Winx Club
Winx Club | |
---|---|
Website | |
Opisyal |
Ang Winx Club ay isang seryeng animasyon sa telebisyon na unang ginawa sa Italya noong 2004. Ito ay nilikha ni Iginio Straffi at magkasamang ginawa ng Rainbow S.r.L. at Nickelodeon.[1] Ang serye ang isa sa mga pinakaunang animasyon na naibenta sa Estados Unidos. Ayon kay Iginio Straffi, ang Winx Club ay isang pantasya-aksyon na serye na may halong katatawanan. Ang kuwento ay tungkol sa mahiwagang lugar na kung tawagin ay Magix na may tatlong espesyal na eskwelahan na tinuturuan ang mga modernong diwata (fairies), ambisyosong mangkukulam (witches), at mga malalakas na mandirigma, pati na rin ang mga salamangkero (wizard) mula sa iba't ibang panig ng Mahiwagang Dimensiyon (Magical Dimension).
Balangkas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Bloom at ang kanyang limang mga kaibigan, Stella, Flora, Musa, Tecna, at Aisha o Layla, ay nakatira sa Mahiwagang Dimensyon at sa Daigdig (Earth). Tinawag silang Winx Club. Sila'y nakipagsapalaran sa mga mahihiwaga at makapangyarihang misyon. Sa pagtagal ng istorya, nakatuklas sila ng mas malakas na mga kapangyarihan, nakadiskubre ng mga sikreto at pati pakikipaglaban sa mga masasamang kalaban at tumulong kay Bloom upang malaman niya ang tunay niyang pinagmulan at kanyang kapangyarihan.