Pumunta sa nilalaman

Miss World 1997

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1997
Diana Hayden
Petsa22 Nobyembre 1997
Presenters
  • Richard Steinmetz
  • Khanyi Dhlomo
  • Khanyi Dhlomo-Mkhize
PinagdausanPlantation Club Seychelles, Baie Lazare, Seykelas
BrodkasterInternasyonal:
Opisyal:
  • SBC
Lumahok86
Placements10
Bagong sali
  • Kabo Berde
  • Nepal
Hindi sumali
  • Bangglades
  • Bonaire
  • Curaçao
  • Grenada
  • Guam
  • Kenya
  • Masedonya
  • Niherya
  • Rumanya
  • Tahiti
Bumalik
  • Bahamas
  • Ehipto
  • Honduras
  • Kapuluang Kayman
  • Malta
  • Namibia
NanaloDiana Hayden
 Indiya
PersonalityTanya Suesuntisook
 Taylandiya
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanLauralee Martinovich
New Zealand Bagong Silandiya
PhotogenicDiana Hayden
 Indiya
← 1996
1998 →

Ang Miss World 1997, ang ika-47 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Plantation Club Seychelles sa Baie Lazare, Seykelas noong 22 Nobyembre 1997.[1]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Irene Skliva ng Gresya si Diana Hayden ng Indiya bilang Miss World 1997. Ito ang ikatlong beses na nanalo ang Indiya bilang Miss World.

Mga kandidata mula sa walumpu't-anim na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Richard Steinmetz at Khanyi Dhlomo ang kompetisyon.

Baie Lazare, Mahé, ang lokasyon ng Miss World 1997

Lokasyon at petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 24 Marso 1997, opisyal na inimbitahan ni Eric Morley ang kapuluan ng Seykelas upang pagdausan ng Miss World 1997, at sa susunod na tatlong taon. Ito ay matapos na maging parte ng kompetisyon noong 1996 ang kapuluan ng Seykelas.

Nakipagsundo ang IDEAS, isang dibisyon ng Ministry of Finance and Communications ng Seykelas sa kontrata upang idaos ang Miss World. Pinagsama-sama ng IDEAS ang isang grupo ng mga mamumuhunan, kabilang ang isang pangunahing bangko sa pamumuhunan sa Estados Unidos na dalubhasa sa pagpopondo sa industriya ng libangan, upang bigyan ng subsidyo ang lahat ng gastos para sa paligsahan. Sinabi ni Kumar De, direktor ng IDEAS, na inaalok ng pamahalaan ng Seykelas ang bansa bilang pagdarausan ng kaganapan, ngunit hindi ito gagastos ng pampublikong pera para dito.

Noong 2 Oktubre, sa isang maikling tatlong araw na paglalakbay papuntang Seykelas, inaprubahan na ni Eric Morley ang mga paghahanda para sa kaganapan na magaganap sa Plantation Club Hotel & Casino sa Valmer Beach, Baie Lazare. Dumating ang mga kandidata sa bansa noong 2 Nobyembre, at ang pinal na komeptisyon ay ginanap noong 22 Nobyembre.

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-anim na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Dapat sanang lalahok si Miss Canada International 1997 Emily Ryan sa edisyong ito, ngunit pinili nitong hindi sumali sa Miss World. Dahil dito, pinalitan siya ng kanyang first runner-up na si Keri-Lynn Power. Kalaunan ay tinanggalan ng titulo bilang Miss Canada International si Ryan noong Enero 1998 dahil sa hindi paggawa nito ng kanyang mga obligasyon. Dapat sanang lalahok si Miss South Africa 1997 Kerishnie Naicker sa edisyong ito, ngunit napagdesisyunan ng Miss South Africa organization na ipadala na lamang si Naicker sa Miss Universe matapos nila makuha ang prangkisa nito, at ipadala na lamang ang kanilang first runner-up na si Jessica Motaung sa Miss World.

Mga unang pagsali, pagbalik at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Kabo Berde at Nepal. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Ehipto na huling sumali noong 1990; Honduras, Malta, at Namibya na huling sumali noong 1993; at Bahamas at Kapuluang Kayman na huling sumali noong 1995.

Hindi sumali si Jeameane Colastica ng Curaçao dahil sa kakulangan sa oras para sa preparasyon. Lumahok si Colastica sa sumunod na edisyon. Hindi sumali si Harpa Lind Hardardottir ng Lupangyelo dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali si Adrijana Acevska ng Masedonya dahil sa personal na dahilan. Hindi sumali si Adanma Evoh ng Niherya dahil sa dahilang pampolitikal. Hindi sumali si Hinano Teanotoga ng Tahiti matapos mapagdesisyunan na lalahok na lamang siya sa Miss France. Hindi sumali ang mga bansang Bangglades, Bonaire, Grenada, Guam, Kenya, at Rumanya matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1997 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1997
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kontinente Kandidata
Aprika
Asya at Oseaniya
Europa
Kaamerikahan
Karibe

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Total Look in Beach Wear
Miss Personality
Best Spectacular Costume

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang pagbabago ang ipinatupad sa edisyong ito, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng mga paunang aktibidad at mga personal interview. Lumahok lamang sa evening gown competition ang sampung mga semi-finalist, at tinanggal ang beach wear competition. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista base sa kanilang evening gown at maikling talumpati. Hindi sumabak ang limang pinalista na sumabak sa final interview at kalaunan ay inanunsyo ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Gian-Paolo Barbieri – Italyanong fashion photographer para sa Dior, Ferré, at Yves Saint Laurent
  • Yves de Bohan – International Marketing President ng Champagne Laurent-Perrier
  • Lou Gossett Jr. – Amerikanong aktor
  • James Mancham – Dating Pangulo ng Seykelas
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Kimberley Santos – Miss World 1980 mula sa Guam
  • Ketan Somaia – CEO ng The Dolphin Group
  • Leigh Toselli – Editor ng Elle Magazine mula sa Timog Aprika
  • Amanda Wakeley – Taga-disenyong Ingles

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walumpu't-anim na kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Katja Glawe[3] 19 Berlin
Arhentina Arhentina Natalia Pombo 22 Buenos Aires
Aruba Aruba Michella Laclé 20 Oranjestad
Australya Laura Csortan[4] 21 Brisbane
Austria Austrya Susanne Nagele 17 Vienna
New Zealand Bagong Silandiya Lauralee Martinovich 18 Christchurch
Bahamas Bahamas Alveta Adderley 23 Nassau
Belhika Belhika Sandrine Corman 17 Verviers
Venezuela Beneswela Christina Dieckmann 20 Caracas
Bosnia at Herzegovina Bosnya at Hersegobina Elma Terzić 17 Sarajevo
Botswana Botswana Mpule Kwelagobe 18 Gaborone
Brazil Brasil Fernanda Rambo Agnes 18 Santa Cruz do Sul
Bulgaria Bulgarya Simona Nikolaeva Velitchkova 17 Sofia
Bolivia Bulibya Mitzy Suárez 21 Santa Cruz de la Sierra
Egypt Ehipto Amel Shawky 20 Cairo
Ecuador Ekwador Clío Olaya 19 Esmeraldas
Slovakia Eslobakya Marietta Senkacová 21 Bratislava
Slovenia Eslobenya Maja Šimec 18 Crnomelj
Espanya Espanya Nuria Avellaneda 19 Majorca
Estados Unidos Estados Unidos Sallie Toussaint 23 Lungsod ng New York
Estonia Estonya Mairit Roonsar 19 Tallinn
Ghana Gana Benita Sena Golomeke 21 Accra
Greece Gresya Eugenia Limantzaki 20 Crete
Guatemala Guwatemala Lourdes Mabel Valencia 20 Lungsod ng Guatemala
Jamaica Hamayka Michelle Moodie 24 Kingston
Hapon Hapon Shinobu Saraie 23 Osaka
Gibraltar Hibraltar Rosanna Ressa 18 Hibraltar
Honduras Hansel Cristina Cáceres 17 San Pedro Sula
Hong Kong Hong Kong Vivian Lee 21 Hong Kong
India Indiya Diana Hayden 24 Hyderabad
Irlanda (bansa) Irlanda Andrea Roche 21 Clonmel
Israel Israel Mirit Greenberg 19 Berseba
Italya Italya Irene Lippi 18 Lucca
Cape Verde Kabo Berde Carmelinda Gonçalves 22 Praia
Canada Kanada Keri-Lynn Power 23 St. John's
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Zoe Jennifer Walcott 21 Tortola
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Taisha Regina Gomes 17 Saint Thomas
Cayman Islands Kapuluang Kayman Cassandra Powell 23 George Town
Colombia Kolombya Gladys Buitrago 23 Caldas
Costa Rica Kosta Rika Rebeca Escalante 21 San José
Croatia Kroasya Martina Novosel 18 Zagreb
Latvia Letonya Liga Graudumniece 18 Riga
Lebanon Libano Joëlle Behlock 18 Beirut
Lithuania Litwanya Asta Vyšniauskaitė 20 Kaunas
Makaw Agnes Lo 23 Makaw
Malaysia Malaysia Arianna Teoh 24 Penang
Malta Malta Sarah Vella 23 Valletta
Mexico Mehiko Blanca Soto 18 Morelos
Namibia Namibya Sheya Shipanga 22 Windhoek
 Nepal Jharana Bajracharya 16 Kathmandu
Norway Noruwega Charlotte Høiåsen 18 Oslo
Netherlands Olanda Sonja Aldina Silva 20 Rotterdam
Panama Panama Patricia Bremner 21 Lungsod ng Panama
Paraguay Paragway Mariela Quiñónez 19 Asuncion
Peru Peru Claudia María Luque 21 Amazonas
Pilipinas Pilipinas Kristine Rachel Florendo 21 Maynila
Finland Pinlandiya Minna Lehtinen 19 Pori
Poland Polonya Roksana Jonek 19 Mikołów
Puerto Rico Porto Riko Aurea Marrero 22 Dorado
Portugal Portugal Icilia Berenguel 21 Lisboa
Pransiya Pransiya Laure Belleville 21 Lathuile
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Carolina Estrella Peña 21 Puerto Plata
Republikang Tseko Republikang Tseko Terezie Dobrovolná 22 Brno
United Kingdom Reyno Unido Vicki-Lee Walberg 22 Blackpool
Rusya Rusya Liudmila Popova 17 Yekaterinburg
Zambia Sambia Tukuza Tembo 21 Lusaka
Seychelles Seykelas Michelle Lane 23 Victoria
Zimbabwe Simbabwe Una Patel 20 Harare
Singapore Singapura Jasmine Wong 21 Singapura
Eswatini Suwasilandiya Xoliswa Mkhonta Mbabane
Suwesya Suwesya Sofia Joelsson 24 Skövde
Switzerland Suwisa Tanja Gutmann 20 Zürich
Tanzania Tansaniya Saida Joy Kessys Sashays 22 Dar es Salaam
Thailand Taylandiya Tanya Suesuntisook 24 Bangkok
Taiwan Taywan Fang Su-Ling 21 Taipei
South Africa Timog Aprika Jessica Motaung 24 Gauteng
Timog Korea Timog Korea Kim Jin-ah 21 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Mandy Jagdeo 21 Port of Spain
Chile Tsile Paulina Mladinic 17 Viña del Mar
Cyprus Tsipre Galatia Charalambidou 18 Nicosia
Turkey Turkiya Çağla Şıkel 18 Istanbul
 Uganda Lillian Acom 22 Kampala
Ukraine Ukranya Kseniya Kuz'menko 18 Kharkiv
Hungary Unggarya Beáta Petes 20 Budapest
Uruguay Urugway Ana González 20 Montevideo
 Yugoslavia Tamara Šaponjić 18 Pancevo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Miss World hopefuls arrive in Seychelles". Daily News (sa wikang Ingles). 3 Nobyembre 1997. p. 2. Nakuha noong 28 Hunyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss India, quoting Irish poet, wins Miss World contest". New Straits Times (sa wikang Ingles). p. 12. Nakuha noong 26 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "19 years old Katja Glawe from Berlin is elected "Miss World Germany" at the beauty contest in Berlin, Oct. 26, 1997". Alamy Limited (sa wikang Ingles). 27 Oktubre 1997. Nakuha noong 28 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Croffey, Amy (23 Abril 2015). "Laura Csortan in unrecognisable throwback snap". Mail Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]