Unibersidad ng Barcelona
Ang Unibersidad ng Barcelona (Ingles: University of Barcelona, Catalan: Universitat de Barcelona, UB; IPA: [uniβərsiˈtat də βərsəˈɫonə]; Kastila: Universidad de Barcelona) ay isang pampublikong pamantasan na matatagpuan sa lungsod ng Barcelona, sa Catalonia, Espanya. May 75 undergraduate na programa, 353 gradwadong programa, at 96 programang doktoral sa higit sa 54,000 mag-aaral, ang UB ay itinuturing na ang pinakamahusay na unibersidad sa Espanya ayon sa sa QS World University Rankings ng 2018,[1] na kung saan may ranggo itong ika-156 sa buong mundo.
Ito ay isang miyembro ng Coimbra Group, LERU, European University Association, Mediterranean Universities Union, International Research Universities Network, at Vives Network. Itinatag noong 3 Nobyembre 1450, ito ang ikalimang pinakamatandang unibersidad sa Espanya at isa sa mga pinakamatanda sa mundo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "QS World University Rankings". Topuniversities. Nakuha noong 2017-08-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
41°23′12″N 2°09′50″E / 41.3867°N 2.1639°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.