Toki Pona
Ang Toki Pona[1] ay isang wikang guni-guning inimbento noong 2001 ng isang Kanadyanang si Sonja Lang na dating si Sonja Elen Kisa ng Toronto, Canada. Ang Toki Pona ay isang minimalistang wika na may mga 120-137 na simpleng salita. Ang wikang ito ay inspirado sa Taoismo at Pasipiko. Ang Toki Pona ay may 14 patinig at katinig at karaniwang sinusulat sa pamamagitan ng mga 14 na letra sa alpabetong Latino. Maari rin itong sulatan sa pamamagitan ng sitelen pona, sitelen sitelen, at iba pang mga sistemang panulat sa buong mundo. Ang karaniwang layunin ng Toki Pona ay para matutukan ng mga tao ang mga pinakasimpleng bagay at mga positibong aspeto ng buhay. Ang mga mas komplikadong ideya ay kayang maipapahiwatig sa pamamagitan ng pagpapatabi ng mga sinpleng salita.
Nilimbag ni Sonja Lang ang opisyal na libro tungkol sa Toki Pona, Toki Pona: The Language of Good, noong 2014. Sumunod ang malaking diksiyonaryo ni Sonja Lang, Toki Pona Dictionary, noong Hulyo ng 2021, at ang The Wonderful Wizard of Oz (Toki Pona edition), ang pagsasalin sa aklat na may parehong pamagat, noong 2024.
ISO 639-3 | tok |
---|
Halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]wan taso (2003)[2] | Alone (Ingles ng "wan taso") | Salin ni Victor Emmanuel Medrano ng Canada—Mag-isá |
---|---|---|
ijo li moku e mi. mi wile pakala. |
I am devoured. I must destroy. |
Kinain akó. Dapat sirain ko. |
Larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Pahina para sa Toki Pona
- ↑ "Dark Teenage Poetry". tokipona.org. 23 Abril 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2003.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)