-content/uploads/sites/243/2017/09/07-OVERVIEW-OF-“GENER ATION-Z”-BEHAVIOURAL-CHARACTERISTIC-AND-ITS-EFFECT-TOWARDS-HOSTEL-FACILI TY.pdf Taherdoost, H. (2018). Determining Sample Size; How to Calculate Survey Sample Size by Hamed Taherdoost :: SSRN. International Journal of Economics and Management Systems, 2(February 2017), 237–239. https://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=3224205 Temporosa, J. L. (2022). Morphological Analysis of Filipino Slang Words. Psychology and Education: A Multidisciplinary Journal, 5, 871–875. https://doi.org/10.5281/zenodo.7364278 Vargas, A. B., & Marbella, F. D. (2023). Bokabularyong Generation Alpha sa pakikipagtalastasang Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 12(8), 57–69. https://doi.org/10.5861/ijrse.2023.62 Zhou, Y., & Fan, Y. (2013). A sociolinguistic study of American slang. Theory and Practice in Language Studies, 3(12), 2209–2213. https://doi.org/10.4304/tpls.3.12.2209-2213 International Journal of Research Studies in Education 73 Nobleta, V., & Eliaga, C. 74 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators)