Ang talaan ng mga haring Sumeryo ay isang sinaunang manuskrito na orihinal na isinulat sa wikang Sumeryo. Ito ay nagtatala ng mga hari ng Sumerya mula sa mga dinastiyang Sumeryo at mga kapitbahay na dinastiya, ang tagal ng kanilang paghahari at mga lokasyon ng opisyal na paghahari. Ang kanilang paghahari ay pinaniwalaang ipinasa ng mga Diyos at maaaring ilipat mula isang siyudad sa isa pa na sumasalamin sa natatantong hegemoniya sa rehiyon.[1] Sa buong pag-iral nito noong panahong Tanso, ang dokumento ay nagebolb bilang isang kasangkapang pampolitika. Ang huli at isang pinatutunayang bersiyon nito na mula sa Gitnang Panahong Tanso ay nilayong gawing lehitimo ang mga pag-aangkin in Isin sa hegemoniya nang siya ay nakikipagtunggali sa pananaig sa Larsa at ibang mga kapitbahay na siyudad-estado sa katimugang Mesopotomia.[1][2]
Ang unang dalawang sanggunian na WB ay bahagi ng "kalipunang Weld-Blundell" na ibinigay ni Herbert Weld Blundell sa Ashmolean Museum. Ang WB 62 ay isang maliit na tabletang putik na sinulatan lamang sa obverso at nahukay mula sa Larsa. Ito ang pinakamatandang pinetsahang sanggunian ng talaan ng mga haring Sumerya na may petsang ca. 2000 BCE.[5] Salungat dito, ang WB 444 ay walang katulad na isinulat sa bertikal na prism[1][6][7][8] na pinetsahan sa c. 1817 BCE bagaman ayon sa ilang mga skolar ay may petsang c. 1827 BCE.[9] Ang Tabletang Kish o Scheil dynastic tablet ay isang maagang ika-2 milenyong BCE na tableta na naging pag-aari ni Jean-Vincent Scheil. Ito ay naglalaman lamang ng mga entrada ng talaan ng mga hari para sa mga apat na siyudad ng Sumerya.[10] Ang UCBC 9–1819 ay isang tabletang putik na nasa kalipunan ng Museum of Anthropology saUniversity of California.[11] Ang tabletang ito ay isinulat noong paghahari ng hari ng Babilonia na si Haring Samsu-iluna, o katamtamang mas maaga na may minimum na petsang 1712 BCE.[12] Ang Dynastic Chronicle (ABC 18) ay isang talaan ng haring Babiloniano na isinulat sa mga anim na column na nagsisimula sa mga entrada para sa mga pinunong Sumeryo na antedelubyano. Ang K 11261+[13] is one of the copies of this chronicle, consisting of three joined Neo-Assyrian fragments discovered at the Library of Ashurbanipal.[14] K 12054 ay isa pang ng mga pragmentong Neo-Asiryo mul sa Uruk noong ca. 640 BCE. Noong 1960, ang Apkullu-list (Tablet No. W.20030, 7) o “Uruk List of Kings and Sages” (ULKS) ay natuklasan ng mga arkeologong Aleman sa isang sinaunang templo sa Uruk. Ang talaan na may petsang ca. 165 BCE ay naglalaman ng isang serye ng mga hari na katumbas ng mga antedelubyanong Sumeryo na tinatawag na "Apkullu".[15]
Ang mga sumusunod na paghahari ay sinusukat sa mga unit numerikal na Sumerya na sar (mga unit ng 3600), ner (mga unit ng 600) at mga soss (mga unit ng 60).[16]
Pinuno
Epithet
Tagal ng paghahari
Tinatayang mga petsa
Mga komento
"Pagkatapos na ang paghahari ay bumaba mula sa langit, ang paghahari ay nasa Eridu. Sa Eridug, si Alulim ay naging hari at naghari sa loob ng 28800 mga taon."
Ang mga paghuhukay sa Iraq ay naghayag ng ebidensiya ng isang lokalisadong pagbaha sa Shuruppak (modernong Tell Fara, Iraq) at iba pang mga siyudad ng Sumerya. Ang isang patong ng mga sedimentong pang-ilog na pinetsahan ng radyokarbon sa ca. 2900 BCE ay gumambala sa pagtuloy ng pagtira na lumawig hanggang sa hilaga ng siyudad ng Kish. Ang mga palayok na polikroma mula sa panahong Jemdet Nasr (3000 BCE hanggang 2900 BCE) ay natuklasan sa agarang ilalim ng stratum ng baha sa Shuruppak[17] Ayon sa resensiyong WB-62 ng talaan ng mga haring Sumeryo', si Ziusudra ng Shuruppak ang huling hari ng Sumerya bago ang baha.
"Pagkatapos, ang Kish ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Hamazi."
Ang Unang Dinastiya ng Lagash (ca. 2500 BCE – ca. 2271 BCE) ay hindi binanggit sa Talaan ng Haring Sumeryo ngunit mahusay na alam mula sa mga inskripsiyon
sinasabing tumalo kay Urukagina ng Lagash gayundin sa Kish at iba pang mga siyudad ng Sumerya na lumikha ng isang nagkakaisang kaharian. Siya ay pinatalsik naman sa kapangyarihan ni Sargon ng Akkad
"Pagkatapos, ang Unug ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Agade (Akkad)"
"Ang Unug ay natalo at ang paghahari ay dinala sa hukbo ng Gutium."
Ang Ikalawang Dinastiya ng Lagash (bago ca. 2093–2046 BCE (maikling kronolohiya)) ay hindi binanggit sa talaan ng haring Sumeryo ngunit mahusay na alam mula sa mga inskripsiyon.
"Pagkatapos, ang Urim ay natalo. Ang pinakapundasyo ng Sumerya ay inalis. Ang paghahari ay dinala sa Isin."
Mga malayang estadong Amoreo sa mababang Mesopotamia.
Ang Dinastiya ng Larsa (ca. 1961–1674 BCE (maikling kronolohiya)) mula sa panahong ito ay hindi binanggit sa talaan ng haring Sumeryo.
kontemporaryo ni Sumu-la-El ng Babylon. Sa kanyang paghahari, ang hardinero ng hari upang ipagdiwang ang Bagong Taon ay pinangalanang "hari para sa isang araw" at pagkatapos ay inihandog, ang "hari" ay namatay noong pagdiriwang; Enlili-Bani ay nanatili sa trono.
↑[1]Naka-arkibo 2010-11-07 sa Wayback Machine. Stephen Langdon,
Historical inscriptions, containing principally the chronological prism, W-B 444, Oxford University Press, 1923
↑Ancient Iraq: (Assyria and Babylonia), Peter Roger Stuart Moorey, Ashmolean Museum, 1976; The Sumerian King List, T. Jacobsen, University of Chicago Press, 1939, p. 77.
↑"The Early Chronology of Sumer and Egypt and the Similarities in Their Culture", S. Langdon, The Journal of Egyptian Archaeology, Vol. 7, No. 3/4, Oct., 1921, p. 133. [2]
↑"The Antediluvian Kings: A University of California Tablet", J. J. Finkelstein, Journal of Cuneiform Studies, Vol. 17, No. 2, 1963, p. 39.
↑Bilingual Chronicle Fragments, Irving L. Finkel, Journal of Cuneiform Studies, Vol. 32, No. 2, Apr., 1980, pp. 65-80.
↑A copy of the tablet appears in Jan van Dijk and Werner R. Mayer, Texte aus dem Rès-Heiligtum
in Uruk-Warka, Bagdader Mitteilungen Beiheft 2 (Berlin: Gebr. Mann Verlag, 1980), text no. 89 (= BaMB 2 89). For an edition of the text, see J. van Dijk, Die Inschriftenfunde, Vorläufiger Bericht über die... Ausgrabungen in Uruk-Warka 18 (1962), 44–52 and plate 27. [3]Naka-arkibo 2010-07-09 sa Wayback Machine.
↑[4] Christine Proust, Numerical and Metrological Graphemes: From Cuneiform to Transliteration, Cuneiform Digital Library Journal, 2009, ISSN 1540-8779
↑Harriet Crawford, Sumer and the Sumerians, Cambridge University Press, 2004, ISBN 978-0-521-53338-6