Pumunta sa nilalaman

Sosyolohiyang rural

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang sosyolohiyang rural (Ingles: rural sociology), tinatawag ding sosyolohiyang pambukid, sosyolohiyang pangkabukiran, sosyolohiyang pamparang, sosyolohiyang pangkaparangan, o sosyolohiyang panglalawigan ay isang larangan sa sosyolohiya na may kaugnayan sa pag-aaral ng buhay na panlipunan na nasa mga pook na hindi metropolitano. Ito ang makaagham na pag-aaral ng kaayusang panlipunan at mga pag-uugali ng mga tao na malayo sa punto ng malaking populasyon o gawain pang-ekonomiya. Katulad ng anumang disiplinang pangsosyolohiya, ang sosyolohiyang rural ay kinasasangkutan ng eksaminasyon ng datong pang-estadistika, mga panayam, teoriyang panlipunan, obserbasyon, pananaliksik na pasurbey, at marami pang ibang mga teknika.

Nakatuon ang sosyolohiyang rural sa anumang aspeto ng sosyolohiya, subalit nagsasagawa ng mga gawain na nasa kontekstong rural. Bilang kabaligtaran ng sosyolohiyang rural, ang sosyolohiyang urbano ay ang pag-aaral ng buhay na panlipunan sa mga lugar na urbano.

Isa sa mga pinagtutuonan ng sosyolohiyang rural ay ang sosyolohiya ng pagkain at agrikultura, at ang karamihan ng larangan ay nakalaan para sa ekonomiks ng produksiyon ng pagbubukid. Kabilang sa iba pang mga pook ng pag-aaral ang migrasyong rural at iba pang mga gawi na pangdemograpiya, sosyolohiyang pangkapaligiran, kaunlaran ng amenidad (pagkakaroon ng "bayang liwaliwan"), mga patakaran sa lupaing pampubliko, pagpapaunlad ng mga tinatawag na "boomtown" (bayan na may pagbunsod o paglakas ng negosyo), disrupsiyong panlipunan, ang sosyolohiya ng likas na yaman (kabilang na ang mga kagubatan, pagmimina, pangingisda at iba pang mga pook), mga kultura at pagkakakilanlang rural, pangangalaga ng kalusugang rural at mga patakarang pang-edukasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Sosyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.