Pumunta sa nilalaman

Usapan:New Zealand

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pangalan ng bansa

[baguhin ang wikitext]

Napapansin kong paiba-iba ng pangalan ang artikulong ito; nagiging "Bagong Selanda", "Nueva Zelanda", at "New Zealand". Kung magiging purista ako, ipagpipilitan ko ang pangalang "Bagong Selanda", subalit naniniwala akong higit na mabuting gamitin ang pangalang Ingles nito na New Zealand upang higit na madaling hanapin ito sa Tagalog Wikipedia. Maaaring sa mga diksiyunaryo at magasing Tagalog, ginagamit ang Bagong Selanda o Nueva Zelanda (na hango sa wikang Kastila), subalit higit na mainam gamitin ang orihinal na katawagang Ingles nito, dahil kahit sa loob ng mga paaralan at sa mga klase sa kasaysayan ay ginagamit ang "New Zealand" nang mas madalas. Geoffbits (makipag-usap) 15:10, 23 Nobyembre 2014 (UTC)[sumagot]

@Jojit fb Paumanhin sa pag-tag pero maari mo ba itong iedit, dahil wala namang "Nova Zeelandia" sa wikang Olandes, kung hindi Nieuw-Zeeland (https://nl.wikipedia.org/wiki/Nieuw-Zeeland). Ang pahina dapat may maging Nuweba Selandiya o Nuweba Selanda dahil iyon ang salin mula sa Kastila na hiniram din sa Tagalog at ginagamit sa mga aklat sa Google Books. Mas nauna nang may "Nuweba Selandiya" kaysa "New Zealand". Salamat. 𝄽 ysrael214 (kausapin) 18:54, 10 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]
@ysrael214 Ang pangalang Olandes na "Nova Zeelandia" ay nagmula sa etimolohiya nito. Batay sa katapat na artikulo nito sa Wikipediang Ingles ang salita ay nagmula sa Latin hindi sa Olandes:
"Hendrik Brouwer proved that the South American land was a small island in 1643, and Dutch cartographers subsequently renamed Tasman's discovery Nova Zeelandia from Latin, after the Dutch province of Zeeland."
Dun naman po sa pangalan ng artikulo, mas mainam na gamitan ang pangalang Ingles sa kadahilanang maraming baryant sa Tagalog ang pagkakasalin ng pangalan. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi naka-Tagalog ang titulo ng United Kingdom. Update: Ginawa ko na pong Latin ang pinagmulan ng "Nova Zeelandia" sa artikulo batay sa impormasyon na ibinagay ng Wikipedyang Ingles. Nilagyan ko na rin po ng mga angkop na sanggunian. AsianStuff03 (kausapin) 10:43, 11 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]
@AsianStuff03 Salamat, sige galing palang Latin ang "Bagong Silandiya" na bahagi pero bakit natin isinalin mula diretsahang Latin at hindi sa Kastilang "Nueva Zelandia"? Oo, naging bahagi ang salitang Latin sa etimolohiya nito pero parang ang layo na ng Latin sa gamit ngayon para isa-Tagalog. Para na rin na sinabi na ang "Aleman" o "Germanya" (Germanya ang Latin na basehan ng pangalang Germany). Pangalawa, kung sa Latin man o Olandes man ang pagbabatayan ng bigkas, ang "ee" ng Latin o Olandes ay hindi nagiging /i/ ng Ingles ngunit nananatiling /e/ pero mahaba. Walang dahilan parang maging "Silandiya" maliban na lang kung hinalaw sa isang salitang siyokoy mula sa Zealand na hinaluan ng -ia. 𝄽 ysrael214 (kausapin) 12:57, 11 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]
@ysrael214. Ngayon ko lang po napansin ang terminong "Bagong Silandiya" ay idinagdag ng di kilalang user na may IP address 170.251.49.111 ng walang sanggunian noong Setyembre 2019. Kung mapapansin nyo po sa edit history bago ang taong 2019, ang tinutukoy na nagmula sa salitang Olandes ay ang salitang Ingles na "New Zealand". Dahil naiprisinta nyo na po sa akin ang inyong punto na ang Tagalog ay "Nuweba Selandiya", maaaring mapalitan ang Tagalog na tinutukoy sa artkulo na ito kung may mga sanggunian (mas maganda kung may link sila) na nagsasabi na ang Tagalog ay Nuweba Selandiya. Dahil nabanggit niyo po na ginagamit ito sa mga libro galing Google Books, mas mainam na i-send nyo po dito ang mga link. Mas maganda pong may sanggunian para hindi ito maalis o masubukang alisin ng mga susunod na editor. Salamat! :) AsianStuff03 (kausapin) 13:46, 11 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]
@Ysrael214:, walang problem sa pag-tag. Hindi mo ba mabago ang artikulo? Hindi naman siya nakaprotekta. At saka nabago na ni AsianStuff03, mukhang sapat na iyon. Kung kailangan ninyo pa ng tulong ko, sabihin ninyo lamang. Salamat. --Jojit (usapan) 14:10, 11 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]
@Jojit fb Kaya ko naman, kaso hindi ko pa alam ang mga alituntunin ninyo sa Tagalog Wikipedia pa tungkol sa mga pangngalang pantangi kaya pinili kong magtag na lang ng mga nakita ko sa kasaysayan ng pahina. English Wiktionary autopatroller kasi ako lamang sa ngayon at bahagi ang Bagong Silandiya sa aming vineverify ngayon.
@AsianStuff03 Ito, tatlo lamang ang gamit ng Nuweba Selandiya:
https://www.google.com/search?sca_esv=775099f247dfe703&sca_upv=1&sxsrf=ADLYWIJAqabtOFjkudEZEMNPhcHxIG0eHw:1720707611707&q=%22Nuweba+Selandiya%22&tbm=bks&source=lnms&fbs=AEQNm0COtQ6qE5snXClm_cWqGTLX_jMP5V4l2v9LemFtanifXVoSDc4z6nO25TAUUgCi_PqCbebMxH2l70BIpVN1tqaodcOS9SGoWNxm58Gjv4tqo7SB39bxwjSenqL2q23U4Pyge0y1DF1fXf6OJtoVzEXfMevezq12NBLz7OQqjcKMH9hPW8RpTTjrWbvTU3DRTnPHeFZcKdyqUOo1FyNdW0mdZvrRbg&sa=X&ved=2ahUKEwiNz9Svl5-HAxWBFFkFHatvDWoQ0pQJegQIOhAB&biw=1528&bih=742&dpr=1.25
Sa amin sa Wiktionary, sapat na ang tatlong libro na magkakahiwalay ang mga may-akda. Di ko alam kung susunurin din ito sa Tagalog Wikipedia na sapat na iyan. 𝄽 ysrael214 (kausapin) 14:26, 11 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]
@ysrael214 Salamat. Nabago ko na po ang salin sa Tagalog ng New Zealand. Ginamit ko pong sanggunian ang publikasyon ng Liwayway at ng libro ni Teodoro Agoncillo. AsianStuff03 (kausapin) 14:45, 11 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]