Unang Pagitang Panahon ng Ehipto
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Pebrero 2014) |
Ang Unang Pagitang Panahon ng Ehipto na kadalasang inilalarawan bilang "panahong madilim" sa kasaysayan ng sinaunang Ehipto ay sumaklaw sa tinatayang isang daang taon mula ca. 2181–2055 BCE pagkatapos ng pagwawakas ng Lumang Kaharian ng Ehipto. Ito ay kinabibilangan ng ikapito, ikawalo, ikasiyam, ikasampu at bahagi ng ikalabingisang mga dinastiya ng Ehipto. Ang Unang Pagitang Panahon ay isang nagbabagong panahon sa kasaysayan kung saan ang pamumuno ng Ehipto ay nahahati ng dalawang mga magkakalaban na base ng kapangyriahn. Ang isa sa mga baseng ito ay nakatira sa Heracleopolis sa Mababang Ehipto na isang siyudad sa katimugan ng rehiyong Faiyum. Ang isa pa ay nakatira sa Thebes sa Itaas na Ehipto. Pinaniniwalaang sa panahong ito, ang mga templo ay nilabag at ninakawan, ang sining nito ay sinira at ang mga estatwa ng mga hari ay winasak bilang resulta ng sinasabing kaguluhang pampolitika na ito. Ang mga dalawang kahariang ito ay kalaunang nag-alitan na ang mga hari ng Thebes ay sumakop sa hilaga na nagresulta sa muling pagkakais ang Ehipto sa ilalim ng isang pinuno sa ikalawang bahagi ng ikalabingisang dinastiya.