Via Imperii
Ang Via Imperii (Daang Imperyal) ay isa sa pinakamahalaga sa klase ng mga kalsada na kilala bilang mga kalsadang imperyal (Aleman: Reichsstraßen) ng Banal na Imperyong Romano. Ang lumang ruta ng kalakalan na ito ay tumatakbo sa timog-hilagang direksyon mula sa Venecia sa Dagat Adriatico at Verona sa Kaharian ng Italya sa kabila ng Pasong Brennero sa pamamagitan ng Alemanya hanggang sa baybayong Baltiko na dumadaan sa mga sumusunod na lungsod:
- Innsbruck sa Kondado ng Tirol
- Augsburgo sa Prinsipado-Obispado ng Augsburgo
- ang Imperyal na lungsod ng Nuremberg
- Bayreuth, Berneck, Münchberg, at Hof sa Prinsipalidad ng Bayreuth
- Plauen, Mylau, at Reichenbach sa rehiyon ng Vogtland
- Zwickau, Altenburg, Regis, Borna, Markkleeberg, at Connewitz sa Margrabyato ng Meissen
- Leipzig – sagandaan sa silangan–kanluran Via Regia
- Wittenberg sa Sahonya-Wittenberg
- Cölln/Berlin, kabesera ng Brandeburgo
- Bernau bei Berlin
- Stettin sa Dukado of Pomerania
Ang mga lungsod sa ruta ay nagtataglay ng pribilehiyo ng karapatan sa emporyo, ang mga mangangalakal ay obligadong gamitin ang daang toll at siya namang nagtamasa ng proteksiyon ng Imperya na awtoridad sa ilalim ng mga tuntunin ng Landfrieden .
Ang mga bahagi ng makasaysayang ruta ay minarkahan ngayon ng Italyanong Strada Statale No. 12, ang Austriakong Landesstraßen B 182 at B 177 at ang Aleman na Bundesstraße 2.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Christoph Kühn: Die Via Imperii als Pilgerstraße. sa: Unterwegs im Zeichen der Muschel. Rundbrief der Fränkischen St. Jakobus-Gesellschaft Würzburg, Nr. 52, Enero 2005, p. 13-14