Pumunta sa nilalaman

Tulong:Paghahanap

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Naglalaman ang Wikipedia ng maraming mga artikulo hinggil sa iba't ibang mga paksa, subalit hindi palaging madaling hanapin ang tamang artikulo. Ilan lamang sa mga paraan sa paghahanap ng mga artikulo ang mga sumusunod:

  • Gamitin ang kahong panghanap o ang searchbox (yung kahong nasa itaas na nasa gitna o yung nasa kanan sa itaas ng pahinang ito);
  • Gumamit ng panlabas na mga makinang panghanap o search engine;
  • Pagba-browse (pagtingin-tingin) o pagpili ng mga kategorya;
  • Kung minsan, maaaring maghanap ng mga salita o pariralang nasa loob ng mga artikulo sa pamamagitan ng pagmamakinilya ng salita na dinagdagan ng kuwit sa hulihan. Halimbawang salita: hanap + "," = "hanap,";
  • Ang paghahanap ay hindi dapat na nasa anyong patanong, bagkus dapat na makinilyahin lamang ang salita, parirala, pangalan o pamagat na hinahanap.
  • Kung hindi mahanap ang artikulo o paksa, maaari mo itong hilingin mula sa humiling ng artikulo rito, bagaman mas mamarapatin namin na sana ay ikaw na mismo ang magsulat ng artikulong wala pa sa Wikipediang ito (basahin ang mga gabay hinggil sa pagsisimula ng artikulo rito.