Pumunta sa nilalaman

Rigveda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rigveda

Ang Rigveda (Sanskrit: ऋग्वेद ṛgveda, na isang compound ng ṛc "papuri, talata"[1] at veda "kaalaman") ay isang sinaunang Indianong sagradong kalipunan ng mga himnong Vedikong Sanskrit. [2] Ito ay binibilang sa apat na mga kanonikal na sagradong teksto (śruti) ng Hinduismo na kilala bilang ang Mga Veda.[3] Ang ilan sa mga talata nito ay binibigkas pa rin sa mga panalanging Hindu, sa mga gampaning relihiyoso at iba pang mga okasyon na naglalagay sa mga ito na pinakamatandang mga kasulatang relihiyoso na patuloy na ginagamit. Ang Rigveda ay naglalaman ng ilang mga mitolohikal at matulang mga salaysay ng pinagmulan ng daigdig, mga himnong pumupuri sa mga diyos at mga sinaunang panalangin para sa buhay, kasaganaan, etc.[4] Ito ay isa sa pinakamatandang umiiral na mga teksto ng wikang Indo-Europeo. Ang ebidensiyang pilolohikal at linguistiko ay nagpapakita na ang Rigveda ay nilikha sa hilagang-kanlurang rehiyon ng subkontinenteng Indiyano na tinatayang sa pagitan ng 1700 BCE at 1100 BCE na simulang panahong Vediko.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. derived from the root ṛc "to praise", cf. Dhātupātha 28.19. Monier-Williams translates "a Veda of Praise or Hymn-Veda"
  2. "Rig Veda".
  3. There is some confusion with the term "Veda", which is traditionally applied to the texts associated with the samhita proper, such as Brahmanas or Upanishads. In English usage, the term Rigveda is usually used to refer to the Rigveda samhita alone, and texts like the Aitareya-Brahmana are not considered "part of the Rigveda" but rather "associated with the Rigveda" in the tradition of a certain shakha.
  4. Werner, Karel (1994). A Popular Dictionary of Hinduism. Curzon Press. ISBN 0-7007-1049-3.
  5. Oberlies (1998:155) gives an estimate of 1100 BC for the youngest hymns in book 10. Estimates for a terminus post quem of the earliest hymns are more uncertain. Oberlies (p. 158) based on 'cumulative evidence' sets wide range of 1700–1100