Pampanga
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
- Para sa ilog, tingnan ang Ilog Pampanga.
Pampanga | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Pampanga | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Pampanga | |||
Mga koordinado: 15°4'N, 120°40'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Gitnang Luzon | ||
Kabisera | San Fernando | ||
Pagkakatatag | 1571 (Huliyano) | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Dennis Pineda | ||
• Manghalalal | 1,580,473 na botante (2022) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2,002.20 km2 (773.05 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 2,437,709 | ||
• Kapal | 1,200/km2 (3,200/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 573,920 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 2.90% (2021)[2] | ||
• Kita | ₱3,877,190,307.201,732,843,736.291,899,378,018.822,238,153,137.632,480,469,624.422,690,926,023.882,991,627,797.323,259,191,241.633,409,983,099.994,202,004,940.825,469,152,994.36 (2020) | ||
• Aset | ₱12,674,123,243.524,040,900,285.924,151,340,671.174,943,669,632.455,593,536,592.236,233,746,975.189,530,313,508.1510,296,466,262.2510,942,878,910.0714,509,458,585.2519,126,721,401.71 (2020) | ||
• Pananagutan | ₱2,400,378,532.111,113,211,182.17874,582,006.271,059,767,298.721,356,726,241.051,537,503,053.041,980,022,915.392,374,042,049.902,204,029,728.342,863,056,781.043,129,327,626.38 (2020) | ||
• Paggasta | ₱2,127,059,152.601,182,813,485.031,594,021,475.011,683,731,776.102,135,133,033.302,184,491,476.112,438,631,647.882,843,468,316.592,298,131,978.182,699,144,512.833,646,113,459.73 (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 1 | ||
• Lungsod | 1 | ||
• Bayan | 20 | ||
• Barangay | 537 | ||
• Mga distrito | 4 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 2000–2024 | ||
PSGC | 035400000 | ||
Kodigong pantawag | 45 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-PAM | ||
Klima | tropikal na monsoon na klima | ||
Mga wika | wikang Kapampangan | ||
Websayt | http://www.pampanga.gov.ph/ |
Ang Pampanga ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng San Fernando ang kabisera nito. Naghahanggan ang lalawigan ng Pampanga sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales sa kanluran, Tarlac at Nueva Ecija sa hilaga, at sa Bulacan sa timog silangan. Matatagpuan din ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pampanga sa hilagang baybayin ng Look ng Maynila.
"La Pampanga" ang ipinangalan ng mga Kastila sa mga katutubong kanilang natuklasang naninirahan sa dalampasigan. Nagsilbi rin itong kabisera ng kapuluan nang dalawang taon mula 1762–1764 nang sinakop ng mga Ingles ang Maynila. Ang salitang pampang, kung saan nagmula ang pangalan ng lalawigan, ay nangangahulugang "dalampasigan". Ang pagtatatag nito noong 1571 ang naging dahilan upang maging kauna-unahang lalawigang Kastila sa Pilipinas.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang Pampanga sa 19 mga munisipalidad at 2 lungsod. Bagamat kasali ang Lungsod ng Angeles sa probinsya ng Pampanga, hindi siya kabilang sa pamahalaang panlalawigan nito.
Mataas na urbanisadong lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pisikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lupain
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kabuuang 2,180.68 kilometro kwadradong sakop na lupa ang lalawigan. Pangkahalatang patag ang buong lalawigan na may natatanging bundok, ang Bundok Arayat, at ang tanyag na Ilog Pampanga. Sa mga bayan nito, ang bayan ng Porac ang may pinakamalaking sakop na lupa na may 343.12 km kwadrado; Pangalawa ang Candaba at ikatlo ang bayan ng Lubao. Mabibilang na ngayon ang candaba bilang isang tanyag na bayan ng pampanga dahil marami na ang nakakakilala dito sa ngayon
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]May dalawang natatanging klima ang lalawigan ng Pampanga, tag-ulan at tag-araw. Kadalasang tag-ulan pagsimula ng Mayo hanggang Oktubre, samantalang tag-araw sa mga nalalabing buwan. Ang pinakamainit na panahon ay tuwing Marso at Abril, samantalang pinakamalamig naman mula Disyembre hanggang Pebrero.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagsasaka at pangingisda ang dalawang pangunahing industriya sa lalawigan. Bigas, mais, tubo, at tilapya ang mga pangunahing produkto ng lalawigan. Karagdagan sa pagsasaka at pangingisda, ang lalawigan ay mayroon din lumalaking industriya sa paglililok, paggawa ng mga kasangkapan, gitara at iba pang bagay na yari sa kamay. Tuwing panahon ng kapaskuhan, ang lalawigan ng Pampanga ay nagiging sentro ng pagawaan ng "parol".
Tanyag ang lalawigan sa pagluluto. Kilala ang mga Kapampangan sa kanilang husay sa paggawa ng mga bagong uri ng pagkain, mula sa pinakapayak na ulam hanggang sa kakaiba. Ang Pampanga's Best at Mekeni Food ay ilan lamang sa mga kompanyang Kapampangan na gumagawa ng mga tocino, tapa at longganisa.
- ↑
"Province: Pampanga". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)